KABANATA 12
Number
Maaga akong naka uwi kahapon, nakita ako ni Luke na nakatambay lang sa Field kasama sina Ellie at Bailey na kumakain ng fries.
Papunta na ako ngayon sa school. Sabi kasi mga alas otso ay naroon na nakapaskil ang mga nakapasa. Kinakabahan ako, hindi ako sigurado makaka pasa ako. Kapag hindi, doon na lang rin ako sa arts organization dahil naroon si Ellie para naman may kilala ako doon.
Kada uwi ko kasi ay lagi kong pinupuntahan si dad sa office dahil lagi niyang hinihingi ang update ko sa school at kina kumusta ako.
"I want to come but may group project kami." Buntong-hininga si Luke sa harapan ko at kitang-kita ko ang disappointed sa mukha niya. Hinalikan niya ako sa noo at ngumiti. "Don't you worry, alam ko namang pasado ka kaya congratulations!"
Sinapak ko sa dibdib si Luke ng mahina at tumawa. "I don't know, marami kayang magaling doon."
Umiling ito. "Ang bilis nga ng balita eh. Isang freshman na Garcia ay nakabasag ng best record!" Humagalpak ito ng tawa at nakita kong tumawa rin si manong Rene sa likuran ni Luke.
Umirap ako sa kawalan at unang pumasok sa gate. Binati ko ang guard na nakatayo doon at ngumiti ito sa akin.
I texted Ellie at sinabihan na nasa school na ako. Nakuha ko ang number nilang dalawa at nakita ko ang tuwa sa mukha nila. Sinabihan pa ako na hindi na ko isang caveman.
Tinahak ko ang papunta sa swimming pool area at pumasok doon. Kahit kinakabahan ako ay pilit kong tinatatag ang kalooban.
May iilan na ang naroon at nagkagulo para makakita sa papel. Unti-unti naman komokonti ang tao.
"Ano yun? Tatlo lang kinuha nila sa atin? Buti pa yung sa men's tryouts lima ang kinuha nila." Busangot na mga mukha ang sumalubong sakin. Yung tatlong kasama naman niya ay bigo ang mukha at tumango sa sinabi ng kaibigan.
Nangangatog ang tuhod ko. Ano? Tatlo lang nakuha sa dami naming freshman kahapon?
Kahit kinakabahan ako ay tinignan ko ang papel na nakalagay sa announcement board. Parang may kung anong nararamdaman sa tiyan ko ng tumingin sa first year lists.
List of new members
Arielle Garcia - Accountancy 1
Irish Gomez - Basic Education 1
Marie Jaranquez - Business Management 1
Iilang mga narito na kilala ako ay binati ako. Ningitian ko sila at nagpasalamat.
"Hey! Congrats sa atin. Irish by the way." Ngumiti sa akin ang nakausap ko kahapon sa try outs. Namilog ang mata ko ng malaman na isa rin siya sa nakapasa.
"Congrats din!" Ningitian ko siya. Alam ko talagang makakapasok siya dahil mabilis at ang breathing strategies niya.
Nakatanggap ako ng text ni Ellie na magkikita kami. Nakatanggap rin siya sa art organization kaya we need to celebrate.
Nakita ko siyang naka halukipkip sa hallway malapit sa water dispenser. Ngumiti ito ng makita ako. She's really pretty and cute. Nakaka attract sa kanya ang chubby cheeks na ang sarap kurutin. She's not fat, sa totoo ngang maganda ang hubog ng katawan ni Ellie at magkasing tangkad lang rin. Ang kanyang straight na buhok nakalugay at umaalon kapag naglalakad.
"Let's go?" Agarang tanong niya at hinawakan ang braso ko.
Kumunot ang noo ko. "Saan?"
"Sa mall?" Ngumuso ito na para bang may kasalanan ako na hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Napahinto ako sa paglalakad at umiling. No, dad won't let me.
"Bakit?" Takang tanong niya sa akin na napahinto rin.
"I can't." Ngumuso ako.
"Bawal. My dad won't let me." Iling ko.
"Well, then. Let's go to your dad!" Masayang sabi niya at hinigit uli ako.
Doon na ako umiling sa kanya
Umirap ito sa kawalan. "If your dad's strict, mas strict parents ko." Ngumiti ito bigla. "Kakausapin ko dad mo. Yun din naman tactics sa parents ko kapag may gala ako. I'll let Bailey do the talking!" Masayang sabi niya na para bang may light bulb sa ulo.
Mas lalo lang akong umiling. "No, hindi talaga. My dad is way more strict!"
Naalala ko na naman paano ako lagi pinapagalitan ni dad noon. Laging 'no' ang naririnig ko. I even imagine him saying 'No, you can't'
"Yes, you may." Dad gave Ellie a sweetest smile.
Ngumiti rin si Ellie at hinawakan ang kamay ko. "We protect Arielle, of course tito!"
"Make sure to bring Luke around." Habilin ni dad bago kami lumabas.
Pagkalabas namin ni Ellie sa bahay ay narinig ko ang tili ni Ellie at sinisiko ako. "I told yah, papayag rin 'yon!" She winked at me.
Nakanganga parin ako dahil sa nangyari. Nagpupumilit si Ellie na pumunta sa bahay para magpaalam kay dad. I thought dad won't agree at magalit sa akin dahil nagdala ako ng kaibigan but no. He agreed at masaya siya na nagkakaroon ako ng kaibigan.
Is this what freedom feels like? I don't know, but I like it. Parang nakakahinga ako ng maluwag. I love how it feels to be free.
Dad agreed pero dapat kasama si Luke. Ellie won't mind. Sasama rin sa amin si Bailey pagkatapos ng game nila. Nagtatampo siya dahil hindi raw kami makakanood ng tryouts niya.
Luke texted me na magkikita na room sa mall pagkatapos ng gagawin niya. Hindi ko alam bakit lagi siyang busy, maybe dahil sa school works. I'm with Ellie at hinatid kami ng driver niya dito sa bahay at ito rin ang sasakyang gamitin papunta sa mall.
Mukha na yata akong tanga kakatingin sa bintana ng sasakyan papunta sa mall. Sabi niya ay sa SM raw kami pupunta at doon gagala at kakain. May bibilhin din siyang damit dahil may mga brand new.
"Parang ngayon ka lang nakakita ng mall ah?" Natatawang sabi ni Ellie pagkababa namin sa sasakyan dito sa grounds ng mall.
Tumango ako. "Ngayon lang."
Nakita ko ang pag-awang ng bibig niya at tinignan ako. "What? Saan ka ba galing? Noon wala kang phone, tapos sobrang ignorente mo di mo napapansin na ginagamit ka ng mga tao?" Ngumuso ito at tumikhim para tignan ako na para bang nay nasabi siyang mali. Umiling ito at hinarap ako. "And now, ngayon ka lang nakapunta ng mall?"
Tumango ako sa tanong niya at nanlalaki ang mata. Tinakpan nito ang kanyang bibig at tinuro-turo ako. "Oh my gosh! Don't tell me galing ka sa past?! Kaya wala kang ka-alam alam sa present?"
Doon na ako napabunghalit ng tawa sa reaksyon at imagination niya. "Ano ba 'yan pinag-iisip mo?"
Umiling ito at sobrang lapad ng ngisi habang pumasok kami sa mall. Nakahawak siya sa braso ko at sobrang saya niya habang gumagala kami. Sinamahan ko siyang pumapasok sa mga boutique at ang dami niyang binili, nakabili rin ako ng iilang tops and bottom. She insisted na siya ang bibili but umayaw na ako, I have my own allowance at nagugustuhan ko ang ilang damit.
My dad always bought me dresses and things that I wanted. With my permission of course. Tatawagan niya ako kapag nasa ibang bansa siya o nasa mall baka may kailangan ako. Minsan si Luke rin ang bumibili, ang gaganda nga ng taste ni Luke sa mga damit.
"Kain muna tayo? Papunta na yata si Bailey." Ngiti nito at tumango ako.
Sabi niya doon kami sa isang Chinese restaurant kakain dahil nag-crave siya ng mga maanghang. I agreed, gusto ko rin makatry ng iilang delicacies.
Namataan namin si Bailey na kasama ang pinsan niyang si Eric at may tatlong lalaking nakasunod. Tumigil ako sa pag ngiti ng makita ang tingin ni Oliver sa akin. Umiwas ako at tinuon ang pansin ko sa pagkain ko sa mesa.
Tinawag ni Ellie si Bailey at nag yakapan ito. Naramdaman ko rin ang pag yakap ni Bailey sa akin at ngumiti ako. Ang sweet rin ni Bailey sa mga girls, and I know why some girls are falling for him. Sobrang sweet at napaka gentleman.
- - -