KABANATA 6

1787 Words
KABANATA 6 Lost Memoire: The treasure box When the teaching session is over ay lumabas si Miss Kate. Nagpaalam pa ako kay Luke na nagliligpit ng kalat namin doon sa mini library. Lumabas ako roon at agad tinawag si miss sa hallway. Napahinto ito at lumingon sa akin. Hinintay pa niya ako bago ako makarating sa kaniya. "Something's wrong?" She asked worriedly at yumuko just to check me kung may masamang nang yari sa akin. Umiling ako at ngumiti. "Miss, can you help me?" Kumunot ang noo ni miss. "Yes, and what's that?" "Miss can you talk to the guards near the garden?" Ngumuso pa ako at nagmamakaawa sa harapan ni miss. "Why would I do that?" Her voice is teasing me, alam kong naramdaman na ni miss na hindi niya magugustuhan ang pabor ko sa kaniya. Dahil nanunuya na ang boses nito. Lumapit ako at bumulong sa kanya. "Lalabas kami ni Luke, may kukunin lang ako malapit sa park." "What?! No!" She demanded at lumayo sa akin. She stood firmly at umiling-iling. "But miss!" I pleaded pero umiling lang ito. "Bawal ka nga palabasin ng dad mo, tutulungan pa kita? I don't want to make your dad worry, baka kung ano ang mangyari sayo sa labas." She said while looking at me intently. Ngumuso ako at pinagharap ang magkabilang palad ko. Hoping for her approval. "Bakit mo naman naisipan 'yan?" She asked suddenly. Nagtataka ito sa desisyon ko. "My mom buried something there. I just need to check it out, babalik naman kami kaagad." Sabi ko sa kanya, still hoping for her approval. "Sino kasama mo?" "Luke po." "Ilang oras kayo sa labas kapag papayag ako?" "Ilang minuto lang po." "How about what if your dad finds out that you went outside? What will you do?" "That won't happen, madali lang kami sa labas." I smiled so sweetly just to hear her say yes. Narinig ko ang pag buntong hininga ni miss sa kakulitan ko. "And what now? Ano gagawin ko just to accept your help?" Tama ba ang pagkakarinig ko? She said yes? "Talaga miss?" I shrieked excitedly at tumalon-talon. Sinabihan ko si miss sa plano ko. Plinano ko na ito kanina pa, I know it will be successful. Dahil alam ko kung saan ang daan na pwede kaming dumaan ni Luke na hindi mapapansin ang pagkawala namin. Pero kailangan ko ang tulong ni miss. Tumango si miss sa sinabi ko at humalakhak sa plano. But she agreed as long as hindi kami mapapahamak lahat at walang mangyaring masama. I promised her na madali lang kami. I called Luke at sinabihan na pumunta sa garden, sa likurang bahagi ng gazebo ay may mga kahoy at bulaklak na nakadikit sa pader ng gate. "What are we doing here?" Takang tanong ni Luke sa akin. Tinignan ko si miss at nakita ko ang pagkindat nito kaya hindi ko maiwasang ngumiti. Miss Kate is so cool! I wish I want to be just like her when I grow up. Nakita ko na kaagad ang paglapit ni miss sa mga guard na malapit sa garden. Nakita kong umalis na ito kasama si miss kaya agad akong nakahinga ng maluwag. Alam kong si miss na ang bahala sa kanila, mga ilang minuto dapat ay nakalabas na kami para makauwi na si miss. Sinabihan ko si miss na kausapin lang ang guard at papuntahin sa main hallway ng bahay namin at hindi ko alam ano ang pinapagawa niya sa guard para mapasama lang sa kanya but I'm thankful. "Look." Sabi ko kay luke at inihapit ang mga vines na nakadikit sa wall dito sa garden area. Nakita ko ang pag laki ng mata ni Luke sa nakita it was a rope na itinali ko dito sa loob at kapag may plano ka kailangan mo lang ibato sa kabilang side ng pader, makaka-akyat naman ako dahil may mga naka-ukling na mga bricks sa pader. Isa ito sa ginawa ko noon nung lumalayas ako sa bahay pero kahit kailan ay hindi ko pa nagawa dahil laging may nakabantay sa akin kahit saan ako magpunta. Hinarap ako ni Luke ng seryoso. "Bakit kailangan pa ito? Hindi pa pwede dadaan tayo sa gate?" Ngumuso ako at umiling. "Kung pwede lang." Kinuha ko ang pisi at nag tanka ng ibinato sa kabilang pader pero lagi itong nahuhulog at hindi man lang maka-abot sa kabilang pader. Sinadya kong mataas ma tali ang ginamit ko dahil may ka-taasan ang pader namin. Narinig ko ang buntong-hininga ni Luke sa aking tabi. "Ako na, Arielle." Seryosong sabi nito at kinuha ang tali sa aking kamay. Kahit mas matangkad ako kay Luke ay di maiiwasan mas malakas siya sa akin. Walang kahirap-hirap niya itong ibinato sa kabilang pader. Agad akong na palakpak sa ginawa niya. Hindi ko maiwasang matuwa sa ginawa niya, how I wished to be a strong girl. Parang walang muscles yata ang katawan ko dahil kapag tinutusok ko ang aking braso ay sobrang lambot. "Ako muna!" I said excitedly. Lalapit na sana ako sa mga naka usling bricks para doon aakyat pero pinigilan ako ni Luke. Ngumuso ito. "Ako muna, hihintayin kita sa kabila." Agad akong tumango sa kanyang sinabi. Ang purpose sa rope na tinatago ko dito ay para mas madaling maka-akyat papunta sa loob ng bahay. Walang problema ang pag-labas dahil madali lang akong makaka-akyat sa bricks dito. Nakita kong walang kahirap-hirap na umakyat si Luke sa pader na parang spiderman. Hangang-hanga ako nang nakarating na ito sa kabila. "Ikaw na." Sabi nito sa kabila, hindi naman kalakasan ang boses niya pero sakto lang iyon na marinig ko. Agad akong umakyat, kahit hirap na hirap ako dahil hindi ko nakasanayan ang ganito. Nang nakarating na ako sa kabila ay agad nagharumentado ang puso ko sa kaba at galak. Luke lead the way dahil nakalimutan ko kung saan papunta ang park. Nang nakarating na kami ay agad akong namangha, hindi naman kalayuan sa bahay namin pero mawawala ka talaga kapag hindi mo sinasaulo ang daan. "Wow!" Ang daming nag bago, noong huling punta namin ni mom ay isang slide lang naroon at ngayon ay dalawa na. May iilan ring bago sa aking paningin. "Laro muna tayo?" Tanong ni Luke sa aking tabi na nakita kong excited rin siya na nakatingin sa mga batang naglalaro. Ngumuso ako. "Ikaw muna, may hahanapin lang ako." He stared at me for minute at ngumiti. "Huwag na, sasamahan nalang kita." Kaya tinulungan ako ni Luke hanapin ang isang malaking bato na may guhit na seashell. I used to draw it noong huling punta namin ni mom na doon niya inilibig. "Ito ba 'yon?" Tanong ni Luke sa tabi, nakaluhod ito habang tinuturo ang isang bato. Naghaharumentado ang puso ko sa galak at kaba. Napanguso pa ako ng makitang may malaking pine tree doon, noon naman ay wala pa 'yan. Agad akong lumapit kay Luke at tumabi. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Ito nga! Mabilis akong lumuhod at kinuha ang backpack ko. Inilabas ko ang Small trowel na dala ko. "Handang-handa ah?" May panunuya at natatawang sabi ni Luke sa tabi ko. "Ganun talaga." Hindi ko mapigilang ngumiti. Hinaplos ko muna ang bato na may seashell na marker. Akala ko hindi namin mahahanap ito, matagal na panahon na 'yon. Baka nga pininturahan nila ang bato o nawala na kaya panigurado ng hindi ko mahanap ito. Agad kong hinawi ang mga maliliit na bato at tinulungan naman ako ni Luke. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang lupa ang nakatabon sa mga bato, may iilan kasi dito ay semento. Napakagat ako sa aking labi at halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Malungkot dahil naalala ko si mom, at masaya dahil nahanap ko ito. Nakatingin lang sa akin si Luke habang naghuhukay, parang kinikilatis ang bawat galaw ko. Maya-maya ay naramdaman ko ang isang matigas na bagay sa trowel ko kaya agad ko iyon kinuha. Tinulungan ako ni Luke kunin iyon kahit nadudungisan na ang kanyang kamay pero wala naman siyang pakialam. "Finally!" Hindi ko mapigilang malibu laslas sa saya. It's my mom's jewelry box! Nanginginig ko pa itong binuksan at naroon ang dalawang envelope at nakalagay ang pangalan namin ni dad. May iilan ring litrato, na hindi ko matandaan. kailan at saan ito kinunan pero halatang stolen shots namin ito ni dad. Lahat ng pictures ay kami lang ni dad ang naroon at iilang baby pictures ko. Hindi ko mapigilang mapa hikbi. Mom, I miss you. "Iyan ba ang mommy mo?" Takang tanong ni Luke at tinuro ang isang litrato na nasa box. Nanginginig ko itong kinuha at agad napansin na may sulat kamay ni mom sa likuran. “Congratulations! You found the treasure chest!' Napahikbi ako sa aking nabasa. "We used to love playing treasure hunting." Bulong ko at alam kong narinig iyon ni Luke. Look mom, finally found it. Nakita ko pa na may laman pa ang box ng may narinig kaming sigaw sa kung saan. "Miss!" "Luke!" Agad kaming napatayo ni Luke sa narinig, agad kong kinuha ang backpack ko at ipinasok ang envelope na para sa akin. Nakaramdam agad ako ng kaba nang makita namin ang mukhang nag-alala na si Nanny Lucy, iilang guards namin at si daddy. Napalunok ako kung paano ako tinignan ni dad sa kanyang nagdidilim na tingin. "Why are you here?" Matigas ang tanong nito. Mas lalo lang akong natakot sa boses niya. "Sir, pasensya na po at hindi ko napagsabihan si Luke na bawal palabasin si Miss Arielle. Pasensya na po talaga." Nagmamakaawang sambit ni Nanny Lucy kay dad, kitang-kita ko ang takot nito para sa kanyang anak. Napakagat ako ng labi, sinali ko pa dito si Luke sa ginawa ko. Nakita ko pano hinila ni nanny Lucy si Luke sa tabi ko at agad umalis dahil pinapaalis ito ni dad. Papasok na yata sila sa bahay at pakiramdam ko ay papagalitan ni nanny Lucy si Luke. Hihingi nalang ako ng pasensya mamaya. "What are you doing here?" Tanong nito uli at ngayon ay mas mahinahon na. May dalawang guard na nakatayo malapit sa amin para bantayan kami. Napalunok ako at agad umiwas ng tingin. Inilahad ko sa kanya ang envelope na ginawa ni mom para sa kaniya. Narinig ko ang kanyang pag-singhap at hinablot sa akin ang envelope. "Lumayas ka para dito?" Narinig ko ang pagkabasag ng boses ni dad ng nalaman na ginawa iyon ni mom. I know dad misses my mom too much. Tumango ako bilang sagot. Maya-maya pa ay pinatawag niya ang guard para samahan na ako pauwi. Nakita ko rin na paparating si kuya Gerald, in just a scope ay karga na niya ako. Napalingon pa ako kay dad na lumuhod ito para kunin yata ang box ni mom na naiwan ko. Mom, we missed you so much. - - -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD