CHAPTER FOURTEEN

1955 Words
"Totoo? Kayo na?" Nakagat siya ng labi saka marahan na tumango. "OMG!" Nanlalaki ang mga mata ni Lila ng makumpirma ang katotohanang iyon mula sa kanya. "Kailan mo sinagot? Kahapon ba matapos ka niyang hilahin sa canteen at halikan sa paningin ng buong madla? God, kung nakita mo lang ang mukha nina Jayla, Vera at ni Marga, para silang natuklaw ng ahas. Mabuti naman at sinunod mo yung advice ko na sagutin mo muna para manalo ka sa pustahan. Huh! Tingnan lang natin kung makapagyayabang pa si Marga kapag nalaman niyang kayo na ni Zeth. Napatunayan mo na rin sa kanila na wala ngang sino man ang hindi nabibighani sa taglay mong charisma. Kung maka-asta kasi, akala nila--" "Lil.." Putol niya. "S-Sinagot ko si Zeth, hindi dahil meron tayong pustahan kina Marga." Kunot-noong itong bumaling sa kanya. "I-I love him. I truly do." Seryoso niyang sabi na nagpawala sa ngisi ni Lila. "Wala na akong pakialam pa sa pustahan. I will admit defeat. I will buy them the ticket." Ini-angat niya ang mukha at tiningnan ito. "Alam mo naman na noon ko pa siya gusto di ba? Napalitan nga lang ng inis dahil sa ilang ulit kong pagpaparamdam sa kanya, deadma lang siya, tapos narinig ko pang sinabi niya sa mga kaibigan niya na hindi niya ako magugustuhan kahit na kailan. Iyon ang dahilan kaya nakipagpustahan ako kina Marga. But along the way, I found out that Zeth is a nice and good man, that's why I--" she bit her lip. "I fell inlove with him. Mahal ko na siya, Lil." Sandaling hindi nakapagsalita si Lila. Nanatili lang ang tingin sa kanya. But after a while, a smile rose at the corner of her lips. "If you truly love him, and he loves you too.. then masaya ako para sa inyong dalawa. Alam mo naman na nasa side mo ako palagi eh." She pouted. "Thank you. The best ka talaga. I love you, Lil." sabi niya na halos pumiyok ang boses. Lila laughed a bit. "Hmp! Na-inlove ka lang, naging OA ka na." Bahagya na rin siyang natawa. "Well, ganoon talaga siguro, nagiging OA kapag pumasok na ang pag-ibig..." Ini-angat niya ang kamay papunta sa tapat ng dib-dib. "Dito." Umirap ito. "Corny!" She then make a face and laugh. Pero maya-maya ay sumeryoso ang mukha. "But wait.. how about the bet? Paano sina Marga?" Unti-unti ring nawala ang ngiti sa kanyang labi. "As I've told you, tatanggapin ko ang pagkatalo ko. Ibibili ko sila ng ticket papuntang Boracay gaya ng napag-usapan. All expenses free. And then--" "I don't think na papayag lang ng ganoon si Marga. Alam natin pareho na deep inside, she hates you. And from the start, we also knew that she has feelings for Zeth. Kapag nalaman niyang totoo na ang relasyon ninyo, for sure, she won't accept that easily. Paano kung sabihin niya kay Zeth na pustahan lang ang lahat?" She swallowed. Hindi pa iyon pumasok sa kanyang isip, she was too consume by her happiness that she don't want negative thoughts lingering on her mind. Alam naman niya na hindi iyon magtatagal. Lalo iyon nadepina ngayong nilinaw sa kanya ni Lila. And as she think about it, marahil kailangan na niyang ipagtapat kay Zeth ang lahat bago pa siya maunahan ni Marga. "I'll talk to Zeth. Sasabihin ko sa kanya ang lahat." "You must do that Drey. I know he will understand. At saka mahal mo na naman siyang totoo. You just need to explain and tell him that you truly do love him now." "I will do that Lil. Maghahanap lang ako ng tamang pagkakataon." "Huwag mo nang patagalin. Marga won't just sit and wait. Mas mabuti na iyong maunahan mo." "I know." >>> Eyes were all on them as they enter the gym. Ngunit alam niya na hindi si Lila ang tinitingnan ng mga kapwa nilang estudyante kundi siya. At hindi na siya nagtataka roon. After what happened yesterday, inaasahan na niya na sila ang magiging tampulan ng usap-usapan sa buong campus, because she's sure, right now... wala na siguro ang hindi nakakaalam sa nangyari sa pagitan nila ni Zeth. Zeth and his basketball teammates are practicing. Malapit na kasi ang campus tournament kaya puspusan na ang ginagawang practice ng mga ito. Umupo sila ni Lila sa pang limang bleachers. It's vacant hours for most students kaya marami-rami rin ang naroroon sa loob na nanonood. "Hindi ko alam na ganito pala karami ang nanonood sa practice game nina Zeth. Kalahati na yata ng studiyante ng buong school ang naririto ah." Puna ni Lila. "And it's not the actual game, practice pa lamang ito." She's amazed to see that too. She don't know if it was always like this sa tuwing may practice game ang team nina Zeth o dahil lamang iyon sa malapit na ang laro kaya ganoon karami ang nanonood. Hindi nila alam kasi hindi naman sila nanonood ng mga previous practice game, ngayon pa lang. As of her, bukod sa hindi niya hilig, may masama kasi siyang ala-ala sa gym na iyon kaya ayaw niyang pumupunta siya doon kung hindi man lang importante. Doon kasi niya narinig ang mga sinabi noon ni Zeth na hindi siya nito magugustuhan kahit na kailan. Thoughts of it always hurts her. Hindi matanggap ng pride niya, at marahil pati na ng puso niya. Kaya hangga't maaari ay iniwasan niya ang pumunta doon. But it was a different story now. Nasa kanya na ang lahat ng dahilan para pumunta doon dahil sila nang dalawa ni Zeth. Ini-angat niya ang mata at tiim na minasdan ang kasintahan sa court. She can't help but to feel proud as she stare at him. Ang galing nito at ang guwapo sa suot nitong jersey. Napuno ng hiyawan ang buong loob ng gym ng mapasakamay nito ang bola at lalo iyon lumakas ng mai-shoot nito iyon sa ring. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Gustong-gusto niyang ipagsigawan sa sandaling iyon na boyfriend niya ito. "Zeth! Ang galing mo! I love you!" Napasimangot siya ng marinig ang sigaw na iyon. Kabilang ang babae sa grupo na nakaupo sa harapan nila. Naghahagikhikan pa ang mga ito na tila kilig na kilig. "Go Zeth! Go Zeth! Go beat them!" Dugtong pa nito na wala yatang kaalam-alam na naroroon silang nakaupo sa likod. Actually, hindi lang naman sa grupo ng mga ito siya nakakarinig ng mga sigaw ng paghanga. She can hear scream anywhere, mostly from women. Nadepina nga lang ang nasa harapan nila dahil malapit. Lila look at her playfully. "Mukhang ang dami mong kaagaw kay Zeth ah.." Umirap siya. "Sorry nalang sila dahil ako ang mahal niya. Actually, mahal na mahal." Pagmamalaki niya. Nang muling mapasakamay ni Zeth ang bola, naroroon na naman ang hiyawan sa buong loob. It was a fast break. Zeth drible the ball towards the ring at ng maabot nito iyon ay walang pakundangan na di-nunk sa ring, leaving it shaking. Walang nagawa ang isang bantay sa ilalim ng basket. Hiyawan muli sa buong loob at kasabay niyon ay ang malakas na tunog ng pito tanda na natapos na ang oras ng paglalaro. "I love you Zeth!" Malakas na sigaw muli ng babaeng nasa harap nila. "Sipain ko na 'to eh!" si Lila at hindi na niya napigil ng tumayo at tinungo ang direksyon ng babae. Taranta naman siyang sumunod. "Hoy! Pwede ba tigilan mo na ang kakasigaw ng I love you diyan kay Zeth! Hindi mo ba alam na boyfriend na siya ni Drey?!" Sita nito. Ikinakagat labi niya nalang ang ginawa nito. Para namang natuklaw ng ahas ang babae ng lumingon at makita siya. Pati mga kaibigan nito ay hilaw na lamang na ngumiti. "We're just admiring him lang naman eh, hindi naman namin aagawin." Maarteng sabi nung isa na ang labi ay pulang-pula sa lipstick. Napadako ang tingin niya sa ID nito at nalaman niya na fourth year college na ang mga ito sa kursong tourism. "Hindi nga ninyo aagawin, eh I love you kayo ng I love you. Mga te.. para sabihin ko sa inyo, boyfriend na ng kaibigan ko si Zeth.. so back off!" Pagkasabi niyon ay hinawakan nito ang kanyang palapulsuhan at hinila palayo doon. "Hmp! Kung makaasta para namang sigurado nang si Zeth at ang kaibigan niya ang magkakatuluyan! Eh boyfriend palang naman!" Narinig niya pa na sabi ng isa sa mga ito. But she didn't mind them. Ipinagpatuloy niya nalang ang pagbaba sa bleachers kasama si Lila. And while doing that, nakita niya na siniko ng ka-teammates ni Zeth ang binata at inginuso ang kanilang direksyon. Pagkatapos niyon ay makahulugan na ang mga ngiti na ipinukol ng mga ito sa binata. Agad naman gumuhit ang ngiti sa labi ni Zeth ng makita siya. Hawak ang puting tuwalya at bote ng mineral water ay nagmamadali siya nitong sinalubong "Kaya pala ganadong-ganado ka sa laro, Zeth, Ang ganda pala ng dahilan." natatawang kantiyaw ng coach ng mga ito sa basketball. Zeth chuckled. "Inspired nga coach." he said saka pinagpatuloy na ang pagsalubong sa kanya. His gentle eyes were all on her as he walk. "Kanina ka pa?" Tanong nito ng makalapit. "Hi Lila.." bati nito sa kaibigan. "Hello Zeth. Nice game. Ang dami mo palang tagahanga. Sigaw ng sigaw ng I love you doon sa bleachers." Taas kilay na sabi ni Lila na idinako pa ang mga mata sa bleachers na kanilang pinanggalingan. "Sigurado ka ba na hindi mo girlfriend ang isa sa mga iyon?" She added playfully. Zeth also darted his eyes on the bleachers, pagkunwa'y ibinaling sa kanya. He then look at her intently. "Your friend is the only girlfriend I have, Lil, siya lang at wala ng iba pa." Paos nitong sabi. Napakagat-labi siya. Ramdam niya ang biglang pag-init ng kanyang pisngi sa tinuran nito. At lalo iyon nadepina ng bigla siyang kantiyawan ni Lila. "Huy Drey, pawis na pawis si Zeth, punasan mo naman ang pawis ng boyfriend mo. Tingnan mo yung girlfriend ng teammate niya oh.." nguso nito sa kasamahan ni Zeth na ng mga sandaling iyon ay ang girlfriend ang nagpupunas ng pawis ng lalake sa mukha. She make face. Nang idako niya ang tingin kay Zeth ay ngingisi-ngisi ito. Iminuwestra pa ang tuwalya sa kanya as if challenging her. She raised her eyebrows. Makahulugan niya itong tiningnan pagkunwa'y hinablot ang tuwalya mula sa kamay nito. She then smirked. Hmp! Akala yata nito at ni Lila, hindi niya iyon kayang gawin! She can do it. She can. Lalo na nong makita niya ang grupo ng mga babaeng iyon na nakatingin sa kanila. Slowly, she raised her hand with the towel in it into Zeth face and starting to wipe his sweat. Sa ginawa niyang iyon, umingay tuloy sa buong loob ng gym. Napuno ng mga panunukso at kilig. "Ang sarap pala talaga kapag may sweet na girlfriend." Zeth playfully said. Lumabi siya saka natatawang bahagyang diniinan ang pagpupunas sa mukha nito. Umirap siya. "Ngayon lang po ito. I just want to let them know that you already belong to me, para hindi na sila mag-a-I love you sayo. Pero teka.. sigurado ka bang wala kayong something nung babaeng iyon? Nasa kabilang classroom ninyo lang yung classroom nila ah?" Zeth smirked and came closer. Inilapit nito ang bibig sa bandang taynga niya saka bumulong. "On the contrary... You're my first and only girlfriend, kaya wala kang dapat na ipagselos kahit na kanino. Sa past ko man o kahit sa future, dahil ikaw lang tanging babaeng minahal ko at mamahalin." Bulong lang iyon pero pakiramdam niya narinig iyon ng lahat ng naroroon sa gym, kaya hindi niya naiwasan ang hindi iikot ang mata sa paligid, only to swallowed hard as she saw Jayla, Vera and Marga on the left side of the bleachers.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD