Chapter 13
Humarap ako sa salamin nang makalabas ako mula sa isang cubicle. Bahagya kong tinupi ang mahabang manggas ng puting kamiseta na suot ko. Nang umabot sa ilong ko ang aroma nito ay hindi ko magawang pigilan na muling amuyin ito. Lalaking-lalaki ang amoy at parang niyayakap ka ni Mayor.
Nagsuklay lang ako at nagpulbos bago napagpasyahang lumabas ng restroom.
Paglabas ko ay agad na napako ang mata ko kay Mayor na kahit pawis na pawis ay malapad pa rin ang ngiting namimigay at nakikipag-usap sa mga taong nandoon. Nang mapatingin ito sa gawi ko ay nginitian ko lang ito at bahagyang kumaway, I mouthed "thank you".
Dumaan ako sa gilid para hindi makasagabal. Nasa gitna kasi ang papila ni Mayor. Tiyak na mababngga ko kapag hindi ako lumihis ng daan kung papasok ako sa backstage. Pagpasok ko sa backstage ay dumiretso ako sa plastic dispenser, kumuha ako ng ilang piraso doon para mapaglagyan ng damit kong naputikan kanina.
Ipapasok ko na sana ang plastik sa bag ko nang mapunta ang tingin ko sa isang yellow towel na nakasabit sa upuan sa tabi ng kama. Hinatak ko ito at bahagyang inusisa.
"Kanino 'to?" Binuklat ko ang towel. Ganoon na lang ang lakas ng tawa ko nang makita ang disenyo at pangalan na nakaburda doon. Agad akong napatakip ng bibig ko nang mapansing napalakas ang halakhak ko.
Muli kong binuklat ang yelkow towel, B1 and B2, Bananas in Pajamas. Isaac Saldivar. Cute...
Walang anu-ano'y lumabas ako at pasigaw na tinawag si Mayor, "Mayor Isaac!"
Nginitian ko ito nang makuha ko ang atensyon niya. Itinaas ko ang kamay kong may hawak na towel at muling sumigaw bago ito ihagis, "Catch!"
Mukha noong una ay hindi niya pa maintindihan ang sinabi ko pero kinalaunan ay otomatiko niya ring iniangat ang kamay nang makita niyang lumipad na sa ere ang towel niya. Nang mapasakamay niya na ang towel ay kinindatan ko siya at muling pumasok sa loob.
Pasado alas sais na nang matapos ang pamimigay nila Mayor. Pagod na pagod si Mayor na pumasok sa backstage at naupo sa tabi ko. Agad naman akong kumuha ng malamig na tubig at inabot sa kan'ya na tinanggap naman niya agad.
"Kumusta?" tanong ko kahit na alam ko naman na pagod siya.
"Fine. Nakakapagod pero masaya." Tumango ako sa naging sagot niya. Kahit na pawis na pawis ay mas nananaig pa rin ang amoy ng mamahaling panglalaking pabango niya.
In-obserbahan ko ang kabuuan ni Mayor. Nakatupi hanggang siko niya ang manggas ng long sleeves, basang-basa at messy ang buhok dahil sa pawis. Ngunit kung pagmamasdan ay kitang-kita mo ang bahid ng kakisigan at otoridad sa kan'ya.
"Gwapo?" Napatango ako. Gwapo naman talaga. H-ha? Ano raw? Sinabi ko bang gwapo siya?
"Gwapo pala, huh," pang-aalaska niya. Sinamaan ko siya ng tingin at sinimangutan. Bumaba ang tingin ko sa yellow towel na hawak niya, dali-dali niya itong tinago.
"B1 and B2, ah."
"Favorite cartoon ni Mama 'yan! Regalo sa akin noong 21st birthday ko. You're not the only one laughing, pati mga kaklase ko noong college."
"Si B1 at B2 laging magkasama... Sa lahat ng oras, sila ay masaya. Kaibigaang oso ang kalaro nila..." pagkanta ko pa sa tagalog theme song ng Bananas in Pajamas. Sinundan ko ito ng nakalolokong halakhak.
"Stop singing that theme song! You're teasing me like hell," pikon niyang reklamo at nag-cross arm pa.
Nang pumatak ang alas otso ay nag-umpisa na ang paghahanda para sa parada. Nagsama-sama na ang mga tao para sa paglalakad upang marating ang lugar kung saan gaganapin ang taunang fireworks parade and countdown. Kung ang buong bansa ay mayroong New Year. Ang San Jose del Monte ay may Lantern Parade na tinuturing na Bagong Taon, bagong pag-asa at bagong simula para sa mga San Joseños.
"Halika na, Mayor." Hinatak ko si Mayor paakyat ng float. "Hawakan mo na 'to. Tapos iwawagayway mamaya habang umaandar." Iniabot ko sa kan'ya ang flying lantern.
"Excited ka masyado, Sai."
"Siyempre. Ganito rin sa Manila, may float kapag Metro Manila Film Festival na. Ang pinagkaiba lang, ako ang nakasakay ngayon sa float." Tumalon-talon ako at iwinagayway ang lanyern ko.
Nasa pinakaharapang parade vehicle kami, pinaliligiran ng mga makukulay at umiilaw na palamuti ang sasakyan. Habang sa baba ay ang mga taong may hawak na flying paper lantern.
"Who established San Jose del Monte Parade Day?" biglang tanong ko nang sumagi ito sa isip ko.
"Hmm." Hindi niya ako binalingan at nakatanaw lang sa daanan. "Mayor Alvarez, 'yong Mayor na pinalitan ko. Every year, simula nang mahalal siya, nagkaroon ng ganitong event."
"Oo nga. Natatandaan ko n'ong umuwi ako two years ago. May parade din at fireworks display, narinig ko kila Mama. Pero hindi ko natatandaan na marami tao sa kalsada at maingay ang paligid."
"May parade noon pero solo lang ni Mayor habang may pailaw. Bumibisita lang sila sa orphanage and home-for-the-aged para magpamigay ng gamit. And fireworks pero ang countdown ay sa mismong bahay lang ng mga San Joseños," paliwanag niya.
"Wow."
"But this... this will be the biggest annuel event," dagdag pa ni Mayor.
Mayabang ko siyang tinignan at nginisian. "Siyempre, magaling organizer mo."
"Yabang. Pero oo, magaling kasi ang organizer ko." Malawak ko siyang nginitian. Umiwas ako ng tingin nang mapansin kong nakatitig na siya sa akin. Narinig ko ang mahina niyang tawa at pagbulong sa sarili.
Nagpatuloy ang kasiyahan, 'di mapakali ang mata ko kakatingin sa bituin. Binilang ko ito at kunwaring inaabot gamit ang aking kamay. Ang liwanag ng mga pailaw na nagbibigay liwanag sa paligid, dagdag mo pa ang mga lantern na aksidenteng lumilipad sa ere.
"Anong oras ang fireworks display?" tanong ko habang nagmamasid at tumatanaw sa baba. Binalingan ako ni Mayor.
Bahagya akong napaatras nang lumapit siya sa akin. Pero hinawakan niya ang braso ko, lumapit ang mukha niya sa akin kaya napapikit ako. Pero ilang segundo lang ay nakaramdam ako ng kiliti sa tenga ko nang bumulong siya, "Secret..." Dumilat ako at nagmake face. Tinawanan niya lang ako, tinapik ang balikat ko at bahagyang ginulo ang buhok ko.
Nang makarating kami sa Sports Complex ay sumalubong sa amin ang mga maiingay na bandang may hawak na naglalakihan at maiingay na instrumento. May mga nagkakantahan na sinasayaw namn ng mga nagsasayawan. Hindi ko maiwasang panlakihan ng mata dahil sa labis na pagkamangha.
"Wow!" naibulalas ko. "Akala ko bongga na ang naiisip ko, may bobongga pa pala. Ang laki siguro ng ginastos dito. Mababash at maiissue tayo ng People of the Philippines!"
"No. One-fourth lang ang binayad ko diyan. Mostly diyan ay kakilala ni Governor kaya presyong kaibigan. Mga students sila dati ng Sapang Palay National High School under Special Program in the Arts," asik niya habang naglalakad kami sa gitna.
"Lawak pala ng connection ni Governor!" Napapalakpak ako sa tuwa. Amazing kaya!
"Yeah. Perks of being an SSG President."
"So, pwede akong magpapicture sa mga 'yan? Artistahin sila!" saad ko habang nakaturo sa babae at lalaking nasa stage. Ang isa ay madamdaming kumakanta, habang ang isa ay hataw kung hataw na sumasayaw.
"Who?" tanong niya.
"Ayon! 'Yong babae na naka-bluish white na damit. Artistahin 'yong face, parang nakita ko na siya sa kung saan."
"Sophia Catacutan. Baka sa Wowowin mo nakita. Pero sure, pwede natin pakiusapan 'yong manager para makahingi ka ng gusto mo. At sino 'yong isa pa?"
"Ayon, nakablack na t-shirt and khaki short. Gwapo, oh! Ang gwapong dyosa!" Tinampal niya ang daliri ko. Kunot na kunot ang noo niyang nakatingin sa akin.
"Rhandel is his name. Pero hindi ka pwedeng magpapicture sa kan'ya. Mahigpit manager," sabi niya.
"Ay, sayang." Bumagsak ang tingin ko sa lupa.
"P-pero... kakausapin ko 'yong manager kung pwede. Susubukan ko kung makakakuha ka kahit picture lang." Umangat ang tingin ko. Maingat ang bawat mga mata niyang nakatingin sa akin. Sinuklian ko siya ng tango at ngiti.
"Halika na," aya niya. Kumapit ako sa kan'ya habang naglalakad kami papuntang stage. Kumakalas ang hawak ko kaya siya na mismo ang nagbalik niyon, magkadikit ang aming braso at nakalagay ang kamay niya sa likuran ko. Bumitaw agad ako sa kan'ya nang makaakyat na kami, nanatili kami sa isang gilid sa may tarangkahan ng stage.
Mabilis na lumipas ang oras. Nababawasan ang oras sa malaking hour glass sa gitna. Mas nagiging maingay na ang paligid dahil sa paglakas ng hiyawan at tugtugan. Naging alerto ang lahat nang mag-umpisa ang countdown mula sa limang minuto. Mas dumadami na ang nagliliparan at nakawagayway sa lantern sa ere.
Nang tumuntong na sa labing limang minuto ang bilang ay parang wala ng espasyo para para sa katahimikan. Habang nakatingin sa kalangitan at iwinawagayway din ang lantern, napamaang ako nang may humatak sa akin.
Si Mayor.
Nakaharap ako sa kan'ya. Sunod-sunod ang naging paglunok niya at marahang hinahawi ang hindi naman magulong buhok.
15...
"Mayor!" pagtawag ko sa kan'ya dahil sa gulat nang hatakin niya ako. Malapad ko siyang nginitian at kinurot ang pisngi. "Nanggugulat ka na naman, Mayor!"
14...
"May aaminin ako sa'yo. Can you please listen to me?" nagsusumamo ang mga mata niya.
Wala akong magawa kun'di ang tumango na lang kahit na hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating.
13...
"Hindi sa restroom ang unang pagkikita natin. And... I am attracted to you from the first time I saw you angry and annoyed face in the Male's restroom." Wala akong masabi. Totoo ba 'to?
12...
"I-I don't know what to say, Mayor. I really don't know..."
Bakit naging ganito ang nararamdaman ko? I want to know my real feelings sa taong 'to. Kung bakit saglit pa lang kaming magkakilala pero iba na ang kabog ng dibdib ko sa kan'ya.
11...
"Mayor... I don't understand..."
10...
"I want to be with you. I want to stay with you. I badly want to... fight for you."
9...
8...
"I fell inlove with you, so fast and furious. A-and I am afraid na kapag nahulog ako ay mabasag na naman ako. I am a man, I am the Mayor... I can lead a city to success... but I can't lead my self to win your heart..."
Gusto kong maiyak. Hindi ko alam pero naiiyak ako sa mga salitang binibitawan niya.
7...
6...
"I want to prove that I am capable of loving you despite of our age. Na hindi lang sa fictional world makikita ang ganoong klase ng story..."
He's confessing.
5...
"Gusto kong malaman kung bakit hindi ka nagagwapuhan sa akin." Sinong nagsabi?
"Kung bakit hindi ka kinikilig sa mga pick up lines ko na ni-search ko pa sa google." Kung alam mo lang.
"Kung bakit palagi kang balisa, iwas at masungit sa akin. I want to know you, badly..." Ako rin. Gusto ko rin malaman.
4...
3...
"I think I like you..." Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. May kung ano sa parte ng puso ko ang ayaw tumigil sa pagkabog.
2...
"No! I like you! I like you so bad!" giit niya. Lumabo ang mata ko dahil sa pamumuo ng luha. Alam kong ano mang oras ay maaari itong lumandas sa pisngi ko.
1...
"Be my blood in an open wound. Be my bleeding wounds. Be my first lady..." bulong niya na tuluyang nakapagpabagsak sa luhang kanina ko pa pinipigilan.
0...
"We are the Rising City!" sigawan ng mga tao sa paligid. Hindi ko magawang tumingin sa kalangitan dahil nakatuon lang ang titig ko kay Mayor na nasa harapan ko ngayon.
Mula sa malakas na sigawan ay para akong nabingi nang unti-unting lumapit ang mukha ni Mayor sa akin. Hindi ko magawang tumutol. Para akong naparalisa. Hanggang sa naramdaman kong lumapat ang labi niya sa labi ko. Kasabay din ng pagliwanag ng kalangitan dahil sa makulay na fireworks at flying lantern na lumaya sa malawak na siyudad ng City of San Jose del Monte.
-------------
Dalawang araw ko 'yang in-outline! Nanginginig kamay ko habang nagsusulat ng kissing scene. Di ko keribels ang pressure.
Dedicated to my bestfriend, Ara Kryzna Gillo. I miss you, beb!
Enjoy reading!