Beaming lights, the famous disc jockey was playing very loud electronic dance music, wasted people dancing like there is no tomorrow in a huge dancefloor which is in the middle of a wide pool, and a bartender entertaining guests with his moves while mixing alcoholic beverages.
Lahat ng 'yan ay nakikita ko mula sa VIP table na kinaroroonan ko habang nakaupo sa isang U-shape na couch katabi si Argus. Una, ang awkward ko. Hindi ko alam kung paanong kikilos sa lugar na kahit kailan ay hindi ko pa napuntahan. This nightclub is also known for its very classy and extravagant venue, most expensive drinks, mga mayayaman at kilalang tao ang pumupunta. Nakakita pa nga ako ng artista kanina. Naaalala ko kung paanong ikinukwento sa akin ni Ate Benneth kung gaano niya kagustong ma-experience makapunta sa lugar na ito. And guess what? Nakapasok ako rito ng walang kahirap-hirap.
Para akong nasa ibang mundo. Ayaw ko mang aminin pero namamangha ako. Talaga pa lang nag e-exist ang mga ganitong klaseng lugar.
Nasa harapan namin ang isang VIP host na kausap ni Argus.
“Tres.” sabi ni Argus sa host.
Napakalaki nang ngiting pumaskil sa mukha ng host. Dumukot ito sa bulsa ng pants nito saka may kinausap na sa phone.
“Bakit tayo nandito?” Huli na 'yong tanong ko pero kailangan ko pa rin itanong.
“To do your project.”
“Our project” pagtatama ko.
“Whatever.”
“Anong kinalaman ng nightclub sa project natin?"
Pa-dekwatrong sumandal sa couch si Argus bago tumingin sa akin. Ang gwapo talaga ng lintik kaso ang moody! Mas lalong lumakas ang dating nito sa ilalim ng red at purple na ilaw. He looks dangerously handsome.
“Stop asking stupid questions, will you?” I can hear that he is annoyed already so do I.
“I am here to get to know you—”
“Exactly.” Putol nito sa sinasabi ko.
After 5 seconds nag sink in na sa akin ang gusto niyang mangyari. So isinasama niya ako kung saan-saan para obserbahan ko kung anong buhay at personality meron siya.
Bakit gusto niya pa akong pahirapan kung pwede niya naman iyong sabihin na lang sa akin para hindi nasasayang ang oras naming pareho 'di ba?
Gusto ko sanang mag rant sa kaniya kaya lang baka lalong maasar sa akin at biglang magbago ang isip.
“Okay.” sabi ko nalang saka sandaling tinikom ang bibig sabay kuha ng cellphone ko at nagtipa doon.
“What the hell are you doing?” tanong ni Argus.
“Taking notes.” Hindi nakatingin sa kanya na sagot ko. “Kailangan kong masiguro na wala akong mami-miss na personality mo. Iba ang tao pag nakainom na.” ani ko na hindi pa rin tumingin sa kaniya.
“Crazy.”
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niyang 'yon.
“Hoy! Sinabihan mo ba akong bal—”
“Am I seeing right?” sambit ng kung sino sa likuran ko na parang kabuteng bigla na lamang sumulpot doon.
Nang lumingon ako ay nakita ko ang dalawang alipores ni Argus. Si Toffee at Allen. Mukhang hindi nila kasama si Chris.
Nag-fist bump ang mga ito kay Argus bago naupo.
Namamanghang tumingin sa akin si Toffee. “Classmate ka namin right? Who are you again?”
“C-Chantal.” Ilang na ilang kong sabi.
“Naligaw ka ata.” singit ni Allen sabay nagtawanan pa ang dalawa.
Natigil lang iyon nang may dumating na mga tao. Base sa uniform nila mukhang staff ng nightclub.
Manager. Ang nakalagay sa nametag ng isang lalaki na siyang may bitbit na dalawang bote kasunod nito ang ilang servants na may bitbit namang tray na may lamang mga baso at kung anu-ano. Nakuha no'n ang atensyon ng mga nasa malalapit na table sa amin.
“Whoa! Man, tres for her?” bulalas ni Allen.
Nagtataka tuloy akong napatingin sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon siya ka-oa mag- react. Parang dalawang bote ng alak lang naman iyon.
Hanggang sa ipaliwanag ng host kung ano ang inuming iyon habang ina-assemble at mini-mix sa harapan namin.
“This is a Charles Heidsieck 1981 Champagne Charlie and a Remy Martin's Louis XIII...”
Blablabla napakahirap intindihin ng pangalan ng alak na 'yon.
Ang daming sinabi ng host tungkol sa mga bote ng alak na iyon na ang tanging tumatak lang sa utak ko ay kung gaano ang inuming iyon ay nagkakahalaga ng 300 thousand pesos!
Parang gusto kong mahimatay sa presyo ng inuming iyon. Now I understand kung bakit ganoon na lang kamangha ang mukha ng isa niyang alipores nang makita ang alak.
Pagkatapos i-assemble ang inumin ay umalis na din ang staff ng club. Para sa mga taong gusto ng atensyon bagay ang inumin na ito. Iyon bang tamang pasikat lang sa gilid?
Hindi ko alam kung kukunin ko ba ang gold-rimmed cocktail glass na inaabot sa akin ni Argus matapos kong malaman ang presyo niyon.
“You can't go home if you don't drink it." Tofee said.
“That's called hostage-taking.”
Tumawa ang dalawang alipores.
“If you don't drink this you can go home now and don't bother me anymore.” seryosong sambit ni Argus while looking at me straight in the eye.
Hindi ‘yon banta kundi tunog hamon sa akin.
Nanginginig ang kamay kong inabot ang baso. Hindi ako kinakabahan kung malalasing ako dito. Mas kinakabahan pa ako sa presyo ng iinumin ko. Sayang naman iyon kung hindi ko iinumin. Pero kung isa ako sa mga makakapal na mukha, baka hiniling kong cash nalang iyon. Edi sana marami ng narating ang ganoon kalaking pera.
“Good girl.” Argus said while smiling. Mas naningkit pa lalo ang singkit niyang mata nang nilagok ko na ang alak.
Muli akong tumingin sa orasan. Mag a-alas dose na. 9 pm pa lang ay nandito na kami ni Argus. Hindi ko na din alam kung saang lupalop nagpunta yung dalawa niyang alipores. Ilang oras na ang nakalilipas at pakiramdam ko ay gumagaang na ang ulo ko.
“Ang sarap mo naman pala kaya ang mahal mahal mo!” kausap ko sa basong hawak ko na may lamang mamahaling Champagne.
“You're drunk already?” tanong sa akin ni Argus na nasa tabi ko habang pinapanood ko ang mga taong nagsasayaw sa dancefloor.
“Mukha na ba?” pagkatapos ay natawa ako. Hindi ko alam kung bakit ako natatawa. Para akong nakalutang.
“Yeah. You're drunk.”
“Hindi pa naman to the point na sasayaw ako nang ganon.” Sabay turo sa babaeng bigay na bigay sumayaw sa gitna ng dancefloor.
“What’s wrong with that? She looks happy.”
“Baka hilingin kong kainin na lang ako ng lupa.” tawa na naman ako.
“Do you think these people care about that? They are too wasted to even notice.“
“Hindi nga siguro. Kaso shy type ako e. Hehe.” Sakto naman na may nakita akong mga naghahalikan. Kung nasa tamang huwisyo pa ako ay nakikilala ko pa ang isa sa kanila. 'Yong artistang ang mga role ay laging mabait. Mukhang wala nga silang pakielam sa paligid kahit yung mismong nasa paligid nila hindi din sila pinapansin.
“When you are drunk you become talkative. Noted.” Sabay inom ng alak sa shot glass.
“Ikaw, hindi man lang bumait. Noted din.”
May iniabot itong kung ano sa akin.
“Necklace?” Bakit niya ako binibigyan ng necklace? I gasp. Hindi kaya…
“It's not what you think it is.”
“Wala akong iniisip. Baka ikaw lang nag-iisip no'n.” Deny ko.
“You are too transparent. It's written all over your face. Free 'yan together with our drinks.”
Itinaas ko ang white gold necklace na may black pearl na pendant. Ang ganda niyang tignan. It looks exotic and sophisticated. The black pearl reminds me of Argus’ eyes.
“Argus, can we talk?”
Narinig ko mula sa pamilyar na boses.
“Pres Li?” gulat kong sabi. Akala ko namamalikmata lang ako. Hindi ko ini-expect na makikita ko siya sa lugar na ito.
“Chantal?” Mukhang ganon din siya. “ I... didn't expect you to be here.”
“Same.” Nakangiti kong sabi.
Narinig kong natawa si Argus pero saglit lang. Hindi ko alam kung bakit siya natawa.
“Anyway, can I barrow Argus for a while?”
“Okay.” Agad kong sagot.
“Why are you asking her? Ako ang kakausapin mo.” sabat ni Argus.
“Thanks, Chantal! See you later!” saka bigla na lang hinila nito si Argus kung saan.
Ako naman ay ninanamnam ang mamahaling inumin at ibinulsa ang kwintas.
Mukhang close si Pres Li at Argus. Naalala ko tuloy 'yong sinabi ni Kiel na kaya daw ni Pres Li si Argus. Napansin ko nga na ito lang din ang nakakagawa ng ganon kay Argus nang hindi man lang natatakot.
Bumalik na lang ako sa table namin at doon ko itinuloy ang pag inom. Halos kalahating oras na din ang lumipas pero hindi pa rin nakakabalik si Argus. Mukhang importante ang pinaguusapan nila.
Inilibot ko ulit ang aking mga mata sa kabuuan ng lugar nang may pamilyar na mukha akong nakikita.
Huh? Wait. Totoo ba itong nakikita ko?
Kiel???!
Lasing na nga yata talaga ako. I shook my head na pinagsisihan ko din kaagad dahil nahilo ako so I rubbed my eyes instead.
Pero hindi nagbago ang nakikita ko. Si Kiel nga! At papalapit siya sa akin!
“Chantal! I thought my eyes are deceiving me. It's you!”
Para akong napako sa kinatatayuan ko at bumilis ang t***k ng puso ko.
“K-Kiel…”
“What are you doing here? I mean who are you with?”
“I-Im with Argus…”
Nagulat ata siya sa sinabi ko. Ako din naman nagulat kung bakit ako nandito.
Shocks! Kahit umiiikot ng konti ang paningin ko ang gwapo niya pa rin! C'mon heart! Stop going crazy! Baka mahalata ako ni Kiel!
Maya maya pa ay para siyang may hinahanap.
“He’s with Pres Li. Almost half an hour na din nang umalis sila.”
“Is that so?” wala sa loob ni Kiel.
“Tara hanapin natin sila?” I tried to stand up pero biglang umikot paningin ko kaya napaupo ako ulit at napahawak sa ulo. “O-Okay lang ako.” sabi ko kahit wala pa siyang tanong.
Mabilis niya akong inalalayan. “You’re drunk. I think you need to go home Chantal. Let's go, I'll take you home now.”
“She came in here with me so she will come out here with me.”
That cold voice na kahit nakapikit ay kilala ko.
“Argus.” Pormal na sabi ni Kiel.
“Hah. Really Kiel, you should avoid meddling with others’ business. It's start to become your hobby. A bad hobby actually.” May diin na sabi ni Argus.
“I can't believe you let her get drunk. You even left her here alone.”
“She should be more careful with a wolf pretending to be a sheep than being here alone. Who among here is crazy enough dare to approach my companion? Ah, yeah, you.”
Nakita ko ang inis sa mukha ni Kiel. Mukhang humuhugot ng mahabang pasensiya.
“I’ll take her home. Let's go Chantal.”
Kiel tried to reach me with his hand but Argus stops him.
“Ahm…” I tried to interfere pero masyadong malakas ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Bakit gano'n sila magpalitan ng salita?
“Stop it, you two.” Saway ng aming class president. “You’re too old for that. I'll take Chantal home.”
“Right. Take this guy here with you Lilian.” sabay kuha ni Argus sa kamay ko at itinaas niya. “You see, she's with someone else. I am with her.” Saka ngiti na nangaasar.
Walang nagawa si Kiel nang hilahin siya ni Lili palayo. Mabilis din na binitiwan ni Argus ang kamay ko. Doon lang bumalik ang normal heart rate ko. Parang good thing na din na si Argus ang kasama ko kasi hindi ko ma-imagine ang t***k ng puso kong naghuhurumintado kapag nakikita ko si Kiel. Baka may magawa pa akong kung anong pagsisisihan ko kinabukasan lalo na ngayon na nahihilo na ako sa kalasingan.
“Hey, Get up.” Narinig kong sabi ni Argus habang nakapikit ako.
“Parang di ko yata kaya…” kanta ko pa.
“What the f**k—Hey!”
Ang huling salitang narinig ko kay Argus bago nagdilim ang paningin ko sa sobrang hilo.