CHAPTER ELEVEN

1557 Words
Isang simpleng selebrasyon at konting salo-salo na tanging mga malalapit na kaibigan at kapitbahay ang naroroon sa bahay ng mga ito ng pumasok sila. Kilala na niya ang iba sa mga iyon, taga doon lang din sa looban. Nasa munting sala ang mga ito and they are busy talking, pero tumigil ang mga ito ng makita sila. "Oh, nandito na pala sina Zeth at Drey." sabi nong isang matabang babae na nakaupo sa gilid. Kung tama ang pagkakatanda niya ay Lorna ang pangalan nito. "Magandang hapon po." Bati niya sa mga ito. "Magandang hapon rin iha. Naku mas lalo kang gumaganda ah." Naglapat siya ng labi saka kiming ngumiti. "Thank you po aling Lorna." "Ang suwerte mo sa girlfriend mo Zeth, maganda na, magalang pa. Bihira na sa mga kabataan ngayon ang may magandang asal." baling nito kay Zeth na noo'y nasa gilid niya. Zeth smile gently saka ibinaling sa kanya ang namumungay na mga mata. Ramdam niya rin ang bahagyang pagpisil nito sa kanyang kamay na ayaw na yata nitong bitawan. "At masuwerte ka rin kay Zeth," sabad ni aling Salve. Isa rin sa kaibigan ni nanay Cely. "Bukod sa guwapo at matalino, napaka-responsable pa. Bihira na ang ganyang lalake sa panahong ngayon." "Oo nga," sabad nung isa pa. "Naku kumareng Zeny.." Umangat ang tingin nito kay nanay Zeny na noo'y abala sa may kusina at hinahanda ang mesa. "Kapag nagkatuluyan ang dalawang ito, tiyak ang gaganda at guguwapo ng mga apo mo." "Tiyak iyon.." natatawang segunda ng iba pa. Ngumuso siya. She can feel her face heated. Bago pa lang sila ni Zeth, to be exact, ngayong araw pa lang silang dalawa--wait, sila na ba? Teka.. wala siyang natatandaan na sinagot niya ito? Pero kailangan pa ba iyon? Obviously, she is inlove with him too, at hindi na iyon dahil may pustahan sila ng mga kaibigan niya. She was really inlove with him. It was the reason why she decided to stop the deal and accept defeat. At sa totoo lang, una pa man ay crush na niya ito. Napalitan nga lang ang damdamin niyang iyon ng pagkainis dahil sa narinig niyang sinabi nitong hinding-hindi siya nito magugustuhan. It was one of the reason why she made that deal, dahil hindi niya iyon matanggap. Unfortunately along the way, nakilala niya ito. And she realized he was not what she think he is. Hindi ito mayabang, hindi sakim. He wasn't heartless at all. Sa katunayan, napakalaki ng puso nito. And because of that, he was loved by everyone. Nakikita at nararamdaman niya iyon sa mga taong naroroon ngayon. Kaya ang paghanga na pinilit niyang inalis noon sa kanyang puso ay muling bumalik nitong mga nakalipas na araw na nakasama niya ito. And she was not only crushing him now, she has fall inlove with him. "Pasensiya ka na kina Salve iha, sana hindi ka naasiwa sa mga sinabi nila kanina." "Wala po iyon nay.." sagot niya na nginitian pa ito. Kasalukuyan silang nasa lababo at naghuhugas ng mga pinagkainan nila. "Pero alam mo sa totoo lang, naging pangarap ko na rin iyon mula ng makilala kita. Gusto ko rin na ikaw ang maging asawa ni Zeth at maging ina ng mga apo ko." Ramdam niya naman ang biglang pag-init ng kanyang pisngi sa sinabi nitong iyon. Kasabay rin ng pag-init ng kanyang damdamin. Parang may mga kamay na humaplos sa puso niya sa isiping gusto rin siya ng ina ng lalakeng mahal niya. "Pero siyempre, tapusin ninyo muna ang pag-aaral ninyo para hindi mahihirapan ang mga anak ninyo balang araw. Ayokong maranasan nila ang hirap ng buhay na naranasan ni Zeth." Dugtong nito habang inilalagay na sa tray ang mga pinggan na pinaghugasan nila. Ibinaling niya ang tingin rito at muling ngumiti. "Huwag po kayong mag-alala 'nay, makakapagtapos po kami ni Zeth. Pangako po iyon." The old woman smile again. Pagkatapos ay pinunas nito ang kamay sa suot nitong apron. "Dadalhin ko muna ito sa kanila sa labas." sabi nitong binitbit ang pinggan na may lamang adobong manok. "Alam mo na, maya-maya hihingi ulit ang mga iyon ng pulutan." Nang tumalikod ito ay sumilay ang malungkot na ngiti sa kanyang mga labi. Isa si nanay Zeny sa mga dahilan kaya hindi niya na gustong ituloy ang kanilang pustahan. The moment she accepted her with arms wide open and with smile on her face, for the first time, she felt guilt. She felt something squeeze her heart. Isang uri ng damdamin na hindi pamilyar sa kanya. Nakaramdam siya ng matinding pagnanais na huwag itong lokohin at saktan. She can't do that to the woman who genuinely accepted and cared for her for the first time. Hindi niya kaya. Kaya inisip niyang tapusin iyon sa tahimik na paraan. Accept defeat and avoid Zeth. Wala na sana siyang pakialam kahit na pagtawanan siya nina Vera, at ipamukha na siya itong atat na atat sa pustahan pero siya rin ang bumigay sa bandang huli. Wala na sana siyang pakialam doon. But then Zeth came to her, making her world turn upside down. Hindi niya inasahan ang pagtatapat na ginawa nito, lalo na ang inamin nitong mahal siya nito. She's happy, no doubt about that, pero kaakibat niyon ang matinding takot. Takot na hindi siya nito maiintindihan. She heave a sigh, pagkunwa'y itinuon na ang pansin sa pagpupunas ng mesa. Saka niya nalang alalahanin ang bagay na iyon. As of now, nanamnamin na muna niya ang kaligayahan. After all, unang araw nila ni Zeth iyon. Dinig niya mula sa labas ang mga kwentuhan at tawanan ng mga taga looban na kasama ng binata na nag-iinuman. Kabilang sa mga iyon sina Froi at mga kasamahan nito sa talyer. Isang masayang kanta ng happy birthday ang sunod niyang narinig. Nakita marahil ng mga ito si nanay Zeny. Naghuhugas na siya ng kamay sa may lababo ng bigla siyang mapapitlag. Mula sa likod ay naramdaman niya ang pagyakap sa kanya ni Zeth. "Okey ka lang ba?" He whispered. Malapit na malapit ang mukha nito sa bandang taynga niya, kaya bahagya siyang nakikiliti sa hininga nito. His breath was mixed with liquor and mint. At pakiramdam niya nalalasing rin siya dahil doon. Nang higpitan pa nito lalo ang pagkakayakap sa kanya ay natilihan siya. "Z-Zeth.. maraming tao sa labas. At baka biglang pumasok si nanay Zeny." "Alam naman na ni inay na girlfriend kita, kaya okey lang ito. Isa pa yakap lang naman." Pilyo nitong sabi. She raised her eyebrows. "Girlfriend? Wala akong naaalala na sinagot kita ah?" May multo ng ngiti sa labi na sabi niya. Nagulat nalang niya ng bumitiw ito at bigla siyang pinaharap. Ikiniling ang ulo at kunot-noo siyang tiningnan. "I already told you that I love you." Tiim nitong sabi. "Yes you did. Pero hindi pa kita sinasagot." "Pero sabi mo, gusto mo ako.. are you denying it?" She shake her head. Gusto na niyang mapabulanghawit ng tawa sa reaksyon nitong tila problemadong- problemado na. And she want to tease him more. Ewan niya, ang sarap lang kasi sa pakiramdam. "Gusto nga kita, I am not denying it. Pero iba ang gusto kita sa mahal kita." Nawala na ng tuluyan ang ngiti sa labi nito. Bumagsak rin ang anyo. "Kung ganoon... Hindi mo ako mahal?" "Sinasagot lang ng babae ang lalake kapag nanligaw." Instead she said. "You didn't court me yet, kaya paano kita sasagutin?" Naglapat ito ng labi. Tila mas lalo pang naging problemado. She raised her brows more. Hindi na niya nagawang pigilan ang pag-alpas ng kanyang pilyang ngisi. "Wait.. don't tell me, hindi mo alam kung paano ang manligaw?" He bit his lip and pouted. "Hindi ko pa iyon nagagawa sa kahit na sinong babae." Sabi nito. Napatingin siya sa kamay nitong unti-unti siyang binibitawan at sa katawan nitong inilalayo sa kanya. "I think.. hindi ko pa 'to pwedeng gawin. You're not my girlfriend yet. Kahit hindi ko alam kung papano, I'll court you, kung iyon ang gusto mo." "Gagawin mo talaga iyon?" Seryoso itong tumingin sa kanya. "I love you, and I want you to be my girlfriend badly. Kaya kung iyon ang paraan para maging girlfriend kita.. then I'll court you." Ang kaninang ngisi sa labi niya ay unti-unting nawala. Ang pumalit ay ang paglamlam ng kanyang mga mata. He licked his lips. "Lumabas na tayo. Nagkakasayahan sila doon sa labas." Nang tangka na nitong tumalikod sa kanya ay mabilis niya itong nahawakan sa braso. Kunot-noo itong bumaling. Hindi na siya nagdalawang isip ng i-angat niya ang magkabilang kamay papunta sa leeg nito. She then tiptoed and claim his lips gently dahilan para matigilan ito. And before he could process anything ay iniwan na niya ang labi nito at sa namumungay na mga mata ay bumulong. "Sinasagot na kita, Zethrius Miranda. Magmula sa gabing ito, we're officially boyfriend and girlfriend." Saglit itong natigilan. He look at her in disbelief. "W-What did you say?" She licked her lips. "Sinasagot na kita. Girlfriend mo na a--" He look at her intently. "Sinasagot mo ako, dahil?" Isang ngiti ang bumahid sa kanyang labi. Alam niya kung ano ang gusto nitong marinig. At wala na siyang balak itanggi pa ang nararamdaman o magpakipot. Nangunyapit siya lalo sa leeg nito, and with eyes so gentle, she whisper the words he want to hear. "Dahil mahal rin kita Zeth. Mahal na mahal rin kita. Kaya Oo na.. girlfriend mo na ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD