JESSA POV Natuloy kaming dalawa ni Alma sa aming lunch break. Kasama pa nga namin sa loob si Sir James pero ang taray ng taong ito. Ni hindi nga siya namamansin eh, ang sama ng loob yata dahil sa nangyari. Pahiya kasi siya kanina sa harapan ni Sir Calvin. Buti nga sa kanya, sana sa susunod ay sa harapan na ito ng maraming tao upang mas damang dama niya ang pagpapahiya ni Sir. Bumaba siya ng second floor, malamang kakain siyang mag isa nito mamaya. Palagi naman siyang mag isa kung kumain eh. Sino ba ang gustong sumama sa isang kagaya niya? Ang hirap pakisamahan ng ganitong klaseng tao. Siya tuloy ang naging paksa namin ni Alma sa lunch namin dito sa isang restaurant sa baba ng aming company. "Grabe noh? Ang sungit talaga ng tao na 'yan, malamang magda drive siya at kakain sa malayong r

