Chapter 14
Tinakpan ko ang mukha ko at napabuntong hininga. Nag-iinit ang pisngi ko pero nararamdaman ko ang panlalamig ng tiyan ko dahil sa kaba. Tumalikod ako sa kan'ya at pinagdikit ang palad ko para gumawa ng init.
"Sai..." tawag niya. Hindi ko 'yon pinansin, bagkus ay kinuha ko ang phone ko sa bulsa para i-text si Kuya Sean.
To: Kuya Sean
Kuya busy ka? Kuya, pasundo naman po.
From: Kuya Sean
Hindi naman ako busy. Tapos na ba ang parade? Sabi ni Mama at Tita Jo ay hanggang mamayang madaling araw pa 'yan.
To: Kuya Sean
Masakit ulo ko, kuya. Ang sama pa ng pakiramdam ko. Hihintayin po kita sa labas.
From: Kuya Sean
Sige.
Itinago ko na ulit ang phone sa bulsa ko. Gusto ko mang harapin si Mayor ay hindi ko magawa. I admit that I have a crush on him, pero... bakit ganito? I mean, it's not just a kiss. He also confessed!
"Alright, I know you don't want to talk to me and I am not sorry sa ginawa ko. I like you," saad niya.
"Uuwi na ako..." mahina kong tugon.
"Hey..."
"Na-text ko na si Kuya Sean, sa labas na ako maghihintay. I'll just text you kapag nakauwi na ako." Akmang magsasalita pa siya nang diretso akong naglakad pababa. Lakad-takbo ang ginawa ko para mabilis na makalabas ng sports complex.
Mahigit sa limang minuto rin ang nilagi ko sa labas ng sports complex. Napapalinga ako sa likod ko, takot na baka sundan ako ni Mayor at tanungin ng mga bagay na hindi ko pa alam ang kasagutan.
From: Kuya Sean
Kaliwa.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang makita ko ang isang kotseng itim, dahil hindi ito tinted ay kita ko agad na si Kuya Sean nga ang nagmamaneho niyon. Naglakad ako patungo roon, nginitian ko muna si Kuya Sean bago ko binuksan ang pinto ng backseat.
Parang napakahabang oras ang tinagal ng biyahe, kahit na ang totoo ay sampung minuto lang talaga ang biyahe. Hindi ko na rin matandaan kung paano akong matuwasay na nakapagpalit pa ng damit bago makatulog.
"Sai!"
Parang bumalik ako sa reyalidad sa dahil sa sigaw na 'yon. Nag-angat ako ng tingin, si Mama na nakakunot ang noo at ang iba pang katiwala na mukhang na napatigil sa kan'ya-kan'yang gawain dahil sa bulyaw ni Mama.
"Ano ba't umagang-umaga ay lutang ka? Kanina pa kita tinatawag, ah!" iritado at galit na sabi ni Mama.
"Sorry po, 'ma."
"At tignan mo 'yang phone mo. Kanina pa tunog nang tunog." Napako ang tingin ko sa cellphone ko. Nang makita ko kung sino ang nasa caller ID ay agaran kong ibinaba ang tawag.
Si Mayor na pinangakuan kong i-te-text ko sa oras na nakauwi ako at hindi ko nagawa kaya kagabi pa tawag nang tawag mula kagabi nang umuwi ako sa Casa.
Itinago ko 'yon sa bulsa ng short ko. Makahulugan akong tinignan ni Mama. Si Papa naman na seryosong sumusubo ng pagkain at si Auntie Seah na pumapalatak habang nagsasalin ng bottomless cucumber sa baso ko.
"Bakit hindi mo sinagot? Importante 'ata." Naging mahigpit ang naging hawak ko sa kutsara ko nang tanungin 'yon ni Mama.
"Hindi naman po gaanong... importante. At saka kumakain pa po tayo, pwede naman po itong ipamamaya na lang," mariin kong sagot.
"Hindi importante? Hindi 'yan tatawag nang paulit-ulit kung hindi importante."
"Wala ito, 'ma. Sigurado naman ako makakapaghintay si... Law," saad ko sa mahinang boses.
"Si Law? Pero hindi iyon ang nakita ko, I saw Ma---"
"Mama," putol ko sa dapat niyang sasabihin. I don't want to be rude, but this topic is making me sick.
"Kumain ka na, Sai. You can take the call, maybe later?" Napahinga ako nanag maluwag dahil sa pagsasalita ni Papa. Alam kong hindi na bubuksan ni Mama ang ganoong topic kapag sinabi. Papa is an under man, but he's serious enough to make everyone quiet.
Nang matapos kumain ay nagdesisyon akong mamalagi muna sa pool area. I want some peace of mind, pero mukhang hindi 'yon matutupad. Para may kung anong imahe sa pool na nagpapakita ng pag-si-CPR sa akin ni Mayor. Pinili kong tumingin na lang sa ibang direksyon para mabaling sa iba ang atensyon. Umupo ako sa may duyan at bahagyang ginalaw at mag-hang.
I pulled out my phone from my pocket. Well, 40+ messages at 50+ missed call. Mayroong mga naligaw na message or chain message mula sa mga contacts ko sa Manila, pero kadalan sa mga iyon ay puro galing kay Mayor. Matiyaga kong binasa ang lahat ng mensahe, mula kagabi hanggang ngayong umaga.
Lumapit ako sa swimming pool at umupo sa damuham. Bagong linis ang pool kaya kitang-kita ko ang repleksyon ko sa malinaw sa tubig. Pero agad akong napalayo nang mapalitan iyon ng imahe ko at ni Mayor na naghahalikan.
"Nababaliw na ako..." Napabuntong hinnga na lang ako at walang nagawa kun'di ang bumalik sa duyan.
Napatingin ako sa phone ko nang magvibrate ito. Napakagat labi ako nang lumabas sa caller ID ang pangalan ni Mayor. Sa halip na sagutin o i-reject ang dial niya ay hinayaan ko na lang itong tumunog hanggang sa sabihin sa kan'ya na can't be reach ako.
After matapos ng dial ni Mayor ay muli itong nag-vibrate. Ngunit sa pagkakataong ito ay pangalan na ni Law ang nasa caller ID. Agad ko itong sinagot.
["Hey, busy?"] tanong niya mula sa kanilang linya.
"Yup. Ikaw? Hindi ka na ba naglalasing?" Nagmake face siya sa tanong ko kaya mahina akong napahagikgik.
Sa katunayan ay wala pa rin siyang nalalaman sa aksidenteng pag-amin niya sa akin nang malasing siya. Walang nagbago sa amin, pwera na lang sa dalas ng pag-uusap. Lalo na't sa iba't-ibang University kami nag-enroll. Miles in PUP, South in DLSU, me in ADMU, and Law in UP. Isa pa ay hindi na ako sa kan'ya nag-oopen, I don't want to hurt him through Mayor's issues.
Nagkamustahan lang kami. I let him talk and tell all the things he wants to say. Pero kabisadong-kabisado niya talaga ako. Napatigil siya sa pagsasalita at agad na nagtanong kung anong problema. Gusto ko mang i-kwento pero hindi ko magawa.
["Mukhang usapang puso, ah. About your Mayor?"]
"Ha? Hindi. Nag-iisip lang ako kung naipasa ko kaya 'yong requirements sa Ateneo," pagsisinungaling ko. Tumawa siya sa kabilang linya at pumalatak.
["Lokohin mo na lahat pero 'wag ako. Paanong 'di ka papasa kung ikaw ang isa ka sa pinakareklamador sa grades? Don't me, Sai. Don't me."]
"Uh..."
["Hey, I am your bestfriend. Tell me what's your issue sa Mayor mo. 'Di mo ba ako pinagkakatiwalaan?"] Napabuntong hininga ako at tumango.
Nag-umpisa akong i-kwento ang tungkol kay Mayor, hindi siya nagsasalita at minsan ay nagbibigay lang ng opinyon niya. Hindi ko maiwasang mapangiti, it's the same thing that we always do lalo na kapag kasama si Miles at South. Kaming mga babae ang reklamador at silang mga lalaki ang tagapakinig namin.
Nang lumagpas na sa isang oras ang usapan namin ay nagpasya na siyang magpaalam.
["Tatawagan kita kapag may time ako. And video call kapag nagclub kami nila Miles and South.]
"Mabuti pa, hindi ako pinapalabas ng Casa nila Papa. Kung pinapayagan, minsan lang. Medyo malayo kasi ang mga mall sa Casa."
["Okay. See you soon."]
"Bye," paalam ko bago niya ibinaba ang tawag. Tumayo ako at pinagpag ang medyo lukot kong pang-ibaba. Naghikab ako nang makaramdam ako ng antok. Nagdesisyon ako na umakyat sa taas para makapagpahinga.
-----
Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko. Kulay kahel na ang langit, senyales na papalubog na ang araw. Anong oras na ba? At gaano ba ako katagal natulog?
Pumasok ako sa banyo para maghilamos, inilagay ko sa labahan ang pajamang suot ko at pinalitan ng spaghetti strap na puti at kulay pulang palda na abot hanggang sa lagpas tuhod, sinuklay ko rin at pinusod ang buhok ko. Agad akong bumaba sa hapag-kainan nang kumalam ang tiyan ko. Sa hagdan pa lang ay rinig ko na ang tawanan nila Mama at Papa, naglakad ako papasok doon at umupo sa tabi ni Mama. Tahimik akong nagsandok ng ulam at pagkain, hindi pinapansin ang presensiya nila sa tabi ko.
"Tumawag kanina si Mayor. Tinatanong kung okay ka lang daw ba. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya sabi ko na lang ay natutulog ka," saad ni Mama habang hawak ang glass niyang may lamang wine.
"Ganoon po ba?" tanging naisagot ko.
"Wow, sa busy ni Mayor ay nagawa ka pang kamustahin. He's very fond of you," mapanukso niyang sabi abang nakangisi.
"I-te-text ko na lang po na nakauwi ako nang maayos kagabi. I forgot... to text him last night." Mas lumawak ang ngisi ni Mama at ngiting-ngiting sumusubo ng pagkain sa plato niya.
Tumikhim si Papa, pinagsalikop ang mga daliri at binalingan ako. "Mabuti pa nga, you're his responsiblity. At isa pa nga pala ay mayroong mga sulat na nakaiwan sa mailbox natin kanina. Walang pangalan kung kaninong galing pero pangalan mo ang nakalagay kung sino ang tatanggap," ani Papa.
"Ah, sige po, 'pa."
"Kunin mo na lang sa guard house. Sa mga katiwala ko ipinatabi 'yon." Tumango ako.
Nang matapos kumain ay dali-dali akong nagpaalam at lumabas para makapunta sa guard house. Lakad-takbo ang ginawa ko para lang makarating doon. Bumati sila sa akin, hindi ko pa sinasabi kung ano ang sadya ko pero inabot na nila agad ang tatlong envelop na may iba't-ibang kulay.
Tama nga si Papa, para sa akin ito. Walang address o codename man lang kung kanino ito nanggaling. Nilawayan ko ang pansarado para mawala ang dikit. Pagbukas ko ay tumambad sa akin ang pangalan ni Mayor. Galing sa kan'ya!
Napansin ko ang pagtanaw sa akin ni Mama mula sa malayo kaya agad ko itong tinupi at tinago sa garter ng palda ko.
"Nasaan 'yong sulat?" nakangiting bungad ni Mama nang makalapit ako sa kan'ya.
"Nasa bulsa ko na, 'ma. Sa taas ko na lang po babasahin." Humalik muna ako, ginawaran niya ako ng ngiti bago ko siya lagpasan. Nakurot ko na lang ang sarili ko dahil sa palusot ko.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong lumapit sa drawer ko. Binuklat ko ang tumpok ng damit ko at nilagay sa pinakailalim ang tatlong envelop. Pagkatapos ay dumiretso ako sa teresa bitbit ang cellphone ko para magpahangin. Binuksan ko ang message box ko para i-text si Mayor.
To: Mayor
Nakauwi naman ako nang maayos sa Casa, Mayor. I already saw your letters for me.
Naghintay ako ng mahigit sa limang minuto pero hindi siya nag-reply, baka busy sa work. Nabanggit nga kasi ni Mama kanina na maraming gawain si Mayor, at himala pa kung nasingit pa n'on na tumawag sa Casa para lang kamustahin ako.
Akmang i-sha-shutdown ko na ang phone ko nang makarinig ako ng pagtama at pagkabasag. Otomatiko akong napadapa at nabitawan ko ang phone ko dahil sa gulat. Mukhang hindi lang ako ang nakarinig niyon dahil nag-uumpisa na sa pagkakagulo ang mga gwardiya sa baba, maging ang iba pang kasambahay.
Luminga-linga ako, sa gilid sa tabi ng mga bubog ay may kung anong bagay ang nakabalot ng puting bagay. Gumapang ako papalapit doon.
"Aray!" daing ko nang mabubog ako. Imbis na indahin iyon ay dinampot ko ang bagay na nababalutan ng puti. Papel pala ang nakabalot na puti, tinanggal ko ang papel at tumambad sa akin ang bato. Mukhang ito nga ang ginamit na pambato. Binuklat ko ang papel, may nakasulat na dahil sa haba ay hindi ko na nagawang basahin dahil sa pagkatok ng mga tao sa labas. Noong una ay hindi ko pa maisip kung kanino nanggaling ang sulat, ngunit nang mabasa ko ang unang pangungusap ay napakagat labi na lang ako. Bago pa sila makapasok ay tinago ko na ang papel sa b*a ko.
"Sai! Sai! Are you okay?" naghihisteryang boses ni Mama nang daluhan niya ako at makita ang kalagayan ko.
"Mama may nagbato sa bintana ko," pagsusumbong ko. Agad na nagpatawag si Mama at Auntie ng katiwala para ibigay sa amin ang first aid kit.
"Nakita mo ba kung saan nanggaling ang bumato sa'yo, Sai?" tanong ni Papa nang makalapit siya sa akin. Agad akong umiling. Pero kilala ko sino ang bumato.
Kinuha ni Papa ang phone niya at nag-dial. "Hello, Mang Karding? Pa-check ang CCTV. Check niyo rin kung mayroong nakakita. Sige, Salamat."
Lumapit ulit si Papa at tinulungan si Mama sa paglalapat ng lunas sa sugat ko. Ang mata ko naman ay napako sa dibdib ko kung saan ko tinago ang papel na may sulat. Hindi ko 'yon masyadong nabigyan ng pansin pero nabasa ko ang unang linya ng sulat.
Letter from your sexiest and sweetest Mayor, Isaac Saldivar.
---------------
Enjoy reading? Medyo sabaw huhu. Happy 363 reads and 327 followers!
Dedicated to:
Team Marsugarols!