Chapter 6

2149 Words
I'm so proud of myself. Ngayong araw, natapos ko na rin ang kolehiyo. Dapat noon pa pero natigil nga ako ng ilang taon dahil kay Bob and it's okay with me. Katulad nang palagi kong sinasabi, wala akong pinagsisihan. Napangiti na lang ako. "Congrats, Mikai," sabi sa akin nila Keith nang lapitan ko sila. Nandito sila sa bahay, my family threw a party for me. And they're invited. Um-attend sila sa party na 'to, natutuwa naman ako. "Enjoy yourself, marami pang al—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita si Achill, yes, as in Achilliance Montinelli. "Pass na ako. I have to go," sabi niya. Nakatingin siya sa cellphone niya bago tumayo sa kinauupuan niya. "Ang aga naman?" tanong ko sa kaniya. "Ang aga ko rin malilintikan. Minumura na ako ng pinsan ni Sael, nangako nga pala ako na tutulungan ko siya ngayong gabi. Bye guys," sagot lang nito sa akin. Hindi niya na hinintay ang sasabihin namin nagmadali na siyang maglakad papalabas ng bahay. Pinsan ni Sael? Si Fabella lang ang kilala k — Napakurap-kurap naman ako nang maalala ko ang Alonzo sisters, pinsan nga rin pala ni Misael Consejo 'yon. Nagkatawanan naman sila. "Takot naman pala kay Carmie, eh," sabi naman ni Xander Alejandro. Nandoon din siya. Ngumiti na lang ako habang nakaharap sa kanilang lahat. Si Kit Armalana naman ay biglang tumayo. Mukhang susunod kay Achill na umalis pero hindi niya nagawa dahil tumikhim si James Sandoval, humarang naman kaagad si Misael at Xander. "Walang aalis," matigas na sabi ni Misael. "Napakadamot niyo talaga, eh, 'no?" singhal ni Kit sa kanila. Buti na lang ay hindi na katulad no'ng nakaraang buwan na literal na ang sama ng tingin sa akin! Ngayon mukhang okay na siya. Nagkatawanan naman sila Fabella na ngayon ko lang napansin na naka-akbay pala sa kaniya si Adam Llagas. Nagtaas ang kilay ko sa kanila. Fabella just smiled at me. Hindi na ako napatanong dahil alam ko na kung ano ang nangyayari. "Kasama 'yan sa mga punishment mo. Inagaw mo si Crisselle 'di ba?" sabi pa ni Xander. Hindi ko maintindihan kung bakit nila 'to hinarang. "B*bo," naiinis na sabi ni Kit at bumalik naman lang sa puwesto niya katabi ni Keith. Ngayon ko lang din napansin na nakatitig pala sa akin si Keith. Sinenyasan niya ako na mag-usap palayo sa kanila. Tumango lang ako. Sinenyasan ko rin siya na sumunod sa akin. Tumalikod na ako sa magkakaibigan at saka naglakad papunta sa may pool area. Alam ko naman na nakasunod na sa akin si Keith. Pagdating namin do'n ay tahimik muna kaming nakatingin sa pool. Gabi na niyon at nagre-reflect ang ilaw sa tubig. May hawak din pala siyang bote ng alak. Branded 'yon, If I am not mistaken, isang daang libong dolyar ang isang bote niyon. Hindi naman na ako magugulat dahil alam ko naman na kayang-kaya nilang bumili ng gano'n. Grabe 'tong magkakaibigan na 'to kung mag-inuman. Bote na kaagad, hindi uso ang baso or kopita man lang. Tapos mamahalin lahat, si Adam at Xander lang yata sa kanila 'yong umiinom ng gin, as in 'yong gin talaga na made in the Philippines. "C-congrats," pagbasag niya sa katahimikan. Tumango-tango naman ako sa kaniya. "Y-Yeah, thank you so much. Congrats din," sabi ko na lang. "Para saan?" Pareho kaming nakatuon ngayon sa pool. "Sa graduation mo rin. Wala ako no'n para batiin ka pero nandito ako sa Tastotel kasi graduation din ng kapatid ko," sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin. "Okay lang, Mikai, ang mahalaga, nandito ka na," sabi niya. Napatingin naman na ako sa kaniya. Ayaw kong bigyan ng ibang ibig sabihin ang sinabi niya. Masasaktan lang ako. "Well, yeah, mahalaga nga na nandito na ako tapos may anghel ka na rin," sabi ko at pinilit ko pang matawa. Hinarap niya rin ako. Seryoso niya akong tiningnan kaya hindi ko maiwasan na kabahan ng sobra. Bumilis ang bawat paghinga ko. I don't understand. Parang may kakaibang mangyayari. "Mikai, I am really sorry for what I have done," sabi niya sa akin. "But... let's talk about this..." mahina ngunit seryosong-seryoso na sabi niya. Uminom muna siya ng alak habang nakatingin pa rin sa akin. Medyo nakatingala pa ako sa kaniya dahil mas matangkad pa rin siya sa akin. "A-about what?" naguguluhang tanong ko sa kaniya. 'Yong paghinga ko rin ay hindi ko na maintindihan. Para akong aatakihin. Saan? Sa puso? Baka! Wala naman akong sakit sa puso pero baka magkaroon na dahil sa seryosong titig niya sa akin. "About us," sabi niya. Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi niya. About us? Ayaw ko talagang bigyan 'to ng ibig sabihin. Ayaw kong magkaroon matuwa ng lubos tapos masasaktan lang din ako. "A-Anong a-about us?" "I'm planning to —" Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla na lang may tumawag sa akin. "Mikai," sabay kaming napalingon sa tumawag. Lalo lang akong napanganga, lalo lang din naging abnormal ang aking paghinga. It's Mr. Rocha... It's Martines Rocha! Ilang linggo na rin akong hindi nag-e-expect na babalik pa siya sa Tastotel. Nakalimutan ko na nga halos ang nangyari sa amin at naka-move on na rin ako. Ilang buwan na rin kasi ang lumipas. Pero hindi ko siya ini-nvite dito sa graduation party ko kaya bakit siya nandito?! Napansin ko ang masasamang titig ni Mr. Rocha kay Keith. Umiigting pa ang kaniyang panga! Nang magbaba ako ng tingin ay nakakuyom din ang kaniyang mga kamao. Napalunok ako at parang ayaw ko na lamang huminga. Bigla akong naka-amoy ng away kaya hindi napabuga talaga ako nang malakas na hangin. Humarap ako kay Keith. "Next time na lang tayo mag-usap tungkol diyan, okay?" sabi ko sa kaniya. Tumango-tango lang siya sa akin. Tinalikuran ko na siya at naglakad papalapit kay Mr. Rocha, hindi naman na ako tumigil sa harap niya. Kusa ko nang hinila ang braso niya paalis ng pool area. Buti na lamang ay hindi siya nagmatigas. Sumunod lamang siya sa akin. Lumabas na rin kami diretso ng bahay. Maraming kotse rin ang nakaparada sa labas ng bahay namin since marami-rami rin naman ang bisita ko. Binitawan ko ang braso niya. I faced him. "What are you doing here?" tanong ko sa kaniya. Nawala ang mga talim sa kaniyang mga titig. Wala lang siyang ekspresyon na tiningnan ako. "I'm also invited," sabi niya na lang. Teka, wala akong maalala. Anyway... "Bakit gano'n ang titig mo kay Keith? Parang gusto mo na siyang sapakin!" "Magagalit ka ba?" Natigilan naman ako sa tanong niya. "Magagalit ka ba kapag sinapak ko siya?" Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. "Oo, ayaw ko ng away.” Matagal na akong umiiwas sa mga away. Hindi na nga ako masyadong nagtataray, hindi katulad noon. "Then I'm not going to punch him," he said. "B-Bakit?" Anong bakit? Eh, siyempre gusto kong malaman. Sinabi ko lang na ayaw ko nang away! At magagalit ako, hindi niya na susuntukin si Keith! Ayaw kong suntukin niya si Keith. Ayaw ko ng away, okay?! "For the simple reason that I do not want to enrage you," sabi niya. "Look at me," utos niya sa akin. Sinasabi ng isa kong utak na huwag ko siyang sundin pero sinunod ko pa rin siya. Nang tumingin na ako sa kaniya ay agad niya na akong sinalubong ng halik. He cupped my face, hindi ko naman siya tinulak plus, parang wala naman akong balak. I snaked my arms on his nape while I am kissing him back. Yes, I'm really doing that. I don't know why I know it's wrong—wait, bakit ko naman nasasabing mali? Dahil ba naging photographer ko siya? Bakit ko naman sasabihing mali 'to kung pakiramdam ko'y tama ang paglaban ko sa mga maiinit na halik na ibinibigay niya? Kung mainit na ang mga halik namin ay mas pinainit ko pa 'to. I licked his lower lip and he also licked mine. Para tuloy kaming magkaaway na naglalaban at mga sandata namin ay ang aming mga dila. I could feel his saliva, and he's too. pero wala naman kaming pakialam do’m pareho, as long as our kiss makes us feel good. Ilang minuto lang ang paghahalikan namin hanggang sa naghiwalay na ang aming mga labi. We're now catching our breath. Dahan-dahan akong tumingin ng diretso sa mga mata niya. He's so handsome! Ang ganda talaga ng mga mata niya, dapat na ba akong matuwa dahil hinalikan ako ng guwapong 'to? I suddenly saw Keith's eyes flashing on my mind. Napalunok na lang talaga ako. He wrapped his arms around me. "You're a good kisser, Mikai," he said under his breath. "I know," I answered him. "You too," balik ko na lang sa kaniya. "Congratulations, by the way," sabi niya. Inilapit niya pa ang mukha niya sa akin at binigyan niya ako ng matunog na halik sa may pisngi ko. "Thank you," sagot ko. Kanina pa mahina ang mga boses namin. Parang nagbubulungan lang kami. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapalunok ng ilang beses tuwing maiisip ko na para bang masarap pakinggan ang boses niya sa aking mga tenga. "Do you want to come with me?" he asked huskily. "W-Why?" Inilapit niya ang kaniyang mga labi sa kanang tenga ko. "I have a gift for you," he whispered. Parang binuhusan naman tuloy ako ng napakalamig na tubig. Para bang kinuryente ang katawan ko ng isang beses. "H-Hindi mo b-ba dala?" I asked. Hindi niya ba talaga dinala at kailangan pa akong sumama sa kaniya? At saka seryoso ang gift?! Parang close na close kami! Well... eherm. "No. Wanna claim it?" Napatango na lang ako sa kaniya. Curious din ako! "Y-Yes, p-please," sabi ko na lang sa kaniya. "Come with me," he mumbled. Binitawan niya ako at naglakad papalayo sa kinatatayuan ko. Iyong kabog ng dibdib ko, ang lakas. Pumunta siya sa mga isang kotse na nakaparada sa tapat ng bahay namin. Binuksan niya ang passenger's seat nito, humarap siya sa akin. He smiled at me. "Get in," he mouthed. "O-Okay..." Tumango na lang din ako at dahan-dahan na lumapit sa kaniya. Medyo nanginginig pa ang tuhod ko. Parang pinasukan ng malamig na hangin ang buong katawan ko. Baka nga, nakasuot ako ng off-shoulder at kitang-kita ang buong balikat ko, pati cleavage ko na rin! Oo! Meron akong cleavage! Mainggit na ang mainggit! I mentally rolled my eyes. Pumasok na ako sa kotse niya. Isinara niya naman din 'yon. Pumasok na rin siya at agad pinaandar ang sasakyan papalayo sa bahay namin. "S-Saan tayo p-pupunta?" tanong ko na lang din sa kaniya. Nilingon ko siya. Nakangisi lang siya sa akin. "Sa bahay," sabi niya. "Hindi ka rito nakatira sa Tastotel, malayo?" tanong ko. Sana naman hindi! Baka hanapin ako sa bahay nito! Wala pa naman akong dalang cellphone para ma-inform sila. Basta... Kukunin lang namin 'yong gift niya sa akin. Iyon lang 'yon. "I also own a home here in Tastotel. I'm not simply staying here because I have a lot of photoshoots to go to," he said. Napatango-tango naman ako. "Okay," sabi ko na lang. "Did you already see yourself in the magazine? Na-release na last month 'yon," sabi niya. Napatango-tango naman ako. Gaya ng alam ko ay nasa front page ako ng magazines. "Yes," sabi ko. "Magaling kang photographer," saad ko sa kaniya. Narinig ko naman ang pagtawa niya. Sa pagmamaneho siya nakatuon. "Thank you, pero may isa pa kasi akong talent, do you want to know it?" sabi niya. Nang-aakit ang bawat salitang lumabas sa bibig niya. Awtomatikong nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Kung kanina ay parang nilalamig ako, nag-iinit naman na ako ngayon! "Or you wanted to figure it out yourself," sabi niya. Napanganga na lang talaga ako. Feeling ko, pulang-pula na ang mukha ko. Sa sinasabi niya at saka paraan ng pagsasalita niya ay alam ko na kung anong isa pang talent ang sinasabi niya! "A-Alam k-ko na 'yon," saad ko. Naalala ko 'yong nangyari sa restroom. Iyong bigla niyang pagpasok. Heto na naman ang pagtataka. "Paano ka nga pala nakapasok sa restroom na 'yon?" tanong ko na lang sa kaniya. "May susi ako," sabi niya. So isa 'yon sa konklusyon ko, kaya tama rin ang hinala ko na gumamit siya ng susi. Ni-lock ko kasi talaga iyon, eh! "W-Why d-did you do that?" Dapat ko bang tanungin? Malamang nililibugan nga lang siya sa akin. "Do, what?" he asked. Nang mapatingin ako sa rear-view mirror ay nakangisi pa rin siya. Na para bang may plano siya na hindi kaaya-kaya. I gulped."I-Iyong nangyari sa a-atin sa r-restroom," nauutal pang sabi ko. "Do you like it?" tanong niya naman. Bakit niya nilalayo kasi?! "I asked you first, why did you do that?" "Why did you let me do that?" Nakaramdam ako ng inis. "Because, you're so attractive!" Dala nang inis kaya nasabi ko 'yon. "And so are you. You have a lovely body. I've wanted to get into your hole ever since," Martines said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD