He will see me tonight.
I couldn’t get rid of those words. Ayon ang nakasulat sa maliit na papel na nakita ko kanina.
Magkikita kami ngayong gabi. Saan? Paano? Hindi niya man lang sinabi ang location.
Sana sinabi niyang: Meet me on chuchu tonight. Hindi ‘yong see you lang!
“Are you sure?” tanong sa akin ni Madam Eva. Nandoon din si Fabella sa harap ko at ang kotse na sasakyan nilang dalawa. Si Fabella rin kasi ang naghahatid pa-uwi kay Madam Eva. Personal alalay—I mean, assistant. Suwerte na nga ni Fabella dahil mabait si Madam Eva. Hindi rin siya nito masyadong pinapahirapan sa trabaho niya.
“Yes po. Magta-taxi na lang po ako,” sabi ko pa. Hindi kasi ako masusundo ng driver ko ngayong gabi.
Gabi na rin talaga. Pinag-usapan lang namin ni Madam ang carreer ko. Natuwa ako nang sabihin niya sa akin na marami raw positive feedbacks iyong magazines na kung saan ay nandoon ang aking magandang mukha’t katawan.
“Sigurado ka, girl?” sabi pa niya. Tumango na lang din ulit ako at nginitian sila ng matamis.
“Siguradong-sigurado po ako. Mauna na kayo,” I said. I turned to Fabella. Nginitian lang namin ang isa’t isa.
Nakipagbeso ako sa kanilang dalawa. “Ingat ka na lang,” magkapanabay na sambit ni Madam at Fabella. I nod at them. Nag-wave pa ako sa kanila bago sila tuluyang umalis.
I smiled.
Ayaw ko rin talagang sumabay sa kanila. Na-miss ko lang din sumakay ng taxi, nahihiya rin kasi ako na sumabay sa kanila— ugh, okay fine. Ang main reason ko talaga ay nagbabalak ako na sumilip sa bahay nila Mr. Rocha.
Pumasok lang talaga ‘yon sa utak ko dahil nga sa handwritten message na nakita ko sa box kanina. Pasimple ko rin tinatawagan ang cellphone niya kanina pero hindi naman sumasagot. I just don’t know. Nag-aalala ako na ewan. That’s the truth.
Sisilip lang naman ako. Kung wala siya roon, edi wala!
Hindi kasi siya sumagot sa tawag ko kanina. Hindi ako kuntento sa nasa isip ko na maaaring busy lang siya.
Dapat kasi talaga nagsabi siya ng location!
Naiisip ko rin na baka ninanakawan na siya sa mga oras na ‘to dahil sa ginagawa niyang hindi pagsagot sa tawag ko.
Ang gulo ng isip ko ngayon. Parang gusto ko na lang itulog ito but I really wanted to see if Mr. Rocha is okay.
Wait, I don’t really understand why, ‘di ba nga dapat ay umiiwas na ako sa kaniya dahil pakiramdam ko ay tina-traydor ko si Keith.
Speaking of Keith, nakapag-desisyon na ako…
Pumapayag ako.
Papakasalan ko siya, for our son and for myself na rin. May punto rin naman ang sinabi niya. Paano nga kung dumating ang araw na itanong sa akin ni Bob kung bakit magkahiwalay kami ni Keith? Kung bakit ang mga magulang niya’y hindi katulad ng iba na nagsasama sa iisang bubong?
Hindi ko alam ang isasagot sa kaniya kapag nagkataon.
Ayaw kong masaktan si Bob dahil sa amin. Ayaw kong isipin niya na isa siyang pagkakamali na hindi naman totoo. Para sa amin, blessing ang pagdating niya sa buhay namin.
Isa rin naman ito sa mga gusto kong mangyari, ang pakasalan ang taong mahal ko…
But for now, si Mr. Rocha muna ang iisipin ko. Kapag nagkita talaga kami ngayong gabi ay ito na ang huli. Sasabihin ko na rin sa kaniya na magpapakasal na ako kay Keith.
Hindi ko pa nga rin pala nababanggit sa kaniya na may anak na ako… pero, may ideya kaya siya?
“Bes, ‘di ba si Mikai Serratore ‘yan?”
“Nasaan—ay oo nga bes, siya ‘yan,”
“’Yong umalis ng bansa dahil ayaw ng kahihiyan?”
“Oo, bes. Nagpabuntis ‘yan kay Keith Louisse.”
“Malamang nagdidiwang ang gag*ng ‘yan. Alam mo na, malandi rin ‘yan. Ka-level niyan si Eirah or higit yata siya.”
“Ay bes, tuwang-tuwa siguro ‘yan na nagalaw siya ni Keith.”
“Mismo!”
Natigilan lang talaga ako nang marinig ko ang bulong-bulungan sa may bandang likuran ko habang naghihintay ako ng taxi. Gusto ko na kaagad magmaldita, gusto kong sabunutan itong mga babaeng naririnig kong pinag-uusapan ako.
Pinigilan ko ang sarili ko. I acted like I didn’t hear anything.
Kahit na ang totoo ay gusto ko nang magbitch-out.
May epekto rin kasi iyong pinagsasabi nila sa akin, dahil totoo… nga siguro.
Baka nga mas malandi pa ako kay Eirah Bennisse dahil nilandi ko rin naman si Keith. Nagpagamit pa nga ako sa kaniya.
Naisip ko bigla na ang kapal ng mukha kong sabihan si Eirah na malandi, hitad at kung ano-ano pa, eh, isa rin naman akong malandi.
Mas malandi pa nga sa kaniya.
Affected talaga ako sa pinagsasabi nila sa akin. Mas masakit pala kapag narinig mo na talaga. Alam ko kasi na may mga rumors tungkol sa akin. Ito pa lang ang unang beses na marinig ko ng malinaw ang rumors na iyon. Kahit online ay alam kong pinag-uusapan din ako, alam ko ‘yon pero hindi naman ako madalas magbasa ng mga feedbacks nila nang malaman nilang nabuntis ako ni Keith. Kasi ayaw kong ma-down at masaktan.
Hindi ko nga rin pinapansin si Ciandra Gabriel— co-model ko rin siya dati and I know how much she hated me. Narinig ko rin na nagkakalat daw iyon ng mga bagay na ikakasira ko.
Wala naman akong maalala na may nagawa akong mali sa kaniya.
Pinili ko rin talaga na iwasan siya dahil ayaw kong gumawa ng eksena. Ayaw kong magkaharap kami at mag-away. Ayaw ko no’n.
Pero ngayon na may narinig na ako.
It hits me.
I suddenly felt worthless.
My tears fell down. I immediately wiped my tears away. Bigla naman na may dumating na taxi, tumigil ito sa kismong harapan ko kaya sumakay na ako kaagad sa backseat. Pinupunasan ko pa ang pisngi ko dahil sa mga luhang hindi nakapagpigil na lumabas.
Pagpasok ko ay sinabi ko naman kaagad ang subdi kung saan nakatira si Mr. Rocha, doon pa rin ang punta ko.
Gusto ko rin siyang makausap. I sniffed. Nang tumingin ako sa driver ay nakasuot ito ng itim na cap kaya naman hindi ko makita ang mukha nito, hindi naman na ‘yon importante.
Hindi naman ako nilingon ng taxi driver, hindi rin naman siya nagsalita. Nagthumbs-up lang siya sa akin nang sabihin ko ang address.
Nanliit naman ang mga mata ko nang mapansin ko ang mga ugat sa kamay ng driver na ‘to. Parang…
Parang hindi naman.
Nagkibit-balikat na lang ako. Imposible ang iniisip ko. Iniisip ko kasi na si Mr. Rocha iyon. Naalala ko lang bigla na maugat ang mga kamay nito pero imposible naman na siya ‘yan. Marami namang mauugat ang kamay, ha! Lahat nga! Kahit ako pero hindi naman kasi halata.
At saka, sigurado naman ako na taxi talaga ‘tong nasakyan ko. It’s impossible that he’s a taxi driver knowing that Mr. Martines Rocha si f*cking rich!
Hindi ko na lang pinansin iyon. Tumingin na lang ako sa labas nang magsimula nang umandar ang taxi. Mga ten minutes din ang biyahe ko, malapit-lapit lang naman iyong subdi na iyon sa may office ni Madam Eva.
Bigla namang naalala ‘yong nag-uusap sa likod ko, pati ‘yong mga sinabi nila sa akin na tumatagos pa rin sa dibdib ko hanggang ngayon.
Napaluha na lang talaga ako. Kada luhang tumutulo ay agad ko namang pinupunasan. Sa daan pa rin ako nakatuon.
“Why are you crying, Mikai?”
I cringed.
Ang boses na ‘yon.
Dahan-dahan akong napatingin sa driver’s seat. Nakasuot pa rin siya ng itim na cap… pero ang boses na ‘yon!
Imposible naman na guni-guni ko lang ang narinig kong ‘yon.
“M-Mr. R-Rocha?” nag-aalangan pang sambit ko habang nakatingin lang sa nagmamaneho ng taxi na ito.
Tinanggal naman ng taxi driver ang suot-suot niyang cap. My eyes widened.
“Martines,” matigas na sabi niya. Nanlalaki na nga ang mga mata ko’y napanganga pa ako.
Hindi niya ako nilingon ngunit kitang-kita ko sa rear-view-mirror ang kaniyang guwapong mukha— malinaw na siya si Mr. Martines Rocha!
Kunot na kunot ang kaniyang noo. He’s also clenching his jaw.
“Wha… what a-are you doing h-here?” I asked while stuttering.
Huwag niya sanang sabihin sa akin na taxi driver din siya dahil baka hindi ko paniwalaan!
Baka hindi ko paniwalaan iyong presyo ng red shirt at ‘yong sinabi ni Madam Eva na ang mga Rocha ang may-ari ng Zaminican Hotels!
“I am a taxi driver. Do you have any problem with that?”
OMG! Is this even real?!
Mr. Martines Rocha, the man who has a big pen— I mean, big house—has a twenty-nine-million-dollar shirt and his family owns the Zaminican Hotels is a taxi driver?
What. The. Hell.
“W-Wala. Nagulat lang ako,” sabi ko. Nag-iwas ako ng tingin.
I can’t believe this. Hindi ko rin inaasahan! Totoo ba talagang napakayaman niya?! Eh, bakit naman taxi driver siya?!
“One question, why do you want to go to my house?” he earnestly asked me.
Hindi naman na ako nagpaligoy-ligoy pa. “I received this paper,” I said. Inilabas ko ang maliit na papel na ‘yon sa bulsa ng jeans ko. Hindi niya ako nilingon pero nakita ko sa rear-view mirror na nakatingin siya sa inilabas ko.
Napansin ko na natigilan siya ng ilang segundo bago niya sabihing; “Right. Sa akin galing ‘yan, nilagay ko iyan doon sa box ng damit na ipapasuot daw sa’yo.”
So, sa kaniya nga talaga galing?
“Sa iyo talaga galing ‘to dahil may pangalan mo. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ganito ang nakasulat! Wala man lang location!” I hissed.
Sinagot niya naman ako kaagad. “Of course, bakit naman maglalagay ako ng location? Ikaw talaga ang pakay ko kaya ko itinigil ang sasakyan do’n. I know that you’re with Miss Eva until this night. Magkikita tayo kasi pupuntahan kita sa office ni Miss Eva,” paliwanag niya sa akin.
Kaya naman pala.
“You didn’t answer my calls.”
Hindi ko maiwasan ang magtaray.
“You called me?” I saw him raised his eyebrow. Sa rear-view-mirror pa rin. Hindi niya pa rin ako nililingon dahil sa daan lang
“Yes! Ilang beses kitang tinatawagan pero hindi mo naman sinasagot.” I spoke.
“I’m driving this car the whole day,” sabi niya.
“Seryoso ka ba talagang taxi driver ka?” hinid na anamn makapaniwalang tanong ko. Tumango lang siya sa akin.
“Again, do you have any problem with that?”
Umiling naman ako kaagad, “Wala, wala,” sabi ko. “Sa bahay na lang tayo dumiretso,” dugtong ko.
Wala naman nang rason para sa bahay niya ako pumunta. Nandito na siya. Taxi driver…
Seryoso ba talaga ‘yon?
Nawala na rin iyong pag-aalala ko sa kaniya kanina. Napalitan lang iyon ng gulat. Kanina pa.
Hindi ako makapaniwala. How? Gusto kong magtanong nang magtanong sa kaniya pero hindi ko na ginawa.
“Why?” he asked.
“Kasi nandito ka na and I wanted to discuss something to you. Masasabi ko naman iyon habang nasa biyahe tayo pa-uwi,” sabi ko sa kaniya. Hindi na siya sa akin sumagot. Nawala na rin ang kunot ng kaniyang noo sa mukha.
Nag-iba na ang daan namin. Tinatahak na namin ngayon ang daan pauwi sa bahay.
Gaya ng sabi niya… hindi siya mapilit. Pakiramdam ko’y magiging mas madali sa akin na sabihin sa kaniyang ito na dapat ang huli naming pagkikita.
Hindi siya nagsasalita kaya nauna na ako. “Mr. Rocha—”
“Why are you kept calling me that?” sabi niya naman.
Nakasanayan ko na kasi ang pagtawag sa kaniya ng Mr. Rocha. Wala naman akong nakikitang problema roon?
“Kasi mas maganda ang apilyedo mo sa pangalan mo?” Ang sinabi kong ‘yan ay wala naman katotohanan. Nasanay lang talaga ako! Medyo awkward na kasi kapag Martines na ang itatawag ko sa kaniya.
May naaalala lang akong mga bagay na ayaw ko nang maulit.
Pero kung sisimulan niya na naman… ugh! forget it.
“Maganda pangalan ko.”
“Yeah. Oo na.” Umirap ako. “Gusto ko lang din sabihin sa’yo na, I am hoping that this will be our last,” sabi ko.
“Last, what?” he furrowed again.
“Last meeting,” sagot ko sa kaniya. “Mali kasi ‘to. May anak na ako and—”
Pinutol niya na naman ang sasabihin ko!
“I know,” he said. So alam niya nga talagang may anak na ako but…
I raised my left eyebrow. “Bakit mo gustong makipag-s*x sa akin? Alam mo naman pala na may anak ako,” sabi ko.
“It doesn’t matter to me as long as you have no husband,” sabi niya.
Napabuntong hIninga ako. Nag-iwas na rin ako ng tingin sa kaniya. “Malapit na akong magpakasal,” I said.
I smiled. This is what I wanted. Magpapakasal ako kay Keith kasi mahal ko siya.
“What?”
“’Yan talaga ang gusto ko pang sabihin sa iyo. The reason is enough for us to stop seeing each other.” And for you to stop making s*x with me.
“May photoshoot pa,” matigas na naman niyang sabi. Napangiwi ako. Oo ng apala, imposibleng ito ang huling pagkikita namin. May photoshoot pa nga pala.
“Then, we should stop talking and seeing each other if it isn’t about our work,” sabi ko sa kaniya.
Matagal siya bago nakasagot sa akin.
“Kanino ka naman magpapakasal?”
“Kay Keith,” mabilis kong sagot sa kaniya. Itinigil niya bigla ang sasakyan. Akala ko ay nag-iinarte siya at tinigil niya sa daan. Wait, bakit naman mag-iinarte?
Nang tumingin ako sa labas ay nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin. “Keith Louisse?” he asked. I saw him clenched his jaw. Napalunok na lang ako. I am not sure but I guess he looks mad.
“Yeah, h-he a-asked me to marry him.” Pagsasbai ko ng totoo. Napansin ko naman na dahan-dahan niyang tinatanggal ang seatbelt niya. I gulped again. “I guess, okay na iyong paliwanag ko sa iyo, I have to g-go—”
“Wait,” pigil niya sa akin. Nagulat na lamang ako nang bigla siyang tumabi sa akin dito sa backseat nang walang kahirap-hirap. Hindi na siya lumabas ng taxi.
Nanlaki naman kaagad ang mga mata ko. He’s now looking straightly at my eyes; I couldn’t help myself but to fight with his stares.
Bigla niya rin akong hinawakan sa beywang ko. Hindi ako nakapagsalita, hindi ko rin siya napigilan. Para na naman akong kinu-kuryente.
I gulped.
“You’re not marrying Keith.”
Hindi ko matukoy kung nag-uutos ba siya sa boses niya o statement. Hindi na rin ako nakasagot sa kaniya dahil sinimulan niya na naman ang paghalik sa akin.
May ideya na ako kung saan na naman mapupunta ito. I should push him away pero hindi ko ginawa. Nilalabanan ko lang ang bawat halik na ibinibigay niya sa akin.