Savanna’s POV Pumasok kami ni Fausto sa isang mamahaling resort, maraming villa pero walang tao. Para bang nirent na ang buong resort para sa amin. Habang nakikipag-usap si Fausto sa manager ng resort ay nilibot ko ang aking mga mata. Not bad, the resort looks high class. Hindi lang yun, pati ang beach ay maganda. “Let’s go,” Fausto murmured. Naramdaman ko ang palad nito sa baywang ko kaya hindi ko mapigilan na mapabaling doon, nasa likod naman namin ang dalawang lalaki na may bitbit na gamit namin at susi. Nang makapasok na kami sa Villa ay binaba na ng dalawang lalaki ang gamit namin at magalang na umalis, I wandered my eyes around the area. Maraming pinto, may malawak din ang espasyo at may magandang view sa garden sa likod, may pool area din, at sa harap ang tanawin na dagat.

