SORPRESA

1066 Words
JESSA POV Isang oras ang lumipas, nasa jeep na ako at naupo sa unahan. Nakapatong sa mga hita ko ang bag ko. Nakatingin lang ako sa side mirror, buti na lang at wala akong katabi. Madaling araw na rin kasi at walang traffic sa daan. Subalit dama ko pa rin yung sakit ng katawan ko. Nanlumo nga ako ng maraming dugo yung lumabas kanina matapos naming magtalik ni Calvin. Ang laki ng alaga niya, tila ay hihimatayin ako. I thought na hindi ko ito masu survive sa taba at haba nito. Feeling ko nga ay tinitira niya pa rin ako ngayon. Sana ay hindi na ganito kasakit sa susunod na client ko. Ang mahalaga rito ay nairaos ko ito at may 25 thousand ako. Nasarapan din ako sa ginawa niyang pagroromansa sa akin at halos namumula pa ang leeg ko sa dami ng kagat niya rito sa pang gigigil niya sa akin kanina. Pero tulog na ang mga tao sa bahay, wala nang makakakita sa akin. Naka lock man yung pintuan namin pero may ID ako at madali lang buksan. Nakakapagod lang din, gusto ko pa sanang humiga kanina sa motel room kasi ang lambot ng higaan doon kaso lang ay baka magtaka na ang pamilya ko kung bakit inumaga ako ng uwi. Sinabi ko kasi sa kanila na marami lang akong inasikasong trabaho at sa tingin ko ay naniwala sila. Magha half day lang ako sa duty kasi masakit ang katawan ko. Mabait naman si sir Jonathan kaya ayos lang dito kung male late ako saglit. ---------------------- ---------------------- NASH POV Kagabi pa ako nandito sa bahay nila Jessa. Hinihintay ko nga ang kanyang pagdating. Sabi sa akin ng mama niya ay subsob lang ito sa trabaho sa kanilang opisina ngunit grabe na ang pag o overtime niya. Ang sarap murahin ng kanyang boss, dapat ay hindi pwersahan ang pagte take ng overtime dahil hating gabi na. Mahal ko ang girlfriend ko. 3 years na kaming dalawa at napapa isip na nga ako kung magpo propose na ako sa kanya. Tutal stable na rin ang trabaho ko at sa tingin ko ay stable na rin ang trabaho niya. Walang ideya si Jessa na nagpunta ako rito. Surprise visit ito pero mas na surprise ako kasi wala siya. Sayang nga, gusto ko sanang iabot sa kanya yung chocolate at roses na binili ko kaya lang ay wala siya rito. Nandito ako sa sofa at pilit kong nilalabanan yung antok ko. Akala ko kasi ay gabi siya uuwi. Subalit wala pa rin siya. Bumaba si tito Lars, ang papa ni Jessa. Halata sa magulo niyang buhok na kagigising lang niya. "Oh Nash? Akala ko ay umuwi ka na?" tanong niya. Kahit na pagod ako ay nagawa ko pa ring makangiti sa kanya. "Hinihintay ko pa po kasi si Jessa. Baka pauwi na po siya." "Madaling araw na. Baka doon na yun natulog sa office nila. Matakaw siya sa overtime. Baka maraming pinapagawa ang kanilang boss." "Eh parang imposible po na hanggang madaling araw ang pago overtime ni Jessa subalit kung totoo man ito, siguro ay ang sarap sapakin ng kanyang boss." "Kumalma ka lang. Pabor din kasi sa kanya kung mago overtime siya. Mas marami siyang over time, mas mataas ang sahod niya. Marami rin kasi kaming mga pinagkakautangan," ani niya habang pababa ito sa hagdan. "Baka gusto mo ng kape o pandesal? Bibili lang ako sa labas." "Ah sige po," nahihiyang sabi ko pa. Sakto at nagugutom na rin ako. Ayaw kong tanggihan yung alok niyang kape at pandesal. "Sige ikaw na rin pala yung bumili sa labas. Nirarayuma na rin kasi ako at hirap nang lumabas labas." Ako na lang din yung lumabas para bumili ng pandesal at 3 in 1 kape. Isang daan lang yung pera at dapat ay ibalik ko raw yung sukli. Pero ayaw ko na lang gastusin yung 100. Ako na lang yung magbabayad para wala siyang masabi. Pagbalik ko ay sabay kaming nag almusal ni tito Lars ng pandesal at kape. Ayaw ko yung ganitong nakakabinging katahimikan kaya nagsalita na lang din ako. "Si tita nga po pala? Bakit ayaw niyo pa pong gisingin?" tanong ko. "Ginising ko siya kanina subalit minura lang din ako. Masyado ko raw siyang pinagod kagabi kaya matutulog pa raw siya." Nalunok ko yung pandesal sa bibig ko. Ang aga aga pero ang dumi na kaagad ng pumasok sa utak ko tungkol sa sinabi niya. Nag s*x ba sila kagabi? Bakit niya ito sinasabi sa akin? "Minasahe ko kasi ang likod niya na masakit na rin. Nilagyan ko na rin ng salonpas. Ganito talaga ang problema kapag matanda na. Marami nang iniindang sakit sa katawan. Tingnan mo ako, kaunting galaw ko lang ay masakit na sa katawan ko. Eh mabuti at mga bata pa ang mga anak namin kaya maasahan na sa bahay." "Ganun po ba?" "Kaya iho, ito lang ang pakiusap ko sayo, pinapayagan namin si Jessa na magkaroon ng boyfriend subalit hanggang dito muna. Kaylangan pa namin ang anak namin. Pakiusap ko lang sayo na sana ay wag mo muna siyang buntisin o yayaing magpakasal. Ayaw muna namin ng kahati sa kinikita niya. Kung malakas lang sana kami ay magtatrabaho pa kami." Nakakasama lang sa loob yung ganito. Kung kelan nagpa plano na ako na magyaya ng kasalan ay tsaka pa ito mangyayari. Subalit sa tingin ko, ang girlfriend ko ang makakapag decide nito para sa sarili niya. "Subalit nabanggit niyo po na may lupain mo kayo sa Tarlaco hindi ba?" "Oo mayroon na kaming lupain doon pero naibenta na namin ito sa ninong ni Jessa matagal na panahon na. Naubos din ang lahat ng pera na kinita namin sa pagbebenta ng bahay namin doon. Ganito ang buhay, sa lahat ng nauubos, pera ang pinaka madali. Nash, gusto ko na manggaling mismo sa bibig mo na mananatili muna kayong mag nobyo. Ang hirap kasi kung kay Jessa ko ito sasabihin. Matigas ang ulo noon at minsan ay padabog pang makipag usap sa amin. Pero ikaw, lalaki ka at naniniwala ako na makikinig ka sa akin. Matagal na kayo ng anak ko at nasisiguro ko na sumasagi na sa isipan niyo ang pagpapakasal." "Sa maniwala po kayo o sa hindi, wala pa po sa plano naming dalawa ang pagpapakasal. Ine enjoy lang namin kung ano ang meron kami ni Jessa. Mga bata pa naman kami at tinutupad muna namin ang aming kanya kanyang mga pangarap."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD