JESSA POV Hays, may jowa itong si Alma pero ibang iba ang awrahan niya ngayon na kaharap namin si boss. "Pwede ba akong maki table sa inyo. Hindi kasi ako sanay kumain mag isa eh," pagpapaalam niya pa. Akala mo ay totoong mabait pero kapag kaming dalawa ang magkasama ay masungit. "Sie po sir, dito po sa tabi ko maluwag pa," sambit ni Alma sabay usog. "Gusto ko sanang tumabi dito kay Jessa," sambit niya pa. Napatingin ako sa kanya. Naiinis ako sa ngiti niya sa akin pero umusog na ako. Maging ang pagkain ko ay inusog ko rin. Ang galing naman, sadyang stalker ba ang taong ito? Paano niya nalaman na dito kami kakain ni Alma? Dahil sa ayaw ko siyang katabi, ginawa ko na lang abala ang sarili ko sa pagkain. "Sir tanong lang po," sambit ni Alma, tila ay hindi awkward sa kanya na nan

