bc

The Remarkable Night

book_age18+
662
FOLLOW
2.4K
READ
billionaire
one-night stand
HE
badboy
independent
heir/heiress
sweet
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Wala nang ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda nang hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asawa o boyfriend man lang.

Kaya nang minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na ni Hillary ang suggestion ng kaibigan niya na maghanap ng lalaking magbibigay ng anak sa kanya at pagkatapos, kalimutan na lang ang gabing iyon. Pero hindi sumang-ayon ang tadhana kay Hillary.

Hindi siya nabuntis. At lalong hindi niya pwedeng kalimutan na lang ang gabing may nangyari sa kanila ng isang gwapong estranghero. Buong akala niya ay hindi na niya muling makikita pa ang estrangherong iyon pero gusto na niyang kumaripas ng takbo pauwi ng magkita sila ulit nito. Sa isang kasal kasi ng isa sa mga kaibigan niya, nagkita sila muli ni Seven Fuentes-ang lalaki sa bar na ubod ng macho, gwapo, at bango.

At ang loko, pinilit siyang saluhin ang wedding bouquet dahil sa pagbabanta nitong sabihin sa kaibigan niya ang nangyari sa pagitan nila. Wala siyang pagpipilian dahil hawak ni Seven ang sekretong ipinamba-blackmail nito sa kanya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Two months ago Pumasok si Hillary sa isang American bookstore. Her hair was tied in a bun. Nakawala na sa pagkakatipon at tuluyan nang lumaylay na sa gilid ng kanyang mukha pero hinayaan na niya. Papunta na siya sa Literature section nang tumunog ang cell phone sa kanyang bag. Yumuko siya para buksan ang bag at kunin ang cell phone habang malalaki pa rin ang hakbang. Dahil nakayuko, hindi sinasadyang bumangga siya sa tagiliran ng isang bulto ng katawan. "Sorry," aniyang hindi tinitingnan ang nabangga bago umiwas at nagpunta sa isang sulok para sagutin ang tawag. Si Chloe, ang kanyang kaibigan ang tumatawag.  Mabilis din naman na natapos ang tawag ng kaibigan. Ibinalik ni Hillary sa bag ang cell phone at tinungo na ang pakay na libro. Nakuha naman agad niya ang gusto. Pagkatapos niyon ay naengganyo pa siyang magbasa-basa ng mga teaser ng mga librong nasa bestseller list. Ang mga nagugustuhan ay kinukuha na rin niya para bilhin. Babaunin niya ang mga librong iyon sa Singapore para sa tatlong araw na business conference kung saan kasama sila ni Chloe sa mga representative ng kanilang kumpanya. Sa susunod na linggo na ang flight nila kaya naman nag-uumpisa na siyang bilhin ang ilang kailangan niya. "Hillary?!" sabi ng isang babae. Ako kaya ang tinatawag? tanong ni Hillary sa sarili.  Nag-angat siya ng ulo para tingnan ang pinagmulan ng boses. Nakakita siya ng babaeng malawak ang ngiti habang lumalapit sa kinaroroonan niya. Morena ito at kakaiba ang dating ng ganda. Parang lumalabas ito mula sa mga pahina ng mga Vogue magazine. Parang kilala ko siya, naisip niya. Saglit niyang hinagilap sa isipan kung kilala ba niya ang babae habang nakatingin siya dito. "Hillary Esquivel? Ikaw nga! Uy, hindi mo ako makilala, ano?'' tumatawang sabi ng babae ng mahalata nito ang pagtitig niya dito. "Ako si Johanna. Kaklase mo no'ng high school, ano ka ba? Hindi mo na ba talaga ako nakikilala?" Bumuka ang mga labi ni Hillary sa gulat. "Johanna?"  Ito na nga ba si Johanna ? Ang kaklase niya noong high school na nagtataglay ng exotic beauty? Iyong iniiwasan ng mga lalaki dahil baka daw mahawa? Oh, well, pinagandang tawag lang iyon ng mga pilyo niyang kaklase.  But look at her now.  Lumitaw ang ganda nito. Hindi lang basta lumitaw kundi pansin na pansin. Sa totoo lang, nahahawig si Johanna sa mga black beauty na contestant sa mga nagdaang Miss Universe pageant. Kahit aloof noon si Hillary at may sarili ring mundo, isa rin naman si Johanna sa mga nakakasalamuha niya. Lima sila noon sa grupo; siya, si Johanna, si Gina, si Wendy, at si Sienna. Sa totoo lang ay wala na siyang balita sa mga ito. Pagkatapos kasi ng kanilang graduation ay nagkanya-kanya na sila ng mga landas. At dahil aloof naman siya at mapag-isa, hindi rin naman siya nagkaroon ng malalim na attachment sa mga kaibigan kaya marahil hindi rin siya nangulila sa mga ito. Pagkatapos ay nakilala ni Hillary si Chloe sa kanyang pinagtatrabahuhan, ito na ang naging best friend niya. "Sorry, hindi kita nakilala agad," aniya. Parehong nagpipigil ng tili na yumakap sila sa isat isa. Agad din siyang humiwalay at pinagmasdan ang kabuuan nito. "Wow! Wala akong masabi. You look so beautiful and stunning, no doubt!" "Gandang 'di ko rin inakala," sagot ni Johanna, humahagikgik. Hindi rin napigilang mapahagikgik ni Hillary. Sino nga ba naman ang mag-aakala na huhubugin ng panahon ang ganda ng kaibigan? Maikukumpara ito sa pamosong kuwento ng isang ugly duckling na naging napakagandang swan. "Ay!" tili ni Johanna nang may maalala bigla sigurong mahalagang bagay. "Hulaan mo kung sino ang malapit nang ikasal." Bahagyang tumaas ang kilay ni Hillary. Kumikinang ang mga mata ni Johanna at hindi maipagkakaila ang kasiyahan. It was definitely radiating all over her aura. Hinanap niya ang ring finger nito. Mukhang wala namang balak si Johanna na itago ang palasingsingan kaya nakita niya agad ang singing na kumikinang doon. The diamond in it was glittery and sparkling, like her eyes. "OMG! Magpapakasal ka na?" "Yes! At imbitado ka!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook