Savanna’s POV Napahimalos ako ng mukha matapos maalala ang nangyari nung gabing pinuntahan ako ni Fausto. Hindi naman ako nagsisisi na sinabi ko sa kanya ang lahat, ngunit hindi ko alam kung ano na lang ang iniisip niya tungkol sa akin. He might be thinking how evil I am. I’ve said my darkest secret to him, ni hindi ko nga masabi yun kay Khaya na kaibigan ko. I’m afraid of what I’m feeling for him, tila ba ang bilis niyang makapasok sa buhay ko. “You haven’t seen Yoga? Hindi ka pa ba humihingi ng tawad sa kanya?” Khaya asked after closing her books. Nasa cafeteria kami ngayon at mas nagiging abala ang mga students sa darating na tournament, habang ako ay hindi alam ang pagkakaabalahan. Mas tinuon ko na lang ang oras ko sa pag-aaral para sa darating na lessons namin after the tourn

