Chapter 10

2474 Words
Aaminin ko, there’s a joy inside of my chest. I didn’t expect it in the first place. “Pag-iisipan ko na muna,” sagot ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin. “I’m thinking about Bob, ayaw ko lang dumating sa punto na magtatanong siya kung bakit hindi tayo magkasama, kung bakit hindi tayo kasal,” he said. Napasinghap ako. Hindi ako sumagot sa sinabi niyang iyon kaya naman nagpatuloy siya, “I wanted to marry you not just because I need to. I want to marry you because I wanted to. Maybe it’s time for me to grow up,” he says, standing. Napalunok naman ako. Naglakad siya papalapit sa akin at binigyan ako ng halik sa pisngi bago niya ako iniwan sa living room ng mag-isa. Silence. Katahimikan ang bumalot sa akin nang sabihin niya ‘yon. Actually, this is why I really wanted. Bakit ko pa ba kailangang pag-isipan? Ito naman ang gusto ko ‘di ba? Ang pakasalan ako ni Keith. Pero dahil siguro, nabigla ako at hindi ko talaga inaasahan. May pag-aalinlangan din ako, may kutob ako na parang hindi magiging maganda kung magpapakasal kami. Pero hindi naman siya napipilitan. He actually looks sincere and he said that he wanted to marry me. Dapat na ba akong kumagat ngayon? I refused myself. Kailangan kong pag-isipan ng maigi ‘to. Let say na mahal ko nga siya, pero mahal niya ba ako? Kaya rin siguro kahit gustong-gusto kong sabihin na ‘sige, kahit ngayon na’, ay hindi ko nagawa. Hindi niya ako mahal. That’s the fact. Kailangan ko pang humingi ng advice kay Mama tungkol dito. I bit my lower lip. Malaki ang kagustuhan ko na pakasalan siya! Hindi ko maintindihan ang sarili ko, may taong pumapasok sa utak ko na sa tingin ko ay makakatulong sa akin. Yeah, puwede niya akong matulungan dito. Bumalik ako sa aking kuwarto. I took my phone. Tinawagan ko ang phone number niya na naka-save sa cellphone ko. I am hoping that she’s still awake by this time. Napabuga ako nang malakas na hangin nang sagutin niya ang tawag ko. “Mikai?” she called me. Naniniguro pa siya, malamang ay nagtataka siya kung bakit ako napatawag, eh, hindi ko naman talaga siya tinatawagan sa cellphone niya. Ito siguro ang unang beses. Kung mag-uusap man kami ay sa personal na talaga. “I’m sorry for this call, hang this up if I am disturbing you,” mahinang sabi ko. Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil hindi naman talaga kami close. “Nope. Hindi naman, what’s the matter?” she asked. Buti naman! “I was s-so confused. K-Kilalang-kilala mo naman si Keith ‘di ba?” I asked. “Yes, why?” “He just asked me earlier to get married—” Hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita ko ay narinig ko na kaagad ang mga tili niya. “Talaga? That’s good to hear!” sabi niya. I bit my lower lip, matagal bago ako nakasagot. Namamasa na rin ang mga palad ko. “Mikai? Are you still there?” “A-Ano… Ano kasi, I will just ask you s-something and, I’m hoping na hindi m-mo sasabihin kay K-Keith na nagkaroon tayo ng conversation na g-ganito…” nag-aalangan pang sabi ko. “Oh, sure, I’ll zip my mouth. Promise,” she said. Napabuntong hininga ako. “Actually, gusto ko ‘yong sinabi niya na he wanted to marry me. Pero nagdadalawang-isip ako. Hindi niya naman ako mahal…” “Alam mo si Keith, siya ‘yong tipo ng tao na hindi marunong mag-seryoso sa mga babae. No’ng nasa university pa siya ay sa basketball lang siya nagsese-seryoso. Katulad ng kapatid niyang si Kit. Ngayon naman ay sa kompanya nila nagfo-focus si Keith,” panimula niya. “Hindi ko ‘to sinasabi dahil sinisiraan ko siya, sinasabi ko ‘to dahil iyon ang totoo. May sense pa ba mga pinagsasabi ko?” tanong niya. Napahikab pa siya na malamang ay gusto ng matulog ni Fabella. “Yeah…” “Sorry, medyo pagod ako. Marami akong inayos kanina kasama si Madam Eva,” she said. She’s tired, dapat pala ay hindi na ako tumawag sa kaniya ngayon. “So ‘yon, gusto kong sabihin sa’yo na walang permanente sa mundo, maraming nagbabago kahit na ang pagmamahal sa isang tao…” Natigilan naman ako. Napalunok din. “S-sinasabi mo b-ba na posibleng hindi ko na mahal si K-Keith?” “Hindi naman sa gano’n. Kung mahal mo siya, may posibilidad na mawala ‘yan sa mga susunod na araw at kung hindi ka niya mahal ngayon, puwedeng bukas oo na,” sabi niya. Paulit kong narinig ang sinabi niyang ‘yon. Ang huli niyang sinabi ang nakatawag ng pansin ko. Hindi man ako mahal ni Keith noon, may posibilidad na mahal niya na ako ngayon… Nagpakagat labi ko. “Si A-Adam, h-hindi ka ba niya mahal no’ng u-una?” nauutal na tanong ko sa kaniya. Narinig ko siyang natawa. “Mahal ako ni Adam noon pa! In denial lang talaga siya!” sabi niya’t natawa. Tumango naman ako. “Wait, kung inaaya ka talaga niyang magpakasal. Himala ‘yon kasi sa pagkaalam namin ay ayaw niyang natatali siya. Hindi nga siya nagkakaroon ng seryosong relasyon, papakasal pa kaya? Alam kong alam mo ‘yan dahil alam kong naging FUBU’S kayo. Hindi ka naman niya aayain na magpakasal kung hindi siya seryoso do’n. Anyway, kailangan ko nang ibaba ‘to. Kailangan ko nang matulog,” sabi niya. Narinig ko na naman ang kaniyang paghikab. “Thank you so much for answering my call,” sabi ko. “Anytime, kapag gising at wala akong ginagawa. Pag-usapan na lang natin ‘to bukas or sa photoshoot na lang. Bumibigay na ang mga mata ko,” sabi niya. Napatango na lang ako kahit na wala naman siya sa harapan ko upang makita ang aking pagtango. Nagpaalam lang kaming muli sa isa’t isa bago tuluyang naputol ang tawag. Hindi ako nakatulog ng maayos nang gabing ‘yon. Paggising ko naman ay nagpaalam sa akin si Mama kung puwede raw ba niyang isama si Bob sa lakad niya. Sa mga amigas niya raw ang punta niya. Hindi niya naman papabayaan ang anak ko kaya wala naman akong dahilan para huwag pumayag. Pupunta rin naman ako sa msimong office ni Madam Eva ngayon. Pinapapunta niya ako and may bago siyang design na guito niyang ako ang unang magsuot. Natanggap ko ang mensaheng iyon pagka-gising ko lang. Ilang minute lang nang umalis si Mama at ‘yong anak ko ay umalis na rin ako. Nagpahatid ako sa driver namin papunta sa office na ‘yon. Habang nasa biyahe ako ay bigla na lang sumagi sa utak ko si Mr. Martines Rocha. Kailangan ko na siyang iwasan, si Keith lang ang naiisip ko baka maging kumplikado ang lahat kapag na-attach ako kay Mr. Rocha. Si Keith ang mahal ko. Iyong namagitan sa aming dalawa ay dala lamang ng libog namin sa isa’t isa. Iyon lang. Naisip ko rin na parang hindi tama na makipag-s*x ako sa iba. Pakiramdam ko tuloy ngayon ay nagta-traydor ako kay Keith pero tang*na, hindi ko naman ‘to naramdaman habang nagse-s*x kami ni Mr. Martines Rocha. I sighed. Pagdating ko sa opisina niya ay naabutan ko roon si Fabella, hindi si Madam Eva. Ngiti kaagad ang sinabulong niya sa akin. “Hi,” bati ko sa kaniya. “Hello, may sense ba talaga pinagsasabi ko kagabi sa’yo? Parang wala, eh,” sabi niya. Natawa na lang ako. Matagal na simula nang maging kaibigan ni Fabellla sila Keith. Totoo rin naman iyong sinabi niya sa akin na hindi marunong mag-seryoso si Keith sa mga babae. Naging babae niya ako ngayon at alam ko— naramdaman ko na hindi niya naman talaga ako sineryoso. Ginamit niya lang ako at nagpagamit lang din naman ako dahil sa kagustuhan ko at mahal ko siya. “Meron naman nga,” sabi ko na lang. “Naiisip ko rin kasi na baka napipilitan lang siya dahil may anak kaming dalawa,” sabi ko sa kaniya. “Hindi naman siguro sa napipilitan, Mikai. Ang the best na gawin mo ay kausapin mo siya. Tanungin mo siya kung mahal ka niya,” she said. May punto naman siya roon. Sasagutin ko na sana siya pero bigla nang dumating si Madam Eva! “Nandito ka na! Sorry kung hindi ako nakapunta sa party mo no’ng graduation mo. I have already told you why,” sabi niya. Yeah, hindi nga rin pala talaga siya nakapunta sa party ko kasi nasa Mexico siya that time. Siguro kauuwi niya lang ngayon. “It’s okay, Madam Eva,” sabi ko na lang sa kaniya. Niyakap niya naman ako, halata sa mukha niya ang excitement. “Woah! Let’s go, girl! I’m so excited to see you wearing that dress!” she exclaimed. Hinila niya na ako papunta sa table ng opisina niya. May malaking box doon. Ibinigay niya sa akin ‘yon at pinasuot niya sa akin. “Balikan ka namin dito, girl. May pag-uusapan lang kami ni Fabella,” sabi ni Madam Eva. Nginitian na muna namin ni Fabella bago nila ako iwan doon. Hindi na ako umalis doon. Doon na ako nagsimulang magtanggal ng damit. Ang brassiere ko na lang ang suot kong pang-itaas. Binuksan ko naman iyong box and nakita ko kaagad ang kulay ng dress. Sa unang tingin ay napansin ko na kaagad na silk ang uri ng tela ng damit. Nakabalot pa ito ng plastic na parang bagong bili lang sa mall. Nagtaka naman ako, akala ko ba bagong design ni Madam Eva? Ang ine-expect ko talaga ay nasa mannequin pa. Napakibit-balikat na lang ako. Baka naman sa Mexico pa ito galing, doon din siya nag-design ng damit na ito. Nang i-angat ko na ang damit upang isuot ay natigilan ako nang mapansin ko na may maliit na papel na nasa loob ng box. Napataas ang kilay ko. Dala ng kuryosidad ay kinuha ko ito. Napanganga na lang ako nang mapansin ko na may handwritten doon. See you tonight, Mikai. —Martines Nganga. Hindi ko talaga maiwasan ang pagnganga! Paanong napunta ito rito? I mean sa loob ng box na ito? Paano niya naipasok? Tumingin ako sa paligid dahil baka nakatingin lang si Mr. Rocha sa akin. Napalunok ako at nakaramdam ng kakaibang kaba. Hindi ko matukoy ang kaba na iyon. Nagtataka talaga ako kung paano ito napunta sa box na ‘to. Galing ba siya rito sa office ni Madam Eva kanina? Naiisip ko rin si Keith sa mga oras na ‘to. Pakiramdam ko talaga ay nagta-traydor na ako kahit wala naman talaga kaming relasyon. I heaved a deep sigh. Itinago ko na lang ang maliit na papel na iyon sa bulsa ng jeans ko. Isinuot ko na rin iyong damit. Lagpas tuhod ang damit na ‘yon. Simpleng white sleeveless silk dress lang iyon pero napansin ko ang ganda ng damit na iyon. Simple but elegant. Feeling ko ang mamahalin ng damit na ‘to— Natigilan at napangiwi ako nang maalala ko ‘yong pulang damit ni Mr. Rocha na ‘yon. Grabe, mukhang simple iyong damit pero milyon-milyon ang halaga! Tumingin na lang ako sa malaking salamin na nandoon. Ngumiti ako sa sarili ko habang suot ko ang dress na ‘yon. Bagong-bago pa nga ito. I just looked at my reflection for a minute. My smile froze when I remembered what Keith had just asked me. Keith Louisse Armalana is the man that I can’t have. Pero ngayon ay maaari ko nang masabing sa akin siya. Kapag pumayag ako ay mabilis lamang ang proseso niyon. Magiging kasal na kaagad ako sa kaniya. Bakit pa ba kasi ako nagdadalawang isip? This is my dream; this is what I wanted noon pa man. I want him. I love him. He’s the man that I am willing to give everything. Nagbuntong hininga ako muli. Napalingon lamang ako sa pintuan nang bigla itong bumukas. Iniluwa niyon si Madam Eva na malawak ang mga ngiti sa akin. “Bagay nga sa iyo…” sabi niya. Lumapit siya sa akin at sinuri ang dress na suot ko na ngayon. Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mga labi niya. Baka naman natutuwa lang siya? Bigla namang may tanong ang naisip kong itanong sa kaniya. “Madam Eva, puwede ba akong m-magtanong?” She faced me. “Oo naman, girl. Ano ‘yan?” “Matagal niyo na ho bang kilala si Mr. Rocha?” tanong ko. Sana naman ay hindi niya na ako kuwestiyunin kung bakit ako sa kaniya napatanong. “Oo naman,” sagot niya sa akin. “Mayaman ‘yan.” Hindi na ako magtataka sa ididnugtong niya dahil napatunayan ko na ngang mayaman siya! Iyong simpleng damit niya nga lang ay twenty-nine million dollars ang halaga! “Yumaman po ba sa pagiging photographer?” interesadong-interesadong tanong ko pa. Gusto ko lang din talagang malaman. Natawa siya sa itinanong ko. “Mayaman ang pamilya niya. Nag-iisang anak ‘yan ng mga Rocha. May company sila sa States, iyon ang alam ko tungkol sa kaniya,” sabi niya. Napatango na lang din ako. “Alam mo naman siguro ‘yong Zaminican Hotels?” tanong niya. Hindi ko naman inaasahan na itatanong niya sa akin iyon. Matagal nang mayroong Zaminican Hotels. Hindi lang sila hotel, marami ring condominiums. Dito sa Tastotel ang unang itinayong Zaminican pagkatapos ay mayroon na rin sa iba’t ibang panig ng mundo. “Yes, po,” sagot ko naman sa kaniya. “Ang mga Rocha ang may-ari no’n. Pati tayong dalawa ay nagta-trabaho sa company nila, sakop pa rin,” sabi niya pa. Napanganga na lang ako. Seriously? Kaya naman pala sobrang yaman! Pero ngayon ko lang nalaman ang bagay na ‘yon, ah. Akala ko mga Zaminican din ang may-ari. I mean, apilyedo ng may-ari ng hotels ay Zaminican. Rocha pala?! Pati ang company na ‘to? In short, he’s my boss! Buti na lang ‘di niya ginagamit sa kain ‘yon like siya ang Boss, I should obey what he’s going to say! ‘Ni hindi niya nga sa akin binanggit ang bagay na ‘to! Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. “Grabe, gano’n pala talaga siya kayaman,” sambit ko. Ngumiti naman siya sa akin at tumango-tango. “Yes. But he’s kind sometimes…” I raised my left eyebrow. “Sometimes?” I asked. Mabait lang pala siya minsan? She nods at me. “Impatient kasi si Mr. Rocha. Madalas siyang magalit. Ayaw niya na ng pinaghihintay siya,” sabi niya. Natigilan naman ako. Impatient siya? Bakit parang hindi naman? I don’t know. Iba naman ang sunod naming pinag-usapan. Tungkol na sa dress na suot ko at sa sunod na photoshoots. Kahit oras na ang lumipas ay hindi mawala sa utak ko ang dalawang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD