KABANATA 15
The Project
"Group yourselves into five."
Nagsimula nang tumayo ang iilan at nakaupo lang ako habang tinitignan silang nagka-gulo. Tumayo rin si Bailey sa tabi ko at may kinausap bago lumapit sa amin na nakangiti. May kasama itong dalawang lalaki na mukhang kakilala niya dahil panay ang tawanan habang nag-uusap.
"Now we are complete!" Halakhak ni Ellie at inayos ang kanyang upuan para makaupo rin ang tatlo. We formed a circle at ganun rin ang mga kaklase ko.
"Ito pala si Gino at Alex." Turo ni Bailey sa dalawa. Ngumiti si Gino habang si Alex ay kumakaway. "Mga kasamahan ko sa basketball!"
Kaya pala mukhang close sila ni Bailey at nalaman kong bago lang ang dalawa, transferee din tulad ko. Ngumiti lang kami ni Ellie sa kanila.
"You need to make a booth for next week. But you will need to sell foods, kayo na bahala kung ano basta magsell kayo at lahat ng gastos niyo ilagay sa spreadsheets. You need to liquidate and document it in a video, okay?"
Tumango kami sa sinabi ng instructor namin sa isang major. Marami pa siyang sinabi at nag take down notes ako, mukhang magiging busy kami ngayong linggo. Napa desayunan naming mga juice, tulad ng buko juice o kahit anong prutas.
"May prutas kaming taniman sa bahay!" Nakangiti si Gino sa amin.
Na palakpak si Ellie at Bailey. "That's nice! So, doon muna tayo sainyo?" Tanong ni Ellie, napakagat ako sa aking labi.
Do we really need to? Pero sabi ni ma'am ay dapat may video at naroon kaming lahat. Mamimili kung ano ang bibilhin namin, at kailangan nasa tamang budget. Mas mabuti nga may kilala kaming may plantation para maka-less sa pamimili.
"Oo sige ba! Kailan ba gusto niyo? Malaki naman bahay namin sa Surigao." Ngumiti si Gino sa amin.
"Ngayong weekends! Wala tayong class Friday, so by Sunday tapos na dapat tayo." Sabi ni Ellie kaya mas lalo kong diniin ang pagkagat ng labi ko. Hindi talaga ako papayagan ni dad nito!
Tumango ang tatlo at nakapag desisyon na nila. We formed a group chat at doon pa lalong paplanohan ang project namin. Tinignan ko si Ellie at nakita ko ang pagsulyap nito sa akin.
"Something's wrong?" Tanong ni Ellie at narinig ito ni Bailey kaya napatingin na rin sa akin. Umalis na si Gino at Alex para pumunta sa canteen dahil snack break na.
"You know, hindi ako papayagan ni dad. Lalo na at malayo ang pupuntahan natin." Napabuga ako ng hangin at napahalumbaba sa mesa.
Nakita ko ang pagbusangot ni Ellie sa sinabi ko at tinignan niya si Bailey.
"Magpapaalam tayo sa kanya." Sabi ni Bailey at ningitian ako. "I'm sure he will agree, kailangan natin to sa isang major subject."
Tumango ako at ngumuso. "I hope so."
PAGKATAPOS ng last subject namin ay pumunta muna ako sa swimming area dahil may nag text sa amin na may important announcement ang nakalagay sa board. Next week na ang official training at pinagawaan na rin kami ng aming uniform kaya mas lalo lang akong na excite.
"Miss, Garcia." Tawag ni coach at binigay sa akin ang isang paper bag na naglalaman ng uniforms namin. Type A uniform ay ang swimsuit uniform namin, kulay sky blue at may nakalagay na pangalan ng school namin, it is a one-piece swimsuit na mag pagka very short shorts na ang pag baba. They also provided school swimsuit caps and goggles. Our type B uniform ay isang tshirt uli pero may nakalagay na last name namin at isang black shorts. And lastly our type C ay isang white and royal blue varsity jacket.
"Thanks, coach!" Ngumiti ako tinanggap ang binigay. Nakita ko ang iilan ay napapatili habang tinitignan ang uniforms namin.
Nag dismiss na rin kami at pagkatapos mag bigay ng mga uniforms namin. Kasabay ko pang lumabas si Helen at iilang kakilala namin sa swimming team. Kami-kami lang tatlong first year ang magkakasama lagi dahil na rin nahihiya pa kaming makipaghalubilo sa iba.
"Bye!" Paalam ko sa kanila ng naghihintay sila ng taxi.
Pumunta ako sa parking lot at nakita na naroon na si manong pero walang Luke ang bumungad. Kumunot ang noo ko, asan na ba si Luke?
Tinignan ko ang phone ko pero walang text o tawag galing sa kanya.
"Manong, saan po si Luke?" I asked habang nilagay ko na ang bag ko sa loob ng kotse.
"Nandito siya kanina, kaso nagpapaalam na may gagawin. Kaya ihahatid nalang po kita, miss." Sabi ni manong habang napakamot sa batok niya at nahihiyang ngumiti.
Tumango ako at nagpasalamat ng isinara niya ang kotse pagkapasok ko. Bakit sobrang busy naman yata ni Luke ngayon? Nagkikita kami sa school pero napapansin ko wala naman siyang masyadong ginagawa. Pero bakit laging busy siya kapag uwian na? Minsan kapag sabay kaming umuwi, maya-maya ay may lakad siya.
Nang naka-uwi na ako ay tinanong ko panang ilang katulong sa bahay kung nakauwi na si daddy at sinabi sakin na nasa office niya. Tumango ako at nagpasalamat.
Pagkabukas ko ng pintuan at tumambad sa akin ang seryosong mukha ni dad habang nakatutok sa screen, hinihilot pa niyo ang kanyang sentido. Lagi ko na lang nakikita si dad na stress sa trabaho niya kaya napailing ako at nilapitan siya.
"Dad, are you okay?" Alalang tanong ko at pumunta sa likuran niya para imassage ang kanyang likod.
Pagod itong ngumiti sa akin. "Just tired, soon you will handle this business." Aniya na napawi ang ngiti ko.
"Dad, I'm not into that business." Umiling ako st napatigil sa pagmassage sa kanya at umupo sa sofa di kalayuan sa mesa ni dad.
Narinig ko ang mahinang halakhak niya. "I'm sorry, but kung gusto mo pwede ikaw ang magmamana. I will not push you."
My dad has two businesses. My dad was a layer, he owns a Law Firm sa Manila, but since my mom died umalis ito sa pagiging abogado at namamahala na lang ng business and he wants me to take care of that business pero umayaw ako dahil naalala ko si mom. The second business ni dad ay mas lumago, nasa Cagayan de Oro ang business ni dad bilang Retailer ng Information Technology. Under his business ay gumagawa sila ng software na mapapaunlad ang lugar.
Since I grew up, nalaman kong business ni dad ay tungkol sa abogado. May kakompetensya si dad doon sa Manila, at gusto pabagsakin siya.
My dad has a case, it's Mrs. Silvia's dahil natagpuan daw itong gumagamit ng illegal na droga at may scheme sa Law Firm ng Silvia. Nai panalo ni dad ang kaso, pero hindi yun nagustuhan ng asawa ni Mrs. Silvia kaya 'yon nagawa sa amin at para na rin umangat ang kompanya nila kapag mawala si dad.
And now, dad wants me to take over that Garcia Law Firm. Matagal ko nang ayaw yan, when dad was a lawyer ay ang daming death threats ang kanyang natatanggap that's why he always need kuya Geralds help. Lagi kaming umaayaw ni mom noon pero wala kaming magagawa, dad loves that company.
Napayuko ako. "But, I'll try dad. For you." Sabi ko at nakita ko ang ngiti ni dad.
"Dad? Can I say something?"
Tumingin ito sa akin na nakakunot noo. "What is it, darling?"
"Dad, may project kami ngayong weekend sana. Itong project po kasi dapat doon kami sa bahay ng kaklase ko. Kasama ko po si Ellie at Bailey sa group." Kinagat ko ang labi sa kaba.
Nakita ko ang kaguluhan sa mukha ni dad. "Where?"
"Surigao po sana, doon sa farm nila. We need to buy stuffs at hindi namin magawa iyon within a day."
"Then why need to go there? Bakit hindi nalang kayo bumili dito?"
"Our instructor said, the lesser the better. Mas maganda doon mismo sa pinagkukunan bibilhin para hindi magastos and Gino has a farm." Giit ko.
"Who's Gino?" He asked seriously.
"Gino Marasigan po, dad." Sabi ko, hoping na papayag si dad. This is too much, pero kailangan.
"Can you tell your group mates to come by tomorrow. I want to talk to them first." Sabi ni dad kaya hindi ko mapigilang matuwa sa sinabi niya. Does that mean, yes?
Tatayo na sana ako ng may sinabi siya. "But can you bring Gerald?"
Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kanya. "What? Bakit kasama si kuya?" I puffed my cheeks.
"Why? It's for your safety."
Uniling ako at buntong-hininga. "Dad, I know this is too much to ask but can you please give me some freedom? It is my first time in everything and I want to adjust and be independent." Ngumiti ako just to assure my dad. "I make mistakes, but I can learn from it. Hindi naman masama 'yon. And lastly, wala nang manggugulo sa atin dad, nakakulong na ang pamilya sa nakasala."
"It's okay not to bring kuya around. Sasabihan ko mga groupmates ko na pupunta sila dito pagkatapos ng klase, I'm sure you'll love them." Ngumiti ako kay dad at lumabas sa office. Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko o hindi pero one thing's for sure, I let my heart out.
I chatted them to come by tomorrow after school. Okay naman sa kanila at gusto rin makapunta ni Bailey dito sa bahay namin dahil si Ellie pa lang ang naka punta at naka kakilala kay dad.
- - -