KABANATA 2
In the beginning
"Miss, nandito na po yung teacher niyo."
One of our katulong sa bahay informed me, kumatok muna ito sa pintuan bago binuksan at may pumasok.
Napatingin ako roon at nakita ko si Miss Kate, she was smiling as soon as she saw me. As usual marami itong dala tulad ng laptop, books and even a boxes of pen. I just remembered I always ran out of ink on my ballpen dahil sa kaka-doodle ko sa papel kapag minsan wala na kaming ginagawa ni Miss. Since then, lagi na siya nagdadala ng ballpen, a whole box of it and all of them ay para sa akin. Natatawa na nga siya sa akin noon kapag nauubusan ako.
Hindi kasi inuubos ni Miss ang oras sa pagtuturo lalo na at medyo may alam na rin ako dahil sa pag a-advance study ko minsan.
Ngumuso ako ng makita siya at nagpigil ng ngiti. She's still pretty at wala itong binagbago within two months.
I just got a semester break from her, katulad ng ordinaryong school, may break rin ako. Miss Kate also needed a break. I know she's tired teaching me at the same time nagtuturo rin siya sa kanyang estudyante sa pinapasukang school.
"So, do you have a boyfriend now?" I teased as soon as she placed her things on the table at tinulungan ko siya sa paglagay ng ibang kagamitan niya.
She chuckled as she sits on the chair, kaharap ko. "No, why?" Kunot noong sagot niya sa akin.
Umiling ako. "I just thought, blooming ka ngayon." Ngisi ko.
I stood up and scanned my mini library in the house, I have my own mini library for my homeschool. May sariling library talaga kami, pero minsan naroon si dad since inside the library ay naroon ang private office niya and he didn't want to disturb him when he is working.
Nang nakita ko ang librong hinahanap ay agad ko itong kinuha. I picked out my basic calculus book at bumalik sa table ko.
I saw Miss Kate staring at me and waiting for me to sit down beside her, parang may gustong importanteng sasabihin ito sa akin.
"Well?" She looks like she's waiting for an answer.
I just smiled sweetly at her pero agad rin nawala at napalitan ng hilaw ng ngiti. "I don't know? Walang sinabi sa akin si Dad. Kinukulit ko ito everytime he went home from work." I said desperately.
She opened her laptop. "Next year mag-cocollege ka na. Don't tell me homeschool ka pa rin?" Tanong niya na hindi na nakatingin sa akin.
Nawala ang ngiti ko sa sinabi ni Miss, I don't want that to happen. Noon, dad promised me na hanggang elementary muna ako mag homeschool. Until he said it's for my own safety kaya umabot ito ng junior high school until senior high.
I'm turning twenty next year, and I never experienced what a normal teenager would normally do. I don't have my phone with me but I can watch tv. The television is my only source of information from the outside world, and especially Miss Kate and my only one friend.
Miss Kate started discussing about basic calculus. I always liked how she teaches me everything, isa na rin sa privilege ko ay makaka-usap ko ng masinsinan si Miss. Kapag may hindi ko maintindihan, ay makakausap ko siya kaagad at mabibigyan ako ng sagot sa tanong ko.
I can't imagine how she handles fifty students in a room or maybe even more? Nakakapagod naman yata yun kapag sobrang dami. I even heard that in public school ay minsan fifty plus ang estudyante.
Isang katok sa pintuan ay agad itong bumukas. Nakita kong pumasok si Luke at ang laki ng ngiti niyo, dala niya ang serving cart na puno ng mga pagkain.
Agad akong napangiti sa nakita. It means 'break-time' namin. I even saw how Miss Kate was excited when she saw the foods being prepared at the table.
"Good afternoon, Miss Kate," he greeted at inilagay ang lasagna sa harapan ni Miss at nagpasalamat. Napa palakpak pa si miss ng sinubo ang lasgana dahil sobrang sarap raw.
Tinignan ako ni Luke at ngumiti ito and I smiled back at him at agad itinabi ang mga papel sa harapan ko. He placed a big plate on my table, I thought lasagna ang preparation sakin pero iba ang binigay sa akin. It's Carbonara.
He placed some finger food and some appetizers. And I can't wait to eat all of them. Nakakagutom tignan
"Thank you!" Miss Kate exclaimed in happiness at agad itong kumain kaagad sa ibang putahe.
Tinignan ko si Luke at napansin kong tinitignan nito ang ginagawa namin. He's peeking through my papers.
Hindi ko mapigilang ngumiti at tinapik ang tabi kong bakanteng upuan para maka-upo siya. Walang pag-aalinlangan ay umupo ito at tinignan ang mga problem set na binigay ni Miss.
"Tapos ka na ba diyan sa topic?" I asked him while eating happily.
Tumango ito at tiningnan ang iilang papel sa mesa. "Basic Calculus to diba? Derivatives ba 'to?" He asked.
Agad akong tumango sa kanyang tanong.
He just nod. "Oo, last year?" Hindi siguradong sagot niya.
"Gusto mo ba sumali sa discussion namin ngayon?" Miss Kate interrupted, nakita kong pinunasan nito ang kanyang labi dahil sa mga sauce sa pagkain.
I nod excitedly at hinawakan ang balikat para yugyogin siya. "Join us, Luke!"
Nakita ko ang pag-alinlangan ni Luke sa sinabi namin pero natatawa sa ginawa ko at pinipigilan niya.
"Baka mapagalitan ako, may pinagawa pa sa akin si nanay." he whispered to me.
Umiling ako. "Hindi 'yan, sasabihan ko si nanny na pinasali kita sa discussion dito ngayon. I'm sure she won't mind, hindi makakatanggi .si nanny sa akin no." I said proudly. Totoo naman, spoiled ako kay nanny pero hindi ko ginawang advantage 'yon at tumutulong rin ako minsan dito sa bahay.
In the end Luke stayed for us. Nakita kong pursigido ng makatuto. Hindi lang kasi Derivatives ang diniscuss ni Miss. She even taught us biology, about research since I'm a grade twelve senior high.
Luke and Miss already knew each other. Since Miss Kate is already my teacher since elementary and Luke is one of our houseboy. Anak siya ni nanny Lucy. They came here after my mom died. Mas dumami ang mga katulong sa bahay namin simula noong nangyari ang aksidenting iyon.
The reason why na maraming katulong dito, its because dad is always busy on his work at lagi akong naiiwan sa bahay lalo na't homeschool lang ako. Kaya napagdesisyunan ni dad na kumuha ng iilang helper and nanny Lucy is one of my closest helper.
A week after my mom's funeral, napansin kong dumarami ang mga tao sa bahay namin.
"Anak, simula ngayon sila muna ang makakasama mo ha?" Dad introduced me to the eight new house helpers.
"Good morning, miss!" They all greeted me in unison at ngumiti sa akin.
I just smiled shyly at them at tumago sa likuran ni dad, I even pulled dad's pants just to hide dahil nahihiya ako. They all looked at me.
"Sir, nandito na po ang magtuturo kay Miss Arielle." Kuya Gerald interrupted us kaya napalingon kami ni dad roon.
Isang babae ang lumabas sa pintuan. She's wearing a formal skirt and a polo. Parang isang uniform ng teacher na lagi kong makikita sa tv. She is so pretty and tall! She has curly brown hair at sobrang puti. Is she a model?
"Good morning sir!" Bati nito sa kay dad ng makalapit sa amin, nakita kong napatingin ito sa akin at mas lumapad lalo ang ngiti. "Hello, you must be Arielle."
Tumango ako sa kanyang sinabi, nanlaki ang mata ko ng lumapit ito sa akin at pumantay sa height ko kaya mas lalo ko lang siniksik ang sarili ko sa mga binti ni dad. "Hi, I'm your teacher. My name is Kate. You can also call me Miss Kate." She offered me her hand at tinanggap ko ito at kinamayan.
Napabitaw ako sa paghawak ng pants ni dad dahil hindi na ako takot. Miss Kate is not that bad, she seems really nice. Magaan ang kalooban ko sa kanya.
Tumayo ito at tinignan si dad. "Thank you for hiring me sir, I will teach Arielle everything." She said happily.
Tumango si dad. "Good, I want her to have good academic skills."
"How long.."
Hindi pa natapos ang sasabihin ni Miss Kate ay pinutol na ito ni dad. "Elementary, grade one to grade six. You can read it on the contract I've given to you."
Biglang lumuhod si dad sa harapan ko para maging pantay kami. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at tinignan ng seryoso.
"I want you to follow your teacher okay?" He said seriously kaya tumango ako sa kanyang sinabi.
"Magiging busy na ako, hindi ako masyadong makaka-uwi ng bahay. Pero marami ka namang kasama dito, I'm sure you will be fine." Nakatingin lang sa akin ng seryoso si dad.
"Since you are homeschooled, I expect high grades from you, okay? I expect more from you." aniya ng seryoso at bigla akong kinabahan sa sinabi ni dad. He's not usually like this.
"From now on, you will follow all of my commands, okay? Para rin sa nakakabuti mo ito." Dad demanded and then he left me para sa trabaho niya. Sumunod rin sa kanya si kuya Gerald at ang ang iilang mga bagong katulong.
Napaangat ang tingin ko kay Miss Kate na nakatingin na sa akin ngayon na nakangiti. "Shall we start?"
- - -