Nagpalunod lamang ako sa kaniyang mga halik nang gabing ‘yon. Kahit na sinasabi ng utak ko na tumanggi ako sa ginagawa niya ay hindi ko nagawa— hindi ko ginawa kasi naramdaman ko na naman na tama ‘yong ginagawa namin.
Sinabi niyang muli sa akin na hindi ko papakasalan si Keith matapos na may mangyari sa amin sa kotse.
I bit my lower lip. Napatingin ako sa cellphone ko nang lumiwanag ito. Nandito na ako ngayon sa kuwarto ko, mag-isa. Si Bob ay nasa nursery maid, kasama ang kapatid kong si Nikolai. Sinabi niya sa akin kung puwede na siya na lang ang magbantay kay Bob maghapon tutal ay wala naman daw siyang trabaho ngayon.
Pumayag na lang din ako. Actually, nae-enjoy niya talaga ang pag-alaga sa anak ni Keith. Tapos may inis pa rin si Kuya kay Keith hanggang ngayon kasi binuntis daw ako kaagad.
Kinuha ko lang ang cellphone ko. May tumatawag sa akin. It was Keith.
Yeah, si Keith.
Hiindi ko pa nga pala sa kaniya sinasabi na payag akong magpakasal sa kaniya.
I couldn’t tell him. I don’t know why maybe it was because…
Because I am thinking of Mr. Rocha? Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Dapat nga ay hindi na tumagal ang pag-iisip ko na ‘to.
Keith gives me space to think about the marriage that he proposed. Seryoso talaga siya sa sinabi niya sa akin na gusto niya akong pakasalan.
Dapat din talaga ay nagdidiwang ang buong kaluluwa ko ngayon kasi… pangarap ko si Keith. I can’t have him now.
Sabi nga ni Fabella, walang permanente sa mundo. Hindi man ako mahal ni Keith ngayon na nagbabalak siyang pakasalan ako, but I know, there’s a part in me, telling me that Keith will love me.
He would.
Tinitigan ko lang ang cellphone ko habang tumutunog ito. I don’t know why. Hindi naman ako madalas mag-hesitate na sagutin ang tawag niya. Except na lang do’n sa nalaman niyang siya ang ama ng anak ko. Panay tawag siya sa akin no’n pero hindi ko talaga sinasagot kasi alam ko naman an ang topic namin ay gusto niyang makita ang anak ko.
Gusto niyang makita si Bob.
Ngayon na tungkol naman na sa amin ang pag-uusapan ay nag-aalangan pa ako.
I’m just seeing Martines flashing on my mind—yeah, I should really call him that. Call him without Mr., Call him with his first name.
Martines…
Na actually, puwedeng last name. I mentally rolled my eyes.
Lumiwanag at tumunog muli ang aking cellphone. Tumatawag ulit si Keith…
I heaved a deep sigh before answering the call. “Hi,” saad ko nang sagutin ko ang tawag.
“What’s your decision?” tanong niya sa akin. Seryoso ang tono ng kaniyang boses.
I suddenly heard my mom’s voice telling me that I should say that I loved him.
Bakit hindi ko gawin ‘yon ngayon? I’m just thinking… malalaman niya rin naman ‘di ba?
Kapag nagpakasal kami ni Keith, nagsama sa iisang bubong ay hindi ko na mapipigilan ang sarili ko na sabihin sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.
I love this guy so much.
Bigla kong naalala ang sinabi ni Fabella na kausapin at tanungin ko siya kung may nararamdaman ba siya sa akin… kahit na kaunti…
Pero, unahin ko na munang umamin sa kaniya. I love him.
Napabuga muna ako ng malakas na hangin bago ko sinagot ang tanong niya. “I wanted to tell you something before that.”
“Ano ‘yon?” tanong niya sa akin.
“I’ve n-never told you this years ago. Gusto ko lamang umamin na nagsinungaling ako,” sabi ko sa kaniya.
“Nagsinungaling?”
Napansin ko na medyo naguguluhan siya sa sinabi ko. I lied.
“Nagsinungaling ako sa’yo. Sinabi ko sa iyo na walang na-develop but the truth is, I am stupidly in love with you…” pahina nang pahina ang aking boses ngunit sigurado naman ako na narinig niya ang sinabi kong iyon. Hindi siya kaagad nakasagot.
Ako naman ay napapaikit ng mariin. Mali bang sinabi ko sa kaniyang mahal ko siya?
I was waiting for his reply but he didn’t answer me. Nakaramdam naman ako ng hiya, tiningnan ko pa ang cellphone ko kung pinatay niya an anag tawag pero hindi naman.
I sighed. “Are you still there?” I asked. Narinig ko naman ang kaniyang pagtikhim.
“Yeah,” sagot niya. “If that’s the case, then we should really get married,” sabi niya.
I closed my eyes. Wala man lang siyang ibang reaksyon sa sinabi ko na mahal ko siya?!
“I’ve been in love with you for so many years, Keith. I know that I am not perfect. Alam ko na hindi naman ako ang tipo mo. You don’t even love me, so what’s the real reason why you want to marry me?” I asked. Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yon. Hinayaan ko lang ang sarili ko na itanong sa kaniya ‘yon.
I heard him clear his throat again. “I love my son… and I love you,” he said to me.
Napanganga ako sa sinabi niya sa akin. Nananaginip ba ako? If oo, ayaw ko nang magising.
Kidding. Gusto ko pang magising! I wanted to see my son’s life soon.
“Y-You do?”
“No’ng bigla ka na lang nawala, hinahanap-hanap kita. I lied too, hindi naman ako biglang inabangan ng kapatid mo. Ako ang lumapit sa kaniya. Hinanap kita sa kaniya, nainis siya nang makita ako kaya sinapak niya ako,” sabi niya.
Ang mga sinasabi niya sa akin ngayon ay sobrang sarap sa tenga ko. Parang tutulo na naman ang mga luha ko ngayon. Ang saya ko lang—
Parang gusto ko naman nang maiyak talaga dahil sa biglaang pagpasok ng guwapong mukha ni Martines Rocha sa utak ko.
But…
“I love you, Mikai…”
Keith loves me…
Hindi na ako kailangang magtanong sa kaniya kung mahal niya rin ba ako katulad ng advice sa akin ni Fabella dahil ayan na. Mahal niya ako.
He’s the man that I can’t have—before. But now, this is happening.
Seryoso ang mga boses niya. Seryoso siya sa sinabi niyang mahal niya ako.
I covered my mouth. Ibinaba ko na lang bigla ang cellphone ko. Hindi ko maiwasan ang umiyak nang umiyak dahil sa sinabi niya sa akin.
Hindi ako makapaniwala. My heart’s screaming now. Sinisigaw nito kung gaano ako kasaya. I am not dreaming. This is true. This is happening. I find out that Keith is in love with me.
The father of my son loves me.
Being with him is my dream. Marrying Keith is what I wanted.
Kinuha kong muli ang cellphone ko. Magpapadala lang ako kay Keith nang mensahe.
Tumutulo ang mga luha ko habang tinatayp ko ang mga salitang ipapadala ko sa kaniya.
‘I love you too. And YES, I wanted to marry you.’
SENT.
I sniffed.
Nagreply naman siya kaagad sa akin. ‘Talk to you, later’.
Napatango-tango ako sa sarili ko.
Napapunas naman ako ng mga luha ko at inayos ang sarili ko nang bigla na lang bumukas nag pinto ng kuwarto ko. It was my mother.
Tinaasan niya kaagad ako ng kilay. “Ma,” I called her. Mabuti na rin na nandito siya. Nakalimutin ko rin talagang banggitin sa kaniya ang tungkol sa gustong mangyari ni Keith— I mean, sa gusto naming mangyari.
I wanted to marry him. He wanted to marry me.
I love him. He loves me too.
We love each other…
At that thought, parang gusto na lang sumabog ng buong katawan ko dahil sa tuwang nararamdaman ko.
Parang dati ay ayaw kong umasa kasi imposible naman mangyari pero ngayon… nangyayari na talaga.
Isa siya sa mga pangarap ko na natupad.
But then…
‘You’re beautiful, Mikai.’
Kailangan kong tanggalin sa utak ko si Martines Rocha. Hindi ko naman na siya kailangang isipin. Ang mga nangyari sa aming dalawa ay dala lamang ng libog namin pareho.
It was just s*x.
Lust.
That’s it.
Hindi sa akin lumapit si Mama. Nakatayo lang siya sa may pintuan ng kuwarto ko. She crossed her arms while she’s straightly looking at me.
“Umiyak ka?”
“No,” pagsisinungaling ko pa. “Ma, nag-usap kami ni Keith. We’re getting married,” I said.
“Sigurado ka ba riyan?” tanong niya sa akin. Ang mga mata niya na nakatingin sa akin ay parang sinasabi na mali ang desisyon ko.
Pero ito ang tama. I love that man. Hindi lang para sa akin ang pagpapakasal na ‘to, pati na rin sa anak namin. Gusto kong lumaki siya na may buo at masayang pamilya na kakagisnan.
I nodded. “Yes, Ma. I am sure,” sabi ko. Napakibit-balikat naman siya sa akin.
“Alright, then. Congrats. Ikakasal na ang maganda kong anak,” sabi niya. Lumapit na siya sa akin at niyakap ako. Napangiti na lang din ako.
“Of course, ako lang naman— nag-iisang anak mong babae kaya ako lang ang maganda!” sabi ko pa nang kumalas kami sa pagkakayakap. Natawa na lang din siya sa akin.
“Masaya ka ba?” she asked me.
“Yes,” nakangiting sagot ko sa kaniya but deep inside, may tao na namang nagpupumilit na isipin ko siya.
I mentally shook my head.
Huwag.
“Mabuti kung gano’n. Kakausapin ko na rin ang nanay ni Keith,” sabi niya sa akin. Napatango-tango naman ako sa kaniya. Nag-usap lang akmi ng ilang minute bago siya excited na lumabas sa kuwarto ko.
Nakangiti lang ako pero na-freeze iyon agad nang makita kong may message ako galing kay Martines Rocha.
I sighed.
Hindi ko na alam kung ano ba ang gagawin ko para lang lubayan niya ako. I should block his number na lang and hindi ko siya papansinin.
Iyon ang mas tamang gawin.
Magpo-focus na lang ako sa plano namin ni Keith na magpakasal.
Bago ko naman gawin ‘yon ay hindi ko pa rin naiwasan ang sarili ko na basahin ang message niya sa akin.
Iyon lang naman ang laman ng mensahe. Katulad lang ng sinabi niya sa akin no’ng huli naming pagkikita tungkol sa pagkontra niya sa balita ko.
Ano bang pakialam niya kung papakasalan ko si Keith? I sighed. Bin-lock ko nang tuluyan ang number niya.
I suddenly remember the thought that he’s a taxi driver. Hindi talaga siya nagbibiro nang sabihin niya sa akin na taxi driver siya.
Hindi pa rin naman namin napag-uusapan ang tungkol doon. Hindi naman na namin pag-uusapan.
Imposible naman na nagsisinungaling lang sa akin ‘yong tag na twenty-nine milyon dollars talaga ang halaga no’ng red shirt niya. Lalong-lalo na si Madam Eva nang sabihin niya sa akin na mayaman ang pamilya ni Martines dahil hawak pala nila ang Zaminican Hotels.
Tang*na lang kasi!
Sobrang yaman tapos namamasada ng taxi?
Seriously?
Ini-ready ko na lang ang sarili ko. Anumang oras ay darating dito si Keith para makapag-usap kami tungkol sa pagpapakasal namin.
I smiled. I REALLY WANTED THIS!
Napatili pa ako sa sobrang tuwa.
“Keith is marrying me!” I shouted.
“Ano?” Natigilan lang ako nang biglang may magsalita.
It was my brother. Nikolai. Karga niya ang anak ko kaya lumapit na ako sa kaniya at kinarga ko na rin ito.
Ilang beses ko na munang hinalikan sa pisngi si Bob. “How are you, ‘nak? Naglaro kayo ni Tito Nikolai mo?” I asked my son. He just giggled. Ginaya ko naman ang paghagikhik niya.
“Answer my question.” I turned to Kuya Nikolai. He’s still standing there, looking straight at me.
I shrugged. “We’re planning to get married,” I informed Kuya Niko.
Wala naman akong mabasang emosyon habang nakatingin siya sa akin.
“With whom?” he asked.
“With Bob’s father.” I grinned.
“Huh? Keith? No. Ayaw kong maging parte siya ng pamilyang ‘to,” sabi niya sa akin. Inirapan ko naman siya.
“Ayaw ko rin naman kay Eirah na hindi na babalik kaya kwits lang tayo,” pagtataray ko pa. He faked a laugh.
“Ang pinagkaiba ay mahal ako ni Eirah. Ikaw? Hindi ka naman mahal ni Keith so tutol ako sa kasal na ‘yan,” sabi niya.
Napairap ako. Hindi ko na kailangang mainis sa sinabi niya. “Keith confesses his feelings to me. He loves me,” sabi ko pa. May halong pagmamayabang iyon. “At saka kung mahal ka ni Eirah hindi siya aalis. Hindi ka niya iiwan, hindi siya sasama sa—”
“Mikai,” biga kong narinig ang boses ni Mama. Nandito na pala siya. She’s now glaring at me. May warning na rin sa tono ng pananalita niya. She turned to Nikolai. “Nikolai, hanapin mo nga iyong stapler ko sa kuwarto. Kahapon ko pa hindi mahanap,” utos niya sa kapatid ko. Sa akin naman siya tumingin. “May paggagamitan lang ako,” she added. Napangiwi na lang ako.
Sinamaan lang din ako ng tingin ni Kuya bago siya umalis. Hinarap naman ako ng diretso ni Mama.
Nahahalata ko na may galit sa mata niya. “Hindi mo ba naiintindihan, Mikai? Stop. Being. Negative. Hindi mo alam ang buong istorya. Hindi mo alam ang tunay na dahilan kung bakit umalis si Eirah. Kung bakit kailangan niyang iwan ang kapatid mo,” matigas na sabI niya sa akin. Napatungo naman ako.
Hindi ako sumagot.
“Masaya si Niko kay Eirah, ayaw mo bang makitang masaya ang kapatid mo?”
“Pero walang kasiguraduhan kung babalik pa siya…” sagot ko na lang.
“Babalik siya,” parang siguradong-sigurado si Mama sa sinabi niya. “I know that she will come back. Bakit hindi ka na lang maging masaya sa kapatid mo? Instead of saying na hindi na babalik si Eirah, bakit hindi mo na lang palakasin ang loob ng kapatid mo? Because right now, he’s patiently waiting. Sana lang huwag mo siya hilahin pababa.”
Iyon ang huling sinabi ni Mama bago niya ako talikuran.
Nakaramdam naman ako ng guilt.