"Ehem!"
Isang tikhim sa kanilang likod ang nagpabaling sa kanilang dalawa. When they turn, they saw nanay Zeny on the kitchen entrance. Sa kamay nito ay bit-bit ang isang pitsel ng tubig na walang laman.
"Kukuha lang ako ng tubig."
Paalam nito pagkunwa'y dumako sa maliit na refrigerator sa gilid at kumuha ng isa pang pitsel.
Mariin siyang napakagat-labi. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito sa nadatnang tagpo.
While she's so ashamed, si Zeth naman ay tila wala lang.
"Hinahanap ka na pala nina Froi doon sa labas Zeth." Baling nito kapagkuwan. "Ikaw rin Drey, nagtatanong sina Lorna."
"Ahm.. opo inay. Lalabas na po kami."
"Pero bago iyon..." Si Zeth. Hinawakan nito ang kanyang kamay saka tinitigan siya sa malamlam na mga mata. "Inay..." Baling nito kay Aling Zeny. "Gusto ko lang pong sabihin sa inyo, na mahal na mahal ko po si Drey."
Nanay Zeny raised her brows and make a face. Pinalipat-lipat sa kanilang dalawa ang tingin.
"Halatang-halata nga." Natatawa at iiling-iling nitong sabi.
"At mahal na mahal din po niya ako." dugtong pa nito.
"Kuhh... Naku Drey, mukhang lasing na ang isang iyan."
Natawa siya. "Mukha nga po, inay."
Zeth smirked. "Hmp! Kasasabi mo lang na mahal na mahal mo ako.. huwag mo ng bawiin iyon hah."
Sabi nito bago pinagsalikop ang kanilang mga palad.
"Aling Zeny, yung tubig po namin!" Narinig nilang sigaw ni Froi mula sa labas. "At saka, si Zeth palabasin ninyo na, mamaya na sila mag-loving-loving ni Drey, maaga pa ika ninyo!"
"Hay naku, mukhang lasing na rin ang isang iyon. Ikaw hah Zeth.. tama na ang inom. May pasok pa kayo bukas. Teka, uuwi ka pa ba Drey?"
Kung siya ang masusunod, doon siya sa bahay ng mga ito matutulog. Hindi niya kailangan mag-alala dahil sigurado, hindi naman siya hahanapin ng kanyang Mama o ng kanyang Papa. Pero tila ayaw yata ni Zeth ang ideyang iyon dahil sumagot agad ito sa ina.
"Oho inay. Ihahatid ko po siya." Sagot nito na ikina-simangot niya.
Tinaasan siya nito ng kilay matapos makita ang reaksyon niyang iyon.
"Oh, ihahatid mo pa pala, kaya tama na iyang inom mo."
Bit-bit ang pitsel na may lamang tubig ay tumalikod na ito. Zeth pull her hand saka inagapay ang ina sa paglabas. Pumagitna ito at masayang inakbayan silang dalawa.
"Oh, akala namin natulog na kayong dalawa." Kantiyaw ni Froi. "Mamaya na kayong matulog, mahaba pa ang gabi. Oh, Zeth, pare.. tagay muna, para resistensyado ka mamaya." Pilyong dugtong nito.
Zeth gently shake his head. "Ahm, kayo nalang muna pare, ihahatid ko pa kasi sa kanila si Drey eh."
Bumaling sa kanya ang mga mata ni Froi.
"Uuwi ka pa Drey? Dito ka nalang matulog."
Kimi siyang ngumiti. Kung siya ang masusunod, iyon nga ang gagawin niya. Kaya lang ayaw ni Zeth.
Zeth darted his eyes on her and then back to Froi.
"Kailangan niyang umuwi. Hindi siya nakapag-paalam sa magulang niya."
Sumimangot siya. Paano nito alam? Hinulaan lang ba nito iyon o ginawa lang dahilan kay Froi?
"Eh ano ang ginagawa ng cellphone? Tawagan mo nalang Drey at magpaalam ka sa kanila na dito ka matutulog nang sa ganoon hindi na tumanggi itong si Zeth na makipag-inuman sa amin at--"
"Kuu.. magsitigil nga kayo." si Aling Norma. "May pasok at trabaho pa itong si Zeth bukas hindi gaya ninyo na puro pagtambay lang ang alam gawin sa buhay, na kahit magdamagan kayong uminom at magpakalasing ay walang magiging problema."
"Sus! Ito naman su Aling Norma, minsan lang naman namin kung ayain itong si Zeth. At saka birthday naman ni Aling Zeny ngayon."
"Kay Zeny ngang birthday, pero kayo itong nagse-celebrate."
"Si Aling Norma talaga oh.. killjoy." Sabad nung isa na katabi sa inuupuan ni Froi.
"Kahit isang shot nalang Zeth oh.." Si Froi muli, sabay abot kay Zeth ang isang baso na may kalahating lamang alak.
Nagdadalawang isip man ay hindi naman iyon tinanggihan ng binata.
"Pasensiya na talaga Froi, Amir, Lito.. iuuwi ko pa kasi si Drey eh.."
"Huwag mo na kasing iuwi." Sabi nung Lito na may sabay pang halakhak.
Zeth just plaster a smile.
"Kung ihahatid mo si Drey, Zeth, gamitin mo na yung owner jeep. Heto.." si Mang Carding sabay itsa rito ang susi.
"Salamat po, mang Carding."
"Sus.. maliit na bagay. Basta ba ninong ako kung magpapakasal na kayo." Natatawa nitong sabi.
Zeth eyes darted on her. Puno iyon ng pamumungay and there's a ghost of smile on his lips.
"Magtatapos po muna kami ng pag-aaral ni Drey, magkapag trabaho at makapag-ipon. Kapag nangyari na po iyon, huwag po kayong mag-alala at una po kayo sa listahan."
Sa narinig, tuluyan ng napalakas ang tawa ni Mang Carding.
"Aasahan ko iyan, Zeth."
"Hmm.. mukhang seryoso na iyan p're ah?" Si Lito.
Muli, dumako ang tingin ng binata sa kanya. This time, he look so serious kaya pakiramdam niya nasa isang silya elektrika siya nakaupo. Her heart is beating like a drum, lalo na nong marinig niya ang naging sagot nito.
"Oo mga pare, seryosong-seryosong ako."
Oh God!
Mariin siyang napalunok. Ngayon pa nga lang naging sila, kasal na agad ang topic?
"Pero siyempre.." dugtong ng binata saka inakbayan siya. "Gaya ng sabi ko... Magtatapos muna kami."
"Tama iyang naisip mo Zeth.." sabad ni Aling Norma. "Hindi biro ang pag-aasawa sa panahon ngayon lalo na kung wala kang trabaho. Naku, kawawa ang magiging mga anak ninyo kung sakali. Kaya hinahangaan namin iyang determinasyon mong makatapos muna bago mag-asawa."
"Kasi gusto ko pong bigyan ng magandang buhay si inay, Aling Norma, at siyempre pati na ang asawa ko't mga anak."
Sabi pa rin ni Zeth na muli na naman siyang tinitigan.
Sa lahat ng iyon ay hilaw na lamang siyang ngumingiti. Not that she don't want that idea, hindi lang talaga ma sinc-in sa kanyang utak na iyon na ang kanilang pinag-uusapan gayong ngayon gabi nga lang naging silang dalawa ni Zeth.
>>>
"Uuwi na po kami inay, happy birthday po ulit."
Paalam niya kay inay Zeny nong sabihin ni Zeth na ihahatid na siya nito.
Lumapit siya rito at mahigpit itong niyakap.
"Salamat sa pagpunta, iha. Mag-iingat kayo sa pag-uwi. Zeth.. dahan-dahan lang sa pagmamaneho." Baling nito kay Zeth.
"Palagi naman inay eh. Sige po, aalis na po kami. Pare.." baling nito sa kumpulan nina Froi. "Hatid ko muna si Drey."
"Balik ka kaagad. Iiwan namin itong isang bote para sayo." Sabi ni Froi na ini-angat pa ang isang bote ng alak na na hindi pa nabubuksan sabay ngisi.
Iiling-iling nalang na ngumiti si Zeth.
"Halika na.." Yaya nito sa kanya.
She nodded.
"Hmm, sige po inay, Aling Norma, Mang Carding, at sa inyo rin Froi.. mauna na kami."
"Oo, ingat.."
She smile and went to Zeth. Agad naman siya nitong hinawakan sa baywang at inalalayan sa paghakbang.
Pumunta muna sila sa shop ni Mang Carding para kunin ang owner jeep. At ilang sandali lang ay tinatahak na nila ang kahabaan ng highway pauwi sa kanilang bahay.
"What?"
Taas kilay na sulyap sa kanya ni Zeth ng maramdamang nakatitig siya.
She licked her lips and shrugged her shoulder. "Nothing.. iniisip ko lang kung seryoso ka talaga sa sinabi mo kanina."
"Alin sa sinabi ko?"
"Yung about the.. the marriage thing. Eh, kasi.." she bit her lip.
Saglit itong muling tumingin sa kanya.
"Eh kasi.. ano?"
Umangat ang kanyang tingin rito. "Seryoso ka ba talaga sa sinabi mong gusto mo akong pakasalan balang araw?" Dire-diretso niyang tanong.
Kahit nasa harap ang tingin, nakita niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito.
"Siyempre seryoso ako doon. I mean every word. I want, and will marry you in the future. Why? Ayaw mo?"
Tanong nito. Halata niya na medyo nabahala ang boses nito.
Nakagat niya muli ang kanyang labi.
"Well, I never thought about it yet. Bago pa lang tayo.. to be exact kanina lang. I just can't believe that you already think of marrying me in that short spasm of time."
"Drey, it's not the time that counts. Its the feeling. The moment I fell inlove with you, I knew and I'm sure that you're the woman I want to spend the rest of my life with. At mangyayari iyon. Well, kung ako rin ang gusto mong makasama habang buhay."
Nananantiya nitong sabi sa huling pangungusap.
Hilaw siyang ngumiti.
"B-Bago pa lang tayo Zeth, and honestly, hindi talaga pumasok sa isip ko ang tungkol sa bagay na iyan. Basta ang alam ko lang... Mahal kita. Mahal na mahal."
Zeth lips purse. Binitiwan ng isang kamay nito ang manibela at inabot ang kanyang kaliwang kamay saka pinagsalikop ang kanilang mga palad.
"Zeth, you're driving.."
Pero parang wala itong narinig. Bagkus ini-angat nito ang kanyang kamay at dinala sa labi nito.
"I love you too. And I'm willing to wait till you're sure and ready to marry me. Basta ako, sigurado ako, na ikaw lang."