JESSA POV
Sa wakas, matapos ng mahabang biyahe ko ay nakarating na rin ako sa tapat ng bahay. Medyo madilim pa sa aming lugar subalit may mga nakikita akong nag iinuman lang. Huminto na lang ako sa tapat ng bakery. Naalala ko kasi na bumibili si papa ng pandesal sa umaga. Ayaw ko na siyang maglakad pa ng malayo kaya ako na mismo ang bibili ng mainit na pandesal.
Dati ilang piraso lang nito ang kaya kong bilhin subalit iba na today, bumili ako ng bente nito at sinamahan ko na rin ng sampong three in one na kape. Paalis na sana ako kaso lang ay nagsalita yung tindera sa akin. Hindi ko ito kilala pero parang kilala niya ako sa mga titig nito. Bihira lang akong bumili rito, nakakapagtaka kung bakit ganito siya kung makatitig.
"Saglit miss? Namumukhaan kita! Ikaw yung madalas na sunduin ng boyfriend mong palaging naka polo ng puti."
"Tama po bakit?"
"Ay wala lang," nahihiya nitong sabi, "Bumili kasi siya ng pandesal dito kanina at kape. Naka polo siyang puti ulit."
Tumalikod ako kaagad at umalis. Binilisan ko ang lakad ko papunta sa bahay. Nagtataka ako, bakit walang pasabi sa akin si Nash na pupunta siya sa bahay. Ang hirap lang nitong paniwalaan, to see is to believe. Kahit na masakit pa yung katawan ko, nagmadali pa rin ako.
Nasa pinto pa nga lang ako ng aming bahay, naririnig ko na kaagad yung boses ng boyfriend ko na kausap ang papa ko. Naiinis ako kasi parang pinapagalitan ni papa si Nash sa tono ng pananalita nito. Pumasok na ako kaagad at nahinto sila sa usapan nila.
Napangiti si Nash samantalang si papa, ito yung unang nagsalita.
"Oh akala ko ay wala ka nang balak na umuwi eh. Mukhang marami kang ginawa sa office niyo ha?"
"Ganun po talaga pa. Priority ko kasi ang trabaho ko."
Mas lumapad pa ang ngiti niya, "Mas malaki na ang sasahurin mo ngayon kesa sa noong nakaraan. Tamang tama, malapit ka na rin sumahod."
Ang bigat ng ganitong sitwasyon. Mas dumoble pa ang sakit ng katawan ko sa sinabi ni papa. Imbes na kamustahin ako, pera ang unang pumasok sa kanyang isipan. Ayaw ko na lang mag tuon ng pansin sa sinabi niyang ito. Sa halip ay lumingon ako kay Nash.
"Oh bakit andito ka? Bakit wala kang paalam sa akin na pupunta ka rito?"
Ngumiti lang siya, "Pumunta lang ako rito kasi na miss kita."
Bigla siyang napatingin sa leeg ko, yung part na tinatago ko sa kanya. Nakaka s**t ang pangyayaring ito. Alam ko na kung ano yung susunod niyang itatanong sa akin.
"Oh anong nangyari sa leeg mo ha? Bakit parang may kagat ka?"
Hahawakan na sana niya ang leeg ko pero lumayo ako.
"Allergy lang yan. Kumain kasi ako kanina ng almond sa office kaya nangati yung leeg ko. Ang kati kaya kinamot ko lang ng kinamot kaya namula ng ganito."
"Teka lang. Pahiran mo kaagad ng gamot para hindi na kumati. Gusto mo ba magaya ka sa tita ko? Yung simpleng rashes lang niya at lumala na at kumalat sa kanyang katawan?"
Buti na lang at walang pag dududa sa akin ang boyfriend ko. Subalit naa appreciate ko yung pagigng concern niya sa akin. The best talaga ang attitude niyang ito kaya mas lalo ko siyang minamahal. Kahit pa may lungkot ako na naisuko ko na yung p********e ko na dapat ay ilalaan ko para sa kanya.
"Salamat, Nash, bibili na lang ako mamaya. Ayaw ko sanang maputol yung pag uusap natin kaso ay inaantok na ako. Hinahanap na ng katawan ko ang pahinga. Kung ayos lang sana sayo, baka pwedeng umuwi ka na lang din para makapag pahinga ka. Babawi ako sayo next time."
"Ganun ba? Ayos lang, ang mahalaga lang dito ay nagkita tayo. Eh ang totoo kasi, kagabi pa kita hinihintay. Balak sana kitang sorpresahin ng bulaklak at chocolate at maka kwentuhan."
Siguro sa pagod ko na rin kaya namalikmata ako kanina at hindi ko napansin na may roses pala at chocolate sa lamesa. Palaging ganito si Nash sa akin, kahit na ilang beses ko nang sinasabi sa kanya na wag nang mag abala pang mag dala ng bulaklak, siya pa mismo ang nagpupumilit.
"Gastos na naman ito para sayo."
"Ayos lang sa akin. May extra lang din ako kaya bumili ako."
Kinuha niya yung bulaklak at binigay ito sa akin.
"Umakyat ka na at mag pahinga. Basta panghahawakan ko yung sinabi mo na babawi ka sa akin."
Hinalikan pa niya ako sa lips ko. Nagulat lang ako sa ginawa niya kahit na ilang beses na niya itong ginawa. Nasa harapan din kasi kami ni papa. Umalis na yung boyfriend ko at pinatong ko ulit yung bulaklak sa lamesa. Ang sama ng tingin ko sa papa ko, may atraso siya sa akin.
"Ang tagal niyo na palang dalawa ni Nash-"
"Pa please, kapag pumunta ang boyfriend ko dito sa bahay, sana ay irespeto niyo rin siya."
"Oh bakit? Wala akong sinabing mali sa kanya. Bakit ka nagagalit sa akin?"
"Kasi pa, yung way mo ng pagsasalita kanina ay parang pagalit. Yung totoo ha? Ano ang mga napag usapan niyong dalawa? Siguro naman bilang girlfriend niya ay may karapatan din ako na malaman kung anoa ng mga napag usapan niyo."
"Walang masyadong lama ang usapan namin. Puro lang kalokohan at tungkol sa dati kong buhay."
"Sure ka pa? Kung ikaw kaya mong makapag sinungaling sa akin, sinasabi ko sayo na ibang tao ang boyfriend ko. Kapag tinanong ko siya mamaya at may sinabi siya, hindi kita bibigyan sa sahod ko."
Nagbibiro lang naman ako sa part na ito. Gusto ko lang din sana na malaman kung ano ang mga napag usapan nilang dalawa.
"Ehhhh..." nauutal pa siya, nag dadalawang isip na, siguro nakikita niya ang mukha kong seryoso kaya natutuliro na ito, "Sinabihan ko lang sa maayos na pamamaraan na wag muna kayong mag asawa. Mag enjoy lang muna kayo sa kung ano ang namamagitan sa inyo. Ang pag aasawa, nanjan lang yan. Tulungan mo muna kaming pamilya mo."