Chapter 8

2271 Words
Hindi ko na alam kung ilang oras naming ginawa ‘yon. It was actually the start of our s*x. Yes, it’s just s*x. Wala ng iba, hindi na dapat ako magbigay ng iba pang kahulugan. He had already told me that he was very attractive to me, so it was all a lust thing. Lust. That's it. Hindi lang namin iyon ginawa sa kama niya, sa lahat yata ng parte sa kaniyang silid. We did it on his bed, sofa, floor, and bathroom. Nakatapis na ako ngayon ng tuwalya na pagmamay-ari niya. Nasa harap ko lang si Mr. Martines Rocha habang nagbibihis siya. Ramdam ko rin ang panghihina’t gusto ko na lang magpahinga pero kailangan kong umuwi. Wala rin naman akong dalang cellphone para tawagan sila Mama. Madaling araw na rin at may pag-aalala sa dibdib ko na baka kanina pa ako pinaghahahanap sa bahay. Akala ko talaga ay mabilis lang kami. Akala ko iyong gift lang ang pakay namin. May iba pa pala. Maybe, I will also accept this as a gift: he made me feel great tonight. “I really need to go home,” I said. Nagsisimula na rin akong magdamit ngayon. Diretso ligo na kasi kami pareho nang mapunta kami sa bathroom. Okay, hindi lang simpleng ligo. May nangyari rin talaga. “You sure?” tanong niya. Tinaasan niya pa ako ng kaliwang kilay niya. Nanghihina naman akong tumango sa kaniya. “I will not allow you,” sabi niya. “Uuwi ako, ihatid mo man ako o hindi.” Napahikab pa ako. I reached for my off-shoulder dress. Isusuot ko na sana iyon kaso lamang ay kinuha ‘yon ni Mr. Rocha. “I want you to stay here, get some rest,” sabi niya sa akin. Tumalikod naman siya sa akin. So, rude! “Mr. Rocha!” I hissed. Bakit niya ako tinatalikuran? Nakaramdam ako ng inis. “Stop calling me that,” sabi niya sa akin. Itinapon niya sa sofa iyong dress ko. Napairap na lang ako. “Uuwi ako ngayon sa bahay!” inis na sabi ko. Pinilit ko namang tumayo para sana kunin iyong dress ko sa sofa rito sa kuwarto niya pero napadaing na lang ako nang maramdaman ko ang kirot sa pagitan ng dalawang hita ko. This wasn’t my first time, but, he’s just too big! Tapos kapag sinasabi ko talagang ‘wag siyang tumigil ay hindi siya titigil. Ang harsh niya kanina, pero wala akong reklamo. Nagustuhan ko nga ‘di ba? Napa-upo na lang akong muli. I turned to Martines Rocha, nasa may closet siya at pumipili siya ng damit doon. Pinanood ko lang siya at hinintay na lingunin ako. Kitang-kita ko ngayon ang likod niya, may suot na siyang shirt pero para bang nararamdaman ko pa rin ang matigas niyang katawan sa akin. Baka aftershock lang, wala pa ngang isang oras simula nang tumigil kaming dalawa. While looking at his firm body now, sasabihin ko ulit na puwedeng-puwede talaga siyang maging modelo. Bakit kaya pagiging photographer ang pinili niya? Baka naman sa propesyon talaga na ito siya masaya. Paglingon niya. Ngisi niya kaagad ang nakita ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin. “Wear this instead,” sabi niya. Itinaas pa niya ang hawak-hawak niyang pulang damit na galing sa closet niya. “Ayaw ko,” sabi ko sa kaniya. Sinamaan ko lang siya ng tingin. “Why?” he asked. Nagsimula na siyang maglakad papalapit sa akin. “Anong w-why? Uuwi nga ako, magtataka sila kapag nakita nilang ganiyan suot ko kaya kung puwede lang kunin mo ‘yong dress ko,” sabi ko sa kaniya. Tumabi pa siya sa akin sa gilid ng kama niya kung saan ako nakaupo. “Bakit hindi ikaw ang kumuha?” “Ikaw ang gusto kong kumuha,” palusot ko pa sa kaniya. Kahit ang totoo naman ay kumikirot ang aking pagkakababae dahil sa bagsik niya kanina. Ramdam ko ang bawat panggigil niya sa akin kanina, masarap nga, eh. I know, since naging FUBU nga kami ni Keith Armalana years ago, madalas ay galit siya kapag pupuntahan niya ako, at magkakaroon kami ng s*x. Alam na. More. More. Delicious, but now, parang mas nahihigitan ni Mr. Rocha ‘yon. I don’t know. Hindi naman siya galit katulad ni Keith noon. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang paliwanag ng sarili ko sa kakaibang nararamdaman ko sa kaniya. Pero sabi ng isip ko ay libog lang ‘to. LIBOG! Katulad din niya’y naa-attract ako sa katawan niya. Idagdag pa ang kaguwapuhang taglay niya na sa tuwing makikita ko ay para bang kusa na lamang malalaglag ang panty ko. “But I don’t want to,” sabi niya. Iyong mga ngisi niya sa akin ay literal na nang-aasar. “Why are you doing this to me? Huwag mo hintayin na magalit ako—” “Ayaw kong magalit ka, Mikai, pero huwag mo rin hintayin na magalit ako.” Bigla siyang naging seryoso kaya napanganga ako. “You need to rest,” maawtoridad na naman niyang sabi. OMG. Binigay niya sa akin ‘yong pulang damit niya. Wala naman tuloy akong ibang nagawa kundi ang kunin ‘yon. D*mn! He’s really serious! “Malamang sa malamang ay nag-aalala na sa akin ang pamilya ko, bigla na lang kaya akong nawala sa bahay!” singhal ko pa sa kaniya. Umiling naman siya sa akin. Tumayo siya at kinuha ang cellphone niya na nasa may bed side table lang. “Call them,” sabi niya na lang sa akin pagkatapos niyang ibigay sa akin ang cellphone. Ngumisi lang siyang muli sa akin bago siya naglakad papalabas ng kuwarto. Napanganga na lang talaga ako. Iniwan niya akong mag-isa rito, seriously?! Anyway, mukhang hindi talaga ako makakuwi ngayon. Sinunod ko na lang ang mga sinabi niya sa akin. Sinuot ko ‘yong pulang damit na binigay niya sa akin. Napamura pa nga ako nang mapansin ko ang tag ng damit na iyon. Akala ko sinuot niya na ‘yon, pero may tag pa rin at literal na bago pa. Nakita ko ‘yong price tag at nawindang ako sa presyo na nandoon. $29,000,000. OMG. Ano ‘tong pinasok ko? Kahit naman masasabi namin na may pera kami, malaki ang bahay namin… pero t*ngina, hindi ko puwedeng sabihin na ka-level ko siya! Parang kulang ‘yong ginawa kong pag-search sa internet tungkol sa kaniya before. Ang pagiging professional photographer niya lang kasi ang nalaman ko! Pero mukhang may kailangan pa akong malaman. Seriously? Itong damit niya na ‘to ay nagkakahalaga kaagad ng mahigit sampung milyong dolyar? Paano na lang iyong iba pang gamit dito sa bahay niya? Literal na mas ma-pera siya sa amin Magiging mainit ang mga mata ng mga magnanakaw sa kaniya kapag nalaman na itong simpleng pulang damit niya’y nagkakahalaga ng milyon-milyon! Huminga na lang ako ng malalim. Sinuot ko pa rin naman ‘yong damit niya pero hindi nawala ang panlalaki ng mga mata ko. Sa cellphone naman ako bumaling. Sa oras muna ako tumingin, madaling araw na nga, two am, may party sa bahay kaya may gising pa roon. Saulo ko ang number ng kapatid ko kaya siya na lang ang tinawagan ko. Mabilis niya naman itong sinagot. "Who’s this? Eirah?” Napamura naman ako sa bungad niya sa akin. Si Eirah pa rin? “Hello, Kuya Nikolai, I am Mikai Serratore, kapatid mo at higit na mas maganda sa Eirah Bennisse na ‘yan!” I hissed. Nakilala niya naman ang boses ko kaya sinigawan niya ako kaagad. “Mikai! Where are you?!” awtomatikong nailayo ko ang cellphone ko sa lakas ng sigaw niya. Napapikit pa ako ng mariin. “Kanina ka pa namin hinahanap dito! Papunta na nga kami sa police station ngayon, nasaan ka ba?” “Nandito ako sa bahay ng kaibigan ko. Ano… uhm, okay lang ako. Kiss mo si Bob for me. Hindi ako makaka-uwi ngayon. Basta okay lang ako and pagsikat ng araw ay nandiyan na ako,” sabi ko sa kaniya. Hindi ko naman na tuloy alam kung tama pa ba ang mga lumabas sa bibig ko. May kaba rin talaga sa aking dibdib. Si Kuya ang tinawagan ko kasi hindi naman niya ako pipilitin niyan na umuwi, ngayon. As in, ngayon mismo. Basta okay lang ako, it’s okay for him, madalas. “Sige, tawagan ko na rin si Keith, sabihin ko na okay ka lang. Next time, magpapaalam ka, understood? Pinag-alala mo kami rito,” sabi niya. Tumango ako sa huli niyang sinabi pero hindi ko maiwasang ma-curious sa una. “Bakit si Keith?” I asked. “Kanina ka pa nga namin hinahanap,” sabi niya. Ibig sabihin ba no’n ay hinanap ako ni Keith at nag-alala siya sa akin? Dapat na ba akong matuwa kasi ibig sabihin lang niyon ay may paki siya sa akin? Alam ko kasi ay wala talaga siyang pakialam sa akin kahit noon pa. Hanggang naman ngayon, sa anak ko lang siya may pakialam. Sa akin wala. Tumikhim na lang ako. “I-In fairness m-mukhang bati na k-kayo,” sabi ko na lang. Gusto ko pang magtanong pero pinigilan ko na muna ang sarili ko. Hindi ko talaga maiwasan ang mautal lalo na’t ayaw paniwalaan ng utak ko na walang paki si Keith sa akin. Bakit niya naman kasi ako hahanapin kung wala naman pala siyang paki? Bakit siya mag-aalala kung wala? Siguro, dahil sa fact na ako ang ina ng anak niya? He’s concerned with my son! Not in me! “Not really,” sagot nito sa akin. Pinigilan ko naman ang sarili ko na mapatanong sa kaniya, pero kasi, gusto kong malaman! Maraming thoughts ang pumapasok sa utak ko at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong paniwalaan. Gusto kong paniwalaan na hindi lang sa anak ko siya may pakialam kung hindi ay pati na rin sa akin. Kasi possible din naman. Sa mga oras na ‘to ay alam ko na nagiging assumera na ako. “Talagang hinanap ako ni K-Keith?” “Yeah. I will hang this up. Magpaliwanag ka na lang kay Mama kapag nakauwi ka na, okay?” sabi niya. Hindi niya na ako hinintay na makasagot. Pinatay na niya kaagad ang tawag. Napabuntiong hininga naman ako. Itinabi ko na ang cellphone ni Mr. Rocha. Nagdesisyon na lang akong humiga sa kama. Medyo may kirot sa paggalaw ko dahil nga, ugh, may nangyari kanina, pero higit naman na mas iniinda ko ngayon ang kirot sa puso ko. Nasasaktan talaga ako tuwing maaalala ko na si Keith Armalana ang lalaking kahit na kailan ay hindi magiging sa akin. Kahit na may anak kaming dalawa ay hindi iyon magiging tulay para mapa-sa akin siya kasi una pa lang ay hindi ako mahal ni Keith, at kahit siguro ako na ang pinakamagandang babae sa buong mundo ay hindi niya pa rin ako papatulan. Patagilid naman ang aking paghiga. Nagtalukbong naman ako ng kumot mas pinili na lang na matulog. Kailangan ko talagang magtalukbong dahil naka-panty lang ako. ‘Yong pulang damit ni Mr. Rocha at ang panty ko lang ang suot ko. Baka mamaya bigla na lang pumasok si Mr. Rocha sa kuwarto tapos may gagawin siyang milagro sa akin habang tulog ako. Mabuti na ‘yong nag-iingat. Katulad nga ng sabi niya sa akin no’n; Ingat. Siguro, kailangan ko talagang mag-ingat. Lalo na sa kaniya... Nagising na lang ako nang marinig ko ang boses ng isang lalaki. "Miss Montinelli. It would be best if you stopped talking to me since, as I already stated, it is your mistake. I am not the person you are referring to—Oh, come on, you don't even have enough proof... What will you do?— No, thank you." Rinig kong mga sabi nito. Boses ni Mr. Rocha ‘yon at sa tingin ko ay may kausap siya sa cellphone niya. Base sa boses ng pananalita niya ay mukhang galit siya. Hindi naman ako nagpahalata na gising na, pero pakiramdam ko ay nakaupo siya sa gilid lang ng kama. Pakiramdam ko lang naman. Nagtaka naman talaga ako sa binanggit niyang pangalan. Hindi naman eksaktong pangalan... Apilyedo. Miss Montinelli? Sino ang tinutukoy niya? May mga kakilala akong Montinelli, isa na ro’n ay ang pinsan ni Achilliance, si Tabitcha— I mean, Tabitha Montinelli, madalas kasi kaming magtarayan ng babaeng iyon. Napaka-inggitera kasi ng babaeng ‘yon! Napakunot ang noo ko, isa lang sa kakilala kong Montinelli ang kausap niya. Kung si Tabitcha… err… Tabitha ang kausap niya ay maiinis ako. Bakit ako maiinis? Kinalma ko naman ang sarili ko, wala nga pala akong dahilan para mainis kung si Tabitha Montinelli nga ang kinausap niya kaya dapat lang na kumalma ako. Mukhang tapos naman na ang tawag. Tumahimik na siya at naramdaman ko ang pagbagsak ng isang bagay sa malambot na kamang ‘to. Malamang ay cellphone niya ang bagay na ‘yon. Pinakiramdaman ko lang ang paligid. Ilang minuto rin ang lumipas ay narinig ko siyang nagbuntong hininga and he said this; “Why are you so d*mn beautiful?” Medyo may inis pa sa boses niya nang sabihin niya ‘yon. Wait! Pinigilan ko lang ang sarili ko na huwag manlaki ang mga mata. May naiisip kasi ako… hindi kaya… Bakla siya?! Bakit may inis sa boses niya nang sabihin niya ‘yon? Naiinggit ba siya sa kagandahan ko? OMG! SAYANG SIYA! ANG GALING NIYA PA NAMAN BUMAYO TAPOS BAKLA LANG PALA?! “You’re awake,” sabi niya. Paano niya napansin? Siguro dahil nagbago ang paghinga ko? I mean, bumilis ang paghinga ko sa naisip ko. Gay si Martines Rocha? Oh My… Naramdaman ko ang kamay niya sa may balikat ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD