KABANATA 10

1423 Words
KABANATA 10 Don't trust "Bakit kayo mag kausap ni Oliver?" Takang tanong ni Ellie ng mapansin ang usapan namin ni Oliver. Umiling ako. "Wala." Ayokong sabihin sa kanya ang nangyari. Nakakahiya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at ginawa ko 'yon kay Oliver. I should avoid my aggressive behavior. Pft. Pumunta kami sa last subject namin at binalitaan kami na next week na magsisimula ang klase. Ngayon na week ay para makakatry-out ang mga freshman students para makasali sa mga organization. "Bailey, tanungin mo nga si Luke kung saan siya." Utos ni Ellie habang tinitignan ang kanyang phone. Sumunod naman si Bailey at tinawagan si Luke. "Bakit niyo pala kilala si Luke?" Tanong ko kay Ellie. Nandito kami ngayon sa open field. May iilang tumatambay sa ilalim ng puno at natutulog. Yung iba naman ay naglalaro sa field. Parang nag try out na rin yata ang soccer dahil may nag lalaro ng soccer sa malayo. "Kilala si Luke dito sa campus dahil sa pagiging talino niya at sobrang bait. Kilala ni Bailey si Luke dahil na rin sa pagbabasketball at sumasama ako sa laro nila minsan kaya magkakilala na rin kami noon." Aniya at tinignan ako. "Alam mo naman na malapit lang dito yung junior at senior high. Nasa kabilang kanto lang." Nguso nito kaya napatango ako sa sinabi niya. Nakita naming bumalik na si Bailey at ngumiti. Hindi ko talaga mapigilang mapatingin sa dimples ni Bailey, sobrang lalim at nakadagdag charms sa kanya lalo na sa permed niyang buhok. "Nasa room daw. Sabi niya if wala ka nang gagawin pwede kang tumambay dun." Ani Bailey at umupo sa harapan namin. "Maaga pa naman, sure ka na bang ayaw mo sumama sa amin? Mag mamall lang kami." Ngumuso si Ellie at nagpapa cute sa harapan ko. Mas lalo lang lumalabas ang chubby cheeks ni Ellie kaha hindi ko mapigilang ngumiti. "I'm sorry, maybe next time?" Kapag papayagan na ako ni dad. Bigo ang dalawa habang hinatid ako sa kabilang building. Ang laki naman ng school na 'to. Nakakapagod mag lakad. Napapansin ko rin na pinagtitinginan ako ng iilan. Sinabi sa akin ni Ellie na hayaan na lalo na at bagong salta raw ako dito. Halos lahat kasi raw ay magkakilala na. Nang nasa labas na ako ng room ay agad akong nagpapasalamat. "Dapat may phone ka na. Mahirap ngayon kapag walang communication." Umiling iling si Ellie at tumango si Bailey sa kanya. Bailey knew dahil sinabihan siya ni Ellie dahil nagtataka raw at hindi ako ang tumawag kay Luke. I stayed outside Luke's room at nakita kong busy siya. Perks of being a valedictorian in their batch, sobrang busy. Sabay kaming umuwi ni Luke dahil may gagawin daw siya kinagabihan at hindi ko alam kung ano pero lumabas siya ng bahay na 'di ko namalayan. Kinabukasan, ay pinapunta ako ni dad sa kanyang office. I thought something came up pero binigyan niya ako ng phone. Hindi ko mapigilang mapasigaw sa tuwa at kita ko pano umiling-iling si dad sa reaksyon ko. I don't know how to use phones, ngayon lang. Para akong isang caveman na ngayon lang nakalabas. Well it's partly true. Si Luke ang nagturo sa akin habang papunta sa school kung paano gamitin ang phone at madali ko lang maisaulo, nakakita naman ako sa tv at commercial kaya hindi na masyadong mahirap para sa akin. Pagkababa ko ka agad sa sasakyan namin ay binigyan ako ni Luke ng kanyang phone number at nilagay niya na rin ang phone number ni manong Rene at ni daddy. "Text ka lang sa akin kapag tapos ka na sa gagawin mo. Wala kayong pasok, diba?" Tanong ni Luke habang kinuha ang bag ko na nasa loob ng sasakyan. "Yes." I puffed my cheeks. Sana makita ko ngayon sila Ellie at Bailey, I don't have their phone numbers, panigurado ng hindi na sila pupunta sa rooms dahil sa announcement na walang pasok ngayong week. Hinalikan ako ni Luke sa noo, it is his routine when he's going to school noon pa man. Lagi akong hinahalikan sa noo para magpaalam. Hindi ko mapigilang ngumiti. Luke is so sweet at sobrang swerte ng magiging girlfriend niya. "I'm going. Just text me okay? Or pwede ring una ka nang umuwi, you can text manong Rene." Sabi niya sa akin habang papasok sa gate. Tumango ako sa sinabi niya. We parted our ways, kahit walang pasok sila Luke ay binigyan sila ng activities in preparation for the next week classes. Napapa yuko na lang ako kapag pinag titinginan ako ng ilang mga babae sa hallway. "Siya ba ang girlfriend ni Luke?" "Nakita namin lumabas sila sa iisang sasakyan at hinalikan siya." "I heard they're living together." "What?!" Napabuga ako ng hangin. I know ako ang pinag-uusapan nila. Bulong bulungan iyon, I don't think na bulong o sadyang pinagriringgan lang ako. Dad always reminded me na huwag padalos-dalos ng salita, Luke has an image to maintain pero sinabihan ako ni Luke na okay lang na malaman ng lahat na nagtatrabaho siya sa amin. I don't mind, I wanted to protect Luke like he always protected me. Hawak ko ang tote bag. Hindi ako nagdala ng backpack, I have my swimsuit in it at malapit na rin mag nine. May iilan na ring pumasok sa loob at nakita ko may twenty o higit pa ang naroon. Agad sumibol ang kaba sa dibdib ko. Ang dami naman! I'm sure magagaling na ang iilan, ako nagpapractice lang sa swimming pool ng bahay namin. Isang pito ang pinakawalan pagkatapos namin mag bihis ng swimsuit. Hindi two-piece ang suot naming lahat, yung iilang nakita ko ay may nakatatak pa na pangalan ng school na pinanggalingan nila and I'm sure kasali rin ang iilan sa swimming team noon. Mas kinabahan ako lalo. Agad nanginig ang tuhod ko ng may isang pares na mata ang nagtagpo sa paningin ko. Tumingin pa sa akin si Oliver at pinasadahan ng tingin ang suot ko. Uminit ang pisngi ko sa hiya at mabuti na lang may dala akong tuwalya at tinakpan ang katawan ko at umiwas ng tingin. May dumating na dalawang coach yata. Ang isa ay lalaki at ang isa naman ay babae na nakilala ko kahapon. May sinani pa ito na uunahin ang lalaki at ang babae yung huling mag try-out dahil mas karamihan dito ay babae. Tawanan at sigawan ang bumabalot dito sa swimming pool. Hindi ko rin mapigilan makisali sa kanilang tawanan dahil may iibang lalaking sumali lang yata para magpasalida sa abs kuno kahit mukhang asong lumangoy. "I thought your joking about joining this." May mainit na hininga ang naramdaman ko sa aking batok. Napatalon ako sa gulat at lumingon. "O-oliver!" Gulat kong sambit at umiwas ng tingin dahil ang lalim ng titig niya sa akin. "Bakit ka sumali dito?" Matigas ang tanong nito at nakatingin diretso sa akin. "Bakit? Gusto ko lang." Humalukipkip ako at tinignan siya na nakataas noo. "Bakit mo ako kinakausap?" Umigting ang panga nito at lumagpas ang tingin sa likuran ko. "I'm your friend, remember?" "Oliver! Bakit ka nandito? I thought you're at the court? Diba try out ng mga freshman ngayon?" May babaeng lumapit sa kanya at agad kong nakilala na pinsan niya pala 'yon. She is wearing a swimwear na para sa miyembro ng swimming team at naka varsity jacket ito na kulay royal blue. Napatingin pa sa akin ang pinsan niya bago ito dumertiso para lapitan si Oliver na nakatayo sa likuran ko. "Binigyan kita ng lunch, pinabigay ni mom." Simpleng sabi ni Oliver. Umalis na ako sa kanila, I don't want to eavesdrop dahil naalala ko na naman kung paano nagalit sa akin si Oliver noong nakikinig ako kahapon. Pumunta na ako doon sa nakapila na babae. Lahat pala kami na iba't-ibang course ay nandito. Swimming team is all-in-one. Hindi tulad ng ibang sports ay kailangan may iba't-ibang course ang naroon. Swimming team is for school activities o pinapasali sa mga sports completion sa iba't-ibang school. Napatingin ako sa iilang babae na unang tinawag. Hindi ko mapigilang humanga. Ang gagaling nila! May iilang hiyawan ng mga lalaki ang naririnig ko rin sa 'di kalayuan. Nakabalot na sila ng kani-kanilang tuwalya pero hindi pa nakapag bihis baka gusto pa nilang mapanood sa amin. Nang sinabihan ako ng isang babae na ako na ang susunod ay inilagay ko na ang tuwalya malapit bag ko. Mabagal ang lakad ko dahil nakita ko sa mga bleacers na naroon si Oliver, naka upong dekwatro at naka halukipkip na tinignan ko. Lagi ba siya dito tumatambay? - - -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD