Halos kalahating oras na 'ata akong nakaupo lang sa kama simula nang magising ako.
Kanina ko pa ni-re-recall kung paano ako nakauwi dahil ang huli kong lang na natatandaan ay noong nasa Delirium Nightclub pa ako. Dagdag pa ‘tong nararamdaman kong sakit ng ulo. Kulang ang salitang pinupukpok sa nararamdaman ko ngayon. Mas tamang description ang parang may nagdi-drill sa ulo ko!
Pakingteyp! Paano ba ako nakauwi? Sino'ng naghatid sa akin? Si Argus ba? Imposibleng magsayang ng oras ang isang ‘yon para ihatid pa ako rito. Baka binalikan ako ni kiel? At bakit naman niya ako babalikan? Haaaays! Pwede na akong kunin ni lord pag nangyari 'yon! Pero hindi ito ang oras para magpantasya ako. Pwede ba akong umuwi ng gumagapang na wala sa sarili? Baka pwede naman iyon diba?
Basta isa lang ang sinisiguro ko, hinding-hindi na ako ulit iinom ng mamahaling champagne na iyon. Kahit gaano pa kamahal at kasarap ang alak na ‘yon hinding hindi na talaga.
Hinilot-hilot ko pa ang sintido ko hoping na kahit papaano ay mabawasan ang sakit ng ulo ko. Baka makapa ko ang braincells na magpapaalala sa akin kung paano ako nakauwi.
Napatigil ako sa paghilot nang biglang may kung anong imahe ang pumasok sa isip ko.
“Hey! Wake up! Where the hell will I take you?”
“Ayoko pang umuwi! Uminom pa tayo! Umorder ka pa ng masarap na alak na ‘to!”
I gasp in horror.
Nasundan pa iyon nang isa pang flashback.
“Lakasan mo pa ang tulak Argus!”
“This is f*****g exhausting!”
OH MY GOD! OH MY GOD! Mukhang nasiraan ako ng ulirat kagabi!
Sinabunutan ko ang sarili ko nang malakas. Packing tape talaga! Ano kaya iyon?!
OH MY GOD!
Pinilit kong alalahanin ang buong pangyayari pero lalong sumakit ang ulo ko.
Relax, Chantal. Baka panaginip lang ‘yon. Diba kapag nananaginip tayo may naaalala tayong pangyayari? Baka sa sobrang kalasingan eh binangungot ako at hanggang ngayon naaalala ko pa yung bangungot na ‘yon.
Tama. Iyon ‘yon.
Kahit masakit ang ulo at katawan at gusto ko pang matulog ay pinilit ko na lang tumayo at naghilamos.
Habang bumababa ng hagdan ay amoy ko na kaagad ang bawang. Mukhang nagluto ng sinangag si Ate Alleri
“Here comes the star!” malakas na sabi ni Ate Benneth
“Argus?!” Gulat na gulat at nanlalaki ang mata kong sabi nang makita ko siyang prenteng nakaupo sa hapag kainan habang suot ang oversized shirt ko at maikli kong pajama. Hindi ako makapaniwala na kumakain siya kasama ang mga ate ko.
“Eyy.” walang gana niyang sabi sabay subo ng kakahangong sinangag ni ate Alleri.
Sinampal ko pa ang sarili ko. Baka binabangungot ako sa mga oras na ito. Masakit na sampal na iyon pero para atang mawawalan ng t***k ang puso ko sa katotohanang, nandito talaga si Argus!
SI ARGUS MONTEFALCO NA PINAKAIN AKO NG LIBO-LIBONG HALAGA NG PAGKAIN AT ALAK AY KUMAKAIN NG KANIN MULA PA KAGABI NA SINANGAG LANG KASAMA ANG MGA ATE KO! TOTOO BA ITO? Hindi kaya isumpa ako nito pagbalik sa school?
Can you imagine that? The image was so bizarre.
“Kailangan kong magkape. 'Yong black. Walang asukal.” Wala sa sarili kong sabi. Baka sakaling magising ako ng tuluyan.
“Maupo ka na Chantal.” Monotone na utos ni ate Alerri. Ang panganay sa aming magkakapatid. Strict at medyo old school. Sa kaniya talaga ako kinakabahan kaya pinatay ko ang cellphone ko noong nasa Delirium kami.
Napangiwi ako don. Tinatawag lang ako ni ate sa buong pangalan kapag seryoso niya akong kakausapin.
“One black coffee without sugar for bebe girl.” nakangiti na parang nanunukso akong inabutan ni Ate Benneth ng kape saka naupo sa tabi ko.
Tatlo kaming babae na magkakapatid. Si ate Benneth ang pangalawa at ako ang bunso. She's the kikay one. Fashionable, bubbly at ang madalas na kakampi ko. Katabi ni Ate Alleri si Argus na dedma sa 'kin at patuloy lang na kumakain.
“Chantal, sabi ni Argus galing kayo ng—”
“Sorry talaga ate! Hindi na ako pupunta doon promise!”
“Pft!”
Naagaw ang pansin namin sa pigil na tawa na iyon ni Argus. Nilakihan ko siya ng mata.
“Please continue. Don't mind me. I just remembered something.” sabi ni Argus.
Inirapan ko siya. Siya ang may kasalanan kung bakit ako may hang over at pinapagalitan ni ate Alleri ngayon.
“Wala akong kontra kung gusto mo man uminom at magpunta ng amusement park pero sana hindi 'yong wala kang pasabi. Pinag-alala mo kami."
Huh? Amusement Park?
“Ano ba yan ate, malaki na yan si Chants. Kaya na niyan sarili niya.” Kontra ni ate Benneth habang sumusubo ng sinangag. Nakita ko pa kung paano niya iabot kay Argus ang bandehado.
“Oo. Alam ko. Nakikita ko. Ang punto ko, Kung gusto niyang magpa umaga ipaalam niya lang sa atin kasi nag aalala tayo sa kanya. Babae pa din siya.” sabi niya kay ate Benneth pagkatapos humarap ulit sa akin. “Paano kung wala si Argus para iuwi ka rito? Baka mabalitaan na lang namin kung saang lupalop ka na nakahandusay.”
“Sorry Ate…”
Well, may punto naman si Ate Alleri doon. Kung hindi ko rin sana hinayaan ang sarili ko magpakalasing eh di nakauwi sana ako ng nasa huwisyo pa.
“Hay nako Chantal. Di yan makatulog kagabi kahihintay sa'yo. Di ka pa sumasagot sa tawag. Buti na lang tinawagan kami nitong gwapong nilalang na'to.”
“Thanks.” sagot naman ni Argus.
“Sige, kumain ka pa.”
Gusto kong ngumanga sa harapan nila. Si ate Benneth at Argus akala mo matagal ng magkakilala. Nakakapanibago! Hindi ako sanay na ganiyan siya ka-approachable at friendly tignan. Hmmm! Halatang uma-acting ang Argus ba ito sa harap ng mga ate ko. And he is nailing it!
Sinipa ko si Argus sa ilalim ng lamesa para humingi ng paliwanag. Pero nag smirk lang ang ungas.
“Please Chantal. Sa susunod magsabi ka hah. Alam mo naman na kargo ko kayo ni Benneth. Ayokong isipin nila mama at papa na kinukunsinte ko ang ganitong gawain mo porke nasa ibang bansa sila nagtatrabaho. Sana hindi na maulit pa ‘to.” Striktong sabi ni Ate.
“Yes ate…” hindi na talaga!
“O,” abot niya sa akin ng gamot sa sakit ng ulo at katawan. “Inumin mo ‘to pagkatapos mong kumain. Aalis na ako, may klase ako ngayon. Sayang din kasi. Tuwing Sunday lang schedule ko para mag-tutor. Extra income din.”
“Strict lang yan si ate Alleri pero sweet at masipag!" Pang tutukso ni ate Benneth.
“Ewan ko sa 'yo.”
“Te! Sabay na ako! Ikaw na bahala kay Argus, Chants.” Nagmamadaling sabi ni Ate Benneth sabay sibat na.
Dalawa na lang kaming naiwan ni Argus sa lamesa. Hindi niya pa rin ako pinapansin at patuloy lang na kumakain.
“Hoy! Bakit ka nandito?” agad na tanong ko.
“Because of someone who can't hold their liquor.”
“Anong nangyari kagabi? Paano ako nakauwi? Bakit mo tinawagan sila Ate?”
“I dunno your address so I search for your emergency contact in your phone.”
“Anong nangyari kagabi? Ano yung sinasabi kanina ni ate na Amusement Park? Nagsinungaling ka?”
“I just said that to save us both. I just save you. Hindi ko sinabi kung anong ginawa mo sa club. You should thank me first.”
“Eh di thank you. So anong nangyari kagabi?”
Kinakabahan ako. Feeling ko may hindi ako ginawang maganda base sa flashback sa isip ko kanina.
Ngumiti si Argus nang nakakaloko. “You don't really remember?”
May hinugot ito sa bulsa niya. Resibo galing sa Delirium nightclub. Kinuha ko iyon at tinignan.
“Resibo. O ano?” taka kong tanong sa kanya.
Kumuha muna siya ng ham bago sumagot “That's what you ordered last night.”
“ANO?!” napatayo kong sabi. “65 thousand pesos?! Siraulo ka ba?”
“More like, the one who went crazy last night was you.”