Savanna’s POV Nasa isang restaurant kami ngayon para magcelebrate, nakapagbihis na din kami at masayang kumakain. Coach Leah was telling us all of her plans for the final competition, paulit-ulit niya din kaming binabati sa pagkapanalo. “Savanna’s move after Khaya fell really got the judges amazed and stunned. That was brave, Savanna,” Coach Leah in her proud tone. Nahihiya na lamang akong ngumiti sa kanya. “But one judge, gave us a low score,” dagdag ni coach dahilan para matigilan kami saglit. Ang hawak kong pizza na nakaangat sa tapat ng labi ko ay binaba ko sa pagtataka. Sino? Tatiana? “Sino coach?” I heard my squadmate asked. “Mr. Fausto Tugado.” Halos mabilaukan ako sa sariling laway, hindi inakala na siya pa mismo ang magbibigay ng mababang score sa amin. That man!

