Chapter 2

1780 Words
"Chants, kanina pa nakalukot 'yang mukha mo." puna ni Aya habang kumakain kami sa cafeteria ng school. Pagtapos ng Social Science ay lunch break namin. Nilinga ko ang paningin sa buong cafeteria. Na para bang hindi ko narinig si Aya. Wala si Argus dito. Wala rin si Kiel. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago isubo ang pagkaing natitira sa aking plato. "Hey, Chants. Ayos ka lang ba? Panay buntong hininga mo." puna naman ni Rose. Si Aya at Rose ang iniwan kong mga kaibigan sa class B. Tuwing break lang kami nakakapag chikahan. Simula't sapul ay suportado nila ang pag-ibig ko para kay Kiel. Sila ang nagbigay sa akin ng ideyang galingan ang pagsusulit para malipat ako sa Class A. Nakita kong nangangalahati palang ang pagkaing nasa harap nila. Hindi ko akalain na mamadaliin ko ang pagkain ko para lang hanapin si Argus. "Kasi naman, partner ko si Argus sa project namin sa Social Science. Nakadepende sa output niya ang 50% na grade ko. Idagdag niyo pa na kailangan naming mag-submit ng mas maaga. Haaaays. Para akong masisiraan ng bait." Malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan ko. Of all people, bakit si Argus pa na sinisiraan ko sa inyong lahat. Haaays. "My god! Si Argus Montefalco, 'yong gwapong snobber at mysterious na walang ibang alam atupagin kundi pagalawin ang mga alipores niya para mang-bully?!" exaggerated na sabi ni Aya. "Ang malas mo naman girl." ani Rose. "I know." Tipid kong pagsang-ayon sabay untog ng ulo sa mesa. "Pero Argus isn't bad ha! Ang gwapo-gwapo kaya ni Argus. Kung hindi lang siya snob, at bully baka crush ko siya." masayang banat ni Aya habang nag-i-imagine ng kung ano. "Kung kagwapuhan lang din naman ang pinag-uusapan, mas gwapo si Argus kay Kiel. Pero kung totality, ay, may ibubuga naman si Argus kaso auto pass pag attitude." Sumama ang tingin ko sa lumalabas sa bibig ng dalawang ito! Paanong kinukumpara nila ang Kiel ko sa Argus na iyon? Nakuha nila ang tingin ko kaya naman ay napasubo nalang sila ng pagkain. Iniisip kong mabuti kung paano ko haharapin si Argus at kung paano ko siya kukumbinsihin. Alam kong wala siyang pakialam sa grade ko at papasa siya kahit attendance lang ang ma-co-compute sa grade niya. Haaaays. Pero kailangan ko pa ring subukan. Titigasan ko nalang ang mukha ko. Kakapalan ko na rin ang balat ko. Para ito sa grades! Sa grades lang! Mabilis kong inangat ang ulo ko mula sa pagkakangudngod niyon sa mesa. "Girls, pasensya na pero hahanapin ko si Argus. May 20 minutes pa ako para gawin iyon." Paalam ko sa dalawa saka mabilis silang iniwan. "Goodluck girl!" Narinig kong sigaw ni Aya. "Chantal! No running inside the cafeteria!" sigaw ni pres Li. Napahinto ako agad at yumuko sa kaniya. Nakita kong papalapit si Kiel sa pwesto kung nasaan si pres Li. Nagtama ang mga mata namin. He smiled at me and I smiled back. Heto na naman ang puso ko sa pagkalabog. Haaaays bakit ba kasi hindi nalang kami ang naging partner? Haaaays. Nagsimula ulit akong humakbang. Malayo palang ay natanaw ko na si Argus at ang dalawa niya pang galamay na kasabay niyang maglakad habang si Tofee na isa pa niyang galamay ay nasa likuran nila kasama si Ria na girlfriend nito. Tumabi ako sa isang gilid para magbigay daan. Nagsalubong ang mga mata namin ni Argus. Hindi ko alam kung bakit hindi ko inalis agad ang pagkakatingin ko sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Yumuko ako noong ilang hakbang nalang ang pagitan namin. Naiinis ako na hindi ko alam kung paano ko siya makakausap. Pinanood kong umupo siya sa pwesto nila saka ako bumalik sa mesa kung saan nakaupo si Aya at Rose. "Hindi ko kaya." bungad ko sa kanila. "Sus. Ikaw si Chantal Villegas. Ang pinaka pasensyosang babaeng nakilala ko. Hindi si Argus ang magpapasuko sa 'yo. Aja lang!" Rose cheered me up. Kahit paano ay nabuhay niyon ang katawang lupa ko. "Paano? Paano ko kaya siya makakausap ng maayos. Kahit 50 percent ng grade ko ay alanganin pag hindi siya nakipag-cooperate sa akin." Hindi sila sumagot pareho. Animo'y nabingi sila sa tanong kong iyon. Bahala na. Bahala na. Malaking kabaliwan ang naiisip ko na ang isang Argus Montefalco ay gagawa ng project kasama ako. Kailangan ko na sigurong simulang manalangin nang taimtim. * * * * * Tatlong araw na ang lumipas. Hindi ako makatiyempo kay Argus. Hindi ko alam pero kada lalapit ako sa kaniya ay umuurong talaga ang lahat ng tapang at lakas ng loob na naipon ko para harapin siya. Social Science namin sa oras na ito. As expected hindi papasok si Ma'am Joy. Maingay ang buong klase pero may sense ang lahat ng ingay na iyon. Lahat sila ay abala sa mga output nila. Samantalang heto ako nakatanga. Tumingin ako sa likuran kung saan nakaupo si Argus. Para bang tumayo ang mga balahibo ko noong makitang nakatingin na siya sa akin bago pa ako tumingin sa kaniya. Naniningkit ang mga mata niya. Iyon bang matang hindi mo nanaising sabayan ng tingin. Napalunok ako at umiwas ng tingin. Nakakainis na! Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko. Napa-face palm nalang ako at inuntog ang ulo sa mesa. Hindi ko ito kinakaya. Huminga ako ng malalim sabay tumayo. Bahala na. Bahala na. Papunta ang mga paa ko kung nasaan si Argus. Ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko. "Argus. Pwede ba tayong mag-usap?" Lakas loob kong sambit sa kaniya. Umismid lang siya saka tumayo. s**t. Hindi siya nagsalita. Hindi ko na alam ang sunod kong sasabihin. Akma siyang aalis na hindi man lang ako pinapansin. Mabilis ata ang reflex ko dahil automatic kong hinablot ang kanan niyang kamay. Halatang nagulat siya sa ginawa ko at ang tatlo niyang alipores. Who dared to touch Argus wrist? No one. Nahalata kong naalarma ang tatlo niyang alipores. Nakita kong sinenyasan niya ang mga ito na huwag mangialam gamit ang mga mata. "Atleast give me a chance... Pasensya ka na kung kailangan nating magpasa ng mas maaga. Tulungan mo naman ako o. Alam kong papasa ka kahit wala kang gawin, pero hindi ako magician na kaya ring gawin 'yon. Please, tulungan mo 'ko." Nakayuko na ako sa kaniya. Hindi naman siguro bato ang puso niya. Hindi pa rin siya kumikibo. Nang tignan ko siya ay nakatingin lang siya sa wrist niya na hawak ko pa rin. Automatic akong napabitaw sa kamay niya saka niya ako tinalikuran na wala man lang sinabi. Dire-diretso siyang palabas ng silid. Ang maingay naming klase kanina lamang ay tumahimik. Nakayuko sa hiya akong sumunod kay Argus palabas ng silid. "Argus!" tawag ko sa kaniya nang makalayo kami sa room. Hindi siya lumingon. Nakapamulsa siyang naglalakad palayo sa akin. "Pwede naman nating tapusin ang project sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo. Gawin naman natin itong madali para sa isa't-isa." sambit ko nang tumigil siya. Hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami ng Men's restroom. "Aren't you sick and tired of what you are doing? Seriously?! Do you seriously think that I'll do that project with you? Must I say for you? Quit. Now." Malamig niyang sambit sa akin. Iyon ang unang beses niya akong kinausap sa magdadalawang taon namin bilang magkaklase. "So tell me, what should I do? How will I pass?" "Not my problem. Will you still follow me inside the men's room?" Gusto ng tuhod kong tumiklop. Wala talaga akong mapapala sa lalaking ito. Hindi na ako nakasagot dahil dire-direcho siyang pumasok sa men's room. Napasandal ako sa pader habang inuuntog-untog ng mahina ang ulo roon. Ilang minuto lamang ay lumabas na si Argus ng restroom. Blanko ang mukha niyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit hinintay ko pa siya. Hindi kasi ako pwedeng sumuko. Huminto siya saglit sa harapan ko. "Please, Argus. Let's—" "Follow me one more time and you're dead. That's a warning!" Putol niya sa sinasabi ko. Nagsimula na siyang maglakad habang naiwanan ako roon na sobrang disappointed. Nakalimutan kong si Argus nga pala iyon. Heartless, son of a b*tch! * * * * * * * "Ma'am, nakikiusap po ako sa inyo kung pwede pong sumabay nalang po kami ng pasa sa iba." Nagsusumamo kong pakiusap kay ma'am Joy. Kailangan ko pa ng oras para makumbinsi si Argus. Wala akong choice. Naghahanda na rin siya sa pag kain sa kaniyang table. "Please ma'am. Hindi niyo po kasi kilala si Argus. Hindi po kasi siya iyong tipo ng estudyante na sumusunod sa mga requirement..." "I'm sorry, miss Villegas. But my decision is always final. If there's nothing serious, take your leave." Nanlumo ako sa narinig. I hate this teacher. Anong serious pa ang gusto niya? Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Hindi na ako nagsalita pa o nakipag diskusyon kay ma'am. Hindi niya ako naiintindihan. Sa tingin niya ba aabot ako sa puntong hihingi ako ng saklolo sa kaniya kung hindi seryoso ang pinag-uusapan? Malungkot kong iniwan ang faculty room. "Pumayag ba?" usisa agad ni Rose. Umiling ako. Ginulo ni Aya ang buhok ko. "Kumain nalang muna tayo. Tsaka mo nalang isipin ang sunod mong hakbang pag nabawi mo na ang lakas na nawala sa 'yo." Pag-aalo ni Aya saka nila ako inakbayang dalawa papunta sa cafeteria. Nang marating namin ang cafeteria ay naupo kami sa gitna. Natanaw kong nagtatawanan ang grupo ni Argus. Ngunit tahimik lamang ang hudyong kumakain. "Ano'ng plano mo girl?" tanong ni Rose. "Edi ako na ang parehong gagawa ng output niya at output ko. Kailangan ko nalang malaman ang nakaka-turn off niyang pagkatao." "Go girl. Mukhang iyon nalang talaga ang pagpipilian mo." sang-ayon ni Aya. "Hindi pwedeng nakatanga lang ako. Maiwan ko na muna kayo at doon ako kakain sa tabi ng lalaking 'yon. Hindi naman siguro siya nananapak ng babae diba? At hindi ko rin naman siya sinusundan sa pagkakataong ito. Tatabi lang ako. Tsaka na siguro ako titigil nang pangungulit pag may black eye na ako." Hindi ko na nakita ang reaksyon ng dalawa kong kaibigan. Wala na ako sa tamang pag-iisip. Bahala na! Kung black eye ang magliligtas sa akin para hindi na maka-partner pa ang kumag na 'to, push! At isa pa... Hindi pwedeng mapatalsik ako sa Class A na pinaghirapan kong abutin para makasama si Kiel dahil lang sa tamad at iresponsableng gaya ni Argus Montefalco. No way! Nagulat ang mga galamay ni Argus nang maupo ako sa tabi ng kanilang pinuno. "Ako na ang gagawa ng project nating dalawa. Makipag-cooperate ka nalang, please? At hindi ako sumunod ngayon ha, lilinawin ko lang!" inis kong sabi sa hudyo na lalong sumingkit ang natural na singkit na mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD