JESSA POV Nasa gitna pa lang kami ng lintik na edsang ma traffic. Ang lakas din kasi ng buhos ng ulan kaya dumagdag pa ito sa problema namin. Ako nga gusto ko na lang na umuwi at magpahinga. Sa biyahe pa lang ay ubos na ubos na ang oras namin. At napapansin ko na rin na mainit ang ulo ni Sir Calvin. Mas lalo ko siyang ayaw kausapin kasi baka masalo ko ang galit niya. "Mag short cut na tayo para walang problema," sambit niya sa akin. "Nauubos na ang pasensya ko sa lintik na traffic na ito. Halos araw araw na lang ganito eh." Paano kaya kami makakapag shortcut nito eh ang lala ng traffic? Maliban na lang kung papaliparin niya yung sasakyan para maka alis kami kaagad. Bumaba siya ng sasakyan niya kahit na ang lakas pa ng ulan sa labas. Tiningnan ko kung ano ang gagawin niya sa labas. Nap

