KABANATA 7
Finally, I'm Free
Napabangon ako sa aking kinahihigaan ng marinig ko ang marahang pagkatok sa pintuan ko. Napahikab pa ako at agad tumayo para pagbuksan kung sino ang kumakatok.
Nakita ko ang nakangising Luke sa aking harapan. Tinignan ako nito ng maigi at hindi niya mapilang bungisngis.
"Happy birthday, Arielle!" Natatawang sabi niya at niyakap ang ulo ko at hagkan ito. Napa hikab pa ako at kinusot ang mata ko.
"Huh? Umaga na?" Takang tanong ko at napalingon sa wall clock sa room ko.
Nanlaki ang mata ko at napansin na nakabihis na ng uniform si Luke. I overslept! it's already nine in the morning.
"Papasok ka na?" Malungkot kong tanong sa kanya.
Tumango ito at ngumiti. "Oo, kanina pa kita pinapagising nila. Ako lang pala ang makakapag-gising sayo." Ngumisi ito kaya hindi ko maiwasang mapamulahan sa hiya kaya sinapak ko ang braso niya at tumawa naman ito.
"Papasok na ako, half day lang ako ngayon kaya makakabalik ako ng maaga para makatulong kina nanay." aniya at ngumiti sa akin. "Aalis na ako, bye birthday girl!" Kumaway ito sa akin. Hindi ko mapigilang ngumiti.
It's my day today. Hindi na ako teen, since I'm already twenty. Time flies so fast at mag-cocollege na ako ngayong pasukan.
Mabuti pa si Luke ay mag third year college na sa susunod na pasukan. Tatapusin muna niya ang kanyang summer class ngayon at makakapag enroll na siya sa mga mid-August.
Pinapa-aral na ni dad si Luke simula noong nakita kaming lumabas sa park noong bata pa lang kami. I noticed how my dad became so ruthless sa home school ko.
I remember how he scolded me one time and promised myself to have my own freedom. Pero habang lumilipas ang taon ay parang nawalan na ako ng gana. Luke is always there for me, lagi niya akong sinasabihan sa mga pangyayari habang nag-aaral siya at pakiramdam ko ay kasama ko rin siya doon.
Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ng pambahay ay hinanda ko na ang susuotin ko para mamaya sa birthday ko. Dad bought this dress yesterday noong nasa New York siya, kaya hindi ko maiwasang matuwa dahil nagandahan ako sa pastel blue nitong kulay at napaka-elegante. It is a fitted off shoulder dress at sobrang hapit sa katawan ko. It has laces at kumikinang ito kapag nasisinagan ng ilaw.
Pag-kababa ko ay binati ako ng ilang mga katulong ng happy birthday. Nagpapasalamat ako sa kanila at ningitian.
Nakita ko si nanny Lucy na nililinis ang muwebles kaya agad akong tumungo sa kaniya. "Nanny, si daddy po?"
Napalingon ito sa akin at ngumuti. "Nasa dining, nagkakape."
Tumango ako sa sinabi niya. Nagpahabol pa ito sa pagbati kaya ningitian ko si nanny.
Pumasok ako sa dining room at nakita ko si daddy na nakatalikod sa akin. He's scrolling through his ipad, nagbabasa ng balita habang sumimsim ng kape.
Hinagkan ko si dad sa pisngi at agad umupo para makakain. Inihain naman ng iilang katulong ang pagkain ko.
"Happy birthday, Arielle!" Bati ni daddy sa akin at itinuon ako ng pansin. "Get ready, dadating ang mga tito at tita mo ngayon." Ngumiti ito sa akin.
Tumango ako. "Yes, dad."
"And also, magdadala rin ng kaibigan si Luke." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Talaga po?"
Tumango siya. "Kilala ko naman ang mga dadalhin niya dito, you can be friends with them."
Hindi ko mapigilang ngumiti habang nagbibihis dahil sa sobrang excited ko. I wore light make-up, nagpapasalamat ako sa iilang tita ko na kapag makakapunta dito ay dadalhan ako ng make-up at tinuturuan rin ako ng iilang mga pinsan kong babae.
Ang mga Garcia lang ang dadating, ni hindi ko mahagilap ang pamilya ni mom kahit noon pa man. I asked dad about this, pero pati siya ay walang kaalam-alam saan ang iilang pamilya ni mom.
Pagkababa ko ay nakita ko busy ang lahat. Sa garden gaganapin ang party ko, since sobrang lawak doon at may pool.
My birthday is always my favorite time of the year. Dahil makakahalubilo ako ng iba, marami akong makakausap. Kahit kailan ay hindi ako nakakalabas, kaya masaya ako kapag maraming tao sa bahay namin. Pero sa dami ng mga tao na dadating, mas lalo naman dumami ang mga security. Kapag may handaan sa bahay ay pinapadala ni dad ang mga security guards niya sa trabaho at didto pinapatrabaho.
May nakita akong pumasok sa double doors sa bahay namin. Nakita ko si Adrian, Anya at Helen na nakaakbay ang tatlo at tumatawa. Nang namataan nila ako ay agad silang tumakbo para yakapin ako.
"Happy birthday, couz!" Sabay nilang bati.
Napailing ako sa aking mga pinsan. They look so tipsy and smelled alcohol. Parang nagbabar pa yata ito kahit maaga pa.
Sinamahan nila ako palabas sa bahay habang kumakanta ang tatlo kong pinsan ng happy birthday. Silang tatlo ang sobrang close ko dahil ka-edad ko lang at minsan binibisita ako para dito lang sakin makapag-rant ng problema sa kanilang buhay.
Nakita ko naroon na ang iilang mga bisita. Binati ko ang mga tita at tito ko kaya hindi ko mapigilang matuwa. Nakita ko rin na may kausap si dad na mga hindi ko kilala, but looks like mga katrabaho niya ito.
"Hindi ko alam kung party ba ito o kulungan! Kada lingon ko puro mga naka unipormeng guards ang nandito." Natatawang sabi ni Anya sa amin at linagok ng isang beses ang vodka na masa lamesa namin.
Hindi ko mapigilang tumawa sa sinabi niya. Totoo naman, but the whole family won't mind. Sanay na sila dito. Sanay na sila ma sobrang protective ni dad sa akin.
Nagpaalam muna ako sa kanila para makausap ang mga tita at tito ko para ma entertain sila. Nilibot ko ang lahat ng table. At ng gumabi na ay mas lalong umingay ang party.
Napanguso ako ng makitang nag sasayaw ang mga pinsan ko na mukhang mga sabog sa lasing. Tinatawanan naman sila nila tito at tita.
"Arielle..."
Napalingon ako at nakita ko si Luke na nakangiti at may kasama itong dalawang lalaki sa kanyang likuran. Binati nila ako kaya ningitian ko sila at nagpasalamat.
Napanguso ako. "Ba't kayo nagabihan?"
"May group activity." Napakalot ng batok si Luke. Tumabi ito para maipakilala ang kanyang mga kaibigan.
"This is Lance Monte." Tinuro ni Luke ang isang may magkabilang dimples, at moreno. Makaka-agaw pansin ang kaniyang clean cut hair napaka misteryosong mata. Lumapit sa akin yung Lance at nakipag kamay sa akin.
"And I'm Kevin Yap." Hindi na nito pinasalita si Luke kaya natawa ako sa kaniyang kakulitan. Kung si Lance ay misteryoso, ito naman si Kevin ang super friendly at bubbly. Chinito ito at sobrang puti. Parang makikita ko sa tv ng mga sikat korean novela.
"Nice to meet you, at salamat sa pagpunta dito." Sabi ko sa kanila at tumango silang dalawa.
Lumapit bigla si Kevin sa amin at nag-anyaya na mag group picture kaya sumang-ayon ako sa kanyang gusto. Mga limang beses iyon pero sa huli ay kaming dalawa ang nagpicture para daw memories.
"Ano pangalan mo sa Social media? Itatag kita!" Masayang sabi niya sa akin.
Napailing ako at ngumiti. "I don't have a phone."
Nakita ko ang panlalaki ng mata niya at tumingin kay Luke para humingi yata ng assurance kung nagsasabi ba ako ng totoo. Simpleng tango lang ang ginawa ni Luke kaya tinignan ako ng dalawa na bindi makapaniwala.
"I know about you, lagi kang bukambibig ni Luke sa amin. Akala ko nag bibiro lang si Luke..." Tumigil ito sa pagsasalita dahil tinignan ni Luke si Kevin ng masama. "Pero meeting a person na hindi man lang nakalabas at nakahawak ng cellphone? I can't believe it!" Manghang sabi ni Kevin. Tumango si Lance sa sinabi nito na parang sumasang-ayon sa sinabi ng kaniyang kaibigan.
May lumapit sa akin na katulong at sinabihan na pinapapunta ako ni dad kaya tumango ako.
Tinignan ko ang dalawang kaibigan ni Luke. "Enjoy kayo, thank you for coming!" I smiled at them at kinawayan.
Tinignan ko si Luke at tumango. "Ikaw muna bahala Luke ha?"
"Can I post our pictures in social media?" Tanong ni Kevin habang papalayo ako. Tumango ako sa sinabi niya. Wala naman akong kaso doon, lagi na rin ako pinopost ng mga pinsan ko sa social media.
Nang nakalapit na ako kay dad ay naaninag ko si miss Kate at may dalawang lalaki at isang babae na katabi ni miss.
Lumapit ako sa kanila at napansin ako ni dad kaya pinakilala ako. Nalaman kong iilan sa kanila ay investors sa kompanya ni dad, mga kaibigang teachers ito ni miss Kate sa isang school na tinatrabaho niya.
Bumati muli sila sa akin bago maka alis at ningitian ako ni miss Kate at kinindatan para sumama sa kaniyang mga kaibigan. Napanguso ako dahil alam kong alam ni miss kung ano ang gagawin ko.
Tinawag ko si dad at agad itong napatingin sa akin. Binaba muna nito ang kaniyang phone at tinignan ako. Agad kumalabog ang puso ko sa gagawin ko.
Kahit ilang beses ko nang pinipilit si dad at kahit nawawalan na ako ng pag-asa ay umaasam-asam pa rin ako na mapa-oo si dad.
"Yes, darling?"
"I'm twenty now. Dad, can I go to college as a normal girl?" Napakagat ako sa aking labi, kahit nangangatong ang tuhod ko sa kaba ay pilit kong pinatatagan ang boses ko.
"I'm sorry dad, I shouldn't open that up." Bagsak ang balikat ko nang mapansin ang tingin ni dad, seryoso lang ito sa akin.
Tatalikod sana ako kaso naramdaman ko ang kamay ni dad na nakahawak sa braso ko para pigilan ako.
"If you follow my rules, you may go to college. It's my gift darling." Aniya na naka ngiti na.
Agad nanlaki ang mata ko at hindi mapigilang mapaluha sa narinig. Yinakap ko ka agad si dad at narinig ko ang halakhak niya.
"I will follow anything dad. Thank you for the best gift ever!" Naiiyak kong sabi at napapikit sa saya.
Finally, I'm free.
- - -