Who would have thought that I was with the man feared by many? Hindi ko alam kung bakit nangilabot ako at totoong nagsitayuan ang mga balahibo ko sa ngiting ginawad niya sa akin. Matagal bago ako nakasagot at nakapag-react. Hindi ko naisip na ang gaya niya ay marunong din palang ngumiti.
Suddenly, he snapped his fingers that turned me back to my senses.
"Ya-yeah. Let's start," utal na saad ko at namalayan ko na lamang na umupo siya sa couch na malapit sa kinatatayuan ko.
He raised his left eyebrow as he looked at me na para bang nagsasabing ‘akala ko ba ay hindi ka takot sa akin?’
Huli na bago ko i-deny na hindi naman talaga ako natatakot sa kaniya. Hindi na. There is just something with his smile that made me act as if I was scared. I just can't point it out.
Nang tignan ko siya ay sumalubong sa akin ang singkit niyang mata.
"Hindi ko alam kung paano at saan tayo magsisimula," pag-amin ko.
"Why don't you settle your fear to me first before anything else?" He sarcastically said.
"Why don't you act harmless if you don't want anyone to be afraid and threatened to you first?"
I didn't expect that coming. Basta nilabas nalang iyon ng bibig ko. Parang naging initial reaction ko. Gusto ko sanang bawiin iyon dahil I don't want him to feel bad pero some part of me is proud of myself that I was able to say it in front of him.
Ngunit parang gusto ko nalang lumubog at maglaho nang magsalubong ang mga mata namin. Ang normal niyang singkit na mata kanina lamang ay lalong naniningkit.
Kumabog ang dibdib ko nang tumayo siya at hindi inaalis ang pagkakatingin sa akin.
"What d-do you need?" Naiinis ako na pumalya pa ako sa pagsabi niyon.
Naiatras ko ang aking kaliwang paa nang naglalakad na siya papunta sa akin.
The f**k!
"Don't you have any plan? Sa pagbubuntot mo ng ilang linggo sa 'kin, wala kang plano?" aniya sa tanong na naiirita. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang nag iba ang tanong niya.
"M-mayro'n naman. Wait, alam ko tinipa ko iyon sa notes ko sa phone. Nandito lang 'yon e," Natataranta kong ini-scroll ang notes ko.
Hobby ko ang mag-type sa notes ko ng mga bagay-bagay. Iyon ang nagsilbing diary ko. Hindi kasi ako pala sabi ng nararamdaman ko, kaya nagugulat nalang ako kung bakit kinakaya ko ng umakto ng natural sa lalaking ito.
"He—"
Naputol ang sasabihin kong 'here'. SHOCKS! Hinablot niya mula sa kamay ko ang cellphone ko! Walang lock iyon! Tae! Marami akong sikreto na naka-save do'n! Ang buo kong pagkatao ay nakalantad do'n!
"Akin na 'yan, parang bata!" Kahit ako nagulat nang ilabas iyon ng bibig ko.
Lumayo siya ng ilang hakbang.
"Alin dito?" Sa tono niyon ay parang may pang-aasar at paghahamon.
"Tsk... ibalik mo na! Ano ba Argus!"
Pilit kong inaagaw sa kaniya ang cellphone ko. Hindi maaari! s**t! s**t! s**t! Tsk. Dapat talaga ni-lock ko iyon.
"Alin ba kasi rito... Ah, ito ba?..." Bumilis ang t***k ng puso ko nang huminto siya.
"Hindi pa rin ako makapaniwala na gusto akong maging partner ni Kiel. Sobrang kinikilig ako exclamation point. Para kong nananaginip nang mga sandaling 'yon. Pero huwag ka, nangyari talaga three exclamation point."
Basa niya na walang emosyon. Napansin kong napalitan ng irita ang mukha niya nang magsalubong ang kilay niya. As if reading those line creeps and disgust him at the same time.
No!
Sinubukan kong hablutin muli ang cellphone ko dahil sigurado ako na lalo siyang maiirita pag nabasa niya ang mga susunod...
"Ibalik mo na sa akin!! Huwag mong basahin 'yan! Pagsisisihan mo, bahala ka!" Nayayamot kong sigaw sa kaniya.
"Pero dahil sa asungot na Argus na 'yon naglaho ang pagpapantasya kong magiging partner kami with too much exclamation point."
"Akin na kasi, binalaan kita."
"Tsk..." Naka-ismid niyang sabi saka binalik sa akin ang cellphone ko.
"Asungot hah," bulong niya sabay naupo sa kaniyang couch habang naka-de kwatro ang paa.
Nakakainis! Hindi ko alam kung bakit natatawa ako na nahihiya sa naging reaksyon niya. I tried to gain my composure.
"Gusto mo pa bang malaman 'yong nilista ko na plano rito o hindi?"
Pagbabago ko ng usapan.
Nilingon niya ako. Shocks! Bigla akong kinilabutan sa tingin niyang iyon. Napalunok-laway ako pero hindi niya pwedeng mahalata iyon.
"Read it for me," utos niya.
Nawala ang kaba sa dibdib ko nang marinig ko iyon mula sa lalaking bigla nalang nawalan ng interes.
"Okay,"
"First, our autobiography but hindi na detail as is, it is just like what we just wanted to share. And this would be written as 2nd POV. Like I will be the one to introduce you. Ganon,"
Hindi siya sumang-ayon o kahit na ano. Kaya tinuloy ko na lang ang pagbasa ko.
"For the 2nd page, that would be our family background. Naisip ko lang na mas maganda kung lalagyan natin ng family tree iyong portfolio then put short description each."
"No, I disagree. Next." Malamig ang boses niyang iyon na para bang hindi niya iyon gustong pag-usapan.
"Okay, pero nasa criteria kasi 'yon like family background,"
"I'll include that for you, but you will exclude that for me."
He was cold as ice when he delivered those words. I won't argue for more.
"That's good to know." Tipid kong pagputol sa topic na iyon.
"After that, I plan to make our portfolio a semi slumbook back in Elementary where we could express ourselves more."
"Your taste sucks." Dismayadong asta niya sabay umiling-iling pa.
Medyo nabwisit ako sa part na iyon dahil akala mo naman kung sino siyang marunong at gumagawa ng mga projects. Pwe!
Binulsa ko ang cellphone ko at literal na gusto siyang sakalin sa asta niya. Pinag-isipan ko pa naman ito ng mabuti. Ay, pinag-isipan ko nga ba?
“And?” tamad na tamad nitong sabi na parang gustong ituloy ko ang plano ko kahit na nilait niya ang taste ko.
Nilingon ko siya at pinilit ignorahin ang reaksyon niya.
"Ahm, gusto ko kasi creative e. Like mano-manong sulat, dikit, at design. But if you want, i-print mo nalang iyong gagawin mo. Iba naman tayo ng trip sa buhay." Tuloy ko na tuluyang dinedma ang panglalait niya sa akin.
"Tsk. As I expected. You really know how to make things complicated. That's a lot of work and it is not even worth it."
"A-ano? Ano gusto mong palabasin? Kanina ka pa e," Hindi na ako nakapag pigil.
"I know someone who could draw and tell stories. Let's have someone do our project for us. What we just need is to know each other more and report it to her and she will do all the work.
Halos mag-freeze ako ang maamoy ko ang mint breath niya. Ewan pero namalayan ko na lang na ang lapit na niya sa akin. Hindi ko tuloy masyado na absorb ‘yong mga sinasabi niya basta ang naintindihan ko lang, wala siyang balak gawin ang project at balak niya iyon ipagawa sa iba.
“Ipapagawa mo sa iba? Buang ka ba?”
“ Shhh. As I expected you people want to torture yourself even though there is an easier way. And please, creative, flowery and over design projects are not my thing so let's keep our project clean and simple.”
Na-paralize ako ng itikom niya ang bibig ko gamit ang hintuturo niya.
He was so close and I can smell his masculine scent.
“Anyway, I'm famished. Let's eat outside.” Aniya at binawi ang hintuturo niyang nasa labi ko. Lumayo siya nang ilang hakbang at nag-stretching.
“ You can sit.” He finally said and pass me by.
Nakanganga kong sinundan siya nang tingin nang pumasok siya sa kwarto niya. Halos mapaupo talaga ako! My god! Is this even possible?
Huminga ako nang malalim. Doon na ako nagkaroon ng malayang pagkakataon upang tignan ang kabuuan ng kaniyang silid.
Kanina pa ako na-a-amaze sa set of stereo niya malapit sa pinto ng kaniyang kwarto. Hindi naman siya mukhang rocker kung titignan. Nahagip din ng mga mata ko ang pagkakaugnay-ugnay ng mga kulay simula sa floor, wall, couch, curtain at furniture. Malinis tignan at maliwanag ang lugar dahil sa puting pintura ng dingding habang cream marbles naman ang kaniyang mga tiles. Kulay puti ang couch niyang mukhang mamahalin. Sakto lang ang lambot, komportable sa puwetan. Sinandal ko ang aking likod mula roon. Sakto lang. Nothing is really special. Mukha lang talagang mamahalin. Hindi naman ganoon karami ang gamit niya. Kaya kitang-kita ang lawak ng kabuuan ng silid na ito. Malinis, maaliwalas at mabango.
Ilang minuto pa ay niluwa na rin siya ng pinto na pinasukan niya kanina. Napatayo ako agad nang makita siya. Ayoko namang isipin niyang nagpi-feeling at home ako.
Mabilis kong kinalikot ang phone ko nang magtama ang mga mata namin.
"Until what time do you plan to stand there?”
Natauhan ako nang makita siyang hawak ang isang helmet habang naka-ipit sa kili-kili niya ang isa pa.
"Saan na naman tayo pupunta?” Hindi ako makatiis na hindi itanong. Like seryoso ba siya na kakain kami sa labas? Hindi ba naguusap kami ngayon para sa project?
Hindi siya sumagot. He is being his old rude self.
Pinanood ko lamang siyang nila-lock ang pinto habang hawak pa rin ang dalawang helmet. He didn't ask for my help.
Nang matapos siya sa ginagawa niya ay nagtamang muli ang mga mata namin. But his look is familiar. As if it was the look when the time he passed me by after knowing that we were partners. That cold look.
Habang papunta sa elevator ay hinablot ko nang mabilis sa kaniya ang helmet. But he is really strong dahil hindi ako nagtagumpay na makuha iyon sa kaniya. Akala ko naman maluwag ang hawak niya roon dahil hindi naman niya alam na kukunin ko iyon sa kaniya.
"Nice try! But I hold on very tight to the things I like dahil hindi ko gusto ang idea na kinukuha ito ng iba sa’kin…” He said while leaning me into the wall blocking one side of my way, and when I try to escape from the other side, he blocked it as well.
Craaaaap.
Our face is too close to each other. That I can even breathe his mint breath. I was able to look at his narrowed eyes. As if those eyes are telling me something I will never understand.
He grinned and started to move inches away from me.
"Practice lang," I heard him say as he goes inside the elevator.