Chapter 9

2235 Words
"I know that you're awake," he declares. Siguro hindi ko na kailangang magtulog-tulugan. Binuksan ko na ang aking mga mata. "Yeah, good morning. Ihatid mo na ako pauwi," sabi ko pa. Humawak ako sa kamay niya na nakahawak sa balikat ko upang maging suporta sa aking pagbangon. Hindi na ganoon kasakit ang kirot sa pagitan ng dalawang hita ko. Bumitaw ako sa kamay niya nang maka-upo na ako. Humarap ako ng diretso sa kaniya. Pareho kaming naka-upo sa gitnang bahagi ng kama niya. Magkaharap kaming dalawa. Nakataas na ngayon ang kaliwang kilay niya. 'Yong mga tingin niya na naman parang pumapasok sa loob ng katawan ko. Napalunok ako. "W-What?" I asked. "Nothing," sabi niya at saka ngumisi. Bumalik naman sa utak ko iyong naisip ko na bakla siya. Bakla nga ba talaga siya? "Ang ganda mo lang," dugtong niya. Ang aga-aga! Nagba-blush ako! Wait, may posibilidad din talaga na bakla siya. Pina-plastic niya lang ako gano'n. Kanina may inis 'yong pagkakasabi niya, ngayon naman ay matamis na. Bakla talaga ata si Martines Rocha! Pero bakit niya naman ako papatulan kung bakla naman pala talaga siya? "Mas maganda ka." Napayuko ako habang sinasabi ko sa kaniya 'yon. "Huh?" naguguluhang tanong niya sa akin. Why does he seem confused? Dapat nga matuwa siya na sinabihan ko siya ng maganda! Kung tama ako... "Inggit ka sa akin," I said. Nag-angat muli ako ng tingin sa kaniya. Kunot na kunot ang noo niya't halatang naguguluhan siya. "I don't get it," sabi niya. I rolled my eyes. "Inggit ka sa kagandahan ko," sabi ko. "Alam mo, sayang ka." "Huh? What exactly are you saying? I don't get you," maang-maangan niyang sabi sa akin. Bakit ba hindi niya maintindihan? Dapat nga natutuwa siya dahil tinawag ko siyang maganda! "Bakla ka, 'di ba?" Natigilan siya sa sinabi ko. "What?" Natawa ako sa kaniya. "I said: you're gay," sabi ko. Nakakunot lang din ang noo niya habang tinitingnan ako ng maigi. "I am not gay," sabi niya. Tumikhim pa siya. Napairap na lang akong muli. "Bakla ka. You are envious of my beauty," mataray pang sabi ko sa kaniya. Nagulat lang ako nang bigla niya akong hawakan sa kaliwang braso ko. Napatingin ako roon sa braso ko na hawak niya. I gulped. Napansin ko ang maugat niyang kamay, mahigpit ang kapit niya sa braso ko. Mahigpit ngunit hindi naman ako nasasaktan. Dahan-dahan akong nag-angat muli ng tingin sa kaniya. "I'm not sure what you're thinking, but you want to know the truth, don't you? I. Do. Not. Identify. As. Gay," he said in a firm tone. Ilang beses na naman akong napalunok. "Then, why are you envious of my beauty?" "Envious? I am not," sabi niya. "Why will I be envious? Do you know who I'm envious of?" mapang-akit nang sabi niya sa akin. Seriously? Who talaga? "K-Kanino?" Inilapit niya ang katawan niya sa akin. Mabilis lang ang pagkilos na ginawa niya. May puwersa niya akong pinahiga, hindi naman ako nasaktan sa ginawa niya dahil malambot ang kama, agad siyang pumatong sa akin pagkatapos. Awtomatikong napakagat ako ng pang-ibabang labi ko. He moves his head closer to mine. "To the person to whom you are willing to devote your heart," sabi niya. Hindi niya na ako hinintay na makasagot. Sinunggaban niya na ako ng halik. Isang mainit na namang halik. Akala ko makakauwi ako ng umagang 'yon ngunit hapon na ako na-ihatid ni Mr. Rocha sa bahay namin kasi may nangyari pa sa aming dalawa. Wrong move din 'yong sinabi ko sa kaniya na bakla siya. Hindi naman pala 'yon totoo. Pero bakit ba kasi siya naiinis sa no'ng sabihin niyang maganda ako? Hindi ko na tinanong. Hindi siya bakla. Hindi. Nagulat na lang din ako nang sabihin niya na binilhan niya na raw ako ng damit kaya 'yon ang suot ko ngayon. It's a skirt and thin shirt. "You really look beautiful. Hindi ako inggit," sabi niya. Napataas ang kilay ko sa kaniya. "Bakla," sabi ko na lang. Nandito kami ngayon sa kotse. Sa tapat na ng bahay namin. "Stop it, baka 'di na naman ako makapagpigil," sabi niya. Umirap na lang ako sa kaniya. "Alis na ako.” Lumabas ako ng kotse niya yakap-yakap ang photobook na regalo niya sa akin. Ngumiti lang siya sa akin. "Again, congratulations. See you," sabi niya. Sabi niya. Tiningnan ko lang siya sa loob ng driver's seat. Bago niya paandarin ang sasakyan niya ay may kinuha siyang shades sa may dashboard. Humarap siyang muli sa akin. Napanganga na lang ako. "See you again, Mikai," nakangising sabi niya bago niya tuluyang paandarin ang sasakyan niya. Napanganga talaga ako as in. Kaya pala... Kaya pala siya pamilyar no'ng una kasi siya 'yong lalaking nabangga ko sa mall! The day na nakipag-meet ako kay Keith at sa pamilya niya. Bigla kong naalala 'yon nang magsuot siya ng shades. OMG! Seriously?! Akala ko 'yong unang pagkikita namin ay no'ng photoshoots na! Hindi ba ako nananaginip? Napakurap-kurap pa ako ng ilang beses. Ilang minuto rin siguro akong nakatayo sa tapat ng bahay namin at nakatingin lang sa kalsada kung saan dumaan ang kotse ni Mr. Rocha. Hindi lang talaga ako makapaniwala. "Mikai!" Bumalik lamang ako sa riyalidad nang marinig ko ang boses ni Mama. Nilingon ko siya kaagad. Kunot na kunot ang noo niya sa akin. "Where have you been?" tanong niya sa akin. "Sa bahay ng kaibigan ko po. Nalibang po ako, akala ko po kasi mabilis lang kami sa bahay nila kaya hindi na po ako sa inyo nagpaalam pero ayon po napasarap ang kuwentuhan po namin kaya nakalimutan ko po na magpaalam, isa pa po, naiwan ko rin sa bahay ang cellphone ko po, nanghiram lang ako para matawagan ko si Kuya kaninang madaling araw," mahabang paliwanag ko. Medyo totoo na hindi. Half-truth. Magkaibigan na ba kami ni Mr. Rocha? Napaismid na lang ako sa aking isipan. "Ang sabi sa akin ng Kuya mo, umaga, pero bakit hapon na?" tanong niya sa akin. Napakamot na lang ako ng ulo ko. "Ma, kalma lang po. Nandito na ako," sabi ko na lang. Nagbaba ang tingin niya sa yakap-yakap kong photobook. "Ano 'yan?" "Regalo po sa akin n-ng kaibigan k-ko," sabi ko pa. Tumango-tango naman siya sa akin. "Pasok na po tayo, si Bob po?" pag-iiba ko na lang sa usapan. Baka kasi magtanong pa siya ng magtanong tungkol sa sinasabi k-kong kaibigan. Medyo kinakabahan din talaga ako. Well, I wanted to see my son now, isa pa 'yon. "Oh, sige na. Nandoon sa loob," sabi niya sa akin. "Sorry sa nangyari kagabi," nakangiting sabi ko na lang. "Okay lang, basta huwag nang uulit.” Ngumiti na rin sa akin si Mama kaya nawala na talaga ang aking kaba. OMG! Buti na lang ay nakalusot ako. Pero bakit kailangan ko ba pang hindi magsabi ng totoo? I just don’t know what will happen if I did. Baka magalit si Mama. Sabay na kaming pumasok sa loob. Tiningnan ko ulit 'yong photobook na bigay sa akin ni Mr. Rocha, light blue ang kulay ng cover niyon. Napangiti na lang ako. Inilagay ko 'yon sa may drawer ko sa kuwarto ko. Napangiti akong muli. There's nothing wrong with wanting to smile for no reason. Ako na ang nagbantay sa anak ko hanggang gabi. "Kamukha mo talaga ang tatay mo," sambit ko na lang. Natutulog na siya ngayon sa kama namin. Madalas talaga kaming nagtatabi. Actually, ang Daddy talaga ni Keith ang hawig na hawig sa anak ko. Mas pansin ang similarities nila pero ang mag-amang Armalana na 'yon ay magkahawig din. Kinabukasan ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Madam Eva na may schedule na raw ang beach photoshoot. Matagal niya na akong sinabihan na mapapasali pa ako sa photoshoot na 'yon. Ngumiti na lang ako. Ito na talaga ang pagpapatuloy ko, hindi ko na papakawalan itong mga oppurtunidad na 'to sa akin. It was always my dream to be an internationally recognized and well-known model when I was little—being a dancer as well. Nakakatuwa lang talaga... because Mama and my entire family are very supportive. Pagdating ko ng living room ay nakita ko ang kapatid ko. As usual, nakasimangot. Usual na sa kaniya 'yon ngayon. Napairap ako nang maalala ko na naman 'tong Eirah Bennisse na 'to. "What's up?" sabi ko sa kaniya. Naka-upo siya sa upuan. Naupo na lang din naman ako sa bakanteng upuan na nandoon. "What's up, anong balak mo?" tanong niya sa akin. Maybe, he's asking kung ano ang balak ko ngayon na graduate na ako ng college. "Mag-artista na lang kaya ako?" nakangising sambit ko. "Sige lang," sabi niya. "Edi sana hindi 'yan ang kinuha mong course. Gaya-gaya ka sa akin," sabi niya. Business ad din kasi ang kinuha ko katulad ng kapatid ko. "Okay na 'yan, mag-aaral na lang ulit ako kung kailangan," sabi ko na lang sa kaniya. "Sumali ka raw sa Miss U sabi ni Mama," he said. Napataas naman ang kaliwang kilay ko. "Pati ba naman ikaw ipu-push ako?" "Why not? Ayaw naman ni Eirah Bennisse kaya ikaw na lang," sabi niya. Nahampas ko naman siya kaagad. Bakit kailangang banggitin na naman ang Eirah na 'yon?! "So, sinasabi mo na second option lang ako?" mataray na tanong ko sa kaniya. Natigilan naman ako pero hindi ko na pinahalata. Actually, totoo naman. Second option lang ako... "Yeah. Sort of," sabi niya. "Mas maganda pa rin ako kay Eirah," I said. Nag-angat siya ng tingin sa akin at nginitian ako. "Mikai, hindi niya nilandi si Keith noon kaya huwag ka nang magalit kay Eirah." "Nilandi niya!" pilit ko pa. "Bakit hindi mo tanungin si Keith tungkol diyan?" Natigilan naman ako, hindi na ako nakasagot. "Do not be angry with Eirah; I will marry her when she returns," mayabang niya pang sabi sa akin. "Asa ka," sabi ko at umirap. "Hindi na babalik 'yon!" "Ang negative mo talaga, babalik pa 'yon si Eirah. Tiwala lang." Napalingon kami pareho ng kapatid ko nang bigla rin pumasok si Mama sa kusina. Tiningnan naman ako ng diretso ng kapatid ko at nang-aasar pang tumingin sa akin. Ang yabang nito! "See? She'll come back for me," sabi niya. Umirap na lang ako. "Ha-Ha! Hindi na babalik 'yon!" sabi ko. Sinamaan lang ako ng tingin ni Mama. Para bang sinasabi ng mga mata niya na huwag kong sabihin 'yon pero nasabi ko na. Kung tatanungin naman ako kung gusto ko bang maging parte ng pamilya ang Eirah na 'yon, duh, no way. She's still a b*tch. Mas inis ako sa babaeng 'yon kaysa kay Tabitcha — I mean, Tabitha, right. Mas inis ako sa Eirah Bennisse na iyon tapos malalaman ko na lang na may relasyon sila ng brother ko?! Napairap na lang ako. Nagpaalam na rin ako sa kanila. Nagpunta na lang ako sa nursery room kung nasaan nandoon ang anak ko. Natapos na naman ang maghapon kasama ang anak ko. Gabi ng araw na 'yon nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Keith. 'Puwede na ba kitang makausap?' Napabuga ako ng malakas na hininga. Mabilis akong nagreply sa kaniya. 'Yes, puwedeng-puwede.' Bigla ko naman naalala na nag-aalala pala siya sa akin no'ng gabing 'yon. Bakit naman hindi, eh, nanay ako ng anak niya? I sighed. 'On the way.' 'Yon ang huling mensahe niya sa akin. Hindi naman na ako nag-reply. Ine-expect ko na si Keith Armalana na nandito sa bahay. Tulog na ang anak ko, nagpunta ako ng living room. Mukha wala na ring tao. Lahat siguro rito sa ay nagpapahinga na. Nakarinig na ako ng pag-doorbell kaya mabilis akong nagpunta roon para pagbuksan ng pinto si Keith. Alam ko na si Keith na 'yon, hindi na talaga ako nagkamali. Pinapasok ko siya sa bahay. Na-upo kami pareho sa sofa sa may living room. Ano nga ba talaga ang gusto niyang pag-usapan namin? No'ng gabi kasi ng graduation ko ay hindi niya natuloy dahil nga dumating si Mr. Rocha, speaking of Mr. Rocha — ano kaya ang ginagawa niya ngayon? I don't know. Baka busy sa pagiging photographer niya. "So, what is it?" tanong ko sa kaniya. Nakasuot pa siya ng suit niya, malamang sa malamang ay galing siya sa Armalana building. Work. Pinagsiklop niya ang mga daliri niya sa kamay. Nakaharap siya sa akin. Magkaharap itong dalawang single sofa, ngunit may pagitan naman sa aming dalawa. 'Yong sofa table. Kinalma ko lang ang sarili ko. Normal lang ako sa kaniya kung titingnan pero sa kaloob-looban ko ay sasabog na ako dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay pagpapawisan ako anumang oras. May impact pa rin talaga kapag nakakaharap ko si Keith Louisse Armalana. "I'm planning"—he sighs— " "Bob is growing up really fast, you know. So many thoughts raced through my mind. I love my child." Napakunot naman ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan. "What do you mean?" naguguluhan na tanong ko. "Sa tingin mo ba, magiging masaya siya sa thought na hindi okay ang parents niya?" Wait, what? "Okay na tayo. What are you trying to say? Diretsuhin mo na ako," sabi ko na lang sa kaniya. Anong hindi okay? Sa pagkakaalam ko ay okay na talaga kaming dalawa. I'm letting him see my son, so why is he saying that we're not okay? "The day will come when he will ask as to why we are apart. I hope never to see that day." Natigilan ako. Hindi ako sa kaniya nakasagot. "Please, marry me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD