"Hi Drey, hi Zeth.."
Ang ngiti sa kanyang mga labi ay unti-unting nawala nang sa pagbaling ay nakita niya sina Vera, Jayla at Marga sa kanilang harapan.
Kahit si Lila ay nawala rin ang ngiti sa labi ng makita ang mga ito. Dumako ang nag-aalalalang mga mata nito sa kanya.
She swallowed.
"Good to see you both together." ngisi ni Marga.
Pagkunwa'y may dinukot itong isang puting envelope sa bag nito saka makahulugang inabot sa kanya.
"You've won Drey, so here's the ticket."
She winced. Dumako ang tingin niya sa hawak nito. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Gusto niya, siya mismo ang magsasabi kay Zeth, pero mukhang uunahan na siya ni Marga. And she don't like that f**k to happen.
"Sana ma-enjoy mo ang bakasyon mo sa Boracay. You've worked hard for it." Dugtong pa nito at binigyan pa ng emphasis ang huling pangungusap bago inabot ang kanyang kamay at sapilitang inilagay ang sobre.
Nang ibaling nito ang mga makahulugang tingin kay Zeth ay tila na siya sinisilaban.
"As Drey's friend, we wishes you both good luck, Zeth."
Zeth gently nodded and smile. "Thank you, Marga." He answered in baritone. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari.
Ni hindi nito nakita ang pag-irap ni Marga nang tumingin sa kanya.
She hold the envelope tight, to the point of ripping it. Gustong-gusto niyang ibalik iyon at tanggihan pero hindi niya gusto doon sa harapan ni Zeth. Hindi niya pa ito nakakausap.
"W-We need to go Zeth, m-may trabaho ka pa di ba?" Sabi niyang hinawakan ang kamay nito.
Gusto na niyang iiwas doon ang kasintahan bago pa maibulalas ni Marga ang lahat. She can't let Marga talk first. Kung mayroon mang magsasabi ng lahat kay Zeth.. siya lang iyon.
Zeth licked his lips and darted his eyes on her. He then nodded.
Bumaling ito kina Marga upang magpaalam na ng mga sandaling iyon ay nakangiti pero hindi naman umabot sa mga mata. Vera also smiling sarcastically. Si Jayla naman ay tila puno ng simpatyang nakatingin sa kanya.
Nakahinga lang siya ng maluwag ng makalabas na sila ng gate ng skwelahan.
"Nandito na ang sundo ko, mauuna na ako sa inyo Zeth.." Paalam ni Lila sa kanila.
Tumango si Zeth at bahagyang ngumiti. "Sige mag-iingat kayo pauwi."
"Hmm.. salamat." Dumako ang tingin ni Lila sa kanya. "Drey.."
Iyon lang ang sinabi nito, pero lihim siya nitong sinenyasan sa pamamagitan ng tingin.
She secretly nodded too. Alam niya na kung ano ang ibig nitong ipahiwatig.
"Ihahatid na kita sa sasakyan ninyo." Sabi ni Zeth kapagkuwan.
Nang marahan nitong hilahin ang kamay niya para igiya sa naghihintay nilang pick-up sa parking lot ng skwelahan ay hindi siya nagpatianod. Bagkus ay pinigilan niya ito.
Kunot-noo itong bumaling sa kanya.
She licked her lips and look at him intently.
"I know you're in a hurry, Zeth, but I need to talk to you. M-May kailangan kasi akong sabihin sayo eh." seryoso at kagat-labi niyang sabi.
Ikiniling nito ang ulo saka tinitigan siya. Halata niya sa mata nito ang biglang pag-usbong ng katanungan.
But then, he didn't asked her directly. Instead he raised his free hand and hold her chin.
"Hmm.. with this serious face, mukhang importante ah." instead he said. Bahagya pang natawa.
She licked her lips again. "Yeah, it is important."
"Tungkol ba iyan sa bakasyon mo sa Boracay?"
He asked, looking at the envelope on her other hand.
Oo nga pala, narinig nito ang sinabi ni Marga kanina.
Napalunok siya. She gripped the envelope tightly.
"S-Sort of. P-Pero mas importante kaysa doon ang sasabihin ko. And I need to--"
Tunog ng cellphone niya ang biglang pumutol sa sasabihin sana niya.
Binitiwan niya ang kamay ni Zeth para makuha iyon sa kanyang bag. Initsa niya rin sa loob ang hawak na sobre.
When she look at the screen, nakita niya na ang kanyang Mama ang tumatawag.
She winced, and choose to ignore it. Inilagay niya iyon muli sa kanyang bag. May mas importante siyang dapat asikasuhin than to answer that call, na alam naman niya na wala naman kabuluhan.
Her mother will just going to rant at her, o kaya naman ay pilitin siyang tawagin ang ama upang pabalikin sa bahay.
"Hindi mo ba sasagutin?"
"It's not that important." She said coldly.
Tumango-tango naman ito. Nasa mga mata ang nananantiyang tingin, pero hindi na naman ito nagtanong o nagpumilit. Instead he reach for her hand again and hold it tight.
"Sabi mo may sasabihin ka sa akin. Gusto mo bang pumunta muna tayo sa isang tahimik na lugar para makapag-usap tayo ng maayos?"
Hearing him say that, mas lalong binalot ng guilt ang puso niya.
Ini-angat niya ang tingin rito.
"D-Doon nalang tayo sa Maddy's.." mahinang sabi niya na ang tinutukoy ay ang di kalayuang coffee shop mula sa skwelahan. "M-May trabaho ka pa."
"Huwag mo ng alalahanin iyon. Pwede naman akong mag-over time mamaya and-"
Zeth words was cut, nang muli na namang tumunog ang cellphone niya. He look at her as if urging her to get and answer it.
"Baka importante, sagutin mo muna."
Bumuntong-hininga siya saka inis na kinuha iyon sa kanyang bag sa pag-aakalang ang Mama na naman niya ang tumatawag. Ngunit napakunot-noo siya ng makitang si Yaya Rosing ang tumatawag.
"S-Sagutin ko lang 'to Zeth." Paalam niya saka bahagya itong nilayuan.
"Hello Drey.." agad na bungad ni Yaya Rosing ng tanggapin na niya ang tawag nito. "Nasaan ka na? Pauwi ka na ba?"
Her brows furrows as she heard the urgency in her voice.
"Nandito pa ako sa school 'ya, bakit po? May nangyari ba?"
"Hindi mo daw sinasagot ang tawag ng Mama mo. Umuwi ka na at hinihintay ka ng Mama at Papa mo."
Sarkastiko siyang nagpalatak. "So umuwi na pala si Papa."
"Oo iha, at may nangyari. Kaya umuwi ka na."
Ikiniling niya ang ulo. Sa sinabi nito, biglang binundol ng kaba ang dib-dib niya.
Don't tell her, nag-aaway na naman ang mga ito ngayon? And with the urgency on her Yaya's voice, tingin niya hindi maganda ang nangyayari.
"Ya ano po ang nangyayari?"
"Malalaman mo pag-uwi mo. Sige na, umuwi ka na."
"Sabihin ninyo na po sa akin at-- hello 'ya.. ya?"
Pero wala na ito sa kabilang linya. At mas lalo na siyang kinabahan.
Maybe she's not close to her parents, but she don't want them to reach the point of hurting each other physically.
Kung nasa bahay ngayon ang Papa niya, at may nangyayari ngayon, iyon lang ang tanging naiisip niya. And worst scenario already pop on her mind.
"What happened?" Agad na tanong ni Zeth.
"I-I don't know. Hindi sinabi ni Yaya Rosing, but I think I need to go home immediately. For sure, nag-aaway na naman sina Mama at Papa. Iyon naman palagi eh."
"Gusto mo bang samahan kita hanggang sa inyo?"
Umiling siya saka pinilit na ngumiti. "Hindi na. May trabaho ka pa."
"But, are you going to be alright?"
She chuckled bitterly. "I'm used to it. Sige na, mauuna na ako. I need to get home before they kill each other." Hinaluan niya ng biro ang huling sinabi.
But Zeth remain serious. He look at her wondering if what she said was true or she's just really kidding.
Alam niyang alam nito na may problema siya sa pamilya niya, pero hindi marahil nito inisip na ganoon pala kalala.
She plaster a smile. Trying to make him believe that everything is going to be alright. When she turn her back and walk, she felt his hand on her arm.
"Ihahatid na kita papunta sa sasakyan ninyo." Sabi nito at umagapay na sa kanya. "And please, call me when you get home. Nandito lang ako Drey. I will always be here for you."
Isang masuyong ngiti ang ibinigay niya rito. Ini-angat niya ang kamay sa pisngi nito saka tinitigan ito sa malamlam na mga mata.
"Thank you Zeth." she said sofly.
'And I hope you'll forgive me.'
Gusto sana niyang idugtong pero ewan niya kung bakit binalot siya ng takot. Hindi niya pa kayang ngayon ito magalit sa kanya, not now when she needs him the most.
Hinawakan nito ang kanyang kamay pagkunwa'y dinala sa labi. He kissed her hand so gently that it pained her more.
"Anything for you.." he whispered.