KABANATA 13

1167 Words
KABANATA 13 Number (Part 2) continuation... "Natagalan kami, ang dami kasing nag try outs." Ngumuso si Bailey at tumabi sa akin. Napagitnaan ako ni Ellie at Bailey. Yung apat naman ay umupo sa harapan ko. Kaya pala isang malakihang seat ang kinuha ni Ellie, marami pala kami nandito ngayon. "Is it okay na kasama kami?" Tanong ni Eric sa kanyang pinsan. "Oo naman! Mas masaya kapag marami." Si Ellie na ang sumagot kay Eric. Tumango rin ako just to agree. Nag simula na kaming kumain at nakakatuwa ang kulitan nila. Hindi mauubusan ng topic, kahit ngayon ko lang sila nakilala ay parang pinaramdam nila sa akin na welcome ako kahit alam kong matagal na silang magkakaibigan. "Oy, congrats pala sainyong tatlo." Ngumitti si Paul at tinignan ako, ang mahaba niyang buhok ay magulo. Dahil na rin yata sa pagbabasketball niya kanina pero mas nakaka attract sa kaniya kapag magulo 'yon. "Nako, itong si Arielle dapat niyong i congrats. Biruin niyo, nilampaso niya ang record ni Trixie!" Natutuwang sabi ni Ellie at sumimsim ng coke. Tumango silang lahat pwera nalang kay Oliver na tahimik at tumitingin sa akin kaya hindi ko nalang siya pinansin. "Buti pinayagan 'to si Arielle na makapunta? Akala ko strict ang dad niya?" Nagtatakang tanong ni Bailey kay Ellie. "Sus, kaya sa powers ko. Ano akala mo? Ikaw lang may makamandag na powers? Ako rin no!" Natatawang sabi ni Ellie. "Sobrang strict talaga? Nasabi niyo kasi walang phone itong si Arielle." Ngumuso si Paul sa harapan namin. "May phone na ako." Nahihiya kong sagot. Napa-O ang bibig ni Paul at tumango. "Well, pwede ka namin i add sa f*******:? I don't usually text and call. Sa social media lang ako lagi." Aniya. "I don't have social media." Narinig ko ang pag-singhap nilang lahat. At humagalpak ng tawa si Vince at Eric. "Totoo nga sabi nila, para kang galing sa panahon ng lolo ko." Umiiling pero nakangisi na si Vince. "Is your father that strict kahit phone at social media ay wala ka?" Seryosong tanong ni Oliver na agad akong nanlamig sa biglaan niyang pag sali sa usapan. Tumango ako ng mahina sa sinabi niya at yumuko. Naramdaman kong hinawakan ni Ellie ang kamay ko na nasa mesa at ngumiti sa lahat. "That's why sulitin natin to para kay Arielle. Sinabi niya rin sa akin na first time niyang nakapunta sa mall." Ani Ellie na agad nagkagulo ang lahat sa pag uulan ng pagtatanong. I told them na hindi ako kailanman nakaranas sa labas. It is my first time in everything, kaya laking tuwa nila ng malaman na unti-unting kumalas si dad sa pagtali sakin. I told then about miss Kate at Luke being my childhood friend and my only source of information sa outside world ay ang tv namin at si Luke. Ginawan na rin ako nila ng tatlong social media na usong-uso ngayon at importante tulad ng f*******:, Instagram I never told them about my mother, kung ano ang simula bakit nagkakaganito ako. Ang alam nila ay sobrang strict ni dad sa akin kaya ignorante ako sa lahat. "Well then, let's enjoy this day!" Tumayo si Bailey kaya sumang-ayon kaming lahat. We went playing in the arcade, namimili rin ng gamit kahit hindi nila kailangan ay binili nila. I enjoyed their company pero may isa yatang nakasimangot buong araw namin sa mall, si Oliver. Habang nag lalaro sila ng basketball sa arcade ay nakaramdam ako ng pagod at nagpaalam na umupo muna sa bench sa labas ng Tom's world. Nakita kong nakaupo si Oliver sa isang bench na naka de-quatro. Seryoso itong nakatingin sa malayo. Problema ng isang to? Bakit ayaw niyang makisama sa mga kaibigan niya na nagsasaya. Umupo ako sa tabi niya at narinig ko ang pag singhap nito at tinignan ako habang umupo. "Bakit ayaw mong maglaro?" "I'm tired." Seryosong sabi nito habang nilalaro ang straw sa hawak niyang lemon juice. Tumango ako at tumahimik. "Are you having fun?" Biglaang basag ng katahimikan. Bumaling ito sa akin at seryoso akong tinignan. Tinagilid ko ang aking ulo at ngumiti. "Super!" I want this to never end. Para nga yata akong bata na naglalaro sa loob dahil kanina pa sila tawa ng tawa sa akin habang naglalaro ng tekken pero hinayaan nila akong mag-enjoy at natuwa naman sila dahil masaya ako ngayong araw na 'to. Nakita ko ang pagkislap sa kanyang matabng bumaling sa akin. "That's good." Kumalabog ang puso ko sa biglaan niyang pag ngiti. Minsanan lang siyang ngumiti, pero kapag ngingiti naman parang once in a lifetime lang, pakiramdam ko it is a previlage na makita ang isang Oliver na ngumingiti. Lagi kasi siyang nakasimangot at badtrip kahit kasama ang jowa niya. Siguro ganyan lang talaga siya. "You're handsome." Hindi ko mapigilang maibulaslas ang sinabi ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito kaya napatakip ako sa aking bibig at umiwas ng tingin. Stupid mouth! Mas lalo lang itong ngumisi sa akin. "Really?" Panunuya niya. Humarap ako at ngumisi. "A little bit." Pagsisinungaling ko. Totoong gwapo talaga siya, ang tanga mo naman kasing mag daydream Arielle. Nakita kong sumimangot ito at tinignan lang ako ng masama. "You know you can't fool yourself." Aniya at lumapit ng bahagya sa akin. Nataranta ako sa ginawa niyang paglapit. Hahalikan niya ako? Ang daming taong makakita samin! Napapikit ako ng nakitang lumapit ang mukha niya sa akin. Naghaharumentado ang puso ko sa ginawa niya. Ilang sandali napansin ko ng may umiilaw sa mukha ko kahit nakapilit ako. Binuksan ko ang mata ko at nakitang pinaharap niya sakin ang phone. Nakita ko ang pagpigil ng ngiti niya, he looks so amused. Nakaharap ang cellphone niya sa akin and he turned on and off. Yun yata ang naramdaman kong liwanag habang naka pikit ako kanina. "What? I want your number. Diba sabi mo tutulungan mo ako?" Ngumisi ito at umatras. Humilig ito sa bench at hunalikipkip habang nakatingin sa akin. Napamulahan ako sa ginawa niya. Halos lahat yata ng dugo ko sa katawan ay pumunta sa mukha ko. Nakakahiya! Strike two na ako sa kanya! Iniwagayway niya ang phone sa harapan ko kaya agad ko itong kinuha at inirapan pa siya bago mag tipa ng numero. Nakita ko sa peripheral vision ko na naka ngisi na siya habang nakatingin sa akin. Binigay ko agad sa kanya at umirap. Humalakhak ito at kinuha ang phone niya. "Now, may gwapo ka ng kaibigan." Ngisi nito. "Tss, di hamak na mas gwapo si Luke sayo!" Umirap ako at tinignan siya ng masama. Nakita ko ang pag dilim ng kanyang mata at mukhang galit. Bago pa siya maka react sa sinabi ko ay nakita ko sa likuran ni Oliver si Luke na naka pamulsa. Kumaway ito at ngumiti ng makita ako. "Luke!" Masayang bati ko.Agad agad akong tumayo at nagpa salamat sa anghel na dumating si Luke para maka alis ako sa harapan ni Oliver. Bago pa ako maka alis ay nakita ko ang pag igting ng panga niya at tumayo para umalis. Ano kaya nangyari don? - - -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD