Chapter 3

2181 Words
Isang linggo na akong buntot ni Argus. Pero hindi pa rin siya nakikipag-cooperate sa akin. Kung pwede ko lang isulat lahat ng negative niyang pagkatao sa profile niya ay gagawin ko talaga. Pero kahit paano ay hindi na siya ganoong kasungit. Kahit papaano ay nagsasalita na siya hindi gaya dati na dedma lang talaga ako. Mukhang nakukulitan na nga sa akin. Hindi ko alam kung iko-consider ko bang progress iyon. Ilang minuto nalang ang natitira bago matapos ang klase. Friday ngayon at weekend na naman. Wala pa ring pag usad ang project namin. Nagawa ko na ang talambuhay ko sa isang oslo paper. Lahat ng kaya kong unti-untiin tungkol sa sarili ko ay ginawa ko na. Nang tumunog ang bell hudyat na uwian na ay mabilis na kumilos ang mga kaklase ko para gumayak umuwi. Dahan-dahan kong nililigpit ang gamit ko nang tumalon ang puso ko sa kaba nang makita si Kiel na nakatayo sa gilid ko at malapad na nakangiti sa akin. "Let's talk." aya niya sa akin. Mabilis kong sinilid sa bag ko ang libro at notebook. Hindi ko alam kung bakit ayaw kumalma ng puso ko. Si Kiel kasi talaga ang kumukumpleto sa araw ko. Naupo kami sa isa sa mga bench ng campus. Tanaw na tanaw namin ang hideout ni Argus mula roon. May ilang mga babaeng ang sasama ng tingin sa akin. Na para bang may inagaw ako sa kanila. "Hula ko wala pa ring pag usad sa partnership niyo ni Argus." sambit niya kahit pa naririnig niyang pinagbubulungan kami ng mga estudyanteng nandito. "Ano nga bang aasahan mo sa lalaking 'yon?" sagot ko na nagpanggap na wala na ring nakikita at naririnig. "Kinausap ko na si Lili. Sinabi kong makikipagpalit ako kay Argus para maka-partner kita." Halos tumigil ang mundo nang marinig ko iyon sa kaniya. Sige na naman ang pagkalabog ng puso ko. Ngumiti siya sa akin nang pagkatamis-tamis. Ang saya-saya ng puso ko. Pero hindi ko iyon pwedeng ipakita sa kaniya. "Si-sigurado ka ba? Ta-tayo magiging pa-partner?" Shocks! Bakit ba nauutal ako? Gusto kong tumalon sa ideyang magiging partner kami. At ibabahagi niya sa akin ang mga munti niyang sikreto. "Oo naman. Pwede kong kumbinsihin si Ma'am Joy. Or pwede namang hindi. Wala naman siyang official list ng mag-partner." Nakahinga ako ng maluwag. Kinurot ko ang kapiraso ng hita ko. Baka kasi nananaginip lang ako. Imagine, 5 years ko ng crush ang perfect creature na ito, pero tatlo lang kaming nakakaalam na gusto ko si Kiel. Sa dami ng babaeng nagkakagusto sa kaniya, nakuntento nalang ako sa silay at sulyap dahil hindi ko kayang makipag sabayan. Nadaan sa determinasyon, puyat, at dasal kung paanong ako ang mapalad na babaeng nakasungkit ng karangalang malipat sa class A. "Gagana kaya iyon? Kahit na-special mention kami?" "Sa iyo na rin nanggaling na papasa siya kahit wala siyang gawin. Sa tingin mo hahayaan kong bumagsak ka dahil lang sa kaniya?" Gusto kong tumili. As in tumili ng malakas para mabawasan ang pagwawala ng puso ko. s**t na malagkit. Hindi ka pwedeng maging mabait sa babaeng may gusto sa iyo, Kiel. Kahit alam ko namang mabait ka sa lahat. "Sigurado ka talaga kahit mas maaga natin kailangang magpasa?" paninigurado ko. "Yup. That was actually the reason why I made this decision." Namamangha ang puso kong tinitigan ang maamo niyang mukha. Napaka gwapo niyon. "I just want to inform Argus about this. Ilang beses ko rin siyang kinulit. Para lang din alam niya." "Sure. Nakikinig naman si Argus kay Lili. Kaya ni Lili ang isang 'yon." "Sana nga. Tara?" aya ko saka nagsimulang tumayo. Mas lumakas ang bulungan nang naglakad na kami palayo sa bench. Nakangiti lang akong naglalakad kasabayan ni Kiel. Mamatay kayong lahat sa inggit. Hindi ako makapaniwala na nag-untugan ang mga braso namin. Never in my wildest dream na naisip ko na mangyayari ito. Kuntento na ako noon na tignan lang siya mula sa malayo. Pero ngayon, ang lapit-lapit na niya. Tatlong katok ang pinakawalan ni Kiel sa pinto ng hideout ni Argus. Ganoon kalakas ang connection nito. "Come in." Boses ni Tofee iyon. Pinihit ni Kiel ang doorknob at tumambad sa amin ang grupo ni Argus na naglalaro ng chess. Ganoon ba sila ka-bored? Sinalubong kami ng naniningkit na mata ni Argus na animo'y sinusukat kaming pareho. Tumayo ito at dahan-dahang lumakad papunta sa gawi namin. Hindi inaalis ni Argus ang tingin niya kay Kiel. Medyo na-o-awkward-an ako sa tagpong ito. "Ah, eh, Argus... Gusto ko lang sabihin sa 'yo na simula sa araw na 'to, si Kiel na ang magiging partner ko sa Socsci. Pasensya na at—" "Who the hell gave you the permission to replace me?" He was referring to me. Mas malamig ang tinig niya sa bawat katagang binitawan. "I volunteered. I just don't wanna see someone's time being wasted by someone like you. Specially, Chantal." mariing tugon ni Kiel. Hindi ako makapaniwala na sinabi iyon ni Kiel. He is kind to everyone. Pero the way na pinakawalan niya ang mga katagang iyon ay para bang may iba silang ugnayan noon. Tahimik lang ang mga galamay ni Argus at naghihintay sa sunod na mangyayari. Nakita kong nagkuyom ang kamao ni Argus. He is holding back his anger. Hindi ko alam ang sunod na gagawin ni Argus kaya naman pumagitna na ako sa dalawa. "Tara na Kiel. Pasensya na Argus. Dumaan lang talaga kami para sabihing hindi ko na sasayangin ang oras mo." Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin sila gumagalaw at nagsusukatan pa rin sila ng tingin. Tumalbog ang puso ko sa gulat noong banggain ni Argus si Kiel at hinaltak ako palabas ng silid. "Te-teka... Ano baaa... Nasasaktan ako." reklamo ko. Sobrang higpit ng kapit niya sa akin. "Argus... Bi-bitawan mo na 'ko!" reklamo ko ulit pero parang wala siyang naririnig at sige lang ang pagkaladkad niya sa akin. Pinagtitinginan at pinagbubulungan na kami ng mga estudyanteng nakakakita sa amin. Tsk! Lumingon ako para tanawin si Kiel pero wala ni isang bakas ni Kiel ang nakita ko. Hala! Hindi kaya... Hindi kaya ginugulpi na siya ng mga galamay ni Argus? "Sabi ko, bitaw!" asar kong piniglas ang kamay ko ngunit nasaktan lang ako lalo dahil totoong mahigpit ang pagkakahawak niya roon. "Pag sinaktan ng mga alipores mo si Kiel, hinding-hindi kita—" Napatigil ako nang huminto siya. "Hinding-hindi mo ako, ano?" Nanghahamon niyang tanong. Tinignan ko ang wrist ko at may marka iyon ng daliri niya. Galit na galit siya sa akin sa hindi ko maintindihang dahilan. Hindi ako makatingin sa mga mata niya. Narito kami sa garden ng school. Wala masyadong tumatambay dito dahil alam nila na minarkahan na ito ni Argus. At ang lahat ng mamarkahan niya ay hindi maaaring tambayan ng kung sino. "What? Hinding-hindi mo ako, ano? Ituloy mo." ulit niya. Nagsalubong ang mga mata namin. "Hindi kita mapapatawad. Ayaw mo naman diba? Hindi naman ikaw iyong tipo ng estudyante na magpapasa ng portfolio diba? Kaya pwede bang hayaan mo nalang kami." "You wish." walang gana niyang sabi. Hindi ako makapaniwala na ganoon lang kadali na nagbago ang mood niya. "Give me your phone." Sunod niyang sabi. "Marunong ka bang mag seryoso?" "I'm telling you, you will regret if I get serious. Give me your phone." ulit niya. Wala akong balak na ibigay iyon sa kaniya. Kaya nagitla ako nang hablutin niya sa akin ang bag ko at kinuha ang phone ko mula roon. "Don't move or you're dead." He threatened. Tinipa niya roon ang phone number niya at tinawagan iyon. "I'll call. Don't you dare make me wait." Huling sabi niya saka inabot sa akin ang cellphone ko. I watched him walking away from me. Piece of s**t! * * * * * * * * SATURDAY Tuwing sabado ay tumutulong ako sa milktea shop namin. Maraming customer tuwing sabado kaya napagdesisyunan kong tumulong kina Ate Maris at ate Lea. Narito ako pag wala akong masyadong deadline sa school. Katatapos ko lang timplahin ang order ng couple kong customer nang mag-ring ang cellphone ko. Pinsan ni Satanas calling... Seryoso ba? Yesternight tumawag siya sa akin para sabihing sagutin ko nang mabilis ang tawag niya. Sabay pinatay rin ang tawag. "Hello?" "Where are you?" Nagulat ako nang itanong niya iyon. "Busy ako at nagtatrabaho." "Where are you?!" ulit niya. "Makikipag-cooperate ka na ba ngayon? Wrong timing ka naman, may work ako." "Just tell me where the hell are you!" "Carnation st. Coffee and Milktea Shop." sagot ko sabay end ng call. Bwisit na lalaking 'yon. "Kung bakit kasi hindi mo nalang ako hayaang maging masaya sa piling ni Kiel ko! Haaaays. Nakakainis." naaasar kong bulong sa kawalan sabay lapag ng phone sa malapit na estante. "Boyfriend mo?" usisa ni Ate Lea. "Naku! Hindi po. Kaklase kong bwisit." sagot ko sabay kinuha ang tray number 17 at nilagay iyon sa table ng customer. Wala pang 30 minutes ay natanaw ko siyang bumaba sa motorcycle niya at pumasok sa loob ng shop. Sinong hindi mapapatingin sa nilalang na ito na nakasuot ng leather jacket na itim at ocean blue jeans habang puting Nike shoes ang saplot sa paa. Hawak-hawak niya ang black and red niyang helmet at sinuklay pataas ang buhok gamit ang daliri. Tsk. "Ang gwapo... My god." Narinig kong bulalas ni ate Maris. Sumang-ayon naman si ate Lea. Nilapitan ko si Argus na preskong nakaupo sa isang table isang mesa ang layo mula sa counter. "Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko. "Is this how you greet your customer here? I'm gonna sue you and your business." nang-aasar niyang sabi saka nilibot ang paningin sa kabuuan ng lugar. "Can I take your order, sir?" sarkastiko kong tanong. "Can I take you?" sagot niya sabay tanggal ng apron ko at iniwan 'yon sa mesa at bigla nalang akong hinila paalis ng shop. Ang bilis ng pangyayari na nakalimutan ko halos huminga. This guy is really unpredictable and annoying at the same time. Hindi ako makawala sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Nang binitawan niya ang kamay ko ay binato naman niya sa akin ang helmet na mabilis kong nasalo. Ang bigat niyon buti hindi ko nabagsak. "Anong ginagawa mo?" Naaasar kong tanong. Sinuot niya lang ang helmet niya at hindi ako kinibo. "May trabaho ako." Pinal kong sabi at binalik ang helmet niya sa kaniya. "This is the chance you are asking. Are you going to lose it?" Napabuntong hininga ako. "Or do you want me to mess things up with Kiel?" pananakot niya. "Fine. Pwede naman akong magpaalam ng maayos at kunin ang ilan kong gamit, diba?" Yamot ko siyang iniwan at bumalik sa loob ng shop. Dalawang hampas sa balikat ang natanggap ko mula kay ate Lea at ate Maris. "Ikaw ha, boyfriend mo pala iyong gwapong 'yon. Nakaka inggit kaaa." Kinikilig na sabi ni ate Maris. "Hindi po. Partner ko lang po sa isang subject. Masama po ugali ng lalaking 'yon. Aalis po muna ako, babawi nalang po ako sa susunod." Paalam ko sabay kuha ng bag at phone at walang lingon-likod na umalis. Seryoso siyang nag-aabang sa akin sa labas ng shop. Naka-open ang visor ng helmet niya at hindi ko mawari ang mukha niyang iyon. Muli niyang binato sa akin ang helmet na isusuot ko. "I'm a reckless driver." Paalala niya nang makasakay ako sa motor. Halos lumiyad ako nang iharurot niya iyon. Napayakap ako sa kaniya nang wala sa oras. "I warned you." Narinig kong sabi niya saka mabilis kong tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakayakap sa kaniya. Napakapit ako nang mahigpit sa hawakan sa dulo ng motor nang iharurot niyang muli iyon. Hindi ako sigurado sa trip ng lalaking ito. Pero ayos na rin at makikipag-cooperate na siya sa akin. Pero sayang... Si Kiel dapat ang kasama ko. Haaaaaaays. Pumasok kami sa isang subdivision at tinigil niya ang motor sa tapat ng mataas na gusali. Bumaba naman ako at tinanggal ang helmet. "Nasaan tayo?" Hindi siya sumagot at naglakad lang. Sumunod nalang ako na hindi na nagtanong pa. Siya ang pinaka walang kwenta at moody kausap na lalaking nagkamaling isilang sa mundo. Tahimik akong na-a-amaze sa ganda ng lugar. Hinihintay naming bumukas ang elevator at nang makapasok kami ay pinindot niya ang 34. In-unlock niya ang pinto at inagaw sa akin ang helmet na yakap-yakap ko. Nilagay niya iyon sa isang estante. "Here's my place. Aren't you afraid? It's just the two of us." aniya at hinubad ang damit pang-itaas. Mabilis akong tumalikod. "Sinabi ko sa dalawa kong ate na pag hindi pa ako nakauwi ng alas otso ay tumawag na sila ng pulis." Hindi ko makita ang reaksyon ng mukha niya. "You're unbelievable. Aren't you afraid of me?" He asked. Namalayan ko nalang na nasa harap ko na pala siya at nakasuot na ng puting sando. "I was afraid. Sinong hindi?" Pag-amin ko. "Good. You used the word 'was'." Nanuot sa tenga ko ang bulong niyang iyon. "H-huh?" tanong ko dahil hindi ko nakuha ang punto niya. Umismid lang siya na para bang walang balak na sagutin ang tanong ko. "Shall we start?" He asked and smiled at me for the very first time...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD