CHAPTER THIRTEEN

1779 Words
Tumigil ang owner jeep sa harap ng kanilang gate. Zeth darted his eyes on their two storey house. He was silent. Kung ano ang iniisip nito habang nakatingin sa bahay nila ay hindi niya alam. Napansin kaya nito na puno ng kalungkutan ang pamamahay na iyon? Na walang bahid kahit na katiting na pagmamahal ang paligid nito? "Baba na ako. Ingat ka sa pag-uwi." Sabi niya. Idinako nito ang tingin sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang i-akto. It was just her instinct that made her came closer to him and kissed him on his cheek. "Goodnight Zeth." She said after that brief kiss. Akmang bababa na siya ng pigilan nito ang kanyang braso. Kunot-noo siyang lumingon. "One of this days, I want to personally meet your parents." Seryoso nitong sabi. "Para sabihin na seryoso ako sayo at maipakita na malinis ang intensyon ko. Ayokong may masabi silang hindi maganda tungkol sa akin at-" She plaster a smile and raised her hand to his cheek. "Believe me Zeth, they don't care, kaya hindi mo na kailangan mag-alala pa sa sasabihin nila." "Walang magulang ang walang pakialam sa anak, Drey.." Sabi nito. Sinabi na nito iyon noon. And like what she answered back then, iyon din ang sagot niya ngayon. "I already told you, not my parents." She said that with smile on her face, pero alam niyang iba ang nakikita nito sa kanyang mga mata. Dahil tiim na tiim ang titig nito doon. Wala na naman itong ibang sinabi pa. He just remain his deep gaze on her as if he already found what is really hidden behind her smile. "Sige na, bababa na ako." Kimi niyang sabi saka agad ng bumaba. Nang makababa ay muli niyang ini-angat ang mga mata rito. Tahimik pa rin ito at nanatili pa rin ang mata sa kanya. She smile again and raised her hand pagkunwa'y marahan na kumaway bilang pagpapaalam. "Sige na, uwi ka na." She said. "Pasok na rin ako." Tiim pa rin ang tingin nito sa kanya, but after a while he nodded gently. Nang paandarin na nito ang sasakyan ay tumalikod na siya at inihakbang ang mga paa papunta sa harap ng kanilang gate. Kinuha niya ang susi sa kanyang bag at ipinasok iyon sa lock. She was about to open it when she heard an urgent footsteps behind her back at ng lumingon siya ay nakita niya si Zeth sa kanyang likod. "Z-Zeth bakit--" Naiwan nalang iyon sa kanyang lalamunan ng bigla siya nitong hilahin at dinala sa mga bisig nito. Segundo lang at mahigit na siyang nakakulong sa yakap nito. "Everything will be fine, Drey." Anas nito and hug her more. Wala na itong idinugtong pa. But she's sure that he did see through her. Nakita nito sa mga mata niya ang kalungkutan sa kabila ng mga ngiting ipinakita niya kaya ganoon ang sinabi nito at naging aksyon. She bit her lip and swallowed the bile on her throat. Aside from Lila, and Yaya Rosing, wala ng ibang taong nag-alala para sa kanya. Wala ng ibang taong nakapagsabi na magiging okay din ang lahat. Wala ng ibang tao ang nakakita sa kung ano ang nasa kaibuturan ng kanyang damdamin, si Zeth pa lang ngayon. And hearing him say that everything will be alright made her heart ache. She closed her eyes as she felt the warmth in his embrace. Tumatagos iyon sa kanyang puso. "Thank you, Zeth." Mahinang sabi niya. "And I love you." Binigyan nito ng distansiya ang kanilang mga katawan, pero hindi siya nito binitiwan. He is still holding her both arms when he speak. "I love you more.." Malamlam ang mga matang sabi nito. "At magmula sa araw na ito, hindi ka na mag-iisa. I will be here for you in everything. Kaya kung ano man ang problema, you can always tell me. Nakahanda akong makinig." Tumango siya saka marahan na ngumiti. Zethrius then raised his hand and caress her cheek. "Sige na.. pumasok ka na." "Hmm.." she nodded. Tumalikod na siya at marahan na humakbang papunta sa maliit na gate kanugnog ng malaki. At nung nasa loob na siya, muli niyang idinako ang tingin kay Zeth na noo'y nanatiling nakatayo doon sa kinatatayuan nito at nakamashid sa kanya. He waived and smile. Ngumiti rin siya pagkunwa'y tuluyan na itong tinalikuran. Tahimik at dim ang paligid ng pumasok siya sa loob. Indikasyon lang iyon na tulog na ang kanyang Mama o baka naman wala ito doon sa kanilang bahay. "Kararating mo lang iha?" Nakaka-dalawang baitang na siya sa hagdan ng marinig ang boses na iyon. Lumingon siya at agad na bumahid ang ngiti sa kanyang labi ng masilayan kung sino ang kaharap. "Ya... Kailan po kayo dumating?" May galak sa boses na tanong niya. Agad siyang bumaba mula sa hagdan at ng makalapit sa matanda ay mahigpit niya itong niyakap. "Kaaalis mo lang kaninang umaga ng dumating ako. Kumusta ka na?" Tanong rin nito ng bumitiw. Nagkibit siya ng balikat. "Tulad pa rin ng dati 'Ya. Wala namang nagbago rito eh." Nagtaas ito ng kilay saka tiim siyang minasdan. "Hmm.. dito siguro sa bahay wala, pero sayo? Tingin ko, meron. Nagniningning yang mga mata mo eh.." Makahulugan nitong sabi. Ngumuso siya saka hilaw na ngumiti. "Oh ano.. lalake ba iyan? May boyfriend ka na noh?" Nakagat niya ang labi saka nahihiyang tumango. Pumalatak ito. "Sabi ko na nga ba eh. Naku dalawang buwan lang ako nawala, pagbalik ko may boyfriend ka na. Anong pangalan niya? Guwapo ba?" Tila kinikilig nitong tanong. "O-Opo 'Ya Rosing. Sobrang guwapo. Hindi lang iyon, masipag at mabait po si Zeth." Proud niyang sabi. "Zeth? Iyon ba ang pangalan niya?" Tumango siya. "Opo. Zethrius Miranda po ang buo niyang pangalan." Ngumiti ito saka hinawakan ang kanyang kamay. "Sa ningning ng mga mata mo ngayon, halatang-halata na mahal mo ang Zeth na ito. Ngayon lang kita nakitang ganito kasaya eh. Gusto ko na tuloy makilala itong kasintahan mo." Inakbayan niya ito. "Huwag po kayong mag-alala, ipakikilala ko siya sa inyo sa susunod na araw." Nakangiting sabi niya. Mas excited pa siyang ipakilala si Zeth rito kaysa sa mga magulang niya kasi alam niyang wala naman pakialam ang mga ito sa kung ano ang ginagawa niya at sa kung sino ang nakakasalamuha niya sa araw-araw. Her parents were busy minding their own f*****g lives! Hinigpitan nito ang hawak sa kanyang kamay at seryoso siyang tinitigan. "Masaya ako na masaya ka.. pero huwag kalimutan na mag-aral muna hah? Kaklase mo ba ang Zeth na ito?" Umiling siya. "Hindi po. Magtatapos na po siya ngayong taon. Pero doon din siya nag-aaral sa pinapasukan ko. At pangako ko po 'Ya, magtatapos rin ako gaya niya." "Natutuwa akong malaman iyan iha." Nakangiting sabi nito. "Teka, nakapaghapunan ka na ba? Gusto mo ipaghain kita?" "Hindi na po 'Ya. Nakakain na po ako. Actually, doon po ako galing sa bahay nina Zeth, birthday po kasi ng inay niya." "Ganoon ba. Sige umakyat ka na para makapag-pahinga. Alas dies na ng gabi. May pasok ka pa bukas." "Mamaya na po. Namiss ko kayo eh. At saka hindi ko pa kayo nakukumusta." "Kuu.. okay lang ako. Ganoon talaga ang buhay. Mas mabuti na rin iyon, nakapagpahinga na siya. Matagal din siya naghirap at nagtiis sa kanyang karamdaman. Ngayon, alam kong masaya na siya sa tabi ng poong maykapal." Malungkot siyang tumango. Masakit man ang nangyari, pero tama ito, mas mabuti na rin yung tuluyan ng nakapag-pahinga ang nakakatandang kapatid nito. Ang kapatid nitong may malubhang karamdaman. Liver cancer. Noong nakaraang taon pang nakikipaglaban ang kapatid nito sa sakit na iyon. At noong isang buwan ay tuluyan na itong binawian ng buhay. "Oh, sige na.. umakyat ka na. Huwag mo na akong alalahanin, ayos lang ako." Kimi siyang ngumiti bago tumango. "Sige po 'Ya. Good night po." Sabi niya bago tumalikod at tinahak ang hagdan papunta sa ikalawang palapag. Nang nasa pasilyo na siya, dagli niya pang nasulyapan ang pintuan ng kuwarto ng kanyang magulang. It was closed. For sure, wala doon isa man sa mga ito. Oo nga pala.. umalis na nga pala ng tuluyan ang kanyang Papa sa bahay na iyon. Malungkot niyang naisip bago iyon nilagpasan at tinungo ang kanyang silid. >>> Pinilit niyang alisin ang negatibong iniisip niya ng mga sandaling iyon. It's not worth it. Isa pa sanay na naman siya. Actually, maliit na parte lamang sa kanyang puso ang nakakaramdam ng ganoon, dahil umaapaw ang nararamdaman niyang kaligayahan ng mga sandaling iyon. "Are you home now?" She's still in her bathrobe when Zeth called. "Hmm.. kararating ko lang. Kaya ako tumawag para ipaalam na ligtas akong nakauwi." May bahid ng kapilyuhan na sabi nito. "Eh ikaw? Matutulog ka na?" "H-Hindi pa naman.." Sa sobrang saya niya, sigurado hindi siya makakatulog ng maayos ngayong gabi o marahil sa mga susunod pa. "Uy Zeth.. kahahatid mo lang sa kanya, namimiss mo na agad? Naku.. mukhang tinamaan ka talaga kay Drey hah?" Narinig niyang natatawang sabi ni Froi sa background. "Hindi pa pala umuuwi sina Froi?" Puna niya. Zeth laugh. "Asa ka pa. Sigurado hindi titigil ang mga ito hangga't walang nana knock-down sa kanila." "Then are you going to drink too?" "No. May pasok tayo bukas." Bahagya siyang tumawa. "I don't think na matatanggihan mo sila Zeth." "Why? Wala ka bang tiwala sa akin?" "Sayo meron. Sa kanila... Well... Wala." Bahaw itong tumawa. "Don't worry. Kayang-kaya ko sila. Maya-maya knock down na rin ang mga ito. Sige na.. tulog ka na. Magkita nalang tayo bukas sa school." "Hmm.. sige.. goodnight." "Drey.. wait!" Pigil nito ng akmang puputulin na niya ang tawag. Kunot-noo niyang muling dinala ang kanyang cellphone sa taynga. "I love you.." he huskily whisper. "I am so inlove with you." Natawa siya. "Alam mo, hindi ako naniniwala na hindi ka umiinom diyan, mukhang lasing ka na ah." He growled. "Sweetheart naman eh.." Sweetheart... Shit! Ang sarap sa pakiramdam! Pigil na pigil niya ang mapasigaw sa tuwa nang magpagulong-gulong siya sa kanyang kama. She like that. She really like that endearment! "I'm not drunk. Totoo iyon, mahal ki--" "Naniniwala na ako sayo." Putol niya. Sandali itong natahimik. "So?" "Anong so?" "Anong sagot mo doon?" Naglapat siya ng labi. "Kailangan ko pa bang sagutin? Ilang beses ko ng sinabi kanina ah." "Ang kanina, iba sa ngayon. Sige na.. sabihin mo na. I want to hear it." She chuckled. "Para kang bata. Lasing ka na ngang talaga." He growled again. "Sige na.. matutulog na ako. Goodnight.. sweetheart." She said playfully before cutting the call off. Ngunit maya-maya ay binuksan niya rin ang message at nag-type doon. "Mahal na mahal din kita." Matapos na mai-send iyon, ay tila siyang nasa alapaap ng ipikit ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD