CHAPTER 5

1788 Words
Tumigil ang motor ni Argus sa isang Japanese style na bahay na napapaligiran ng mga puno at magandang landscape. Zetsumyona. Ang salita na nabasa ko na nakasulat sa isang malaking tabla ng kahoy na nakalagay sa arko bago pumasok. “Kaninong bahay ‘to?” tanong ko. “This is a restaurant.” sagot ni Argus nang hindi tumitingin sa 'kin. “Huh?” May sumalubong sa amin na isang middle age na babae na naka kimono. “Kon'nichiwa!” sabay bow nito ng slight. “I have a reservation under Argus Montefalco.” He said formally. “This way, Sir.” Marunong palang mag english. Mukha kasing legit na haponesa. Hindi ko dapat iniikot ang paningin ko sa buong lugar na ito at nakabuntot kay Argus pero iyon nga mismo ang ginagawa ko ngayon. Nasa restaurant pala kami na hindi naman mukhang restaurant. Pero napakatahimik at elegante ng lugar. Kahit saan ako tumingin ay hindi talaga ito mukhang restaurant. Sa mga Japanese movie ko lang nakikita itong klase ng bahay na ito e. Ang ganda pala sa personal. We stopped in the front of a wooden frame door covered with translucent white paper. Yung slidding door sa mga bahay ng mga Japanese. Binuksan iyon ng babaeng sumalubong sa amin kanina. Nag alangan akong pumasok nang makitang isa itong private room. “What?” takang tanong ni Argus na magkasalubong ang mga kilay. “Ah... E—” Hindi ko na nasabi ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinila papasok sa loob. Nawala ang kaba ko nang makita ang isang may kahabaang table at may dalawang legless chair. Pagkaupo namin ay iniwanan na kami ng babae. Muli kong inilibot ang paningin ko sa buong kwarto. The room was a little too quiet. Walang gaanong abubot. Naglalaro sa dark brown at cream ang kulay ng mga dingding. Simple lang but the view from a private room was a gorgeous little garden. Parang ang sarap matulog sa sobrang tahimik. Parang bawal mag ingay. “Pwede bang magsalita?” pabulong kong tanong. “Hindi.” “Ano?!” bulalas ko. Natulala na naman ako nang marinig ko si Argus na tumawa ng kaunti. “As if I can stop you from doing that.” Pinigilan ko ang sarili kong umirap. “Pwede na ba nating pag-usapan ang project natin? Kasi tumatakbo ang oras. Baka nakakalimutan mo na maaga tayong magpapasa.” “Who do you think is to blame for that?” “Oo ako na. Pero kung makikisama ka madali natin itong matatapos?” “Aren’t we done talking about that?” “But—” “Let's eat now.” Biglang may kumatok sa pinto at pumasok ang babaeng nag-assist sa amin kanina na umalis din kaagad pagkatapos i-serve ang tray na may iba't ibang uri ng pagkain na ang pamilyar lang sa akin ay ang sushi at green tea. Nagsimula nang kumain si Argus habang ako hindi ko alam kung saan magsisimula. Ikinagulat ko nang lagyan ako ni Argus ng karne sa maliit kong bowl na may kanin. Napatingin ako sa kanya dahil do'n habang siya naman ay patuloy lang na kumakain na para bang wala siyang milagrong ginawa. Lord, totoo nga ang himala! Nagising lang ako mula sa pagkabigla nang may tumunog na kung ano. Cellphone pala ni Argus. “Yes. Alright.” sagot nito doon. “Excuse me.” baling naman niya sa akin sabay tayo at labas ng silid. Napa-exhale ako nang malakas. Di ko namalayan na pigil ko na ang sariling hininga. Nagulat pa ako ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Rose. “Chants, where are you? Sabi ni Ate Lea may kasama ka daw na gwapong classmate. Si Kiel ba?” kinikilig pa nitong sabi. “Unfortunately—” “Si Argus?! OMG! Where are you right now? Pupuntahan ka namin!” Nakaka-amaze na isang word pa lang ang nasasabi ko ay kilala niya na kaagad at parang nakakaloko the way na sabihin niyang pupuntahan niya ako na para bang nanganganib ang buhay ko. “Rose, relax. Okay lang ako---so far. Nasa Zetsumyona restaurant kami. Kumakain.” sagot ko habang sumusubo ng karne na ibinigay ni Argus.Hmm. Masarap. Lalo na yung dipping sauce. “Zetsumyona Restaurant? Did I hear it right?” “Ah, yes.” “OMG! Seriously Chants? That Japanese Restaurant? Sobrang mahal ng resto na 'yan! 30,000 ang reservation per head. Ilang tao lang ang tinatanggap nila kada araw!” Lalo kong ninamnam ang pagkaing nasa bibig ko. Hindi ko agad iyon malunok dahil sa presyong naiisip ko. Napatingin ako sa pagkaing naka hain sa harap ko. Kung gano'n na kamahal ang reservation, paano pa kaya itong kinakain namin?! Hindi pa man ako nabubusog feeling ko mai-impatso na ako kaagad. 'Yong reservation pa lang eh kita na ng milk tea shop namin sa isang buwan. “Bakit nga ba ako nandito?” tanong ko sa kabilang linya. “For your project? Well Chants, ano nga bang ine-expect mo sa isang Argus Montefalco? Na nag-iisang tagapagmana ng AM Telco which is the number 1 telco company in Asia, chain hotels and condominiums and God knows what pa. Hindi yan kakain sa pipitsuging restaurant.” I do agree. “Pero sabit lang ako dito.” “Mahal ng company mo sis. 30k. Hahaha!” Hindi ko magawang tumawa. Feeling ko may utang akong 30 thousand kay Argus. Hays! Hindi kaya bigla akong singilin nito? Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng isang ‘yon. Now I’m scared. Huwag ka ngang judgmental Chantal! What if gusto niya lang kumain talaga at gusto niya lang ng may kasama? Para kong tangang inaaway ang sarili. Hindi ko na narinig ang mga sinasabi ni Rose dahil busy ako sa pag ko-convince sa sarili ko na nadamay lang ako sa ka-pritso ni Argus. Wala sa loob kong napindot ang end call sakto naman ang balik ni Argus. “The last person who looked at me that way stayed in the hospital for a month.” “Hindi ka naman siguro nananakit ng babae ano?” “Some girls are asking me that though. In bed.” Mayabang niyang sabi. “p*****t!” bulalas ko ng ma-gets ko ang sinasabi niya. Nasa mata ang pagkagulat niya sa sinabi ko. First time niya atang matawag ng gano'n. Nagulat din ako e. Pero huli na para bawiin ko pa. Naningkit ang mata niya sa akin. “Watch your mouth. Nakasalalay sa akin ang grades mo.” Tumahimik na lang ako. Okay. Buti nalang nagbaon akon ng pasensya. “Pwede bang sa susunod kung isasama mo akong kumain, sa medyo mura naman. Hindi ko alam kung malulunok ko ang presyo ng pagkain dito. Argus Smirk. “Are you expecting our next meeting? By the way, that steak you are holding is a wagyu beef worth around 10 thousand pesos per pound, maybe?” Bigla kong naibaba ang chopsticks na hawak ko sabay titig ng masama sa kanya. Kita ko na nag e-enjoy siya sa pang-aasar sa akin. “Fierce. I like that.” Nakangisi pa nitong sabi. "Just eat. That's free don't worry. Hindi ako maghihirap sa ganyang halaga.” Mayabang. “Gano'n? Okay.” Dahil sa sinabi nito na parang mas kinaasar ko pa ay kinain ko lahat ng pwede kong kainin. “Anyways, I contacted a graphic animator I know. She's here now. Come in.” Talagang itinuloy ni Argus ang gusto nitong mangyari. Katamaran talaga. “She's Venice. The one who will do the deed.” Pakilala nito sa babaeng nakasalamin at naka pixie cut na buhok na mukhang nasa early 20’s. “And this is... She's my partner.” He literally forgotten my name! Why would I even expect that he'll remember me? “Hi, nice to meet you.” Nakangiti nitong sabi sa akin sabay abot ng kamay “Same here, by the way it's Chantal.” I don't think Venice wants to waste her time dahil walang ligoy-ligoy itong nagtanong kung anong gusto kong mangyari sa project namin. Hindi na din ako nagtaka nang hayaan ako ni Argus na maibigay ang idea ko kay Venice. Maybe he was just bored to even bother suggesting. “Okay! Now that we settle what do you want for your project, one thing that’s left to do is to get to know each other. Spend more time for you to get to know other’s personality then contact me after, alright?” pinal nitong sabi saka tuluyan nang umalis. Natapos din kaming kumain nang hindi ko namamalayan at di ko na naiisip kung magkano ang ginastos ni Argus sa pagkain sa resto na ito dahil na-occupy ang utak ko sa mga gagawin sa proyekto namin. Pagkalabas namin ay iniitsa niya sa akin ang helmet na nasalo ko naman. “Hmm... Now, where are we going next?” nag-iisip pa nitong sabi. Habang nag i-scroll ng kung ano sa phone niya. “Hah? May pupuntahan na naman tayo?” Gulat na gulat kong tanong. “May amnesia ka ba? You have to get to know me. That includes spending time with me.” “Buang ka. Kailangan kong tumao sa shop!” “Nope. Mas kailangan mong magawa ang project mo.” “Project natin yon!” “Kaya kong ipasa yon, without doing all of this s**t while you on the other hand cannot. So just shut the f**k up, wear the helmet and hop in.” Sumakay na ako sa motor niya. Nagulat ako nang hilahin niya ang braso ko at ipinulupot sa bewang niya. “Tighten your grip or else you'll fall.” Nakangising sabi nito na nakita ko sa side mirror ng motor bago pa man isuot ang helmet. Tinanggal ko din iyon kaagad. Ano yon? Para akong biglang nakuryente. Bukod doon nakakailang din. “What a hard headed woman. Don't blame me if you fall.” Sabay harurot ni Argus ng motor. Napilitan tuloy akong humawak sa gilid ng jacket niya para lang di matangay ng hangin sa bilis niyang magpatakbo ng motor. Wala atang pakielam kung mag over speeding siya. Jusko po. Sa dami ng parusang ibibigay bakit si Argus pa? Pero sa ngayon mas concern ako kung saan na naman ako dadalhin ng isang ‘to. ------------ Akala ko ba kailangan kong makilala si Argus para sa project namin. Like kwentuhan ganon? Or interview. Hindi ko alam kung anong kinalaman nitong exclusive high-end bar na kinaroroonan namin ngayon ni Argus habang ako heto at umiinom ng Champagne na hindi ko alam kung gaano kamahal. Bakit ba ako nandito at pinapanood kung paano maging wasted ang mga taong di ko naman kilala? But wait, lasing na ba ako dahil nakikita ko si Kiel na papalapit sa 'kin?! As in si Kiel?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD