I couldn't believe it, but it really happened.
Napabuga ako ng malakas na hangin. Mabilis akong nagbihis at lumabas na. Sana lang talaga ay hindi nila ako tanungin kung bakit ang tagal ko sa restroom.
I was just wondering if anyone noticed Mr. Rocha enter the restroom. Knowing I was changing clothes there?
And how did he open the door?!
Okay. I need to calm down.
Nang matanawan ko silang lahat paglabas ko — yes, silang lahat. Including Mr. Rocha. Napapamura na lang talaga ako sa utak ko lalo na ngayon na malinaw pa 'yong nangyari sa amin minutes ago.
Hindi ko naman kailangang magalit sa kaniya dahil kasalanan ko naman and I will admit that I like what just happened.
Confident lang akong naglakad papalapit sa kanila. I calmed myself down. Nakikita ko kasi sa mukha ni Mr. Rocha ang pagiging kalmado niya.
Normal lang, so I need to act normal too.
Baka naman nalibugan lang talaga siya sa akin since mas sexy't maganda ako. Duh! Mas maganda pa talaga kay Eirah Bennisse.
I mentally rolled my eyes.
"Nandito na pala si Mikai," sabi ni Madam Eva. Ngumiti na lang ako sa kanila at tumango. Napansin ko naman sa may gilid si Fabella na nakangisi sa akin na animo'y may nalalaman.
"Hi, sorry kung natagalan," sabi ko na lang sa kanila. Oo nga pala, tapos naman na ang shoot at magpapaalam na rin ako sa kanila na uuwi na ako.
"It's okay. Tingnan mo kung gaano ka kaganda, oh." Pinakita lang sa akin muli ni Madam Eva 'yong mga kuha sa akin today. Marahan pa akong natawa.
I nodded. "Alaga mo po ako, eh," sabi ko pa.
"Your such a good girl. Alam ko na ngayon pa lang ay nagsisisi na ang mga bumitiw sa'yo," sabi niya sa akin. I just smiled at her.
"Sino bang bumitiw sa iyo, Miss Mikai?" tanong ng isa sa mga staffs. Umiling na lang ako sa kaniya.
"Confidential," saad ko pa. Nagkatawanan naman kaming lahat do'n. Napadapo naman ang tingin ko kay Mr. Rocha, lihim na lang akong napalunok. Nakatitig lang siya sa akin, hindi pa rin ngumingiti.
Siguro dahil nagbanggit ako ng ibang pangalan kanina habang nasa loob ko ang pag-aari niya?
Malamang. Kahit sino naman ay mao-offend. But it's okay, mabuti na rin 'yon. Gusto kong layuan niya na ako, ayaw ko nang may mangyari pa ulit sa amin.
One is enough.
Nagkibit-balikat na lang ako. "How about 'yong affair mo kay Mr. Keith Louisse Armalana, confidential din ba?" tanong naman ng isa pa. It was unexpected. Hindi ko inaasahan.
Natigilan pa ako ng kaunti. Gusto kong magtaray pero huwag na lang. Ayaw kong may magalit sa akin na staff dito.
"Ahh, yes, confidential," sabi ko na lang at pilit na ngumiti.
Narinig ko naman na napa-tsk lang si Mr. Rocha. Nang lingunin ko siya ay nakataas na ang sulok ng kaniyang bibig.
Napangiwi na lang ako. "I guess. Magpapaalam na lang ako. Update na lang," I smiled at them. Lumapit ako kay Madam Eva at nakipagbeso sa kaniya. Tinanguan nila akong lahat.
"Ay gano'n? Hindi ka sasama sa party namin mamaya?" tanong ni Madam Eva.
May party pala? Gustuhin ka man ay hindi maaari. I mean, gusto ko, pero mas gusto ko na lang na umuwi tapos aalagaan ko ang anak ko.
"Hindi na po," sabi ko at ngumiti. Tumango naman si Madam Eva sa akin.
"Okay, I understand. Ihahatid ka ni Fabella," sabi niya sa akin. Tatanggi pa sana ako pero tinapunan ako ni Madam Eva ng wag-mo-ko-tatanggihan look.
Napangiwi naman ako kaagad.
Nilingon ko si Fabella. Nakangiti lang siya sa akin at tumango-tango.
"Is that okay with you?" I asked her.
"Yes. Of cou—" Hindi niya pa man natatapos ang mga salita ni Fabella nang magsalita si Mr. Rocha.
"Kailangan ko na rin umalis. Ako na lang," diretso ang pagta-tagalog ni Mr. Rocha. Napanganga ako.
I faced him.
"Ang alin?" I asked. "Anong ako na lang?"
"Ako na lang ang maghahatid sa iyo," sabi niya. Lalo lang akong napanganga.
"Mabuti pa nga," pagsang-ayon ng lahat. Kinunotan ko lang siya ng noo.
"What?" Tumaas lang ang mga kilay niya. Gusto ko man siyang ngiwian ng harap-harapan pero mas pinili ko na lang na ngumiti sa kaniya.
"Okay," sabi ko na lang. Nagpaalam akong muli at nauna nang lumabas ng silid na iyon.
I was aware that Mr. Rocha was strolling behind me. I didn't bother looking back to see him. Darn. I can't believe that this is actually happening! Ihahatid niya ako? Seriously?
Magta-taxi na lang ako.
"Hey, you're walking a little too fast."
Hinabol niya ako at sinabayan sa paglalakad. Papasok na kami sa elevator no'n, bigla na lang akong nakaramdam ng kaba. Feeling ko may mangyayaring hindi maganda.
Napansin ko sa peripheral vision ko na may nakasabit sa leeg niya na malapad na straps. Malamang, camera niya.
May camera nga, pagkumpirma ko nang makita ko na hinawakan niya ito upang i-angat.
He's just acting normal. Parang wala lang talaga. Samantalang ako, hindi ko lang pinapahalata ang sobrang kabog ng dibdib ko sa nangyari sa aming dalawa.
I pressed the ground floor button. Ako na ang gumawa tutal ako naman ang malapit. Tahimik langa ako, siya rin naman habang tumitingin siya sa camera niya.
Nilingon ko siya. Hindi ko maiwasang mapahanga. He's really handsome and hot. Lahat siguro ng babae ay kayang i-alay sa kaniya ang lahat. Pati kaluluwa nila para lang sa lalaking 'to.
And actually, mas bagay talaga siya na maging model kaysa photographer. But he's a professional photographer, though.
Masaya talaga ako sa totoo lang na siya ang kumuha ng mga litrato ko. Kakabalik ko lang tapos professional kaagad ang photographer ko at ilalagay din ako sa front page ng magazines. I'm happy.
Guwapo na, professional pa.
Napakagat-labi naman ako nang maalala ko ang nangyari kanina. I'm still staring at him na pinagsisihan ko na agad. "Don't bite your lower lip, Mikai," sabi niya. Sa camera siya nakatingin pero napansin niya pa rin ako?
Nakatagilid lang siya sa akin kaya posible nga.
Ginawa ko naman ang sinabi niya. Umayos ako ng tayo, nag-iwas na rin ako ng tingin sa kaniya.
"Do you like what happened earlier?" mahina ang boses niyang tanong sa akin. Alam ko na sa camera niya pa rin nakatuon ang mga mata niya.
Napalunok naman ako.
"N-No," pagsisinungaling ko pa.
"Really?" singhal niya sa akin. Natigilan naman ako nang mapansin ko na binitawan niya na ang hawak niyang camera. Sa akin na rin siya nakatingin ng diretso.
Nagsimula siyang maglakad papalapit sa akin kaya napasinghap ako. Awtomatikong napaatras ako, natigil lang ako nang wala na akong aatrasan.
Hindi pa rin siya tumigil sa paghakbang niya papalapit sa akin, when he did, he immediately cornered me with his two arms.
"Hindi talaga?" he asked. Nakatingin siya ng diretso sa akin. Hindi ko naman siya kayang tingnan ng diretso kaya napayuko na lang ako.
"H-Hindi talaga...." sabi ko na lang.
"Look at me," sabi niya sa akin. Hindi ko ginawa 'yon. "I said, look at me," mariin na utos niya sa akin. Napasunod na lang din ako.
Sa labi ko kaagad dumapo ang paningin niya. He put his thumb on my bottom lip, and he slowly pushed it down. Napaungol ako sa ginawa niya. I just looked directly at him.
Dahan-dahan niya rin nilapit pa lalo ang mukha niya sa akin pero biglang bumukas ang elevator kaya awtomatikong natulak ko siya.
Tumikhim pa ako at nauna nang lumabas ng elevator. Buti na lang talaga. Inaasahan ko nang nakasunod lang siya akin hanggang sa sinabayan niya akong muli.
I told myself to calm down.
Tahimik lang ako. Gano'n din siya, buti na lang at hindi siya nagsalita. Magkasabay lang kami sa paglakad.
Pinigilan niya lang ako nang hindi ako dumiretso sa parking lot. He grabbed my arm.
"Where are you going?" tanong niya sa akin.
"I'm going home," sabi ko at napairap.
"Right, and you'll come with me because I'll lift you home," he said.
I immediately shook my head. "No need, I can take myself home." I even tugged my arm on his grip.
Tinaasan niya lang ako ng kilay. Tiningnan niya ako ng diretso at saka tumango.
"Okay. Hindi naman ako namimilit," sabi niya. Nagkibit-balikat pa siya't siya na ang naunang tumalikod sa aming dalawa.
Bigla naman akong nakaramdam ng pagkabigo na hindi ko alam ang dahilan. Napailing na lang ako. Pasalamat pa nga ako hindi niya ako pinilit na sumabay sa kaniya.
Nagpara na kaagad ako ng taxi nang may dumaan. Mabilis naman ako nitong naihatid sa bahay.
Naabutan ko lamang doon ang aking anak na mahimbing na natutulog. Nasalubong ko rin ang kapatid ko sa hallway na nakasimangot.
"Hi, what's up?" bati ko sa kaniya.
"Wala naman. Ikaw, musta lakad mo ngayon?" tanong niya sa akin. Napakibit-balikat lang ako.
"Gano'n pa rin," sagot ko pa. Bigla ko naman naisip na itanong sa kaniya ang tungkol sa babaeng 'yon. "Baka naman, Kuya, sabihin mo na kung paano kayo naging malapit ng malanding 'yon," sabi niya.
"Hindi siya malandi, you don't know her," mabilis na sagot niya sa akin.
Napataas naman ang kilay ko. "Alam ng lahat kung gaano kalandi 'yang si Eirah na 'yan. Dati pa nga, lima-limang lalaki kasama niyan pumasok sa motel!"
Napa-facepalm lang ang kapatid ko na si Nikolai sa sinabi ko. Totoo naman, may nakakita sa kaniya and that news spread.
"Hindi siya katulad ng iniisip mo," he sternly said. Napairap na lang ako. I even crossed my arms.
"It's true," sabi ko.
"Fake news lang 'yan. Nakita ba mismo ng mga mata mo 'yon?" tanong niya. Marahan akong natigilan at napailing naman. Pero kahit hindi ko nakita ay alam kong totoo 'yon! Hindi na ako magtataka kasi ang kalandian ng babaeng 'yon ay literal!
"Hindi ko nakita pero maraming nakakita," mataray lang na sabi ko. Natawa siya sa akin.
"Don't believe it if you didn't see it with your own eyes," he said, laughing.
Kinunotan ko lang siya ng noo. Hindi ako kumbinsido. Ano ba talagang gayuma ang ginamit ni Eirah sa kapatid ko? Kasi gusto ko rin gamitin kay Keith!
"Ha-Ha!" I faked a laugh. "Marami pa rin ang nakakita."
Pin-at niya lang ako sa ulo ko. "I'll prove it to you once she comes back," sabi niya. I rolled my eyes.
"Kung babalik."
"She will," sabi niya na lang at nilagpasan na ako. Nilingon ko pa siya nang nakangiwi. Naglalakad na siya ngayon papalayo sa akin.
"Nabilog na bang tuluyan ni Eirah 'yang ulo mo, 'no?" I asked in disbelief.
"I love the b*tch that you're saying," pahabol niya lang din. 'Di niya na rin ako nilingon.
Hindi lang ako makapaniwala habang pinapanood ko siya na maglakad papalayo sa akin. Ilang beses lang akong napairap lalo na nang mawala na siya sa paningin ko.
Umiling-iling na lang ako't nagpasyang maligo. Bigla ko namang naalala ang nangyari kanina. 'Yong ngisi niyang nakakaloko habang hawak-hawak niya ang mga hinaharap ko. Wala sa sariling napahawak naman ako ro'n. I couldn't help myself moan a bit. OMG.
He's lovely.
Napalunok na lang ako. Binilisan ko na lang ang pagligo ko pagkatapos ay tumabi na lang ako sa anak ko. Tinitingnan ko lang siya habang natutulog at nag-iisip ng mga bagay-bagay. Nagsasalita rin ako na parang kinakausap ko rin siya kahit na tulog siya't imposibleng sumagot sa akin. Mama pa lang naman ang alam niyang bigkasin.
Sabi ng pediatrician ni Bob, normal naman daw 'yon. Medyo delay lang talaga sa pagsasalita ang anak ko, but he always uses his gestures naman kapag may gusto siyang sabihin. Example, if he's hungry and really wanted to eat.
Natigil lang ako nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Message lang 'yon at hindi call. Nang tingnan ko kung sino 'to. Unknown number lang pero nakita ko na may dati siyang message and it's Mr. Rocha, 'yong message niya sa akin kagabi na na-resched nga.
Pareho lang ang mga numerong ginamit.
'See you again.'
Napataas naman ang kilay ko sa message niya. See you again? Huh?
Ayaw ko sana siyang reply-an pero curious talaga ako.
'Huh? Is there going to be another photoshoot? I thought today was the last day.'
Medyo nanginginig pa ang daliri ko habang tina-type ko 'yon sa cellphone ko. Huminga lang ako ng malalim, kahit na ang lakas pa rin talaga ng kabog sa dibdib ko.
Mabilis siyang nagreply sa akin.
'Are you interested in visiting my own studio?'
Napakunot naman ang noo ko. Bakit napunta sa studio niya? Ang layo ng tanong ko sa isinagot niya!
'No thanks', I replied. Ayaw ko nga! Iba lang ang naiisip ko. At saka bakit naman niya ako iniimbita na pumunta sa sarili niyang studio?
Naalala ko naman na aalis pala siya kaya nga min-ove ngayon ang photoshoots. Iyon ang sinabi sa akin ni Fabella kanina. So kahit hindi pa siya nagre-reply ay dinagdagan ko na ang message ko.
''Di ba aalis ka na?'
Mabilis na naman siyang nag-reply;
'Do you want to come?'
Nanliit naman ang mga mata ko. "Taga-saan ba 'to?" tanong ko na lang sa sarili ko.
'No thanks again. Abroad?'
Okay. Nagmukha akong interesadong-interesado. Medyo pinagsisisihan ko na 'yong ni-reply ko sa kaniya pero nagtataka din talaga ako kung saan. Halata naman na hindi siya taga-Tastotel.
'Yup', he replied. Napatango-tango na lang ako sa sarili ko. Itinabi ko na lang ang cellphone ko. Bumaling ulit ako sa anak ko't napangiti na lang.
Wala na akong balak na mag-reply sa kaniya. Nag-iinit pa rin ang mukha ko nang maalala ko iyong nangyari sa aming dalawa kanina.
I told myself na wala lang iyon. Wala rin naman 'yon para sa kaniya, eh. Pero hindi ko maiwasang kabahan.
Ingat.
Mukhang kailangan ko ngang mag-ingat!
Napatingin lang akong muli sa cellphone ko nang tumunog muli. May mensahe ulit. It was from Mr. Rocha again.
I furrowed.
'I'll be back in a few weeks, Mikai Serratore.'
Really?! Bakit kailangan pa akong i-inform? Napakagat-labi na lang tuloy ako habang tinitingnan ang mensaheng pinadala niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong magreply o hindi. But I ended up typing words: and I sent it to him.
'Alright then, see you.'