Napapaisip pa rin ako hanggang sa dumating ang ikalawa kong araw sa bahay ni Martines. I just couldn’t figure out kung ano nga ba ang tama kong gawin sa sitwasyon ko na ito. Hindi naman sana ito mangyayari kung hindi ko nakilala si Martines. Ang gulo na ng utak ko. Paggising ko nang umagang iyon ay nakayakap pa rin sa akin si Martines. He was sleeping peacefully. Hindi ko maiwasan ang sarili ko na mapatingin sa kaniyang maamong mga mukha. Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi siya guwapo. Simula nang una ko siyang makita ay alam ko na kung gaano siya ka-guwapo. Natawa na lang ako nang maalala ko na panay kumpara ako sa kaniya kay Keith. Pero, sinabihan ko ang sarili ko na higit pa naman na mas guwapo si Keith. Tinanggal ko ang braso niya sa akin. Nagpapasalamat naman

