Savanna’s POV Dumating na ang araw ng tournament, wala akong Fausto na nakita. Napailing na lang ako, siguro ay binibiro lang ako nun na manunuod siya. He is a busy man, why whould he even go here just to watch the cheerdance competition? Kasama ko ngayon si Khaya papunta sa locker room nila at panay din ang bati ng mga students na nakakasalubong namin. “Kinakabahan ako, ako ang nasa harap. I’m the main face of the group.” Magaan kong nginitian si Khaya at binigay sa kanya ang isang bottled water. “You’re the face of the group dahil magaling ka,” pagpapagaan ko ng loob niya. “Paano kapag nagkamali ako? Super strict pa naman ng mga judge ngayon,” simangot nitong sambit. Akmang magsasalita pa sana ako pero may isang babae na nakaponytail suot ang cheerleader uniform nila ang lum

