KABANATA 14

1410 Words
KABANATA 14 Can you teach me? Tulad ng sinabi nila, sa isang linggo ko sa bahay ay nag post ako ng iilang pictures sa i********: at f*******: ayoko muna sa Twitter dahil sabi ni Ellie para lang raw 'yon sa rants ko. Kaya hahayaan ko nalang at sinundan ang payo ni Ellie. Konti lang friends ko sa social media, sila-sila lang mga kilala ko. Kaninang umaga ay nag friend request pa sa akin si Oliver, lahat sabay-sabay nag friend request at follow sakin pagka gawa ko pero si Oliver gusto yata ng pa-special. Naramdaman kong may kumatok sa pintuan kaya dali-dali ko nang sinuklayan ang buhok ko at hinayaan itong nakalugay and I put my lipgloss on at tapos na. Agad kong binuksan ang pintuan at nakita ko ang ngiti ni Luke. "Ready to go?" He asked while smiling. Tumango ako at hinawakan niya ang braso niya para sumakay na sa kotse namin. Nang nakarating kami sa school ay parang kinakabahan ako. Itong araw na magsisimula ang klase, halong kaba at excite ang nararamdaman ko. Pumasok na ako sa loob ng room, maaga ako at may iilang estudyante na rin ang naka-upo. Umupo ako sa inupuan ko noong first day. Nagpasalamat ako ng wala masyadong tao sa likuran. Ellie and Bailey asked me to take their sits kapag matatagalan sila. "Arielle…" Nakita ko ang papasok na si Lori. Kumunot ang noo ko at nakitang wala si Kelly doon. Yung lagi niyang kasama. "I'm sorry for misunderstanding last day. Alam kong may galit rin sa akin si Ellie kaya hindi maiiwasan." Ngumuso ito at maya-maya ay ngumiti. Tumango ako sa sinabi niya. "It's okay." "Friends?" Sabi nito sa akin at ngumiti rin. Tumango ako at tinanggap ang kamay niya. Mga ilang segundo ay nakarating na si Ellie at nakita ko ang pag-irap nito ng makitang nakatayo sa table ko si Lori. Umismid ito at bahagyang tinulak so Loro para makaraan sa tabi ko at umupo. Umalis si Lori na umiirap at umupo sa front seat. Hindi ko mapigilang ngumiti at iniharap si Ellie. "I don't get but pakiramdam ko halos lahat ng babae ay kaaway mo." Bulong ko pero nakangiti sa harapan niya. "Kasalanan ko ba at ang sobrang inggitera ng mga babae dito?" Umiiling nito at pinandilatan ng mata si Kelly na kakarating lang. Hinayaan ko nalang si Ellie, hindi ko na rin siya tatanungin baka nanghihimasok lang ako. But one thing's for sure, sobrang lapit ni Bailey at Ellie. Baka nagseselos lang ang iilan dahil napalapit na rin si Ellie sa mga kilala dito sa school. First day pa lang ay sobrang pagod na ng utak ko. Lahat ng subject ngayong araw ay may quiz kami, stock knowledge. Buti na lang ay natatandaan ko pa ang iilang discussion ni miss Kate sa akin. Nakita kong napahalumbaba si Bailey sa mesa at tinignan ako na nakanguso. "Grabe, hakot na hakot mo yung scores." Tumayo si Ellie at umupo sa harapan ko na wala ng tao. Pinapagitnaan ako ng dalawa. Tumitig sa akin si Ellie. "Sobra sa Terabyte yang utak mo Arielle." Ngumuso ito na mas lalong lumabas ang kanyang pisngi. "Grabe, yung iba hindi yata na discuss noon sa amin!" Tumayo si Bailey kaya napatingin kami sa kanya. "Tara labas tayo?" Aya niya. Agad akong umiling at ngumiti. "You know…" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ay pinigilan na ako ni Ellie. "Ako bahala kay tito." Umiling ako. "Gagawin ko nalang assignments ko sa library. Uuwi na rin ako ka agad." Ngiti ko sa kanila. "Hindi ka namin iiwan dito Arielle." Tinignan lang ako ni Bailey. "Osige, ganito na lang. Bibili na lang kami ng foods sa labas, dito natin kakainin." Ngumiti si Ellie at nakita ko ang pag-alala sa mukha niya. "Alam kong nandiyan yung driver niyo sa labas, at baka makita ka ni Luke. Ayokong ma turn off sakin si tito no." Natatawang sabi ni Ellie sa akin kaya hindi ko mapigilang ngumiti. "Sa library nalang ako tatambay. Just text me." Sabi ko habang inaayos ang gamit ko sa bag. "Are you sure okay ka lang na mag-isa?" Puno ng alala ang boses ni Bailey habang tiningnan ako. "I'll just text my cousin to accompany you." Umiling ako. "No, I'm fine. I can handle myself." Kinuha ko na ang tote bag ko at isinabit sa balikat. "Tsaka I'm doing my assignments, wala naman akong masamang gagawin." Tumango sila at nag-alinlangan pang umalis ang dalawa. Gusto nilang lumabas pero parang ipinagkait ko pa dahil hindi ako makasama, kaya babalik sila sakin at dito kakain. Sinabihan ko ng okay lang na mag enjoy sila at uuwi lang ako lalo na't assignment lang ang binigay ng last subject namin. I have three hours vacant at schedule ko nang umuwi. Hinatid muna nila ako sa library at iniwan sa isang malaking table. Doon lang ako uupo para hindi na sila mahirap ang hanapin ako sa loob. Konti lang ang mga estudyante dito sa loob, siguro ay umuwi na o nasa cafeteria. Habang ginagawa ko ang assignment ko ay may tumabi sa aking tatlong babae. Agad akong kinahan ng makita ang mga kaibigan ni Trixie, si Sally lang ang naalala kong pangalan sa kanila! Tumabi sa amin ang isa at umupo naman sa harapan ko si Sally at isang kaibigan nila. Nakita ko ang pag-ngisi nila ng mapansin ko ang presensya nila. Kinabahan ako, dahil huling kita namin ay sinabihan sila ni Ellie na ginagamit lang raw ako. "Hi, remember us?" Tanong ni Sally sa harapan ko, she flips her ombre hair at ngumiti sa akin. Tumango lang ako at ngumiti sa harapan niya. Tinuloy ko ang pagbasa ko sa libro para makatapos na sa assignment. "Ay busy ka pala!" Ani ng katabi ko at may kinuha siyang textbook sa bag st binuklat iyon. Napatingin ako sa kanya na nakakunot noo. "Bakit?" Takang tanong ko. "May itatanong lang sana ako, I know your still first year. Pero alam mo paano ito?" Tanong ng katabi ko na nakangiti. Tinignan ko ang textbook niya at napanguso. This is a third year major subjects! Pero pamilyar na sa akin dahil Business Administration ito at na aralan ko ito noon pa. Tungkol sa Marketing ang questions kaya tumango ako ng dahan-dahan. Nakita kong pano kumislap ang mata niya at tinulak ang book sa harapan ko. "Uhm, pwede paturo kung paano ito? Kailangan na kasi namin mamaya. Hindi ko na matandaan eh." Tumango ako sa sinabi niya at tinuruan siya kung paano. Tinuruan ko siya pero napanguso habang sumusulyap ito sa kanyang phone. Nakikinig rin ang dalawa sa harapan ko at nag take-down notes. It is actually fun, nakita kong na gets niya kaagad ang diniscuss ko. Agad kong sinulat ang last answer at ibinigay sa kanya. "OMG! Thank you so much!" Ngumiti ito at kinuha ang texbook sa harapan ko at inilagay sa bag niya. Tumayo silang tatlo. "Thank you, Arielle!" Sally smiled sweetly at kinawayan ako. Kumaway rin ako sa kanila paalis. Napatingin uli ako sa libro ko at sinagutan ang iilang nabasa ko kanina ng may naramdaman akong umupo sa tabi ko at may binagsak na libro sa harapan ko. Sa gulat ko ay napapapitlag ako sa aking kinauupan at napatingin kay Oliver na sobrang seryoso ang mukha habang tinitignan ako. "B-bakit?" Takang tanong ko at kinakabahan dahil sa galit niyang mukha. "I saw you earlier, that's a wrong move back there." Nakabusangot ang mukha niya habang tinitigan ako. Naitagilid ko ang aking ulo ng pagtataka. Ano naman meron doon? Narinig ko ang buntong-hininga niya at umiling. "They're using you, alam nilang matalino ka kaya ginagamit yan pagka-ignorante mo." Uminit ang pisngi ko sa inis. Ako? Ignorante? Totoo naman dahil bago lang ako pero I'm learning here! "I'm just teaching them, okay?" Nagkibit-balikat ako at tumingin uli sa libro ko sa mesa. Kahit kinakabahan ako sa presensya niya at kung may anong naramdaman ko sa tiyan ko ay iniwala ko nalang sa isipan ko. "Teaching them? They're using you. Nakita kong binigay ni Kyla ang textbook niya sa kaklase namin sa labas." Aniya at umiling iling at humalukipkip, he sounded so disappointed. "Then? It's fine. At least I'm helping them." Sabi ko at inirapan siya at nag basa uli ng seryoso sa libro. Maya-maya pa ay narinig ko ang buntong-hininga niya sa tabi ko at parang nahihiya niya pang nilagay ang textbook sa harapan ko. "Can you teach me?" Bulong niya sa hangin pero narinig ko iyon. - - -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD