KABANATA 9

2447 Words
KABANATA 9 I'll help you Habang tahimik ako na kumakain dito sa cafeteria ay hindi ko maiiwasan na tinitignan si Oliver na nasa harapan ko at may katabi ng babae. Napanguso ako at agad umiwas ng tingin kapag magtama ang mata namin. Ano ba tong nararamdaman ko? Sumasali lang ako sa usapan nila kapag may itatanong sila tungkol sa akin. Napagitnaan ako nila Bailey at ni Ellie na masayang kumakain at nag-uusap tungkol sa mga sports. May apat lalaki na nasa table namin, at nalaman ko na mga sikat rin sila dahil sa pagiging varsity players dito sa school. Nasa harapan ko si Oliver at katabi niya yata ang girlfriend niya. May dalawang babae ang dumating, nalate raw dahil may ginawa pa sila. Nasa harapan namin nakaupo si Eric, Vince, Eunice, at Oliver kasama ang girlfriend niyang si Clarissa. Mag jowa rin yata sina Vince at Eunice dahil panay ang kulitan ng dalawa habang umiiling si Eric na napagitnaan ng love birds. Sa amin nakaupo si Paul, at kaming tatlo agad nina Bailey at Ellie. I want to remember all their names, hindi ko maiwasan maging sobrang galak. Marami na akong nakilala kaagad ngayong araw. "Sabi ni Bailey homeschool ka?" Eric asked at sumimsim ng tubig. At ngayon nakatuon na sa akin ang atensyon nilang lahat. Nakita ko pano tumigil si Oliver sa pag kain niya at tinignan ako ng mabuti. Pero hindi tumingin sa akin si Clarissa at patuloy itong hinahaplos ang dibdib ni Oliver. Tumango ako sa tanong ni Eric. "Kalat sa buong school na magkasama kayo sa iisang bahay ni Luke?" Tanong ni Eunice at kumapit sa braso ni Vince. Oliver's eyes darted at me at tinignan ako. Parang may kung anong nararamdaman sa tiyan ko sa kanyang titig. Ano ba 'yan Arielle, don't tell me crush mo si Oliver? Nako nako may girlfriend na yung tao! "Kaibigan ko lang si Luke…" ngumuso ako. "Doon na siya tumira simula noon pa sa amin." Ayoko naman sabihin na doon nag tatrabaho si Luke sa amin, sinabihan na ako ni dad na huwag masyadong open at ipaalam na doon nagtatrabaho si Luke. Luke didn't mind, sabi niya sa akin na kas okay raw iyon para walang magtataka na lagi kaming magkasama. "Baka boyfriend mo lang si Luke, ayaw mo pang sabihin." Tikhim ni Oliver. Kumalabog ang puso ko sa boses niya dahil kanina pa siya tahimik at nag mamasid sa kanyang mga kasama. Pabirong sinapak ni Clarissa ang braso ni Oliver. "Nag iinarte ka na naman. Baka nagsasabi lang ng totoo si Arielle." Natatawang sabi ni Clarissa. Siniko ako ni Ellie. "Ano kukunin mong organization?" Lumingon ito sa akin at nanlalaki ang mata. "Don't tell me you didn't read the handbook? All students dapat may sinalihang organizations!" Ngumuso ako at umiling. Hindi ko pa nabasa, kanina ko pa nakuha lahat ang mga kailangan. "Ano ba sinalihan mo?" Hinawakan nito ang kanyang baba at ngumiti. "I'll take up arts. Sila Bailey at yung iba paniguradong basketball mga 'yan. Ikaw ba? Ano ang nasa isip mo?" "May swimming team ba dito?" I asked her. Tinawag ni Ellie ang katabi kong si Bailey na masayang nakipagbiruan kay Paul. "Bailey, diba may swimming team dito?" Tanong ni Ellie kaya napatigil ito sa pagtawa. Tumingin ito sa amin at tumango. "Oo, meron! Parang pinsan yata ni Oliver ang team leader doon." Nginuso ni Bailey si Oliver na nag cellphone na. Kanina ko pa talaga napapansin na 'di pinapansin ni Oliver si Clarissa. "Bakit? May balak kang sasali sa swimming team?" Paul asked at ngayon nasa akin na ang atensyon nilang lahat. Napalunok ako, not used to bigger crowds but it's fine I just need to getting used to this. "Yes, I actually liked swimming." Ngiti ko kay Paul. "Then I'm sure hindi ka mapapasa doon. You look like a twig." Kinagat ang labi ni Oliver na para bang nagpipigil ng ngiti habang tinignan ako ng seryoso. Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. W-what? Napailing si Ellie sa sinabi ni Oliver na para bang disappointed. "Kanina ka pa ha, napapansin kong lagi mong binabara itong si Arielle." Hinawakan ko si Ellie at sinabihan na okay lang. Totoong maliit lang ang katawan ko, but I have my assets too! Lagi akong nag exercise sa gym sa bahay namin. I can say my boobs and butt are bigger and I have a small waist. Lagi na rin akong pinapagalitan ni Luke, dapat at magpataba na lang raw ako. Pagkatapos namin kumain nila ay nagpaalam na ang lahat na mga lalaki pati si Bailey para makapaglaro ng basketball. Walang pasok ngayon daw, dahil inaayos panjg instructors kung sino ang nasa sched sa amin. Nalaman kong magpinsan si Bailey at Eric kaya lagi silang magkakasama. May sariling basketball team si Bailey dahil iba ang course namin pero minsan kapag magkakatuwaan sila ay sumasama si Bailey sa kanila Oliver. All of them are third year business management at kami naman tatlo nila Ellie at Bailey ay first year accountancy. Napanguso ako, Oliver is two years older than me huh? Sinamahan ako ni Ellie papunta sa swimming pool dito sa school. Halos na memorize ko na ang daan at pasikot sikot kahit sobrang laki ng school na to. I wonder where Luke is? Paano kami magkikita mamaya? May tinuro si Ellie sa kabilang hallway. "Doon ako pupunta, sasali ako sa art organization. Magkikita tayo mamaya?" Tanong niya. Tumango ako at papasok na sana sa double doors papunta sa swimming pool area pero hinawakan na ni Ellie ang kamay ko. "Your cellphone number?" Alanganin niyang tanong at iniwagayway ang kanyang phone. Tumikhim ako at nahihiyang tumawa. "I don't have a phone?" Napatanong pa ako sa sarili ko, nahihiya sa sabihin ko. Nakita ko pano nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Napatuptop ito sa kanyang bibig at parang nagulat sa sinabi ko. "B-bakit?" Takang tanong ko. Umiling ito pero nakaanwang pa rin ang kanyang bibig. "It's just that ikaw pa lang ang nakilala ko'ng walang phone. Hello? It's the twenty-first century!" Iniwagayway ulit niya ang kanyang phone. "Gusto mo ng phone? Bibilhan kita!" Aniya na nakapag gulat sa akin. Unang pagkakilala lang namin ay bibilhan niya ako ng phone? Maybe it's a joke right? "No kidding, I'm serious." Nakahalukipkip ito sa aking harapan at tinaas ang kanyang kilay na parang nabasa ang nasa isip ko. She looked at me from top to bottom at tinignan ang mukha ko ng maigi na parang sinusuri ako. "You look rich pero bakit wala kang phone?" Itinagilid niya ang kanyang ulo. "Anyways, I'm late!" Umiiling ito at may tinignan sa likod ko at biglang ngumiti. "Hoy, Oliver!" Nanigas ako sa aking kinatatayuan at hindi lumingon. Nasa likod ko si Oliver? Bakit siya nandito? Akala ko ba nasa court sila at naglalaro? Dahan dahan akong humarap sa kanya at nakita ko na may pawis pa ito sa kanyang noo. Nakakunot ang noo nito na nakatingin sa amin. He is now wearing his basketball jersey. May nakatatak sa harapan ng 'Red Warriors' at nasa likuran naman niya ay 'Reyes 10' Napalunok ako habang napatingin sa kanyang biceps, I'm no innocent, lagi akong nakakakita ng ganyan sa tv na lagi kong pinapanood pero kay Oliver ang lakas ng tama sa akin parang nag fe-flex ang kaniyang muscles kapag gagalaw ito. He is not thin and not too big for his age. Mas matangkad pa s'ya kesa kay Luke. Pero halatang nag g-gym siya dahil sa kanyang katawan. Ngumuso ako at umiwas ng tingin, yung utak mo talaga Arielle! "Tatambay ka ba pa diyan? Samahan mo nga muna si Arielle at itext ako ka agad pagkatapos niya sa loob." Sabi ni Ellie at tinulak ako ng bahagya palapit kay Oliver. Napamulahan ako sa hiya dahil ang lapit ng distansya namin. Kaya lumayo ako ng konti sa kanya. "Why would I do that?" Maarteng tanong ni Oliver. Nakita ko pano umirap si Ellie sa sagot ni Oliver. Ngumiti ako kay Ellie. "Hihintayin nalang kita dito sa labas, I'm sure madali lang ako dito dahil may itatanong lang ako. Kailangan ko rin hanapin si Luke mamaya." Sabi ko ng hindi sumusulyap kay Oliver na nasa tabi ko lang. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Ellie at tumango. "Okay, may number naman si Bailey kay Luke. Ipapa-contact natin sa kanya. Just stay here okay?" Tumango ako just to assure her. Hindi ko maiwasan ngumiti dahil sa init ng pakiramdam ko. It's warm and new, ganito ba ang pakiramdam kapag may kaibigan kang babae na mag-alala sayo? Sanay naman ako kay Luke at sa mga pinsan ko pero iba pa rin sa pakiramdam na may ibang tao ang nag-alala sayo at makakausap mo. Umalis ka agad si Ellie para mag-apply sa art organization. Pumasok ako sa loob at naramdaman ko rin na sumunod sa akin si Oliver. "Ang laki mo na pinapa bantay ka pa sa akin." His cold tone sent shivers through my spine. Kahit nag usap kami panandalian kanina pero iba pa rin kapag kaming dalawa lang. Humarap ako sa kanya at ngumiti. No, I won't get mad. "So don't look out for me okay? I can handle myself." I smiled sweetly at tumalikod. Napadaan pa namin ang mga lockers sa loob na exclusively for the swimming team members. Tahimik dito at walang tao, baka nasa pool ang lahat. Narinig ko ang tawa ni Oliver sa likuran ko. "Bakit hindi si Luke ang nagbabantay sayo ngayon?" Napa irap ako sa kawalan. Anong problema ng lalaking ito sa akin? Bakit parang galit? Kanina pa to ah? Humarap ako sa kanya. "Ano bang ginawa mo at bakit galit na galit ka sa akin?" Takang tanong ko sa kanya at napahukipkip. "Wala. Kaya ako galit sayo dahil wala kang ginawa." Matigas nitong sabi na nakapag gulo sa akin at umalis sa harapan ko para pumasok sa pool area. Napanganga ako sa narinig. Anong problema ng lalaking 'yon sa akin? May nagawa ba akong masama sa kaniya? Kanina ko pa napapansin ang mainitin niyang ulo at lagi akong binabara. Pagkapasok ko sa pool area ay medyo marami ang tao sa loob. Luminga linga ako at hindi ko makita ang presensya ni Oliver kaya winala ko na siya sa isipan ko. Lumapit ako doon sa area na may maraming babae at lalaki na nakapalibot doon na parang may binabasa. Hinintay ko muna medyo humupa ang mga tao na naroon bago ako lumapit. Nakita ko na nakalagay na announcement na bukas ang try-outs at nine am. Magdadala kami ng swimming trunks and not a swimsuit. Kumuha ako ng papel na nakalagay sa box at sinulat ang pangalan ko. Nagtanong pa ako sa isang babae na katabi ko na nagsusulat rin kung saan ipasa ang papel. Tinuro niya ang isang office na katabi sa pool. Nilibot ko ang pool at sobrang laki at lapad. Hindi ko mapigilang ngumiti ng maalala ko si mom dahil dito. I'm finally fulfilling my mom's wishes. Papasok na sana ako sa loob ng lumabas si Oliver galing doon at may kasamang magandang babae sa likuran, sino to? Ito ba yung sinabi ni Bailey na pinsan ni Oliver? Ngumuso ako ng tinaasan niya lang ako ng kilay at inirapan. Tse! Ang arte. Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko ang isang hindi katandaang babae in her mid-thirties na nakaupo sa office chair. She has a short hair and pinkish checks. She has a strong body type, may kalakihan dahil sa muscles at minsan lang ako makakita ng babaeng ganun. "Hi, good morning! Ilagay mo nalang yung form diyan sa table. Don't forget what to bring tomorrow and don't be late." Aniya ng nakangiti sa akin. Nabunutan ako ng tinik, akala ko strict siya. Nagpasalamat ako sa kanya at lumabas. Dito na lang ako mag hihintay kay Ellie sa pinagkasunduan namin. Napatingin ako sa oras at nakita kong mag a-ala una na ng hapon. Maybe I need to go home early, pero baka busy pa si Luke at maghihintay nalang ako sa kanya but first I need to find him. Ang hirap naman kapag walang communication! Siguro kausapin ko si dad tungkol dito at magpabili ng phone. Napanguso nalang ako ng maimagine ko si dad saying 'No' word at me. "Ano ba yan! Ako pa pinagalitan ni tita dahil sayo. Ano bang pinang pinaggagawa mo at ganun ang grades mo noong last year?" Napalingon-lingon pa ako ng marinig ang sigaw ng isang babae. To my curiosity ay pinuntahan ko kung saan nanggaling 'yon. Sumilip pa ako sa isang corridor at doon ko nakitang seryosong nag uusap si Oliver at pinsan niya yatang babae. "I'm just busy." Walang ganang sabi ni Oliver sa pinsan niya. Nakita ko pano umiling ang pinsan niya. Umaalon ang kulot niyang buhok kada galaw niya. Makikita ang resemblance nilang dalawa dahil sa ilong at mata. Morena ito at sobrang tangkad, she has a nice body figure. Habang nakatitig ako kay Oliver ay hindi ko maiwasan humanga, ang gwapo niya talaga! Mas tumitingkad ang mapupulang labi ni Oliver sa maputi niyang balat. "Ayusin mo yan! College ka na. Dumating na sila tita at tito kahapon kaya ayusin mo ang pag-aaral mo." Umiiling ang kanyang babaeng pinsan at umalis. Agad akong napatakbo at tumayo sa b****a ng pintuan sa swimming area. Nakita ko ang nakabusangot niyang magandang mukha at padabog na binuksan ang pintuan. "Bakit ka nakikinig kanina?" Napapitlag ako sa boses sa likuran ko at nakita ko ang seryosong mukha ni Oliver. Umayos ako ng pagkakatayo at hindi siya tinignan. "Anong nakikinig? Nandito lang ako at nag hihintay kay Ellie." Pag sisinungaling ko. "Liar. I saw you standing there!" Tumaas ang kanyang boses kaya agad akong nataranta. Idiot, Arielle. Huling-huli ka na! "H-hindi ah!" Pilit kong tinatagan ang boses ko. "Liar." Sipat nito at tinignan ako ng masama. "Kaya ayoko sayo." Sabi nito bago umalis. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at uminit ang pisngi ko. Pati yata ang tenga ko ay uminit sa inis. Sa galit ko ay tinakbo ko papunta sa kanya at hinila ang balikat para makaharap sa akin. "I'm sorry okay? Hindi ko sinasadya na nakarinig ako. Ano bang ginawa ko sayo?" Halos pabulong kong sabi. It is my first time someone treated me this way, may galit sa akin at hindi ako mapakali. Dahil alam ko sa sarili ko wala akong ginawang masama sa kaniya. "Nakikinig ka pa rin." Matigas nitong sabi at tatalikuran na sana niya ako kaso may sinabi akong nag pagtigil sa kaniya. "I'll help you!" Sabi ko at napakagat sa aking labi. Finally tumigil ito at nakaharap na sa akin. Nakahalukipkip ito at tinignan ako ng maigi. "What do you want then?" Ngumuso ako. "Be friends with me at tutulungan kita sa studies mo." - - -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD