IKA-2 KABANATA

1509 Words
Ika-6 ng Mayo taong 1998 Bansang Hong Kong “HINDI ganiyan ang tamang paghawak, Jin!” galit na sigaw ni Steve sa pitong taong gulang na batang si Jin. Dahil mali ang pagkakahawak niya sa baril na ibinigay nito sa kaniya. Lumapit ito sa kaniya at inayos ulit ang pagkakahawak niya sa baril. Kasalukuyan silang nasa training area na nasa loob din mismo ng bahay nilang iyon. Bullet proof at sound proof ang training area kaya kahit gaano karaming putok ng baril at gaano kalakas ay wala silang mapeperwisyo. Kompleto rin ang mga gamit niya roon, mayroong para sa mix martial arts at mayroong para sa gun firing training. Halos sakop ng training area niya na iyon ang kalahati ng kanilang bahay, pero kahit ganoon ay malaki pa rin ang bahay na iyon para sa isang batang katulad niya dahil mag-isa lang naman siyang nakatira sa bahay na ‘yon at tanging ang butler niya na si David lang ang naging kasama niya roon. Kung tutuusin ay mas naging malapit pa nga ang loob niya rito kaysa sa sarili niyang ama dahil palagi itong wala sa tabi niya, dinadalaw lang siya nito roon. Si David na halos ang tumayong ama niya, ito ang nag-aasikaso ng lahat ng bagay na kailangan niya at ito rin ang nagpupunta sa eskuwelahan kapag kailangan ng guardian sa school. Tinutok niya ang baril sa target pero muling pumalya iyon dahil naiba na naman ang pagkakahawak niya roon. “AYUSIN MO, JIN! PITONG TAON KA NA!” sigaw ulit nito dahil nagkamali na naman siya. “Dapat alam mo na kung paano gumamit nang iba’t ibang klase ng baril!” “Papa, ayoko nito, ang hirap, eh! Bakit ko po ba kailangan gawin ‘to?” naiiyak na reklamo niya sa ama. Kung ang ibang bata sa ganoong edad ay mga laruang baril at espada lang ang nahahawakan, siya ay hindi dahil sa edad niya na pitong taon maraming klase na siya ng baril na nahawakan at ilang uri na rin ng espada ang kaniyang pinagsanayan. “Huwag ka nang maraming tanong! Para sa ‘yo rin ‘yan kaya kailangan mong gawin ‘yan, Jin!” matigas na wika ng kaniyang ama. “Isa pa!” pagbibigay hudyat nito. Kaya naman wala siyang ibang nagawa kundi ang sumunod ulit dito kahit walang patid ang pagpatak ng luha niya dahil sa takot niya rito. Tuwing malalaman niya na darating ito ay excited siya dahil gustung-gusto niya itong makasama gaya ng ibang mga bata sa ama nila pero sa tuwing uuwi naman ito, parang ang gusto lang nitong malaman ay kung may progress ba siya sa mga pinapagawa nito. “AYUSIN MO ‘YAN, JIN!” mas malakas na sigaw nito kaya nabitiwan na niya ang baril dahil sa takot na nararamdaman sa sariling ama. “Hindi ko ‘to kaya, Papa!” umiiyak ng pakiusap niya sa ama. Natatakot siyang humawak ng baril, iyon ang totoo dahil sa tuwing puputok iyon ay tumatalilis iyon sa kaniyang kamay. “Hindi pwedeng hindi mo kaya! Iyan ang pinaka-simpleng bagay na dapat mong matutunan!” Pinulot nito ang baril at pilit na iniaabot sa kaniya. “Pero Papa, ayoko talaga nito!” Hindi niya kinuha ang baril na iyon kahit ano pang gawing pilit nito sa kaniya. “Huwag ngang matigas ang ulo mo, Jin! Ayusin mo ang ginagawa mo kung hindi mapipilitan akong ipatapon ka sa Pilipinas!” pagbabanta nito sa kaniya kaya mas lalo siyang umiyak. Sa galit nito ay bumaling ito sa butler niya. “David, akala ko ba naturuan mo na ng maayos ‘tong si Jin? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya natututong humawak ng baril!?” sita nito. “Patawarin niyo po ako, Boss!” paghingi nito ng tawad sa Papa niya habang naka-bow sa harapan nito. “Pagbalik ko ay dapat marunong nang humawak ng baril iyang si Jin pareho kayong malilintikan sa akin kapag hindi niyo inayos ‘yan!” galit na sigaw nito. “Naiinintidihan ko po, Boss,” sabi nito habang nakayukod pa rin sa kaniyang ama. “Titingnan ko rin kung ano na ang nalalaman niya sa mix martial arts. Hindi kayo dapat magpatumpik-tumpik, David, alam mo kung anong buhay mayroon sa underground!” “Opo, Boss, pasensiya na po at pagbubutihin pa po namin!” “Tara na!” aya na ng Papa niya sa mga alalay na kasama nito at ni hindi man lang siya nilingon nito. Nasanay na siya roon at sanay na rin talaga siya na si David ang lagi niyang kasama. Bente-uno pa lang ito at walang pamilya, iyon ang pagkakaalam niya. Ang ama niya ang nagpalaki at nagpaaral dito kaya ganoon na lang kalaki ang utang na loob nito sa kaniyang ama. At sa edad nitong iyon ay black-belter na ito pagdating sa Karate, Kung Fu at Judo. Lumipas ang maraming araw, buwan at taon ay unti-unti na ring nasanay si Jin sa routine ng buhay niya. Bagaman hindi pa rin malinaw sa kaniya kung bakit kailangan niyang gawin ang lahat ng iyon ay sunud-sunuran lang siya sa lahat ng gusto ng kaniyang ama. 22 years ang lumipas, na parang ikinulong lang siya sa apat na sulok ng bahay na iyon para magsanay at i-master ang iba’t ibang uri ng baril at patalim. Sa dami na ng baril na nahawakan niya kaay naman maging ang iba’t ibang klaseng tunog noon ay kabisado na niya. Alam na rin niya kung saan ta-target-in ang kalaban para mas mabilis itong bawian ng buhay. Master na rin niya ang Karate, Kung Fu at Judo. Hindi birong hirap ang pinagdaanan niya para lang matutunan ang lahat ng iyon at sa edad niya na 29 ay ni hindi niya man lang nakasama sa isang normal na pagkakataon ang Papa niya. He never had a normal life, o hindi nga niya alam kung ano ba ang normal life dahil ni hindi nga niya iyon naranasan. Iyon na nga siguro ang normal na buhay para sa kaniya. “Young Master, darating po ang Papa ninyo ngayong araw at gusto niyang makita ang galing ninyo sa mix martial arts,” paalala sa kaniya ni David nang pumasok ito sa silid niya. “Huwag kang mag-alala, David, sanay na ako dahil alam ko naman na kapag gusto lang niyang makakita nang libreng martial arts show saka lang ako naaalalang puntahan niyang si Papa,” tinatamad na wika niya habang nakaupo roon sa paboritong niyang couch at naglalaro ng paborito niyang play station. Habang lumalaki kasi siya ay unti-unti na rin niyang nalalaman kung ano ba talaga ang totoong ibig sabihin ng underground na laging binabanggit ng kaniyang ama. At ang Dark Eagle Organization ay isa sa pinakakinatatakutang grupo sa mafia world pero kung ano talaga ang mayroon sa Dark Eagle Organization ay hindi pa niya nakikita. Naririnig-rinig pa lang niya pero hindi pa iyon lubos na ipinapaliwanag sa kaniya. “Nasaan na si Jin?” ang tinig na iyon ng kaniyang ama ang narinig nila roon sa kuwarto niya dahil nakabukas lang ang pintuan noon. “Pababa na po ang Young Master, Boss,” sigaw naman ni David saka mabilis na binunot ang play station na nilalaro niya at agad na hinila ang tali sa likod ng monitor para maitago iyon. Hindi kasi alam ng Papa niya na pumapayag si David na maglaro siya noon dahil ayaw nito iyon. Kahit naiinis ay wala siyang nagawa kundi ang lumabas na ng kaniyang silid at dumeretso papuntang training area. Pagdating doon ay pinosisyon niya ang sarili sa ayos ng pakikipaglaban at isang tauhan naman ng kaniyang ama ay pumwesto sa kaniyang harapan at pinosisyon din ang sarili. Sinimulan niya ang laban, sinubukan niyang sipain ito sa mukha ngunit mabilis lang itong nakailag, pero hindi siya nagpatinag dahil ayaw na niyang patagalin iyon. Pinaulanan niya ito ng magkakasunod na suntok sa sikmura nito kaya hindi na ito halos makagalaw. Sinamantala niya iyon para mahawakan ito sa magkabilang balikat nito saka niya iniikot ang binti sa likod ng binti ng kalaban para maihiga niya ito at mabilis na umibabaw siya rito saka niya inipit ang leeg nito gamit ang braso niya. Easy! Ni hindi man lang siya pinagpawisan sa laban nilang iyon, di hawak na mas magaling si David sa lalaking kaharap. “Magaling, Jin! Habang tumatagal ay umaangat na ang nalalaman mo sa martial arts!” tuwang-tuwa na papuri sa kaniya ng ama saka ito bumaling kay David. “Binabati rin kita, David, hindi ako nagkamali na ikaw ang pinagkatiwalaan ko pagdating kay Jin.” “Maraming salamat po, Boss!” magalang namang sagot ni David habang nakayukod sa kaniyang ama. “Bukas na bukas ay kailangan mo nang sumama sa akin para umangat naman ang nalalaman mo tungkol sa kompanya,” wika ng Papa niya at sa kaniya ito nakatingin. Tumango lang siya pero alam naman niyang hindi kompanya ang tinutukoy nito. Alam naman kasi niyang front lang nito ang negosyo nilang Toast Trading Co., na siyang nagsu-supply ng alak doon sa Hong Kong at sa iba’t ibang bansa sa Asya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD