Unti-unting nalusaw ang kanyang ngiti ng makita ang mga ito. Marga is looking at her with eyes like dagger.
Pinilit niyang ignorahin ang grupo ng mga ito at ituon ang tingin kay Zeth, ngunit hindi na naging normal ang takbo ng kanyang isip.
When she look at Lila, makahulugan rin ang tingin nito. She knew, she also saw Marga, Vera and Jayla.
Sinenyasan siya nito. At alam na niya kung ano ang gusto nitong tukuyin.
"Ahm, Zeth--"
She was about to asked Zeth for a talk when suddenly Carlo, his friend came running.
Nanlumo nalang siya sa tabi nito. She badly wants to talk to him at ipagtapat na rito ang lahat. But the timing is not on her side.
"Uy Bro, ang ganda ng ipinakita mo sa practice game na ito ah, parang nasa totoong laro ka na. Iba nga talaga kapag inspired."
Ngingisi-ngising bumaling sa kanya si Carlo. Kimi lang niya itong nginitian.
"Hi Drey, congrats nga pala sa inyo ni Zeth. Headlines sa buong school ang ginawa ninyo kahapon ah." Nakangisi pa rin nitong sabi pagkunwa'y muling bumaling kay Zeth. "Kunwari ka pa nitong nakaraan bro, yun pala, gugulatin mo kaming lahat."
"Hindi niya kasi ako tinigilan bro, kaya pinagbigyan ko na." Zeth answered grinning.
Isang matalim na irap ang ginawa niya pagkunwa'y initsa ang hawak na tuwalya rito.
"Ang sabihin mo, pakipot ka lang." taas kilay niyang sabi.
Kapwa na natawa sina Carlo at Zeth sa sinabi niya.
"Anyway, may gagawin ka ba mamaya Bro? Nagyayaya kasi si Diego sa bahay nila, magpa-party siya para sa kaarawan niya. Kakausap ko lang rin kina Cianna at yung mga kaibigan niya, at pupun--" huli na ng marealized nito ang nasabi. Agad nitong itinikom ang bibig saka hilaw na tumingin sa kanya.
Cianna? Hindi ba iyon ang babaeng sinasabi ni Marga na may gusto kay Zeth?
"Ahm, isama mo si Drey," Bawi nito kapagkuwan. "At yung... kaibigan niya, kung gusto niya." Tumingin ito sa gawi ni Lila.
"Thanks, but no thanks." Irap nito.
Zeth licked his lips. Nakanguso itong tumingin sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay.
"Ahm, pasensiya na Bro," baling nito sa kaibigan. "Pass na muna ako ngayon. Kailangan ko na kasing tapusin yung ipinaayos na truck ni Mr. Dizon, tatlong araw na iyon naka-tenga dahil sa practice. Hindi ko na pwedeng i-delay dahil gagamitin niya iyon sa sabado."
"Mamayang gabi pa naman iyon. Pwede kang humabol, kahit sandali lang."
Zeth darted his eyes on her again. Na tila nasa kanya ang sagot o baka naman hinihingi nito ang persmiso niya.
She just raised her brows.
Zeth licked his lips. "Ganito nalang.. kung maaga ko matatapos ang pagkumpuni sa truck, hahabol kami ni Drey."
Carlo nodded and darted his eyes on her. Naroroon pa rin ang hilaw nitong ngiti.
"Okey bro... Hihintayin namin kayo ni Drey."
Nagbungguan pa ng kamao ang dalawa bago tuluyan tumalikod sa kanila si Carlo.
"Kung tama ako, that tourism woman earlier, yun si Cianna." Bulong ni Lila sa kanya ng magkaroon ito ng pagkakataon.
ISANG lihim na pagsiko ang ginawa niya kay Zeth habang papalabas sila ng gym. Nakasunod sila kay Lila at sa mga ka team nito.
"Ouch.." umarte naman itong nasaktan.
"Cianna pala ang pangalan nung babaeng sigaw ng sigaw ng I love you sayo kanina hah." Taas kilay niyang sabi. "At naroroon siya sa party."
Kunwari nagkibit ito ng balikat. "Ano ngayon kung naroroon siya, I won't go anyway."
Umirap siya. "You won't, because I knew, pero kung hindi ko alam ang tungkol doon, sigurado pupunta ka."
Zeth naughtily chuckled. "Selos ka? For your information.. matagal ko ng binasted ang babaeng iyon. She's not my type."
She raised her brows. "Kunwari ka pa. Iyan din ang sabi mo patungkol sa akin. Na hindi mo ako type. At hindi ka pa nababaliw para magkagusto sa akin. Pero konting habol ko lang sayo, heto at bumigay ka. Kung ginawa rin ng Cianna'ng iyon ang ginawa ko ay baka kayo ng dalawa ngayon at--"
"When was the time I said that you're not my type?"
Tumigil ito sa paglalakad saka bumaling sa kanya. As if iyon ang tanging na sinc-in sa utak nito. When she darted her eyes on him, kitang-kita niya ang biglang pag-isa ng linya sa noo nito.
And then he swallowed.
"Are you denying it? Rinig na rinig ko kaya nung sinabi mo iyon sa mga kaibigan mo. Dito mismo."
He became speechless. At sa itsura nito, tila naaalala na nito ang panahong iyon.
She smirked and walk away. Pero nasa labi ang multo ng ngiti.
She heard his urgent footsteps, pagkunwa'y naramdaman niya ang braso nitong umakbay sa kanya. Magkaagapay na sila nito na naglakad.
"Naalala ko na, and I am not denying it. Maybe I really did said that. But I have my reason. Ayaw na ayaw ko kasi sa mga babaeng nagbibigay ng motibo o kaya yung mga babaeng unang nagtatapat. For me, it feels like it wasn't real, that it wasn't true.. mas maganda talaga kung ang lalake ang unang nagsasabi ng nararamdaman at--"
Umirap siya. "If I waited for you, sigurado akong hindi darating ang araw na ito. Anyway, If you want to go to that party, you're always free to--"
"Sinabi ko na... kailangan kong tapusin yung pag-aayos sa truck ni Mr. Dizon. So abala ako. At kahit na hindi, hindi rin ako pupunta doon. Wala akong hilig sa party. I'd rather sleep at home."
"Kahit na naroroon si Cianna?" She teased.
Tumingin ito sa kanya. "Bakit ba natin pinag-uusapan si Cianna? I told you, I'm not into her. Dahil kung gusto ko ang babaeng iyon, siya ang niligawan ko at hindi ikaw."
"You didn't courted me, ako yung nagtapat sayo." Nguso niya.
He chuckled. Hinigpitan nito ang pag-akbay sa kanya.
"Nagtapat ka, at nagtapat rin ako sayo. Magkasama tayo ngayon dahil mahal kita at mahal mo ako."
She make a face.
"Always remember this Drey, ikaw lang ang babae para sa akin, not Cianna or anyone else."
Naglapat siya ng labi. She can feel her heart race at the bottom of her chest.
She stopped and look at him. "Totoo?"
Tumigil rin ito at sa kumikislap na mga mata ay walang alinlangan na tumango. "Hmm, I swear."
Mariin siyang napalunok.
"Zeth, may sasabi--"
Ngunit naputol ang sasabihin niya sana ng marinig niya ang tinig ni Marga.