“SARHENTO, umalis ka na, malapit na ang oras ng uwi ni Astrid,” utos naman ni Ezra kay Elyse at waka naman siyang magawa kung hindi ang sumunod sa gusto nito dahil nakasagot na rin naman siya rito noong unang beses na tanungin siya nito. “Itong sasakyan ang dalhin mo, tawagan mo na lang ako kapag nasundo at naihatid mo na.” Napipilitang tumayo na siya saka kinuha ang iniaabot nitong susi sa kaniya. “Aalis na po ako, sir,” sarakastikong paalam niya rito, wala naman siyang balak na maging sarkastiko pero hindi talaga mapigil ng nararamdaman niya. “Ingat kayo!” narinig pa niyang sabi nito bago pa siya tuluyang makalabas ng istasyon. Laban ang loob niya sa ginagawa niya pero hindi talaga siya makatanggi sa mga gusto ni Ezra. Martyr nga siguro talaga siya, pwede na nga siya itabi sa rebulto n

