KABANATA 8

2170 Words
KABANATA 8 She’s Ordinary Si Luke ang bumili ng mga gamit ko sa school at hindi ko mapigilang ma excite sa mga binili niya. Binigyan siya ni dad ng card at si Luke na ang bahala doon, pati rin kasi gamit ni Luke ay bibilhin niya. Isasabay nalang sa akin. Pagkatapos ng usapan namin kay dad ay sinabihan ko si Luke kinagabihan. Nagulat ito at sobrang saya para sa akin. Nalaman ko rin na iisang school ni Luke ang papasukin ko. Mag-isa akong pumasok sa loob ng office ni daddy. Unang araw ng pasukan ko ngayon, at hindi ko mapigilang ang ngisi ko. Nasa baba na si Luke at makapag handa na rin, hinihintay na lang ako. "Dad?" Napalingon ito sa akin at nakita kong tumigil ito sa pag ta-type sa laptop para humarap sa akin. Nakita ko ang pag ngiti nito. "Aalis na ako dad." Ngumuso ako para pagpigil ng ngiti. Tumango ito sa akin. "Yung rules ko, huwag mong kalimutan. Lagi mong kasama si Luke kapag vacant niyo, uuwi ka ka-agad at maghihintay si manong Rene sa inyo sa labas, and lastly I need you to have straight A's." Lumabas ako sa bahay na nakangiti, kahit ilang rules pa ang ibigay ni dad sa akin ay gagawin ko pa rin ito. I'm so excited! I can't wait to have friends, magustuhan kaya nila ako? Alam kaya ito ni miss Kate? I don't have a phone, kaya mahirap ma contact sila. Hindi ko alam bakit hindi pa rin ako binigyan ni dad ng phone. Mabuti na lang may phone si Luke para hindi na pahirapan ma contact si manong Rene kapag uuwi na kami. Nang namataan na ako ni Luke na palabas sa bahay ay para akong binubudburan ng asin ang katawan sa sobrang excited ko. Nakita kong napatawa si manong Rene sa akin at si Luke. Habang nasa byahe kami ay palagi akong pina-alalahan sa gagawin ko. Sasamahan muna niya ako sa admission area at tutulungan hanapin ang mga rooms ko. First day of school ngayon kaya walang klase si Luke. He's free whole day at sasamahan niya lang ako. I don't mind at all! Kasama pa yata ni Luke yung mga kaibigan niya na sina Kevin at Lance. Inayos ko muna ang skirt ko at pinagpagan pagkababa sa kotse namin. Nagpaalam na samin si manong Rene na doon na siya tumambay sa waiting shed at magtetext lang si Luke pag uuwi na kami. Gusto rin namin makapaglibang si manong, we don't want him to wait whole day para lang sa amin. Napanganga ako sa nakita sa kabuuan ng school. It is so big! May nakatatak na 'South Garden International University' at sa ibaba ay may nakalagay na 'Welcome freshies' "Let's go?" Anyaya ni Luke sa tabi ko. Tumango ako sa kanya at napa kapit sa braso dahil natakot akong mawala sa loob. Dahil marami na ang pumapasok at iilang nakita ko ay mga magkakaibigan at may sariling barkada na nagtitipon. Iginala muna ako ni Luke sa lahat, punta kami sa court, swimming pool, locker rooms, at iilan pa. Hindi na rin bago sa akin ito, lagi ko itong napapanood sa tv. "Luke!" Narinig naming sigaw na likuran namin. Lumingon si Luke sa kanila kaya sumilip ako kung sino ang tumawag. Nakita ko nanlaki ang mata ni Kevin ng namataan ako. "Hi!" Bati ko sa kanila at kinawayan. Ngumiti ang dalawa sa akin at may iilang lalaking lumapit para makipag bati kay Luke. Napanguso ako, ang daming kaibigan ni Luke! Kailan kaya ako magkakaroon ng kaibigan? Nasa hallway kami ngayon papuntang admission room, para kukunin ang schedule ko. Napakapit ako sa polo ni Luke nang nagtangkang umalis ito sa harapan ko para batiin ang mga kaibigan niya. Luke, stay please. Bulong ng utak ko. Parang wrong move yata ang paghawak ko sa polo ni Luke dahil nakita ko ang iilang babaeng ang sama ng tingin sa akin. Napalunok ako sa kanila at umiwas ng tingin. May nagawa ba akong masama? "Sino yan?" Tanong ng isang lalaking naka hawak ng bola at sobrang puti rin nito, nakabukas ang polo niya na na parang ginawang pang takip lang ng kanyang balikat. "Ito si Arielle." Nguso ni Luke na para bang may idugtong. "Papasok muna kami sa admission room. Hindi muna ako makakasama." Nagpaalam ako kina Kevin at Lance na nakatingin lang sa amin. Pagkapasok namin sa admission office ay narinig ko ka agad ang asaran at halakhakan sa labas, maririnig pa rin talaga ang ingay sa labas dito sa loob. Mabuti hindi magagalit ang taga-office. Si Luke na ang kumuha sa id at schedule ko. Nakita ko pang nilagay niya ang schedule ko sa phone niya para malaman kung kailan ang vacant time ko at ano ang susunod na subject. "Ito ang room mo." Sabi niya kaya sumilip ako sa room at nakita ang kokonti pa lang ang naroon. May ibang nag uusap at yung iba naman ay natutulog. "Papasok na ako." Masayang sabi ko kay Luke. Bago pa ako makapasok ay hinila na ni Luke ang uniporme ko at agad napa ubo ng masakal ako. Agad niya naman nabitawan. "Bakit?" Napalingon ako sa kanya at itinagilid ang ulo. Mas lalo ko lang naramdaman na may iilang nanunusok na tingin sa akin. Kanina ko pa ito napapansin. "Dito lang ako sa labas." Tumingin siya sa loob ng room namin na napatingin na rin kay Luke. May iba pang kumakaway kay Luke at tumitili. Napangisi ako, heartthrob ba dito si Luke? Tumango ako kay Luke at agad nag hanap ng bakanteng upuan. Maraming bakante, siguro first day kaya walang pumasok. Umupo ako sa likuran dahil naroon ang puro bakante. I choose the middle row, ayoko ang malapit sa bintana dahil hindi ako makapag concentrate kakatingin sa labas. Pagkaupo ko ay may dalawang babae agad na lumapit sa akin. Nagulat pa ako sa presensya nila. Ang isang babae ay napa upo sa harapan kong seat at napahalumba sa mesa ko habang ang isa naman ay nakatayo. "Hi! I'm Lori, and this is Kelly." Pakilala ng babaeng nakaupo sa harapan ko, she has thin pink lips, may light make-up ito pero halata pa rin sa kanya ang kagandahan. "Hi, and you are? Ngayon ka lang namin nakita dito. We are all usually from Southern Garden High School kaya magkakilala na ang lahat." Sabi ng nakatayo sa tabi ko. She's also pretty with her morena skin at sobrang tangkad niya, parang nag momodelo ito. Ngumiti ako sa kanila. "I'm Arielle. Bago lang ako dito." Nahihiya kong pakilala sa kanila. Tumango ang nasa harapan ko at tinignan ako ng maigi. "Saan ka nag nag-aaral ng highschool?" Tanong niya sa akin at hinahawakan ang labi na parang sinusuri ako ng mabuti. Napamulahan ako sa kanyang titig, nahihiya ako. "Uh, home school." Nakita ko pano napa-o ang bibig ni Lori sa harapan. Parang nagulat siya sa sinabi ko. "What? Omg! Then paano kayo nagkakilala ni Luke?" Tanong niya habang tinuro si Luke sa labas ng room namin. Nakita ko si Luke na nakatayo lang sa labas at kausap si Kevin na nakahawak ng phone. Parang may pinag uusapan silang nakakatawa. "Luke is our senior. Mag ti-third year na siya ngayon. How come magkakilala kayo? Usap-usapan kasi kayo kanina noong pagbaba niyo sa iisang sasakyan." Naramdaman ko ang pag upo ni Kelly sa tabi ng upuan ko at nakahalukipkip. "Magkasama kami sa iisang bahay." Ngumuso ako. Naramdaman ko ang pag tayo ni Lori sa harapan ko na nakapag igtad sa pagkakaupo ko. "What?! Are you two in a relationship?" What? Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sasagutin ko na sana siya kaso naramdaman ko ang pagtayo ng natutulog na babae sa front seat. Kahit gulong-gulo ang maikling buhok niya ay nakita kong sobrang cute nito. Lumapit ito kay Lori na nakatayo na sa harapan ko. Nagtatakang tinignan ni Lori ang babaeng nakatayo malapit sa kaniya. "Ano kailangan mo, Ellie?" Nahimigan ko ang inis na boses ni Lori nito. Ngumuso yung Ellie at tinignan ng masama ang dalawa. "Alis! Dyan ako uupo." Maarteng sabi ni Ellie sa dalawa. "Bakit? Doon ka naman umupo kanina ah?" Nahimigan ko ang galit na boses ni Kelly na nakatayo na rin ng maayos. "Tara na nga, Lori. Nandito na naman yan!" Umirap si Kelly at hinila paalis si Loro na nakipag titigan pa kay Ellie. Umupo naman yung Ellie sa harapan ko at humarap sa akin. "Sorry kanina, ayoko lang sa dalawang 'yon. Ang plastic lalo na kapag bago." Natatawa ako at umiling. "Okay lang, hindi ko naman alam na nakikipag plastic sila sakin." Umiling ito na parang disappointed sa sinabi ko. "Halatang halata na sa kilos nila. Nalaman kasi ng lahat na magkasama kayo dumating ni Luke kaya 'ganon maka react ang dalawa." Tumango ako. Wow, Luke! Lakas mo sa mga babae dito! "Hi, I'm Ellie Dizon." Bati niya sa akin at maya-maya pa ay may tinuro siya sa pintuan na may kakapasok lang na nakabusangot na lalaki. "and that's Bailey Cruz." Sinuyod pa ng mata nung Bailey ang room at nang nakita niya ang kumakaway na si Ellie ay ngumiti ito ka agad at lumapit sa amin. "Bago?" Takang tanong ni Bailey na nakaupo na sa tabi ko. Inilagay niya ang kanyang backpack sa mesa. Tumango si Ellie sa harapan ko. "She's Arielle…" Tinignan ako ni Ellie. Ngumiti ako. "I'm Arielle Garcia! Nice meeting you!" Masayang sabi ko, hindi mawala ang galak sa boses ko. Mom! May mga kaibigan na ako. Ang saya saya ko! "Bakit nakasimangot ka?" Binalingan ng pansin ni Ellie si Bailey na nakahalukipkip na nakatingin sa akin. "Gutom ako, pero nawala ang gutom ko nang makita si Arielle." Banat ni Bailey sa tabi ko. Napamulahan ako sa sinabi niya at umiwas ng tingin. Hindi ako sanay na ibang tao ang makakasabi. Lagi akong pinupuri ng mga pamilya ko at lalo na ang mga close kong pinsan pero iba talaga kapag ibang tao. Nakita kong may dinampot si Ellie sa kaniyang bag at binato ang isang notebook kay Bailey. Natatawa namang umilag si Bailey kaya hindi ko mapigilang tumawa sa kakulitan nila. "Walang instructor ngayon, sama ka sa amin sa cafeteria?" Tumayo bigla si Ellie sa harapan ko at sumunod si Bailey. "Pwede bang sumama?" Nahihiya kong tanong. "Anukaba, oo naman no! Himala nga may kinakausap si Ellie pwera sa akin. Sama sama tayong magkakaibigan!" Masayang sabi ni Bailey at tumango-tango si Ellie. Kinuha ko na ang backpack ko at sumabay sa kanilang lumabas. Nakita yata ako ni Luke kaya napatuwid ito na tayo. "Saan ka?" Seryoso nitong tanong. "Sasama sa kanila.." tinuro ko sila Bailey at Ellie na napahinto rin dahil sa akin. "Pwede ba akong sumama sa kanila sa canteen?" Nahihiya kong tanong kay Luke. Sinapak ni Kevin si Luke. "Hayaan mo na si Arielle, mabuti nga may kaibigan na siya ka agad!" Naramdaman kong lumapit si Ellie at Bailey. Binati muna ni Bailey si Luke at nakipag fist bump. Napanguso ako, magkakilala sila? "Nako, first time ko lang nakitang possessive ni Luke Perez ah! Hayaan mo, pinoprotektahan namin ang princess mo." Halakhak ni Ellie sa tabi ko at hinila na ako palayo kay Luke. "Nako! Ang possessive ni Luke, ngayon ko lang nakita siyang ganun!" Natatawang sabi ni Ellie na nakahawak sa braso ko. Lumingon ito sa akin at tinignan ako. "Boyfriend mo si Luke?" Itinigilid nito ang kanyang ulo na para bang nagtataka sa nangyayari. Umiling ako ka agad. "Hindi, magkakaibigan lang kami. Sabay kaming lumaki." Pag aamin ko. Tumango ito. "Huwag kang magtataka na maraming galit sa iyo. Sinabihan mo pa naman ang dalawang palaka na kasama kayo sa iisang bubong ni Luke." Umiling iling ito. "Sikat ba si Luke dito?" Takang tanong ko. Nakita kong huminto si Bailey sa isang table sa cafeteria na maraming naka-upo roon. Nakipag-apir pa ito sa iilang mga lalaki na naroroon, mukhang mga modelo! "Speaking of…" May binulong sa akin si Ellie. "Yung nagbabasa ng libro 'yan si Oliver. Third year na yan at ka-batch ni Luke. Isa rin yan sa mga kinababaliwan dito." Natatawa na sabi ni Ellie sa akin. So, Luke is really popular? Bakit wala siyang sinabi sa akin noon? Napatingin ako sa sinabi ni Ellie na Oliver at napanguso ako. Ang gwapo nga niya. Parang artista na lagi kong nakikita sa tv. Napalunok ako sa kanyang katawan, nag ggym ba to? Oh my gosh, Arielle. Ano ba iyang iniisip mo? "Oy! Sino 'yan Ellie?" Tanong ng isang chinito at sumipol pa ito. "Transferee! Ganda no?" Ngumisi si Bailey at pinakilala ako. Nawalan yata ako ng hininga ng magtama ang mata namin nung Oliver. Nakita ko ang malalim nitong mata na para bang misteryoso. Nakita ko pano umigting ang panga nito at bumaling uli sa kanyang binabasang libro. "Nah, she's Ordinary. Sakto lang." Oliver commented. Napakagat ako ng labi at napamulahan sa hiya. Anong sinabi niya?! "Bulag ka yata, Oliver! Ang ganda kaya niya." Disappointed na sabi nung isang lalaki na kanina pa nakatitig sa akin. Tinignan ko ng masama si Oliver. Ako? Ordinaryo? Sakto lang? - - -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD