“Ma,” I called her.
“Oo nga,” pagsang-ayon niya pa sa akin. Ngumiti pa siya. “Kung ayaw mo kay Keith. Puwede pang i-urong ang kasal.”
Napabuntong hininga naman ako. Kailangan ko na bang umurong? Kailangan ko na bang um-atras?
I shook my head. Hindi. I love Keith, I will marry him. Period.
Siya iyong lalaking matagal ko nang pinapangarap. Ngayon na nandito na ang pangarap na iyon at aabutin ko na lang. Tatalikuran ko pa ba ito?
“I love him. Hindi lang naman para isa akin ito, para rin kay Bob,” sabi ko pa. Ngumiti lang din naman siya sa akin ng bongga.
“Sinabi ko na sa iyo noon pa, Mikai, ang pagmamahal ay maaaring makulong,” sabi niya. Natigilan naman ako at hindi nakasagot sa sinabi niya. “Oh, siya, ako na ang bahala kay Bob. Tawagan mo na lang si Keith na isang linggo kang magbabakasyon sa kaibigan mo,” sabi ni Mama sa akin.
Napangiti na lang ako.
Sinusuportahan niya an ako sa career ko, pati ba naman dito.
Nagpaalam na kasi ako sa kaniya na sa bahay muna ako ng kaibigan ko magi-stay pero ang totoo niyan ay si Martines ang kasama ko. Hindi man kami magkaibigan pero.
I sighed.
Pumayag ako sa sinabi niya na sa kaniya ako ng isang linggo.
Sa kaniya ako ng isang linggo…
Hindi ko talaga alm kung bakit mabilis niya akong napapayag samantalang kay Keith ay pinag-isipan ko pa. Litong-lito na ako.
Humalik lang ako sa noo ng anak ko bago tuluyang nagpaalam na aalis na ng bahay. Ang sabi sa akin ni Martines ay huwag na akong magdala ng damit. Sa totoo lang ay cellphone ko nga lang ang dala ko ngayon.
Isang linggo lang naman…
Isang linggo na lang din akong magiging single kaya pumayag na lang din ako. Pero alam ko na may iba pa akong dahilan na hindi ko naman matukoy kung tama ba o mali.
Paglabas ko ng bahay ay napansin ko kaagad ang nakaparadang taxi na sasakyan, medyo may distansya sa bahay namin. Hindi ako sure pero may kutob ako— I mean, ang taxi ni Martines ay halos kapareho lang din ng itsura ng ibang taxi. Black tinted din naman ang taxi kaya hindi ko makita ang tao sa loob.
May naalala ako bigla. Pakiramdam ko ay namula na naman ako. My heart is pounding again. Naalala ko kasi na may nangayri sa amin sa loob ng taxi na iyan.
Dito sa tapat ng bahay namin kaya kampante talaga ako na walang nakapansin. First, gabi noon at pangalawa ay black tinted nga ang taxi niya.
Kahit na hindi ako sigurado ay naglakad pa rin ako papunta roon at nang magawa ko iyon ay napangiti na lang ako nang biglang bumukas ang bintana at nakita ko siya sa loob.
Nakasuot siya ng shade at nakangiti sa akin.
He’s really handsome.
Bigla na namang pumasok sa isip ko ang thought na dahil nga sa guwapo siya ay maraming babae ang maghahabol sa kaniya. Marami siyang babae na makukuha na wala man lang kahirap-hirap.
“Get in,” nakangiting sabi niya sa akin. Ngumiti na lang din ako at sinunod ko na lang iyon . Pumasok ako sa passenger’s seat kung saan pagkatpos kong mag-seatbelt ay agad niyang kinuha ang kamay ko. Pinagsiklop niya ang mga daliri namin. Hindi ako nakaramdam ng gulat o ano pa. Hinayaan ko n alang iyon at saka ngumiti sa kaniya.
“Hindi kita sa studio unang nakita,” sabi ko naman sa kaniya. I remember the scene where I suddenly bumped into someone.
Someone who’s wearing a shade. I mentally laugh.
“Oh, really?” tanong niya sa akin. Napatango naman ako sa kaniya.
“Sa mall, I bumped into you.”
“Yeah, I remember that. Actually, I was following you that day,” sabi niya.
Doon ako nagulat. OMG. “Seriously?!”
Natawa siya at saka tumango-tango sa akin. “Do you want me to tell stories, huh?” Umismid siya sa akin.
“Why not?” Napaismid na lang din ako.
“Miss Eva went to DDMI month before your photoshoot. Sakto, nandoon din ako. Dumaan siya sa akin, may mga nahulog na papel doon. Pinulot ko iyon at nakakita ako ng info tungkol sa iyo. I talked to her, nagpresinta ako na ako na lang, you know, photographer,” sabi niya. Napatango na lang ako sa kaniya.
Yes. I guess, stalking is the right word. Kasi naalala ko na sinabi sa akin ni Fabella Ruwiz na hinahanap nga raw niya ako dati sa university.
Naghanap pa rin siya ng information tungkol sa aki. Because since then, it was obvious that he’s really interested with me.
“GETS. Then, that’s when you start stalking me?” tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya kaagad sa akin. “Stalker.”
"The truth was after the dean of the Tastotel told me that you dropped out of your school. Even if I have ways of knowing where you are, I didn't find you. I focused on my work. I know that the day will come that you will show up. But to be honest, every night. I'm looking at your sexy photos and—"
Bigla akong namula dahil sa huli niyang sinabi. Parang alam ko na ang sunod niyang sasabihin kaya naman pinutol ko na ang sasbabihin niya.
“Okay! It’s enough!” sabi ko na lang. Ayaw ko lang na mapunta kami sa topic na iyon dahil baka hindi ako, grr.
Natawa siya. “Okay, haha.”
Pagkatapos niyon ay natahimik kaming pareho hanggang sa makarating kami sa bahay niya.
Nagtungo kaagad kami sa kuwarto niya. Hawak niya pa rin ang kamay ko.
Gano’n pa rin naman ang itsura. “You have clothes on our closet.” I raised my left eyebrow.
“Our talaga?”
He looks straightly at me and he winks.
“Yeah. Our closet,” he said. Dahan-dahan niyang inilapit sa akin ang mukha niya at hinalikan ako sa labi ko nang mabilis lang. “You will stay here for a week before your f**king wedding, and you will sleep beside me, okay?” He cupped my face.
Napangiti na lang ako at tumango-tango.
F**KING WEDDING…
Para bang ngayon ko lang narining ang mga mura niya— iyong mga mura niya kapag hindi kami nag-aano. Kasi, normally and usually, palagi siyang nagmumura during s*x.
“Okay,” pagsang-ayon ko sa kaniya. Hinalikan niya lang ako sa labi noo ko bago siya nagpaalam na may kukunin lang daw siya s alabas.
Gusto kong sabihin na ang laki ng kuwarto niya tapos gusto niyang tabi pa rin kami? Baka nga maraming extrang kuwarto rito, eh.
Pero yaan na. Hindi na ako magtataka kung may mga balak siyang kakaiba. OMG. Hindi na pala kakaiba sa aming dalawa kasi ilang beses naman na naming ginawa.
I sighed.
Binuksan ko na lang iyong closet at napansin ko kaagad ang mga pambabaeng damit doon. Halos ninety-percent na ata ng closet niya ay puro damit ko, ah?
Nanlaki na lang talaga ang mga mata ko. Hindi iiyong style nag una kong naisipan na tingnan nang kumuha ako ng isa. Kundi ang price tag ng damit. Mga bago pa kasi lahat at may tag pa.
Kinalma ko ang sarili ko bago ko tingnan ang tag.
Napanganga naman ako. Bakit sobrang mahal na naman?
OMG. Seryoso ba talaga itong mga nakikita ko ngayon?
Nakaramdam naman tuloy ako ng hiya na suotin. Grabe, mas mahal pa ito sa pulang damit niya na milyon ang halaga?
OMG!
Dapat pala nagdala na lang ako ng sarili kong damit. Pero kinuha ko pa rin ito. Umupo na lang ako sa gilid ng kama habang nakangiwi at tinitigan ang price tag ng damit.
“What’s the matter?” Napatingin ako sa may pintuan nang may magsalita.
Si Martines… Napansin niya siguro ang pagkangiwi ko.
“Seriously? Ganito talaga kamahal ang mga damit?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Lumapit na lang siya sa akin. Tiningnan niya lang iyong damit na kinuha ko.
“Pinadala lang ‘yan ni Mom sa akin dito. I told her that I have a beautiful girl like you that will be living with me for a week,” sabi niya pa.
Napanganga ako. “Seryoso ka ba talaga sa mga sinasabi mo?!” nanlalaki ang mga matang taon ko sa kaniya.
“Yeah. Mabuti pa ng ana magbihis ka na. Aalis tayo,” sabi niya sa akin. Napataas naman ang kaliwang kilay ko sa sinabi niya.
“Saan naman tayo pupunta?”
Akala ko pa naman ay magkukulong kami rito for a week!
Ang dami ko na namang akala!
“You’ll know it,” sabi niya. He winks at me first before living me in the room again. Napairap na lang talaga ako.
Napatingin na lang ulit ako sa damit. Purple dress iyon. Napailing na lang ako.
Naglakad muli ako papunta ng closet at saka pinalitan iyon. Naghanap ako ng medyo may mura na damit— kidding— naghanap lang ako nang simpleng T-shirt doon at saka denim shorts.
I suddenly remember Eirah. Mahilig kasi iyon sa mga denim shorts, ayon palagi ang kaniyang suot tuwing makikita ko siya.
Nag-mental note naman ako na tanungin si Martines mamaya tungkol kay Eirah. I mean, nalaman ko nang magpinsan sila kahit na hindi ko pa mismo naririnig sa kaniyang bibig. Baka rin kasi alam niya kung nasaan na ngayon si Eirah para puntahan na lang ng kapatid ko, hidni iyong panay hintay na lang siya.
Nagtungo na ako sa bathroom. Naisip ko kasi na maligo na muna, hindi namann akmi nagmamadali.
Wala sa sariling napangiti na lang ako. May nangyari rin kasi sa amin ni Martines dito no’ng una niya pa lang akong dinala rito.
Bigla kong naalala si Keith…
Hindi ko pa nga rin sa kaniya nasasabi ang tungkol sa magiging pagkawala ko ng isang linggo.
Siguro kaya ako pumayag ay pasasalamat at pamamaalam ko na lang kay Martines ‘to. I mean, kapag kinasal na ako. We’re not going to see each other again. That thought actually made me sad.
Nakasimangot lang ako hanggang sa matapos akong maligo. Nang makapagbihis na ako ay agad kong kinuha ang cellphone ko.
Tinawagan ko si Keith Louisse, mabilis niya anamn itong sinagot. Napabuntong hininga na muna ako. “Mikai, pupunta ako sa inyo mama—”
I cut his sentence off.
“Ah, ano kasi, mawawala ako ng isang linggo— dito muna ako sa kaibigan ko,” sabi ko pa. Narinig ko naman siya na napatikhim.
“Sinong kaibigan?” tanong niya. Kumabog naman kaagad ng malakas ang dibdib ko.
“Malapit k-kong k-kaibigan ‘to. A-ano, c-call you later,” sabi ko na lang. Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil agad ko nang pinatay ang tawag.
I sighed. Hindi ko man lang alam kung ano ba nag dapat kong isagot kay Keith kapag tinanong niya ako nang tinanong. Nakakakaba lang talaga.
Anong valid reason ba ang dapat kong sabihin once na naghingi siya?
Na, Keith, dito muna ako ng isang linggo sa photographer ko na naka-s*x ko kasi susulitin na muna namin ang mga natitirang araw ko bilang single. Susulitin namin sa kama kasi once na kinasal na tayo ay hindi na puwede.
Napakagat-labi naman ako. Alam ko na panta-traydor na ito sa kaniya ngunit bakit ipinagpatuloy ko pa rin?
Magpapakasal na kami. Fiancé niya na nga ako ‘di ba? May relasyon na kami na seryoso ni Keith ngunit bakit hindi ko na magawang mag-seryoso?
Guilty ako kasi alam kong may pagkakamali ako.
But d*mn! Hindi ko matanggihan— ayaw ko rin itong tanggihan.
BAKIT?
Hindi ko alam! Pakiramdam ko lang talaga ay tama itong ginagawa ko.
Bahala na.
Nang maayos ko na nag sarili ko ay nagpasya na akong lumabas ng kuwarto. Dahan-dahan lang naman ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa may living room ng bahay kung saan ay naabutan ko na naka-upo si Martines sa isa sa mga sofa na naroon. May nakapatong din na laptop sa kaniyang lap.
May ka-face time siya.
“Yes, Mom…”
At may ideya na ako kung sino. Bigla kong naalala ang sinabi ni Martines sa akin na sinabi niya sa nanay niya na dito muna ako sa kaniya ng isang linggo.
Hindi ko sure kung Pilipina ba ang nanay niya o ang tatay niya. Basta ang alam ko lang at nabasa ko sa kung saan ay isa sa mga magulang ni Martines ay pure Pilipino.
“After that, you should get back here. I will allow you to stay there but remember that we need you here…” sagot naman ng kausap niya. Ang nanay niya nga.
Napansin naman ako bigla ni Martines na na-upo na rin sa bakanteng sofa. Nakaharap lang ako sa kaniya. Nginitian niya naman ako at bumaling muli sa laptop niya.
“Got it, Mom. Don’t you worry, anyway. There she is.” Nagulat ako nang bigla niya sa aking iharap ang laptop niya. Nakaharap na sa akin ngayon ang mga nasa mid-50 na babae.
Matamis lang naman ang ngiti niya sa akin kaya naman hindi ko na nagawang samaan ng tingin si Martines. Nag-hi na lang ako sa mom niya.
“Hi po…”
Base sa itsura niya ay alam ko na siya iyong may lahing Pilipino. “Helllo, hija. Kumusta ka?”
Tama lang ang hinala ko. Marunong pa nga siyang magtagalog!
“Maayos naman po ako. Kayo po?”
“Gano’n din, hija,” nakangiting sabi niya sa akin. “Nga pala, rinig ko ay ikakasal ka na raw. Totoo ba iyon?” tanong niya sa akin. Hindi ko pinahalata ang aking pagngiwi. Ano na lang ang iisipin niya sa amin?
MAGKASAMA KAMI SA IISANG BAHAY TAPOS SINABI RIN NI MARTINES SA KANIYA NA DITO MUNA AKO FOR A WEEK?! SERIOUSLY?!
“Y-Yes po…” I am not sure if dapat ko bang sabihin ang totoo. I turned to Martines, he just nodded. Hindi ko pa rin maiwasan ang mapalunok.
Lalo lang akong napalunok nang mawala ang ngiti ng nanay ni Martines sa akin. “Martines,” tawag nito sa anak niya. Iniharap naman itong muli ni Martines sa kaniya.
“Sana alam mo ang ginagawa mo,” sabi nito sa anak niya. “Alright. I need to end this call,” sabi lang nang kaniyang ina bago mamatay ang tawag.
Inilayo ni Martines ang laptop sa kaniya. He looked straightly at me. Ako naman ay may tanong na nabuo sa isipan ko. “Alam mo nga ba talaga ang ginagawa mo?” mahinang tanong ko s akaniya.
He snorted. “Alam na alam ko,” he says, standing. Lumapit siya sa akin at hinila ako. Hindi naman na ako pumalag. Naupo lang siya sa isa pang sofa at saka pina-upo niya lang ako sa hita niya. Patalikod.
I started to feel his breath at my back. Ipinalupot niya na rin ang braso niya sa beywang ko.
It gives me so much electricity. “Do you want to do something?” nang-aakit niyang tanong sa akin.
I bit my lower lip. “’D-di ba a-aaalis tayo?” pag-iiba ko na lang sa usapan. Narinig ko ang marahan niyang pagtawa.
“Makakapaghintay naman. Hindi ako nagmamadali,” sabi niya sa akin. Dahan-dahan lang akong gumalaw upang makalingon nang kaunti ang aking ulo at makita ko ang kaniyang mukha.
Nagtitigan kaming dalawa hanggang sa labi na namin nang isa’t isa natuon.
I cupped his face and give him a passionate kiss.