KABANATA 11

1615 Words
KABANATA 11 Don't trust (Part 2) Nakatayo na ako sa edge ng pool at lima kami ang sasalang. Sobrang laki ng pool kaya kinabahan ako ka agad. May limang tao rin na nakatayo sa kabilang side ng pool para mag rerecord ng oras papunta room at lima rin na nakatayo malapit sa amin para sa pabalik. Kukunin raw kasi nila kung sino ang may mabilis na oras makarating. Nag ngitian pa kami sa iilang kasamahan ko at inayos ang goggles kong suot. May binigay rin silang swimwear cap sa aming lahat. Tinawag kami isa-isa kung nandito ba at present. Hilumihiyaw naman ang mga lalaki kada tawag ng pangalan ng kasamahan ko. "Arielle Garcia?" Tanong ni coach at pinasadahan kami ng tingin. Nahihiya kong tinaas ang kamay ko. Narinig ko ang mas lalong hiyawan ng mga lalaki at tinatawag ang pangalan ko. "Hayaan mo na sila, ngayon lang sila nakakita ng maganda." Sabi ng katabi ko at umiiling. Nakasuot na rin ito ng goggles at makapag handa na. Hindi ko maiwasan mapatingin sa suot nyang swimsuit attire na nakapangalan 'Western High School'. She's also a swimmer! Ngumiti lang ako sa kanya sa hiya. Maganda rin kaya siya, nagpapansin rin sa kanya ang iilang mga boys. Isang pito ay pinatayo na kami sa starting block, I positioned myself 'track start' where my one foot is at the front of the block habang nasa likod ang isa. Yumuko na rin ako tulad nila. Isang pito lang ay umalingawngaw na ang sigawan ng lahat. Agad akong tumalon sa pool. This feeling again na gustong gusto ko sa pakiramdam, pakiramdam ko malaya ako kapag lumalangoy and I feel mommy is with me. Kahit kinakabahan ay mas lalo ko lang minabuti ang paglangoy ko. I am confident marunong ako, tinuturuan rin ako ni Luke minsan sa mga steps na dapat unahin o kung ano ang tama at mali while I do the hard work. Sa isang iglap sinipa ko ang kilid sa pool ng nakita kong malapit na ako roon. In one swift move ay kumuha muna ako ng hangin paano mag simula uli papunta sa starting point. Nakita kong malapit na ako roon ay agad kong iniangat ang kamay para sabihin tapos na. Hinihingal pa ako sa nangyari at kinuha ang goggles ko para makakita ng mabuti. "Wow! Ang galing mo Garcia!" "Grabe ang bilis!" "Kita nyo yun?! Hindi ako makapaniwala!" Iilan pa ay bumati silang lahat sa akin kahit nasa pool pa lang ako at prinoseso ang lahat na nangyari. Napaawang ang bibig ko ng makitang papunta pa lamang ang mga kasamahan ko. Unang natapos yung nakausap ko kanina na taga western high school at sumunod na rin ang iilan. Tutulungan na sana ako ng lalaking nag time sa akin pero may isang kamay ang hinila ako paakyat sa pool. Agad naman ako binigyan ng towel nung nag time sakin at sinabihan akong magaling ako at sure na sure na makakapasa ako. Napamulahan ako sa sinabi niya at ngumisi naman siyang umalis. Tinignan ko na nasa harapan ko na pala si Oliver. Siya yung humila sa akin kanina paakyat kaya hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. "Uhm, salamat." Pumula ang pisngi ko sa hiya at mas lalong binalot ang katawan ko ng tuwalya. May iilang binati ako at hindi sila makapaniwala sa sobrang bilis ko kanina at binati rin nila si Oliver bago umalis na nagtitilian. "Wear your clothes." Sabi nito at tinalikuran ako. My jaw fell. Yun lang? Akala ko may sasabihin pa siya dahil kanina pa siya nakatayo sa harapan ko. Arielle, get hold of yourself! Habang nag bibihis ako sa cr malapit sa lockerroom ay hindi ko mapigilang mapatingin sa repleksyon ko. Hinawakan ko ang kwintas na binigay ni mommy. Ngumiti ako ng mapait. I wish you were here today, mom. I'm sure you will be really proud of me. Ningitian ko ang nakasalubong ko at may lumapit sa akin na student assistant ng coach at sinabihan na bukas ang posting sa nakapasok ng try outs. Gusto ko sanang pumasok ulit doon at manood sa mga nag try outs pero kumalam ang tiyan ko. It's already near twelve! Kumain pa ako ng breakfast bandang ala-singko ng umaga! Inilagay ko ang mahaba kong buhok sa gilid ng balikat dahil mabasa-basa pa ito. Yung buhok ko na medyo curly ang dulo ay naging straight sa pagsuklay ko. Tinahak ko papunta ang cafeteria at nakita ko ang iilan na sobrang busy pero konti lang ang mga tao ngayon. Busy yata o di kaya hindi na pumasok. Pagkabukas kong double doors sa cafeteria ay may iilang estudyante na kumakain roon. Tumingin tingin muna ako sa nakahain at agad natakam sa cake at lasagna na naroon. "Hi! Arielle right?" Napalingon ako at nakita ko ang pinsan ni Oliver sa tabi ko. She's tall and slender, mas matangkad siya sa akin at hanggang tenga lang ako sa kanya. Ngumiti ako at tumango. Tinanggap ko ang kamay niya na nasa harapan ko. Ngumisi ito at kita ko pano sumingkit ang mata niya, she has a chinky eyes just like Oliver. "I'm Trixie Reyes. Oliver's cousin." Pinakilala niya ang kanyang mga kasama at lima silang lahat. Ang naka agaw pansin lang sa akin ang nagngangalang Sally Monte dahil sa buhok niyang naka ombre blonde. Silang dalawa lang ni Trixie at Sally ang kasama sa swimming team at ang iilan naman kaklase nila. They're in third year now. Nakita kong tumingin-tingin sila ng mga pagkain sa harapan. "Trixie, naiwan ko yata ang wallet ko sa locker." Sabi ng isang babae na hindi mapakali kakahanap ng wallet sa kanyang bag. Tumingin rin ang iilan at nakita ko ang pagbusangot ng mukha dahil naiwan rin ang bag. "Gutom na ako." Ngumuso si Sally at tinitignan ang pagkain. Everyone agreed at nakita ko rin pano lumungkot ang magandang mukha mo Trixie. Napakagat ako sa aking labi dahil naawa ako. I'm sure gutom na gutom na sila, dahil judge rin si Sally at Trixie. Kaya kinuha ko ang wallet ko at ngumiti sa kanila. "Hayaan niyo na, ako na bibili ng lunch niyo." Masayang sabi ko at nakita ko ang gulat sa mukha nila na parang hindi makapaniwala. Sinabihan nila ako na huwag na but I insist. Konting bagay lang naman sa akin ang pero, mas mahalaga sa akin makakita ng tao na masaya at nagkaroon pa ako ng kaibigan. Binilhan ko sila ng pagkain at sila na ang bahala pumili sa pagkain nila. I don't mind, binigyan rin ako ni dad ng sobrang allowance. Ipapadala nga niya ang card pero umayaw na ako. It's too much! "Magkakilala kayo ng pinsan ko?" Biglang tanong ni Trixie na nasa harapan ko at kumakain ng steak. "Kaibigan nila Bailey, kaya nakilala ko siya." Sabi ko lang at ngumiti. Totoo naman but we're not friends. I don't know what's wrong with him. Pinapansin ako ng iba pero sa kanya ang susuplado. Nakita ko paano ngumiwi si Trixie pero ngumiti kaagad. Nagkabit-balikat nalang ako at tumahimik naman silang kumain. Maya-maya ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko at nakita ko ang nakabusangot na mukha ni Ellie, tinignan ni Ellie ng masama si Trixie at nag-irapan ang dalawa. "Ellie! Buti nandito ka, kanina pa kita hinahanap." Gulat kong sambit at inaya siyang kumain pero umayaw siya. "Pa tapos ka na? May pupuntahan tayo." Bulong niya sa akin at tumango ako. "Tapos na. Tara?" Tumayo ako at inayos ang bag. Umangat ang tingin ng lima pwera kay Trixie na nakayuko at pinaglalaruan ang steak. "Aalis na ako, may pupuntahan lang." Ngiti ko sa kanila. Kumaway naman ang dalawa at nagpasalamat sa libre ko kaya hindi ko maiwasang tumawa at iniwan sila doon. Hinigit ako ni Ellie palabas at nakita kong nakatayo si Bailey roon sa isang poste na nakatunganga sa field. Napangiwi ako ng marahas niyang nabitawan ang kamay ko. Nakita ko pano kumunot ang noo nito at nagmumura sa kawalan. "Anong nangyari?" Takang tanong ko dahil sa ugali niyang kakaiba. "Don't go near that Trixie girl again!" She's freaking out at tinatahan siya ni Bailey sa kanyang tabi. "Why?" Takang tanong ko at itinagilid ang ulo. "Basta! She's using you." Humina ang boses niya sa huling salita at nakita ko pano nangiligid ang luha niya sa mata. "She's a two face b***h. Nagbabait-baitan pero nasa loob ang kulo, nako!" Gigil nitong sabi. "At ngayon, nagpapalibre siya ng pagkain sayo?" Tumingin sa akin si Ellie at nakita ko ring natigilan si Bailey at ngumuso na para bang may mali akong nagawa. "I'm sorry, malaki lang talaga galit ni Ellie kay Trixie." Ngumuso si Bailey at napabuntong-hininga. I really don't know what happened pero pakiramdam ko ay malaki talaga ang galit ni Ellie kay Trixie. Maybe magkakilala sila noon. I get it, halos lahat ay magkakilala dahil same school lang rin sila sa highschool at senior high. Pati na rin si Luke ay doon nag aral sa highschool na pinapasukan nila. Ibang freshman lang ang tulad ko na bago dito, kapag sa ibang school ka o di kaya ay transferee, kailangan lang entrance exam bago makapasok. Kaya pahirapan makapasok dito. Maya-maya ay huminahon si Ellie at ngumiti na sa harapan ko. "I'm sorry for acting that way. Ayoko lang masama ka sa binubully ni Trixie." Ngumuso ito at nag kurap kurap. Ngumiti ako at tumango just to assure her. "Okay." "I also noticed you're too innocent. I don't want that to happen. Just don't give your trust easily here, it's the reality." Sabi niya na nakapag panatag ang kalooban ko. I know that but when someone told me about it ay parang nakakawala ng takot dahil alam ko sa sarili ko na kahit isang kaibigan ay sobrang sapat na sa akin. - - -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD