"Drive me wild, sweetheart." walang pagdadalawang-isip na sabi niya. "Gagawin ko," determinadong sabi nito. Mula sa nililikom na mga papel, nag-angat ng mukha si Hillary at binato ng tingin ang direksiyon ni Seven. Lumingon si Seven na parang naramdaman ang titig niya. At sa hindi na mabilang na pagkakataon ay nagsalo sila sa maiinit na tingin at nag-aalalang ngiti. Nagising silang masaya at kuntento kanina. Kahit hindi pinag-uusapan ang naganap na pagtatalik, parang wala namang problema sa parehong panig nila. Kakatwa na walang ilangan, walang iwasan, walang batuhan ng mga pag-aakusa at angil. Sa halip ay para silang nasa alapaap na inakyat nila kagabi at hindi pa nakakababa. Nagkakahulihan silang nakatitig sa isat isa at imbes na mailang, nauuwi sa pagngiti at pag-uusap ng mga mata
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


