NANG makarating si David sa kabayanan nang Lantau ay agad siyang naghanap ng tindahan na may pay phone. At dahil isla ang Lantau ay medyo nahirapan siyang maghanap ng pay phone sa pinakadulo pa yata siya nakahanap. Nang hawak na niya ang telepono ay kinuha niya ang papel na ibinigay sa kaniya ni Jin. Nang mai-dial niya ang numero ay hindi naman siya nabigo dahil nag-ring din naman agad iyon. “Hello?” bungad ng lalaki sa kabilang linya. “Hello, may hinahanap kasi akong tao at gusto ko sanang malaman kung ito ba si Rafael Illustre?” “Bakit? Anong kailangan mo sa kaniya?” “Ako si David Liu, hinahanap ko si Rafael Illustre para sa anak ni Steve Li na si Jin Li,” paliwanag naman niya. “Realfearell,” wika nito kaya napatingin siya sa hawak niyang papel dahil naalala niya ang bilin sa kaniy

