JONATHAN POV Sinabi ko na sa mama ko ang good news na gagawa na ng paraan si ate para madaling maoperahan si papa. Sayang nga eh, 40 thousand lang ang kailangan. Akala ko ay makaka kupit na ako ng sampung libo para makabili ako ng branded na damit na dapat ay ireregalo ko sa sarili ko. Wala ngang nakaka alala sa pamilya ko na birthday ko na next week. Ang gusto ko lang naman ay may mag bigay sa akin ng branded na damit. Subalit sasabihin sa akin ng ate ko, marami pa kaming ibang mga gastusin sa bahay na kailangan naming asikasuhin. Tsaka na yung mga hindi importanteng mga bagay na walang kakwenta kwenta. Di kami nangingitlog ng pera kaya kailangan magtipid. Ang nakakalungkot pa, umabsent na ako sa trabaho ko para lang mabantayan si papa pero tinaboy din ako ng mama ko. Mabuti na lang,

