KASALUKUYANG binabasa ni Jin ang laman ng totoong secret files nang biglang pumasok si David sa loob ng tent na itinayo nila sa magubat na parte ng Lantau Island. “Tamang-tama ang dating mo, David,” sabi niya pagtapos ay iniabot niya rito ang hawak niyang maliit na papel. “‘Yan ang number ni Rafael Illustre at nandyan na rin ang code na sasabihin mo kung sakaling makausap mo siya. Kapag sinabi niya ‘yong nasa taas ang isasagot mo ‘yang nakasulat sa baba. Ngayon natin kailangan ng tulong niya.” “Sige po, naiintindihan ko po, Young Master, hahanap ako agad ng pay phone dito sa Lantau,” tugon naman nito. “Pinapalabas na pala kayo ni Suchang para kumain. Nakabingwit sila ng malaking isda at inihaw niya para may masarap-sarap man lang daw kayong makain.” “Sige, tama lang dahil gutom na rin

